CHAPTER FIVE

Background color
Font
Font size
Line height

Bumalik na kaming lahat sa kanya-kanyang trabaho at bumalik na ako kaagad sa office para aralin ang susunod na plano namin at ang trabaho ko.

Putangina hindi pa ako nag-breakfast.

Kinuha ko muna ang selpon ko para tawagan si Ash habang pababa ako sa cafeteria.

“We're you going?” tanong ni Boss ng tumayo na naman ako ulit.

“Kakain, boss.”

“Dika pa nag-breakfast?” kunot-noong tanong niya.

Daldal amp!

“Hindi pa, boss.” peke akong ngumiti.

“Sabay na tayo.” suggest niya at tumayo na kaagad. Hindi niya suot ang coat at tinanggal din niya ang necktie. Naka-bukas ang tatlong botones hanggang dibdib, and his sleeve ay tinupi niya hanggang siko.

Kaya mas gumwapo amputa!

Pero hindi ko bet.

Sumakay na kami sa elevator pababa sa cafeteria, napatitig ako sa kabilang leeg niya ng may makitang tattoo ng pangalan niya 'leiwatson' ang nakalagay. I tilt a little bit my head to the right to see his whole tattoo.

Napalingon naman siya sa'kin ng makitang titig na titig ako sa leeg niya.

“Why, is there any problem?” nagtatakang tanong niya at kinapa ang leeg na tinitignan ko.

Hinawakan ko ang kamay niya para hindi matakpan ang tattoo niya, ang ganda kasi.

Magpatattoo 'din kaya ako, haha!

Nagulat siya ng tanggalin ko ang kanyang kamay.

“May tattoo ka pala.” nagugulat na sabi ko.

He bit his lower lip to stop smiling but he failed. “Yan naman pala. Yeah,” sagot niya at tumitig pa sa mukha ko.

“Masakit ba?” nagtatakang tanong ko at tumingin sa kanya.

Umiling siya. “No, just like a bite of dinasour.” natatawang sagot kaya inirapan ko nalang at tumingin ulit sa tattoo niya.

“Mag pa-tattoo rin kaya ako.” taas kilay na tanong ko.

“Where?”

“Here, too.” turo ko sa leeg ko 'kung saan parte na may tattoo siya.

“Do you want me to mark it?” he asked smirking.

“Why? Alam mo ba?” taas kilay pa'rin na tanong ko.

“Of course,” ngisi niya.

“Sig-” hindi ko na naituloy ang sasabihin ng mapagtanto ang sinabi niya.

Do you want me to mark it?

Iba naman ang mark sa tattoo ah!

Putangina, naisahan ako 'don ha! Kinilig ako konti, chos.

Sinamaan ko siya ng tingin ng tumatawa na ito. Itinuon ko nalang ang attention sa tattoo.

Ang liit at ang ganda ng pagkakasulat.

Minimalist talaga.

“Pwede hawakan?” ignoranteng tanong ko.

Nacu-curios lang naman.

Tumango siya at hindi pa inaalis ang tingin sa'kin. Tumingkayad pa ako para lang malapitan pa ito ng mas malapit bago hawakan.

Kahit naka-heels, gora!

Naka-hawak pa'rin ako sa kamay niya bilang suporta sa pagtingkayad ko.

“Ganon ka.” siyenyas 'kong itabingi ang ulo. Ginawa naman niya kaagad ang sinabi ko.

Dahan-dahan 'kong linalapit ang hintuturo ko hanggang sa dumikit na sa balat niya.

'Kung sakalin na kaya kita? Hahaha!

Malambot siya! Ang sarap sakalin!

Biglang bumukas ang elevator kaya napatingin ako 'don kaagad, napatigil ang kwentuhan ni Xi-A at Yass ng makita ang posisyon namin ni Lei.

Agad 'kong binaba ang kamay ko na nakahawak sa leeg niya at lumayo ng konti.

Hehe, sorry.

“I pretend that I didn't see anything...hahaha!” gulat na sabi ni Xi-A bago tumingin kay Lei ng nakakaloka.

Eh, 'kung I pretend too, that i didn't see you?

“Tsk.” 'yan lang ang tanging binigkas ni Lei.

Lumabas na kami at dumiretso na sa cafeteria.

“Nice one, bro!” natatawang pahabol ni Yass bago sumara ang elevator.

Mag-chichismis na naman 'yon, panigurado.

Umupo kami sa pang-dalawang tao. Naka-tingin sa'min ang ibang empleyado lalo na ang kababaihan bago sila mag-chismisan nagtataka 'kung bakit kami ngayon magkasama ng da-dalawa lang.

Umorder lang ako ng burger, italian pasta at lemon juice. Burger at water lang 'din kay Lei.

Diet! Nagpaparami ng abs, haha!

“You have an visitor pala tomorrow, boss.” panimula ko habang inihintay ang order namin. Hindi ko matignan sa mata nahihiya ako sa ginawa ko.

Nabasa ko sa schedule niya na may bibisita sa kanya bukas.

“Who?” he asked.

“From other company,” sagot ko. “She emailed me that important matters daw, she wanna asked you something.” mahabang paliwanag ko.

Tumango lang siya. “So, babae ang bisita ko?” takang tanong niya.

Ay hindi, tomboy! 'She sabi ko na nga eh!

Tumango nalang ako at hindi na siya inabalang sagutin pa. Dumating na'din ang order namin at sinimulan ng kumain.

Teka nga, galit lang 'to kanina, ha? Ambilis naman humupa, naks nakita lang 'yong beautiful face ko!

“Why are you smiling?” taas kilay na tanong niya sa'kin.

“A-ahh wala, boss!” agad na sagot ko at pinagpatuloy ang kinakain.

“Hindi ako papayag na magpatalo sa kaniya.” dinig 'kong sabi ng isang babae kaya napatingin ako sa entrance.

Khae?

“Pa'no yan? Marami siyang supporters.” natatawang sagot naman ni Ami.

I know it was fucking me!

Tinuloy ko nalang ang kinakain at hindi na sila pinansin.

“Gagawa ako ng paraan para mapa-bagsak siya.” matigas na sagot ni Khae.

“My God, she's here.”

Bumulong pa, dinig naman!

Hindi ko sila tinignan para hindi nila malaman na nakikinig ako.

“She's with, b-boss.” nagugulat 'pang dagdag ni Ami.

Andito lang naman naka-upo yung taong pinag-uusapan niyong dipunggol kayo!

Hindi na ako nag-abalang lingunin sila, dahil pa fame ako. Chos.

I lost my fucking appetite!

Ibinaba ko na ang tinidor ko at uminom nalang sa lemon juice.

“You're done?” nagtatakang tanong ni Lei.

“Yeah,” tango ko.

Meron talaga'ng araw na parang ako yung Boss hahaha!

“Diet.” dinig ko pang bulong niya at ngumisi.

“Fyi, hindi ako nag-da'diet!” umiirap sa kawalan.

“Fine, let's go.” yaya niya at nauna ng tumayo.

Nakita kung lumabas na sina Khae kaya tumayo na'rin ako.

“Mauna ka na, boss.”

“Where do you fucking go, again?” taas kilay na tanong niya.

“Basta...” sagot ko. “Miss mo na naman ako, agad.” bulong ko.

Gusto mo ba oras-oras na makita ako?

“Asa! Kadiri ka!” kadiring sagot at umirap oa sa'kin!

Bading, duh!

“Sinasabi mo?” maang-maangan na tanong ko. Nahihiya sa narinig.

“I heard your whisper. Tsk!” sagot naman niya.

“H-huh? Wala kaya akong binulong!” umirap ako sa kanya at tumalikod na.

Dumiretso ako ngayon sa mga empleyado para bumisita 'kung kumusta sila.

Nasa glass door palang ako ng may marinig na nag-aaway sa lakas ng sigawan!

“Ano bang problema mo kanina ka pa, ah!” sigaw ng isang babae.

Teka, boses ni Ash 'yun, ah.

“Bakit, sumusuko na ba kayo sa ibinigay na task sa inyo? Haha!” insulto ni...Ami?

What are they doing?! Task? Yun investment ba?

“Eh, ano namang pakealam mo?” mataray na tanong ni Ally.

“Hahaha, oh...” hinawakan pa niya ang baba para mag-isip. “Hindi na ako magtataka kung magkakaibigan kayo ni, Sec. Garrette,” ngisi pa niya. “Pare-parehong manggagamit!” sigaw pa niya!

Uminit bigla ang ulo ko sa narinig! Merong natawa, meron namang tahimik lang.

Aba, sinisimulan mo talaga ako, ha!

“Sumu-sobra kana! Dinadamay mo pa 'yung taong tahimik!” sigaw naman ni Ash.

“Tahimik? Or may ginagawang hakbang?” taas kilay na sabat ni Khae.

“You don't fucking care, mind your own business!” mataray na sagot ni Ally at bumalik na sa upuan.

“Wala kaming business eh, naiinggit nga ako sa inyo...nakaka-bingwit ng mga lalaki!” sigaw ni Ami na nagpiinit sa dugo ni Ash.

Naiinggit ka lang.

Wala pala sina Xi-A at Yass dito.

Edi mamalimos ka!” sumbat ni Ally!

“You asshole!” sigaw ni Ami at hinila ang buhok ni Ally!

“Aray!!”

“Bakit kaya hindi mo lagyan ng tahi 'yang tanginang bunganga mo!” sigaw ni Ash at sinabunutan naman si Ami!

Ganyan nga ang kaibigan ko!

Lumapit si Khae at bigla nalang sinampal si Ash ng malakas kaya napadapa ito kaagad!

Wtf?

Agad akong tumakbo at pinigilan ang sunod na sampal ni Khae kay Ally!

Hinawakan ko ito sa palapulsuhan at matalim na tinignan.

Nagulat silang lahat ng makitang nandon pala ako sa pintuan nakikinig. Bumalik naman kaagad ang iba sa kanilang mga upuan at nag-maang-maangang walang nakita.

Dapat ginigisa sa maiinit na mantika 'yang bunganga mo!

“Try to hit her once more, hindi ako magda-dalawang isip na saktan ka!” pailalim ko siyang tinignan. Hinagis ko kaagad ang kamay niya bago sinampal ng malakas!

Tinulungan na'rin ni Ally si Ash na tumayo. Namumula na ang pisnge sa lakas ng pagkakasampal sa kanya!

Nagulat silang lahat sa ginawa ko lalo na si Khae at Ami.

“Hindi porket Secretary ka, magagawa mo na lahat ng gusto mo!” sigaw sa'kin ni Khae.

“Bakit, hindi porket Assistant Secretary ka pwede ka ng umapak ng mas mababa sa'yo!” sagot ko sa kanya at natigilan itong kinabahan.

Akala mo kung sino.

“Ang kapal mo,”

“Natamaan ka?” ngisi ko sa kanya.

“Wala kang respeto!” sigaw na naman niya.

Putangina nahu-hurt na 'yong airdrums ko.

“I'll respect who deserve to be respected.” ngiti ko sa kanya.

Sasampalin na sana niya ako ng napigilan ko ito.

“Kasasabi ko palang, ginagawa mo na naman.” ngisi ko sa kanya.

Ngumisi naman siya ng malaki at bigla nalang isinampal ang sariling kamay sa mukha, kaya nagulat ako kaagad sa ginawa niya!

Umarte naman ito na nasaktan at hinawakan pa ang pisnge. Mas kumalabog ang dibdib ko ng biglang lumapit si Boss kay Khae at tinignan ang sinampal sa sariling mukha.

Napa-lingon din ako kina Xi-A at Yass na gulat na gulat sa'kin!

Bakit kayo nakatingin sa'kin? Hindi ako may gawa niyan!

“What are you doing?!” sigaw sa'kin ni Boss Lei!

Napaatras naman ako sa gulat.

“I-I did not-”

“Shut the fuck up!” pigil niya sa sasabihin ko. Nakita ko namang ngumisi si Khae. “Ikaw pa talaga ang sumugod dito!” dagdag pa niyang sigaw sa'kin!

Humanda ka saking hayop ka!

Nagsi-alisan na ang mga nanonood sa'min kanina at bumalik na sa kanilang ginagawa. Si Ally at Ash ang nasa likuran ko ngayon habang si Khae at Ami naman ang nasa harapan ko, katabi si Lei.

Nasa pinto naman nakatayo yung dalawang kaibigan niya na hindi makapaniwala sa ginawa ko!

Kasalanan ko na naman?

“Okay, fine. Paniwalaan mo gusto mong paniwalaan, boss.” malamig na tugon ko at tumalikod na para umalis. Bumagsak pa sa isang mata ko ang luha bago ko malagpasan 'yung dalawa. Pinunasan ko na baka may makakita pang iba.

Hindi ako makapaniwalang naniwala kaagad sila sa nakita!

Daya mo, di'mo iniisip 'yung nararamdaman ko.

Hindi na sumunod sa'kin sina Ash dahil baka isunod pang pagalitan ng kumag na 'yon. Kukumustahin ko nalang siya mamaya.

Dumiretso na ako sa office at pinagpatuloy nalang ang ginagawa, tinapos ko na lahat para wala na akong gagawin mamayang gabi. Bumukas ang pinto at pumasok doon si Lei na may kausap sa selpon. Hindi ko na ito inabalang lingunin pa.

“I don't fucking care!” rinig ko pang galit na sigaw niya sa kausap.

“I have my fucking way, Mr. Benevento.” matigas na sagot ni Boss. Tumayo nalang ako at kinuha ang gamit para mag-palamig muna sa veranda.

Hindi pa ako nakaka-alis ng tawagin na naman ako ng mukong.

“Garrette.”

Kalma, Garrette.

“What is it, boss?” humarap ako sa kanya pero hindi ko tinignan sa mata.

Hindi ko pa tanggap kanina, kung makasigaw ka sa'kin!

“Give me the details of the other products.” utos niya.

Tumango nalang ako at bumalik ulit sa table para kunin ang dokumento sa productong ginagawa namin. Nag-ring ang selpon ko kaya sinagot ko ito habang hinahap ang king-inang folder.

“Oh?” bungad ko.

“A-ate si Papa!” umiiyak na sagot ni CL. Kinabahan naman ako kaagad. Nakita ko na ang folder at tumayo na para ibigay kay Boss.

“B-bakit?” kinakabahan din na tanong ko. Nakatayo lang ako sa harap ng table ni Boss at hindi pa nai-ibigay ang folder.

“N-nasa h-ho-” hindi nito naituloy ng sigawan ko siya.

“Just fucking straight to the point!” sigaw ko sa kanya na nagpatigil din sa pagta-type ng laptop ni Boss at nagtatakang tumingin sa'kin.

Natulala ako at basta-basta nalang nai-lapag ang folder na hawak ko at nakatitig sa 'kung saan.

“S-si papa, ate! Nasa hospital, pumunta ka nalang dito, dalian mo!” umiiyak na sigaw niya.

“W-what?” basag na boses ng tanong ko!

S-si papa!

Hindi ako maka-isip ng matino ng mag-develop sa isip ko ang sinabi niya. Tumulo na ang luha ko at nagmamadaling kinuha ang bag.

“Garrette!” tawag sa'kin ni Boss pero hindi ko na siya liningon pa. Nagtatakbo na ako sa hallway, wala na akong pakealam 'kung maraming nakatingin sa'kin!

Papa, wag naman sana ngayon!

Agad akong nakarating sa parking area at pina-harurot ko na ang sasakyan ko papunta sa dating hospital na pinupuntahan namin!


You are reading the story above: TeenFic.Net