CHAPTER 28

Background color
Font
Font size
Line height

Bumangon na siya kaagad para mag-ayos na ng sarili kaya agad naman na akong bumalik sa kwarto ko para mag-ayos na'rin.

Linabas ko ang binili ko kanina sa Mall bago pumasok sa banyo at isuot ito. Silver fitted dress hanggang sa taas ng tuhod at may strap sa gilid ng legs niya. Sleeveless ito kaya bagay sa gabi.

Ng maisuot ko, pinatuyo ko na ang buhok ko bago ko tinali ng messy bun. May mga hibla 'pa sa harap ng mukha ko kaya nababagay sa suot ko. Nag-lagay na'rin ako ng make-up sa mukha at inayos ko lahat. Nagpabango na'rin ako bago lumabas sa kwarto para kuhanin ang silver heels ko.

Sinuot ko na at kumuha ng black small bag bago lumabas. Saktong lumabas naman na si Lei. Amoy na amoy ko pa dito ang pabango niya, he's wearing a black slack with his black long sleeve coat. Maayos siyang tignan at kompleto lahat ng isinuot, maayos din ang buhok niya na halatang pinag-handaan ang gabi na ito. May suot pa siyang relo at nakabulsa ang isang kamay habang ang isa ay nakahawak sa selpon habang may ka-text.

Sarap tuloy i-kama. Charrr!

"Handsome." bulong ko pero parang narinig niya!

Pero totoo naman.

"What did you say?" ngisi niya ulit sa'kin. Tinignan naman niya ako sa ulo hanggang sa paa. "Nice, beautiful as the moon."

"T-thank you." nahihiyang sagot ko.

"But, I heard something earlier. What is it?"

"Ah haha u-uhm, w-wala." nauutal na sagot ko.

"I heard you call me, handsome." he bit a little his lower lip to hide his full smile.

"B-bingi! Sabi ko, h-handsoap."

"Handsoap?"

"O-oo, nakalimutan ko mag-handsoap!" ulit ko sa kanya bago nag-pamaunang maglakad.

"You're lying, love. I heard it clearly, you call me handsome!" nang-aasar na sabi niya pa sa likuran ko.

"Bahala ka sa gusto 'mong isipin, basta ako handsoap 'yun." natatawang sagot ko.

"Love please, tell me you call me handsome." akbay niya sa'kin ng makalabas kami sa room.

Para itong batang gustong magpabili ng laruan.

"Handsoap nga 'yun."

"Handsome."

"Handsoap."

"Handsome."

"Handsoap."

"Love, it's handsome."

"Oo nga handsome-!" napatigil ako kaagad sa sinabi kaya may nag-mamalaking ngiti na ang mukha ni Lei ng sinulyapan ko siya.

"Sabi ko nga. Handsome ako." ayos niya pa sa buhok.

Naisahan ako 'don, ha!

Nakarating na kami sa parking area kaya inalalayan niya akong pumasok sa gun seat bago siya umikot papasok sa driver seat.

Agad naman niya itong pinaandar papunta sa Venison Resort na sinabi niya pa kahapon kaya nag-text muna ako kay CL.

Garrette - "Hey, asan na kayo ni Mama?"

CL - "Kanina pa kami nandito ate, kayo nalang inaantay! 8 na!"

Garrette - "Sorry na haha, papunta na kami." natatawang sagot ko sa kanya.

CL - "Alam mo ate pa-VIP ka masiyado, di ka naman maganda!!" alam 'kong nang-iinis siya kaya mas lalo akong naasar!

Garrette - "Alam mo ikaw, hindi ka naman invited bakit pumunta ka pa? Di ka naman ka-gwapuhan!" inis na sagot ko din sa kanya.

CL - "Ate, 'kung hindi ka nagwa-gwapuhan sa'kin wag 'kang mag-alala pati si Mama hindi!" tumawa naman ako ng malakas sa nabasa.

Sabi ko na pati si mama, boto sa'kin!

"What's funny?" nag-tatakang tanong ni Lei.

"Eh hahaha, wala kausap ko lang 'yung mahangin 'kong kapatid."

"Okay."

Garrette - "Akalain mo 'yun pati si mama, boto sa'kin!"

CL - "Duhh kahit mas gwapo sa'kin si Kuya Lei, pinag-pyepyestahan naman na ako ng mga katrabaho mo dito!"

Garrette - "Ano?!"

CL - "Sa gwapo 'kong ito, malamang pati janitress niyo na-fall na sa'kin!"

Garrette - "Yabang mukha namang tae!"

CL - "Ate alam 'kong naiinggit ka sa'kin. Kaya, 'kung inggit pikit!๐Ÿ˜"

Message niya pa sa'kin na may kasamang emoji!

Garrette - "Ako maiingit sa'yo? Saang banda naman?"

CL - "Ewan ko sa'yo, pangit mo ka-bonding!"

Hindi ko na siya rineply'an at tinutok ko nalang sa daan ang attention. Ilang minuto kaming bumyahe bago nakarating sa resort na sinasabi ni Lei.

Tingin mo palang talagang mamahalin na ito, marami 'rin silang guest na palakad-lakad. Nag-park na si Lei kaya bumaba na ako kaagad. Iginaya na niya ako papunta sa sementong daan kaya sumunod naman na ako kaagad. Ikinawit ko ang kaliwang braso ko sa braso niya kaya dito palang naririnig ko na ang mga hiyawan.

"Hey, Mr. Watson," lapit sa'min ng isang babae.

Mukhang siya ang may-ari ng resort na ito.

"Hi, Mrs. Villacillo!" he answered formally.

"Hi, Miss." bati naman niya sa'kin.

"Hello, po." tango ko sa kanya. Mukhang may edad naman na siya.

"This way, Mr. Watson," turo niya sa isang daan papunta sa malawak na pool.

Dito palang malakas na ang hangin, payapa ang dagat at ang mga ibang tao may kanya-kanya silang mundo. Nakabukas din ang mga iba't-ibang ilaw na nakasabit sa matatayog na punto at may mga kubo pa itong punong-puno ng disenyo.

Pumasok na kami sa isang pinakamalawak na pool part dito sa Venison Resort, tanaw ko din dito ang ibang pool sa may kabila kaya baka marami pa doon sa banda'ng gilid!

"Thank you, Mrs. Villacillo!"

"As always, Mr. Watson, You're pretty iha, enjoy!" ngiti niya sa'kin kaya nginitian ko nalang bilang sagot.

Umalis naman na siya kaya pumasok na kami kaagad.

Goshh! Ang ganda!

Nakaka-akit na mga punong napapalibutan 'kung saan nakatayo ang mga kasama namin sa kompanya habang nakahawak ng sari-sarili nilang wine.

Nakatayo sila habang kaharap ang sariling table. 'Yung iba naman ay nag-sasayaw na harapan habang ang iba ay nag-eenjoy.

May emcee naman sa harap na nakatayo doon habang may tinitignan kaya natigil lang silang lahat ng magsalita na siya.

"Now, please welcome our CEO, Mr. Mark Harlei Watson!" biglang sigaw niya kaya nag-palakpakan naman na silang lahat at tumingin sa gawi na'min.

Nakita ko na kaagad 'yung mga kaibigan namin na nasa harapan kaya sabay na kaming naglakad paharap pero tumigil ako sa mga kaibigan ko at sinenyasan si Lei na tumuloy na sa harap. Nasa kabilang table naman sina mama habang si CL ay nag-makeface sa'kin. Inirapan ko naman ito kaagad.

Galing pumili ng isusuot, ha!

Talagang gwapo din siya sa suot niya kaya marami 'din ang napapabaling sa kanya'ng ibang mga babae. Si mama naman ay ayos na ayos ang suot at talagang pinag-handaan din ito.

Ng nasa harapan na si Lei biglang umilaw ng iba't-ibang kulay ang pool kaya napabaling ang iba doon.

Tumikhim muna si Lei para makuha ang attention nilang lahat bago ito mag-salita.

"First of all I would like to Thank God for giving me this opportunity, and also all of you who help me na maabot lahat ng mga ito. 'Kung wala kayo, siguro wala ako ngayon dito nakatayo sa harapan niyong lahat. We're here all to celebrate our winning to become the most Biggest Company on this country! Especially to my girl who always there for me, thank you so much!" baling niya sa'kin kaya napuno ang buong pool area ng tukso!

Ako ba 'yung girl na iyon?

Ngumiti naman ako sa kanya bilang tugon.

"Sana all," parinig nila Xi, Ash, Ally at Yass na kasama ko sa table nila. Inirapan ko naman sila kaagad.

Hindi ko na narinig ang ibang sinabi niya hanggang sa tinapos na niya ito ng may ngiti sa labi.

"Now, let's welcome our The CEO's Secretary! Ms. Garrette Louiza Chin!"

"Kaibigan namin 'yan!!!"

"Anak ko 'yan!"

"Ate 'ko 'yan!!"

"Ayiieehhh!!"

"Sana all!!!"

'Yan 'yung iba't-ibang naririnig 'kong sigawan nila. Inalalayan naman na ako ni Lei paakyat sa stage at iginaya sa tabi niya. Kinakabahan 'kong inabot ang microphone bago tumingin sa kanilang lahat.

"Hmmm...thank you for being so understanding lalo na sa mga kaibigan ko, salamat sa pag-suporta at pag-tulong sa'kin para maabot na'tin lahat ng ito. Kay Ms. Khae salamat din sa tulong niyo." ngiti ko sa kanila.

Hindi iyon peke!

"To be honest, I know some of you guys have issues about me and/or my personality... Surely they might be some who hate me secretly, and talk shits behind my back..." tumingin ako sa kanilang lahat at tumigil lang iyon ng makitang naka-ngisi sa'kin si Khae. "...siguro naiinis kayo dahil sa mga opinyon at tingin ko sa mga bagay-bagay. Well, that's okay. It's okay because we all have our own perspective. 'Kung nao-offend ko man kayo, sorry. Sorry but I am just expressing my thoughts and ideas here. That's me. Don't worry I am trying to be a better person, but I won't change who I am for the sake of y'all. 'Yun lang, spread love!" pagtatapos ko sa sinabi ko kaya nag-palakpakan naman na silang lahat.

"But before we start our party..." putol niya sa sasabihin bago pinatay lahat ng ilaw. Marami ng nagbubulungan 'kong ano ang susunod na gagawin pero wala ni isa ang naka-sagot!

"Garrette." tawag sa'kin ni Lei sa microphone.

"Bakit?" humarap ako sa kanya, pero hindi siya nag-salita.

Napatingin naman ako sa nakasabit at dahan-dahan itong bumaba sa taas ng stage. Iginaya ako ni Lei sa gitna bago bumukas ang iba't-ibang ilaw ng mga letra.

*Will You Be My Girlfriend?*

Marami ng nag-hihiyawan pero naka-tingin lang ako sa mga letrang nakabitin.

Am I dreaming?

Kumalabog naman ng malakas ang dibdib ko sa kadahilanan na dulot ng saya. Napatingin naman ako kay Lei na naka-ngiti ng nakatingin sa'kin habang may hawak ng bouquet of flowers.

"Will you be my girlfriend?" naka-ngiting tanong niya sa'kin bago dahan-dahan na lumapit.

Bumukas naman na kaagad ang ilaw at may tugtog ng kantang malakas!


Making my way downtown.
Walking fast, faces pass and I'm homebound.
Staring blankly ahead.
Just making my way.
Making a way through the crowd.

Dahan-dahan na tumulo ang luha ko dahil sa saya na dulot. Maraming sumasabay sa kanta lalo na ang mga kaibigan ko. Naririnig ko pa ang sigaw ni mama pero hindi ko na ito naiintindihan pa.

And I need you.
And I miss you, and now I wonder,
If I could fall into the sky?
Do you think time would pass me by?
'Cause you know I walk a thousand miles!

If I could just see you tonight.
It's always times like these when I think of you!

And wonder if you ever think of me...

'Cause everything's so wrong, and I don't belong.
Living in your precious memory...

Sabay-sabay nilang kanta. Ng makalapit sa'kin si Lei hinahawakan na niya kaagad ang dalawang kamay ko at pinunasan ang luhang tumulo na sa pisngi ko.

God, I can't believe.

I'm speechless.

"Garrette, again love. Will you be my girlfriend?"

Sinabayan na nila ang chorus nito kaya mas lalong lumakas ang kanta!

'Cause I need you, and I miss you.
And now I wonder,
If I could fall into the sky?
Do you think time would pass me by?
Oh! 'cause you know I'd walk a thousand miles!!!'

"Yes." sagot ko sa kanya kaya nayakap nalang niya ako bigla!

"Yowwww!"

"Woahhhhhh!!!"

"Boss Lei! Boss Lei! Boss Lei!"

"Boss Lei!"

"Boss Lei!"

"Congratsssss!!!!!"

Kanya-kanya na silang sigaw! Mas lumakas pa ang kanta kaya sinabayan ulit nila!

Cause I need you, and I miss you.
And now I wonder,
If I could fall into the sky?
Do you think time would pass me by?
Oh! 'cause you know I'd walk a thousand miles!!!

If I could fall into the sky?
Do you think time would pass me by?!!!
Ohhhhh! 'cause you know I'd walk...a thousand miles!!!

Pagtatapos nila!

Pumunta naman ang mga kaibigan namin sa harap bago kumuha ng tig-iisa silang Mic.

"We have message to the both of you." naka-ngiting sabi ni Xi kaya humarap kami sa kanila.

Tumigil naman silang lahat at nakatingin lang sa mga kaibigan namin habang kasama pa doon ang kapatid 'kong kumag.

Huminga sila ng malalim bago nag-salita. "SANA LAHAT! MAGTAGAL SANA KAYO HANGGANG SA GUSTO NIYO! MGA WALANG JOWA UMUWI NA!!!" sabay-sabay nilang sigaw sa'min kaya humagalpak kaming lahat ng tawa. "UUWI NA KAMII!!" pa nila bago nagpatugtog ang DJ ng malakas na budots! Kaya kanya-kanya na silang sayaw at hiyawan.

(Song:)
-"A Thousand Miles" by Vanessa Carlton.


You are reading the story above: TeenFic.Net