CHAPTER 42

Background color
Font
Font size
Line height

I noticed that Callih smiled and Lei looked away so I followed them. Magkakatabi lang naman kami and it's a same room so it's okay for me to be alone. The room that Lei rented was big, it had a big bathroom inside and a big bed in the middle. It looks like just one room and there is a sofa set on the side while the big TV is hanging on the wall. This room is also air conditioned, I walked closer to the big mirror before opening the long curtain so that the beautiful sea was revealed to me!

I wish I could be this happy every day.

I arranged my things on the side before going out to see, Xi and our friends also going out. Callih was just following Lei so I changed my way to Xi who was currently talking to Ally.

"You listen." I said sarcastically to Ally seeing that she was just staring at Xi who was speaking.

"Holuwl!" she answered so I grinned at her.

“Saan ba tayo pupunta, ha?” nagtatakang tanong ko kay Yass ng makitang lahat kami papunta sa gilid ng dagat.

“Hindi mo alam?”

Ay tanga, magtatanong pa ba ako 'kung alam ko?

“Hindi.” nagpipigil ng asar na sagot ko.

Ang slow!

“Sa heaven.”

“You jerk!” kukurutin ko na sana siya ng tumawa kaya napatingin ang mga kasamahan na'min.

“Just kidding.” bawi niya sa'kin.

“Hintayin mo nalang.”

“Bakit ba kayo nandito?” nagtatakang tanong ko sa kanya ng makitang may pasa-lubong sa'min na malaking Yate.

“To celebrate.”

“Who?”

“May something ba kayong dalawa, ha?” pagsabat ni Xi kaya napasulyap ako sa kanya.

Chismoso.

“Something mo mukha mo!” make-face ko sa kanya bago binalik ang tingin kay Yass.

“Ano na, sino?”

“What?”

Bigla ko itong pinalo ang kanyang braso dahil sa inis. “Ang slow mo!!” inis ng sigaw ko sa kanya bago sinipa ang mga buhangin.

Narinig ko naman ang hagikgik ng mga kaibigan ko kaya hindi ko na sila pinansin!

Bwisit!

Bakit ba ang slow ng mga tao ngayon, grabe!

We only stopped walking when the big yacht stopped at the woodbridge. Xi and Ally walked there first before Ash and Yass followed. I was late so they wouldn't see me slip when stepping on the woodbridge.

Mahirap na, baka madulas ako diyan!

Lei was leaning on Callih's steps on the woodbridge so I looked away when they looked at me who was still on the sand.

"Whoa, what are you doing there?" Ally asked with a laugh.

"Standing, probably!" I replied auspiciously.

"Alalayan mo nga bro!" Xi ordered before they laughed out loud.

Mga hunghang!

I walked across the woodbridge with a blank reaction and thought I might slip! Lei came to me and held my hand before supporting me in my steps.

“Sana all!”

“Ehemmm!”

“Ano 'yan ha?!”

“Edi kayooo naa!”

I hear them teasing me! I glanced at Callih as she looked surprised at what she was hearing, so I immediately took my hand back as soon as I got on the yacht. The Yacht started to leave so we walked to the other side to sit on the circular sofa with a table in the middle.

"Lei, help me get the drinks inside." yaya ni Callih kay Lei na kauupo lang!

Ang daming iba diyan na tawagin mo!

May staff naman diyan na uutusan mo, ah!

“Xi can you please—!”

“No.” agad na pigil ni Xi sa sasabihin ni Lei.

“You, Yass?”

“I’m tired.” agad naman na sagot nito at nagpipigil ng tawang sinandal ang ulo.

“Ally—Ash, please can you?”

“Ayaw mo ba akong tulungan, Lei?” pamewang ni Callih at umiwas naman ng tingin ang dalawa.

“Okay fine, you fucking—!”

“What?” naghahamon na tanong ni Callih.

“Oh, of course n-nothing!” agad na bawi ni Lei.

Agad naman na pinalo ni Callih sa braso si Lei kaya napadaing ito. “The hell, it's hurt!”

“I told you to do not talk bad words!”

“That’s not damn bad words!” pagtatanggol naman ni Lei sa sarili.

Sutil!

“Ano ba 'yan, nauuhaw na ako dito!”

“Nagugutom na'rin ako!” parinig ng dalawang sutil din na kaibigan ni Lei.

“Si Lei kasi—...” napatigil sa akmang pag-paliwanag ni Callih ng tumayo ako.

Umiwas naman ako ng tingin na parang wala akong pakealam sa kanilang dalawa.

Sa harap ko pa talaga.

“Where are you going, Jupiter?” nagtatakang tanong ni Ally at tumayo na'rin ito na sinundan ni Ash.

“Sa banyo.” tipid na sagot ko.

“Sasamahan ka na namin.” pahabol ni Ally.

“No need. I can do it SOLO.” pagdiin ko sa salitang 'solo'. Napa-tingin naman sa ibang direksiyon sina Xi at Yass na animo'y walang narinig.

Kukuha na nga lang ng drinks ang dami 'pang arte!

Talaga 'bang sa harap ko pa kayo mag-landian? Nakakawalang gana!

Sana nalaman 'kong ganito na naman pala mangyayari, sana hindi nalang ako sumama, peste!

Naglakad na ako kaagad ng hindi tinanong 'kung saan ba dito banda ang banyo nila.

Bahala na!

“Uy, Jupiter sa kabila ang banyo!” natatawang pahabol ni Xi.

“Sabi ko nga!” naiinis na sagot ko. Binilisan ko na ang naglakad papunta sa kabila at hindi naman ako nabigo ng makita ito kaagad.

Pumasok na ako kaagad at napatunghay nalang bigla sa sink.

“Hindi ako naapektuhan, hindi!” bulong ko sa sarili habang naghilamos sa tubig.

Sometimes ignoring is the best way to pretend that you're not affected from the things that's hurts you secretly.

Naghilamos ulit ako at huminga ng malalim bago lumabas na sa banyo na parang walang nangyari.

Naupo na ulit ako ng makitang wala pa ang dalawa.

“Uy, Garrette!” tawag sa'kin ni Yass.

Napatingin naman ako kaagad sa paligid para tignan 'kung nandon si Callih.

“Pwede ba, don't call me Garrette!” agad na bulong ko.

Nagtataka naman silang tumingin sa'kin.

Muntik na, baka marinig ni Callih!

Hindi naman sa ayaw 'kong sabihin, tulad nga ng sinabi ko dati tatadtarin ako neto ng tanong!

“Why?”

“Basta, Chin nalang or Jupiter! Kahit ano basta wag lang 'yung Garrette!” inis na sagot ko.

“Okay fine, calm down Garrette Louiza—este Jupiter!” nang-aasar na sabi ni Xi.

“Alam mo Xi, pag-ako nadali kukutusan kita!” banta ko sa kanya.

“Hahahaha okay fine.”

“Here, do you know what ABC means?” taas-kilay na tanong ni Yass.

Ano na naman 'yan?

“No.” agad na sagot ko.

Sabay-sabay naman silang bumuntong hininga! “After Break up Comeback dapat!” sabay na pinamukha nila sa'kin ang ibig sabihin 'non!

Hindi ko sila pinansin at kinibo manlang ng lumabas ang dalawang masayang nagtatawanan habang may hawak na 'kung ano-anong pagkain at drinks sa kamay nila. Tumayo na sila kaagad para tulungan ang dalawa na hindi matigil sa katatawa.

I hope I can happy, too.

Tumingin na ako kaagad sa dagat at sinalubong ang malakas na hangin!

“We gonna celebrate here ang pagbabalik ni Boss Lei!!!” sigaw ni Xi at Yass bago pinaputok ang wine sa harapan naming lahat!

“Crazy.” bulong ni Lei!

Kumuha na kami ng kanya-kanyang baso ng wine bago itinaas ito!

“Welcome back!!!” sabay-sabay na sigaw nilang lahat pwera sa amin ni Lei.

Welcome back.

“KAMBEEE!!” sigaw ulit nila bago pinagsalubong ang mga baso na gumawa ng tunog!

Linagkok ko naman na iyon kaagad bago kumuha ng lemon at sumimsim doon!

Anong klaseng alak 'yan, so bitter naman amputa!

Napatingin ako sa bote ng wine ng makitang hard drink ito! Nagsimula na'rin kaming kumain at sinimulan na ni Xi ang pagkwento ng katatawanan!

“You know bro, how did you do to us to leave after 1 year?” kunwaring nasasaktan si Xi.

Hindi sumagot si Lei at nakatitig lang sa sariling baso habang linalaro ang ice. “You know what, buti nandito si Tito. I thought iba na ang hahandle!” iling pa'rin ni Xi habang umiinom!

Parang natamaan na'rin ang dalawang kaibigan ko at panay ang hagikgik sa gilid!

Tanginang, baliw!

“Woi, okay lang ba kayo?” tawag pansin ko sa dalawa na hindi matigil ang mga hagikgik!

Tangina niyo, nakakahiya kayo!

“Oh, Jupiter hahaha. Of c-course we're okay!” natatawang sagot nila. Napatingin naman sila kina Ally at Ash kaya napahagalpak sila ng tawa!

“Oh ghad, don't laugh we're okay. We have just remembered something!” sabi ni Ash bago sila tumawa ng malakas!

“Hey, stop that!” kuha ni Xi sa akmang pag-inom ulit ni Ally sa hard drink!

“Hey, I'm not done yet!”

“Allyson! I'm warning you!” banta ni Xi kaya binigay naman kaagad ni Ally ang baso bago ngumuso!

Seryoso ka, Xianne Andrei?

Bilis sumunod ang hunghang na'to, ah!

Can you share with us the happy moments you remembered?” natatawang tanong ni Yass kay Ash!

“Of course, we can!” malakas na sagot ni Ash.

“Wait...did you call her Jupiter earlier?” nagtatakang sabat ni Callih kaya napatingin kami sa kanya!

“Nope, it's ano—ano nga u-ulit 'yun, Ash?” lasing na talagang tanong ni Ally kay Ash!

“Uhmm...wait let me think of it!” agad na nag-isip si Ashanthy at agad na pumitik ito sa kawalan bago ngumisi! “It’s, M-moonter!!” agad na sigaw niya kaya mabilis 'kung naibuga ang wine na iniinom!

Bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig at sinimulan ng kabahan!

Lasing na nga kayo!

Pinunasan ko na kaagad ang labi ng napatingin sila sa'kin. “Sorry.” agad na bawi ko.

“Oo nga pala it's, moonter!” turo pa ni Ally sa 'kung saan na animoy may naalala.

“Huh? Akala ko ba Jupiter tapos ngayon Moonter na naman?” taka pa'ring tanong ni Callih!

“Ah, hahaha! Kasi g-ganito 'yan, si Gar—!”

“You're drunk!” agad na pigil ko sa sasabihin ni Ally at tumayo na ako bago lumapit sa kanila. “Let’s go inside!” pinanlakihan ko sila ng mata!

“Wait, hindi ko pa nasasabi ang....m-mga kwento na'min!!”

“Allyson!” banta ko sa kanya!

“Okay, I’ll shut my mouth!” nag-zipper sign pa ito bago sumandal sa balikat ni Xi at pumikit na!

Bumalik na ako kaagad sa upuan ko ng may mabilis pa'rin na tibok sa puso!

Pwede ba iba nalang, i-kwento niyo!!

Bakit ba kasi kailangan 'pang buklatin ang nakaraan!!!

“Let’s swim!” yaya ni Yass bago siya tumayo.

Tumigil naman na ang Yate sa hindi kalayuan sa pampang kaya tumayo na'rin ako at sumunod. Ilang minuto akong nakatayo sa railings at nakatitig sa tubig ng may kumalabit sa'kin.

“I’m sorry.” malungkot na bulong ni Ally sa'kin.

“For what?”

“Muntik ko ng masabi kanina!”

“Ang daldal mo kasi!”

“Oo na, sorry na nga!”

“Okay lang.” tipid na sagot ko.

“Kasalanan kaya ni Ash, pinaalala pa niya 'yung moont—ano!”

“Uy, bakit ako? Ikaw kaya nagtanong!” irap naman ni Ash sa kanya.

“Okay na, tumahimik nalang kayo. Mauna na kayung tumalon para mawala na 'yang alak sa katawan niyo.” utos ko sa kanila.

“Ally, come here. Mauna tayong tumalon!” tawag ni Xi kay Ally.

Kinikilig naman itong lumapit sa kanya, tinanggal na ni Ally ang see through dress nito kaya napaiwas kaagad ng tingin si Xi!

Topless na silang tatlo ngayon at handa na talagang makisabay!

“Hey, Ash! Tara dito!” tawag naman ni Yass kay Ash kaya pumunta naman na kaagad siya at sumunod na silang tumalon ng matanggal ni Ash ang suot na dress.

“Oh, sumunod na'rin kayo 'kung susunod kayo.” utos ko sa kanila kaya tinanggal na ni Callih ang short nito at crop top shirt.

Wow, nakahanda din pala!

“No, I'll try to jump alone.” nakangiting sabi ni Callih bago ito tumalon!

Malunod ka sana—ay este lumutang ka sana agad!!

“Sumunod ka na din.” utos ko kay Lei habang nginuso pa sa baba.

“You go first.” tingin naman niya sa baba.

Aba, pinapauna na nga kita.

“Ikaw na...halatang malamim.” pananakot ko naman at napahawak pa sa dibdib.

“Kaya mo 'yan, magaling ka nga sumisid.” ngisi naman niya sa'kin. Tinanggal na niya ang shade kaya tinanggal ko na'rin ang dress ko bago inilugay ang buhok!

“Mauna ka na nga!” tulak ko sa kanya.

“You go first,”

“Ayoko, mauna ka na!”

“Woiiii!!” sigaw nila sa baba.

“Ikaw na,” utos pa'rin ni Lei sa'kin.

“Tangina, mauna kana kasi, hindi ako marunong lumangoy!” pag-sisinungaling ko sa kanya.

“Marunong ka namang sumakay, edi sakyan mo ko!” ngisi niya sa'kin.

“Sakyan mo mukha mo!”

“Or... pumatong ka nalang, sabay tayong sumisid!” nakangisi pa'ring pang-aasar niya!

“Linoloko mo ba ako ha, Lei Watson?” naghahamon na tanong ko.

“What?” natatawang tanong din niya sa'kin.

“Pinagma-manyakan mo ba ako, ha?” palo ko sa braso niya!

“What? You're crazy, I'm just talking about you! You said you can't swim!” natatawang paliwanag niya.

“Eh, ano 'yung patong at sakyan na sinasabi mo? Bakit magmomotor ba ako sa tubig?”

“Let’s go!” bigla niyang hinawakan ang kamay ko bago kami tumalon ng sabay!!

Punyawa!!


You are reading the story above: TeenFic.Net