CHAPTER 37

Background color
Font
Font size
Line height

“Okay lang ba kayo ni, Lei?” nag-aalalang tanong sa'kin ni Xi na ikinatigil ko.

Sasabihin ko ba sa kanila?

Nag-aabang silang apat kaya kahit na hindi ko ito sabihin, malalaman at malalaman din naman nila.

“We broke up, last night.” mahinang tugon ko.

“What?!” nagugulat na tanong nila sa'kin. “But, why?”

“It’s a long story, you need to go back to your work. I’ll miss you guys.” kahit na gusto nilang malaman nagpaalam na ako kaagad at yumakap na sa kanila.

“Keep safe okay? Babalik ka, I love you, Jupiter!” muling yakap nila sa'kin kaya tumalikod na ako at agad na pumasok sa kotse bago pa tumulo ang mga luha ko.

Naalala ko na naman ang tawag sa'kin ni Lei.

'I love you, my love Garrette!

Pina-harurot ko na kaagad ang sasakyan ko pauwi sa amin. Habang nasa daan ako, naaalala ko ang mga libangan namin at asaran.

Kaya ko ‘bang lumayo sa kanya?

Bumabalik sa'kin lahat...

'Hey, love. I love you!'

'I love you, my love Garrette!'

'Now take care of yourself, and then soon I am the one who take care you always.'

'Will you be my girlfriend, Garrette?'

... until...

'I love you, okay?'

'I thought you understand, but I was wrong.'

'When you walked away, I wasn't hurt. I even proud of you...for taking the courage to cut me off out of your life, for choosing yourself over me, for choosing your peace over my love that was no longer healthy for you but even caused you more chaos.'

'If our memories would soon haunt you again, tempting you to come back, just don't. Look forward and head on. Something better awaits for you there. Something brighter and hopeful.'

'And as for me, I’ll be fine. I will be. Let's both heal ourselves—away from each other—away from our past which taught us how it's way better to walk alone.'

'Thank you for the memories.'

'You're now free, love.'

Napalakas nalang ang iyak at hikbi ko ng maalala ang huling kataga niya bago ako talikuran!

I am so fucking, idiot!

How could I set you free, you're almost so perfect—fuck you Garrette!

I don't know what to do!

I want to come back to you right now love!

Pinunasan ko na ang mga luha ‘kong tumulo bago ako lumabas sa kotse at dinala ang mga maleta ko papasok sa loob ng bahay.

I always needed time on my own.

“Uy, ate!” masayang bati sa'kin ni CL pero agad din iyon napawi ng makita ang mga dala ko. “Ha, bakit dala mo ang mga gamit mo?” nagtatakang sambit.

Hindi ko siya pinansin at napatingin ako kay mama na pababa sa hagdan!

“Anak!” masayang bati sa'kin ni mama. “Anong ginagawa mo dito, bakit dala mo ang mga maleta mo ha, Garrette anak?” takang tanong ni mama bago ako niyakap.

Napahagulgul nalang ako bigla sa balikat ni mama dahil kahit anong tago ko sa nararamdaman, lalabas at lalabas talaga!

“Shhhh, it's okay anak. Andito lang si mama, ha?”

Tumango-tango ako at hindi maiwasan ang humikbi!

“G-gusto ko muna magpahinga, m-ma.”

“Sige anak, tawagin mo ako pag may kailangan ka, ha?”

Tumango nalang ako bago tumalikod at umakyat na sa kwarto ko. Ni-lock ko na kaagad at bigla nalang napaluhod!

When you're gone, the pieces of my heart I'm missing you!

I never thought that I needed you when I cry!

“Fuck! A-ayoko naaa...ayoko munang maalala lahat! P-please...Lord, a-ayoko na p-po! Pagod na p-pagod na ako!” sigaw ko sa kawalan bago ko ginulo ang sariling buhok.

After a month, ganun pa'rin ako tahimik, nag-iisa at mahirap maka-move on sa nakaraan. Palagi akong umiiyak sa gabi and the worst I always think of him!

I decided to go in other country to explore para makalimutan ko na'rin siya. 1 year akong nasa America for vacation, kahit papaano hindi ko na siya masiyadong iniisip.

'Kung sakali man na makahanap ka ng bago, you can replace me but you can't never replace the memories.

Umuwi ako last month so ngayon nag-hahanda na ako para sa simulang buhay ko at handa na ulit akong bumalik sa trabaho.

“Ate, babalik ka na ba sa trabaho mo?” tanong ni CL habang pinag-mamasdan niya akong nakatayo.

Marami na'rin ang nagbago sa kanya simula ‘nong umalis ako. Mas tumangkad pa siya at lalong nag-matured na.

“Uy, sabihin mo nga...may girlfriend ka na ba?” taas-kilay na tanong ko at nang-aasar na tinignan.

Inirapan naman ako kaagad.

“Shut up, ate! Wala.” inis pang sagot sa'kin.

Kunyare ka pa.

“Sabihin mo, parang di tayo mag-kapatid, ah.”

“Wala, umalis ka na nga!” taboy niya sa'kin.

“Eh nakita ko nga kayo sa mall eh, may pa-holding hands ‘pang nalalaman!” asar ko ulit sa kanya na bigla niyang ikinatigil!

Sabi ko na, hindi mo ako maloloko, uy!

“H-ha? Hindi ako ‘yun!”

“Weh, talaga? Ang saya mo nga eh.”

“Hindi n-nga ako ‘yun, baka namamalik mata ka lang.”

“Kitang-kita ng dalawang mata ko, Charles Lian!” turo ko pa sa dalawang mata ko.

Nakahawak lang siya sa braso ko, itinutulak palabas sa pinto.

“Baka anino lang ‘yun!” pagtatalo pa'rin niya sa'kin.

Ah, anino ha!

“Talaga ba, 'kung makatingin ka nga sa ibang lalaki kala mo 'kung aagawin na sa'yo 'yung girlfriend mo!” iling ko pa sa kanya.

Lumingon-lingon naman ito na parang tinitignan 'kung nandoon si mama.

“Alam mo ate, napaka-chismosa mo talaga!” singhal niya sa'kin.

“Kung isumbong kaya kita kay, mama?” maangan na tanong ko.

“Samahan pa kita, akala mo matatalo mo ako ate? Diyan ka nagkakamali!” ngisi niya sa'kin.

Kumunot naman ang noo ko kaagad. “Pinag-sasabi mo? Talagang in love kana amputa!” nasusuya ‘kong sagot. “Mama si CL may girlfriend na!” agad na sigaw ko bago lumayo sa kanya at patakbong pumasok sa kotse.

“Humanda ka ate, akala mo ha. Pandak!” tinuro pa niya ang dalawang mata bago niya ibalik sa'kin.

“Pandak mo mukha mo, kapre!” sigaw ko din sa kaya.

“At least gwapo eh ikaw? Nag America ka lang, naging kuripot ka na!”

Aba name-mersonal ka na, ha!

“May girlfriend na si Kapre, yuhoo!” belat ko sa kanya bago pinaandar ang sasakyan paalis!

Inaamin ko kinakabahan ako pero, kailangan ‘kong bumalik. I was wearing fitted pantaloon with my croptop shirt at pinatungan ng blazer. Black heels, at tinali ko ang mahaba ‘kong buhok bago nag-make up ng konti.

Kinuha ko na ang mga gamit ko bago ko sinuot ang sunglass at naglakad na papasok sa hallway.

“Hi ma'am, ano po kailangan nila?” pigil sa'kin ni Manong Guard!

Ako 'to manong!

Tinanggal ko na kaagad ang sunglass. ko bago ako ngumiti sa kanya.

Gulat naman siyang tumingin at pumikit-pikit pa.

“S-secretary G-garrette? Ma'am, ikaw nga!” masayang tugon ni Manong.

“Nakalimutan mo na ako kaagad, Manong!” iling ko sa kanya bago sinuot ulit ang sunglass.

“Hindi po kita nakilala agad, akalain mo ‘yun ma'am. Wala kaming balita sa'yo, laki ng pinagbago mo, ma'am!” namamangha talagang sagot ni Manong Guard!

“Ay nako manong, ako pa'rin to no!”

“1 year kang nawala ma'am, sabi mo ilang buwan lang!”

“Hahaha, may hinanap lang ako, Manong.”

“Ah haha, okay po ma'am, see you around po!” paalam niya kaya pumasok na ako kaagad.

Entrada palang ng kompanya naririnig ko na ang mga bulungan nila lalo na ang mga bagong Janitor at Janitress na bago.

“Sino ba siya?”

“Bat ang ganda niya?”

“May hinahanap ba? Lapitan mo!”

“Baka model ‘yan!”

'Yan 'yung mga bulungang naririnig ko.

“GARRETTE!!” napatingin ako sa tumawag sa'kin ng makitang tumatakbo na ang mga kaibigan ko palapit sa'kin.

Garrette?”

“Oh my God, siya na ba si Sec. Garrette?”

“Ang laki ng pinag-bago niya!”

“OMG! Siya nga!”

“Hey.” bati ko sa mga kaibigan ko ng yinakap nila ako bigla.

“We miss you, Jupiter!” halik nila sa'kin.

Walang pinagbago, OA pa'rin!

“Sabi mo months ka lang mawawala, bakit naging year na!” tapik niya sa braso ko.

“May, inasikaso lang ako!”

“Oh, kumusta sa America?” pagpaparinig ni Ally sa'kin.

“Wala man lang pasalubong, nako.” segunda naman ni Ash.

“Hindi pa nagsabi na uuwi na pala!”

“Tumigil nga kayo, oh tara libre ko kayo.” natatawang aya ko sa kanila.

“Oh, sige ba!” sabay nilang sagot.

“Bumalik na nga kayo sa trabaho niyo, baka mapagalitan pa kayo!” taboy ko sa kanila.

Ang kukulit niyo!

“Duhh, ang bait kaya ni Chairman!”

Chairman?

“Huh?” nagtatakang tanong ko.

“Si Karley Watson, Chairman Karl.” paliwanag ni Ash bago kami sumakay sa elevator.

It means wala na dito si L-lei?

“Ang bait pala ng Dad ni boss.”

“Oo nga, mars. Pero nasira na lahat ng pumalit na sekretarya si bruhang, Khae!”

Kwento nilang dalawa.

So si Khae na pala ang pumalit sa'kin na Secretary, hahaha. Laki ng pinagbago nila!

Uy, bat natahimik ka diyan?!”

“A-ahh, w-wala may iniisip lang.” walang ganang sagot ko.

“Alam mo ba jupits, simula ‘nong umalis kana nagbago na lahat. Pati si boss, umalis rin ‘nong araw na umalis ka.” pagkwe-kwento nila sa'kin.

Saan naman kaya pumunta ‘yun. 

“Wala akong pakealam.” walang reaksyon na sagot ko.

“Talaga ba?”

Inirapan ko nalang sila bago nauna ng lumabas.

Siguro, may nalalaman ang mga ito!

“Oh, tama nga naman ang chismis, may nagbabalik!” sarkastikong sabi ng isang babae sa likuran ko.

Hinarap ko naman siya kaagad.

“Oh, Ms. Khae wala ka pa'rin talagang pinag-bago!” natatawang sagot ko.

“Correction, Secretary. Khae,” ngisi niya sa'kin.

“Talaga ba? 'Kung ganon, ngayon palang sanayin mo na ang sarili mo sa dati.” nang-aasar na tugon ko.

Maldita pa'rin!

Napipikon naman siyang tumingin sa'kin. “Tignan na'tin. Akalain mo ‘yun iniwan ka ni, boss.”

“Don’t you dare talking to me like that, you don't know fucking everything!” duro ko sa kanya.

“Bakit totoo naman,”

“Eh ano ‘bang pakealam mo?” taas-kilay na tanong ko. Hindi siya nakasagot kaya dumiretso na ako sa office.

Kapapasok ko palang, punyeta!

Pag-pasok ko nagulat ako ng makitang may naka-upo na sa pwesto ni Lei at totoo ngang iba na ang namamahala. Tumango naman ako kaagad bago lumapit sa kanya.

Formal siyang naka-upo sa swivel chair niya at hatalang pormado. May katandaan na ngunit parang nakikipag-laban pa'rin sa kagwapuhan ng sariling anak. May nakuha rin si Lei sa ugali at itsura ng matanda kaya kahit malayo palang, alam mo na talagang Watson ito.

May kanang kamay naman siyang nakatayo sa tabi niya at halatang siya lang ang pinagkakatiwalaan.

“Ano ‘yun, iha?” nakangiting tanong niya sa'kin.

“Garrette po, chairman. Babalik na po ako sa trabaho ko.” magalang na sagot ko.

“Sit down. Garrette Louiza Chin?” ngiting tanong niya sa'kin bago may kinuha sa drawer.

“Opo.”

“Sec. Garrette, right?”

“Opo.”

“May nakita kasi akong white envelope na sulat kaya binasa ko. Nag-rest ka pala, iha.”

“Opo, chairman.”

“Okay, you don't need to worry iha. You are still the secretary and Ms. Ruso going back to Assistant Secretary.” mainahon niyang paliwanag. “My son also, he rest too.” natatawang dagdag niya.

Ngumiti nalang ako ng pilit sa kanya.

“You may start now, ako nalang ang bahalang mag-sabi kay Ms. Ruso.”

“Salamat po, chairman.”

Ngumiti lang ito sa'kin bago binalik sa trabaho ang attention.

Masayahin talaga si Chairman, akalain mo 'yun naka-ngiti oras-oras!

Bumalik naman na ako sa trabaho ko. Ilang weeks ang dumaan napapalapit na ang loob ko kay chairman na parang tatay ko na siya at ganun din siya sa'kin. Nakakasabay ko siya sa tawanan lalo na pag nag-aasaran kaming dalawa. Bumalik na'rin sa dating trabaho si Khae pero maldita pa'rin siya pag-dating sa'kin!

“Alam mo iha, sana naging mabait sa'yo ang anak ko.”

“Bakit naman po, chairman?” natatawang tanong ko.

Hindi ba niya alam ang namagitan sa'min?

Nakakasabay ka sa lahat ng trip ko, hahaha. Para na'rin kitang tunay na anak.” ngiti niya sa'kin.

“Hahaha, ganyan talaga ang life chairman. May kanya-kanya tayong earth—este mundo!” sabay na naman kaming humagalpak ng tawa.

“You have a lot sense of humor!” natatawang tugon niya sa'kin.

Lah si Chairman, nag-bibiro!

“I hope to see you, again iha.”

“Always na chairman haha.”

Umiling nalang siya sa katangahan ko!

At least same vibe, hahahaha!


You are reading the story above: TeenFic.Net