CHAPTER EIGHT

Background color
Font
Font size
Line height

"Secretary mo!" sigaw ng isa sa lalaki at tumawa ng malakas.

Ako ba pinag-mamanyakan mo? Sisipain kita papuntang pluto animal ka!

“Sige kunin niyo na!” sagot naman ni Lei.

Hinarap ko ito at sinampal ang braso.

“Gago ka ba? Ibibigay mo talaga ako sa kanila.”

Putangina mo! Ako na nga nagma-magandang loob sa'yo tapos ito ipapalit mo?!

Teka wala pa yata akong ginawa sa kanya, ha?

Ay wala pa pala.

"Mas nasasayahan ako kapag mabilis kayong kausap!" ngisi ng isa.

Dahan-dahan itong lumapit sa'kin kaya umatras ako ng umatras hanggang sa tumama ang likod ko sa isang sasakyan.

Sumeryoso agad si Lei at nagmamasid sa lalaki.

Tumaas ang balahibo ko ng biglang bumagsak ang lalaki sa harapan ko. Napatingin ako sa kaliwa ko ng makita si Lei na sinipa ang lalaki.

Nayswan.

Nag-alerto rin ang mga kasama nito kaya tumakbo kami sa gitna ni Lei.

Nahihirapang tumayo ang isa hanggang sa nakapalibot na silang tatlo sa amin.

"Kayo ng bahala!" sigaw ng babae na nakatingin lang sa'min.

Sumadal kami sa likod ng isa't-isa at nakahanda sa pagsugod nila.

Edi sana nandon na kami sa bahay ngayon nagpapahinga!

Sumugod ang isa sa'kin kaya kinabahan ako kaagad. Sinipa ko ang kahoy na hawak nito kaya tumilapon sa gilid.

“Nice one, love!” rinig ‘kong bulong ni Lei!

“Love mo mukha mo!”

Mamatay na'ko dito, huhuhu!

Nakangising lumapit sa'kin ang lalaki at sumugod naman ang isa kay Lei. Inambaan ako ng suntok ang lalaking nasa harapan ko kaya binelatan ko.

“Duwag.” asar ko pa sa kanya.

Pa'no ako makakagalaw eh naka-dress pala ako at ang mas nakakainis naka-heels pa!

Sinagga ko ang akmang pag-suntok niya sakin kaya nakakita ako ng pagkakataon na sinampal ng hard.

Dali-dali 'kung tinanggal ang heels ko para gagamitin sa susunod na pang-sampal sa matigas niyang mukha.

“Lei!” sigaw ko ng sumugod sa kanya ang isa kaya nagulat ako ng buhatin ako at pinaikot kaya sinipa ko sa mukha ang lalaki.

Nice one, love. Chos.

Sinipa ko sa tagiliran ang isang lalaki at pinagsusuntok ito hanggang sa mahirapan ng tumayo. Tumalon ako patalikod at sinipa sa mukha.

Ayon bagsak!

Si Lei naman ay nakikipag-agawan sa dospordos hanggang sa maagaw ito at ginamit na pamalo sa lalaki.

"Saan ka pupunta?" ngisi sa'kin ng babae.

“Sa impyerno, kita tayo 'don.” asar na sagot ko naman.

"Ang tapang 'mong sekretarya ng Watson!"

“In born.”

Joke lang, baka tumba ako dito! Huhu!

Sumugod kaagad siya at sinipa ako sa mukha. Napadapa ako kaagad at napahawak sa gilid ng labi ng may dugo na 'don.

Sabi ko na!

Tumayo na ako kaagad ng akmang susugod na nanaman kaya inunahan ko ng sinapak sa mukha. Pumaikot ako ng iwinasiwas niya ang kahoy sa tagiliran ko.

Umatras ako ng makitang may hawak na siyang kutsilyo!

Aba, baril lang kanina ah!

Lamang na ako dito.

"Ano? Lumapit ka!"

“Ano ako tanga? Daya mo uy!”

Pinaikot niya ang kutsilyo sa mga kamay at sumugod bigla sa'kin. Umiwas ako ng itarak niya sa harapan ko kaya tinadyakan ko ang binti nito hanggang sa mapahiga.

Pinatungan ko siya kaagad at pinagsasampal sa mukha. Tinuhod naman ako sa likod at pinagewang hanggang sa siya naman ang nakapatong sa'kin.

Sinampal ako kaagad at inilabas ang kutsilyong hawak kanina. Sinuntok ko ang tagiliran kaya napabitaw sa kutsilyo at sinakal ako.

“G-gago k-ka! A-alam mo ba 'yon?” nahihirapan na sigaw ko.

Hinang-hina 'kong hinila ang buhok at napahiga sa may paanan ko. Itinaas ko ang isang binti ko at ni-lock ang leeg niya.

Si Lei naman ay nakikipag-suntukan pa'rin sa dalawang lalaki. Bagsak na'rin ang isa at wala na itong lakas na tumayo. Hinigpitan ko ang hawak ko sa babae at sinikmuraan bigla.

Hindi ko napansin na nakapa niya ang kutsilyo kaya nadaplisan ang binti ko sa pagkakasakal sa kanya!

Aray ko! Ilang taon 'kung inalagaan tapos dadaplisan mo lang ng kutsilyo?! Aba, mali iyan!

Tumayo na kami kaagad at buti nalang bagsak na'rin ang isang kalaban ni Lei. Pinulot ko ang isang kahoy sa harap ko para sana ipalo sa kanya ng tutukan ako ng baril!

"Ang hirap 'mong pabagsakin! You, bullshit!" sigaw ng babae sa'kin.

“Tarantado ka ba? Malamang magandang damo ako!” inis na sigaw ko rin sa kanya at inayos ang buhok.

"Ngayon tignan nga na'tin ang galing mo!"

Nako...masama 'yan kapatid!

“Garrette!” sigaw ni Lei at napalingon sa lalaking susugod sa'kin. Iwinasiwas ko ang hawak na kahoy at pinaikot sa taas bago ipinalo sa binti niya ng malakas.

Nakita 'kong tinutok ng babae ang baril na hawak kay Lei kaya tumakbo ako ng mabilis papunta sa gawi niya at sinipa ng malakas ang lalaking kalaban nito. 'Yun din ang oras na pinaputok ng babae ang baril kaya tinulak ko si Lei padapa pero bago pa ako bumagsak sa kanya natamaan na ang balikat ko ng bala!

“FUCK! GARRETTE!” tapik niya sa'kin ng nakadapa ako sa dibdib niya.

Nagulat pa siya ng may mahawakang dugo sa balikat ko.

Dahan-dahan akong binuhat papunta sa sasakyan at dumiretso sa hospital! Ang pagkakataon na iyon ay ang pagtakas ng mga kalaban namin kanina.

“Are you okay?” nag-aalalang tanong niya.

“Okay lang, malayo sa bunbunan.” natatawang sagot ko.

“Just fucking answer me seriously!” sigaw niya sa'kin.

Concern ka pa!

“Okay nga lang ako!” pasigaw na sagot ko din.

Hindi ako bingi!

Inalalayan niya akong bumaba at may mga nurse na agad ang lumapit sa'min.

Imbis na ako ang asikasuhin si Lei naman ang inasikaso kaagad!

Sige ikaw na gwapo!

Dumiretso kami sa ER para ipagamot ang sugat na'min.

May pasa naman si Lei sa mukha at mga braso niya. Kumuha sila ng emergency kit at sinimulan ng linisan ang sugat ko sa balikat. Pinatanggal nila ang dress ko pababa kaya tanging panloob nalang ang suot ko sa pang-itaas. Umiwas naman kaagad si Lei ng makitang nakatingin ako sa kanya. Kasalukuyan ng ginagamot ang mga pasa niya sa mukha at braso.

Mahapdi.

“Aray!” sigaw ko ng diinan ng nurse ang sugat ko. Iba kasi ang tinitignan!

Nakatingin ito kay Lei!

“Sorry, Miss.”

“M-masakit!” naiiyak ng sabi ko ng lagyan nila ito ng alcohol!

Tapos ng nagamot si Lei kaya nag-aalala itong tumingin sa'kin.

“Sir, samahan niyo nga muna ang girlfriend niyo takot ata sa alcohol!” natatawang sabi ng Doctor.

Nagulat naman kaming nagkatinginan ni Lei sa sinabi ng doctor pero agad 'din nag-iba ang reaksyon ko ng ngisihan ako.

Ulul mo! Nabingi ka lang!

“I'm not his girlfriend, doc.” inis na sabi ko.

Hindi sila naniwala sa sinabi ko.

Sa itsura 'kong 'to? Mukha ba akong nag-sisinungaling?

“Wag mo ng itago, miss. Bagay nga kayo.” sulsul naman ng nurse.

Sa ganda 'kong 'to? Siyempre bagay na bagay talaga kami. Enebe!

Chos.

“Hindi nga po.” ulit ko. Lumapit naman sa'kin si Lei kaya mas kinilig ang mga nurse na gumagamot sa'kin.

Siguro 'kung nag-aagaw buhay ako dito natuluyan na akong namatay.

“Soon to be.” ngisi ni Lei sa kanila. Kinuha niya ang kanyang coat at itinakip sa dibdib ko.

Soon to be mo mukha mo!

Naiyak na ako ng linagyan na naman nila ng alcohol.

“Dahan-dahan naman.” bulong ko. Napahawak ako ng mahigpit sa braso ni Lei ng lagyan na naman nila ulit ng alcohol ang sugat ko.

Bakit ba kasi alcohol na naman!

Kumuha ng panlinis si Lei at sinimulan nitong linisan ang dugo sa gilid ng labi ko. Nakatitig lang ako sa seryosong mukha niya.

Mas maganda pala pag-malapitan! Mapula-pula ang labi niya.

Nakikita ko din ang mga pilik mata nitong makapal at ang kilay pa niya. Matangos ang ilong at kulay brown ang mga mata.

Dinampian niya ang sugat ko sa gilid ng labi gamit ang maliit na cotton at meron itong alcohol kaya napalayo ko kaagad ang ulo ko.

“Mahapdi.” bulong ko.

Nakahawak lang ako sa coat niya'ng nakatakip sa dibdib ko. Ang isang kamay naman niya ay inihawak sa ulo ko para hindi ito gumalaw. Pinatingala ako gamit ang isang kamay bago dampihan ulit ng cotton. Hinipan nito kaya wala na akong maramdaman na hapdi. Lininis niya muna bago linagyan ng band aid. Napatingin din siya sa mga labi ko bago napalunok.

Nakatayo siya sa harap ko habang ako naman ay naka-upo. Idinikit niya ang mukha ko sa dibdib para mapahidan ang luhang tumulo kanina.

“Itaas mo ang kamay mo.” sabi sa'kin ng Doctor. Hinawakan ni Lei ang isang kamay ko na naka-hawak sa coat niya at siya ang humawak para matakpan ang dibdib ko. Itinaas ko ang isang braso 'kong tinamaan at inihawak sa bewang ni Lei.

Nangangalay na ho ako!

Ng matapos na nilang magamot at linagyan ng band. Tinulungan na ako ni Lei na itaas ang dress 'kong binaba nila hanggang dibdib.

Sinunod naman nilang ginamot ang nadaplisan ng kutsilyo sa legs ko kaya naupo na din si Lei sa tabi ko.

“Mas marami ka atang tama, Miss.” iling ng nurse.

Wala po akong mali eh hehe.

“Here, ito 'yung gagamitin 'mong panlinis sa sugat mo. Wag mo munang basahin ng tubig para hindi magka-affection.” paalala sa'kin ng doktora.

“Opo, salamat po doc,”

Kinuha na ni Lei ang binigay ng doctor at inalalayan na akong sumakay sa BMW niya. Napatingin ako sa relo ko ng 9pm na. Hindi pa kami nag-dinner.

Inaantok na ako pero bawal akong matulog ngayon, dadalaw pa ako kina mama at 'yung plano pa namin. Mag-rereview pa ako at mag-priprint pa ng pinapagawa nila sa mga supply ng kumpanya.

Aytss.

Nakarating na kami sa hotel mga quarter to 10. Naupo ako kaagad sa sofa dahil sa pagod.

Tinanggal na ni Lei ang coat at tinupi ang long sleeve polo hannggang sa siko bago binuksan ang tatlong botones ng polo.

“Rest. I cook.” sabi niya bago dumiretso sa kusina.

Aysst may katulong na ako!

Kinuha ko muna ang dokumento ko at sinimulang ng basahin, hindi pa nakakalahati ng makatulog na ako sa sofa.

Hindi ko alam kung paano ako napunta dito at naka-upo sa may duyan habang pinagmamasdan ang araw ng papalubog.

"Garrette, anak! Kumusta ka? Okay ka lang ba? Miss ka na ni, papa."

Agad akong napatingin sa tabi ko ng umupo din si papa sa duyan.

"P-pa, ikaw ba 'yan? H-hindi po ako okay, pa'no ako magiging o-okay 'kung wala ka sa tabi ko? Ha, pa? Miss ka na namin nila CL at mama." umiiyak na sagot ko.

Ngumiti naman siya sa'kin.

"Pasensya na anak, ha? Hindi na kasi kaya ni papa. Mahina na ang kanyang puso." nakangiting sabi niya.

"Naiintindihan ko po, papa. Sana maayos na kayo ngayon."

"Okay ako dito anak, wag kayong mag-alala babantayan ko kayo dito sa itaas."

"S-salamat pa, hanggang s-sa muli nating p-pagkikita." humikbing paalam ko.

"I love you, anak. Mahal na mahal ko kayo. Mag-iingat kayo." paalam niya at unti-unti ng naglaho ang itsura.

“Papa!” sigaw na tawag ko.

“Garrette? Are you okay?” tanong ni Lei ng sumigaw ako.

Napaginipan ko si papa!

Siya iyon hindi ako nagkakamali!

“Ha? Y-yes!” agad na sabi ko at pinunasan ang luhang tumulo.

“Let's eat.” yaya niya at tinulungan akong tumayo.

Alam 'kong inaantok na siya pero linalabanan nalang niya iyon.

Naupo na ako kaagad sa dining at tinignan ang kanyang linuto. Meron itong soup, solong gulay, at pritong isda na naka-hain. May prutas din sa gilid na nahiwa-hiwa na.

“You need to eat soup.” palala niya sa'kin.

Linagyan na niya ang mangkok ko ng soup at gulay naman ang inilagay sa plato ko. Linagyan niya rin ako ng isda.

Sinimulan na naming kumain after na'min magdasal at magpasalamat sa pagkain na ito.

All this time ang sarap niyang magluto.

Masarap ka'rin 'bang ulamin?

Nang matapos akong kumain, kumuha siya ng panibagong plato at linagyan ng prutas.

“Palagay 'din ng kiwi.” dagdag ko.

Uhmm, matamis ang mga ito at sakto lang ang hinog.

Sweet na sweet.

“Paabot ng tubig.” utos ko ulit. Tinignan niya ako ng masama.

Hindi ako makagalaw no! Ako ang boss mo ngayon, duhh!

“Ako na maghuhugas!” presinta ko.

“Ako na.” pilit naman niya.

“Ikaw na nga nagluto, ako na maghuhugas.” matalim ko siyang tinignan.

“How?”

“Edi ganun!” inis namang sagot ko at inaction pa.

“Mahihirapan ka lang.”

“Ako ng bahala!” taas-baba pa ng kilay ko.

“One fucking reason, one kiss.” he chuckled. “Pasaway ka ha!” Tinignan niya ako sa mata.

Napatingin 'din ako sa mata niya ng makitang inaantok na talaga!

My gosh! 'One fucking reason, one kiss!'

Sige damihan ko 'pang mag-rason para naman masulit ko 'yang labi mo, hahaha! Chos!

“S-sabi ko i-ikaw na!” agad na sagot ko at dali-daling tumalikod.

I heard him laughed. Pumunta
na ako sa kwarto ko para ayusin na ang mga gamit ko.

Paano ako makakaligo neto?

Wag ka ng maligo.

Joke.


You are reading the story above: TeenFic.Net