CHAPTER 25

Background color
Font
Font size
Line height

“Ahhh!” bukas ko sa isang mata ko ng makitang bumangga ako sa dibdib ni Lei.

Gulat naman akong tumingala sa kanya. “Haharang-harang kasi.” irap ko bago pinag-patuloy ang pagalalakad papunta sa banyo.

Nag-hilamos muna ako bago tinanggal ang pang-itaas na damit para maligo na'rin. Napa-hablot din ako kaagad sa damit para pang-takip sa dibdib ko ng pumasok si Lei na gulat sa nakita.

“Kumatok ka naman!”

“Sorry,” natatawang paumanhin!

Di naman sincere!

“Bakit ka ba nandito?”

“Maliligo ulit.” ngisi niya sa'kin.

H*yup.

“Kaya ko na.”

“Wag ka ng maraming rason!” singhal niya bago lumapit sa'kin at italikod sa gawi niya.

Inabot naman niya ang switch ng ilaw para dumilim. Tinanggal ko na ang damit ko at short kaya tanging underwear nalang ang suot ko. Tinanggal naman na ni Lei ang tuwalya kaya pinag-hihirapan ‘kong hindi makita ang sandata nito!

Bwisit!

Pinaliguan na niya ako at pati kanyang sarili. Dating gawi din na ako ang una niyang binihisan bago ang sarili. Ng makabihis ako pumasok na ako sa banyo ko para mag-sipilyo na at gawin ang morning routine at skin care.

Nakasuot lang ako ng black pantaloon at tinernuhan ng sando na puti bago nag-suot din ng blazer. Kinuha ko na ang heels ‘kong kulay itim.

Dumiretso ako sa table para kuhanin ang ibang dokumento doon para sa susunod na meeting at discussion sa panibagong pinaka-mataas sa buong Pilipinas na kumpanya.

Inabot ko na ang selpon ko at panibagong bag na naman bago lumabas papunta sa kusina.

Magluluto palang sana ako ng makitang may naka-ahin na sa lamesa.

“Nagluto ka?” kunot-noong tanong ko kay Lei na kala-labas lang sa kwarto.

Naka-suot siya ng panibagong attire kaya malinis siyang tigan. Kumpleto rin ang suot kaya mas lalong napapansin ‘mong siya talaga ang CEO sa isang famous na kumpanya.

“Yes.” kindat niya sa'kin kaya inismiran ko siya.

Umupo na kaming dalawa at sinimulan ng kumain, konting breakfast lang din naman ang niluto kaya mabilis lang itong kainin.

Ilang minuto lang ay natapos na kami kaagad. Ako na ang nagpresinta para maghugas ng pinagkainan. Hinihintay lang niya ako hanggang sa matapos ako kaya sabay na kaming bumama ng hotel...nila.

Sasakyan niya ulit ang ginamit namin kaya no choice. Linabas ko ang selpon ko para i-message si Ashanty.

Garrette - “Uy, daan ka muna sa Gasoline Station. Pabili ako ng Gas, salamat.” agad na text ko sa kanya.

Ash - “Pasalamat ka di pa ako nakaka-lagpas.” sagot naman niya.

Garrette - “Bayaran ko nalang dito, salamat.” sagot ko naman bago ibinalik na sa bag ang phone.

Ilang minuto nakarating naman na kami sa Kumpanya kaya dumiretso ako kaagad sa office para hanapin ang gamot. Inalapag ko na sa table ko ang gamit bago kunin sa drawer ang gamot.

Ngumiti pa ako sa kawalan bago pumasok sa banyo. Nagulat ako ng sumunod si Lei sa'kin kaya nagtataka ko siyang tinignan.

“Why?”

“Mag-sisipilyo lang ako.” sagot naman niya bago dumiretso sa sink.

Ngumiwi naman ako bago tumabi sa kanya at binuksan na ang gamot para pahidan ang tiyan.

“Bat may mga pasa pa?” salubong na tanong ni Lei habang nakatingin sa tiyan ko doon sa salamin.

“I don't know, baka mawawala rin ‘yan siguro.” hindi kumbinsidong sagot ko.

Not sure.

Pinahidan ko na bago nag-hugas ng kamay at nauna ng lumabas sa banyo.

“Ipatingin kaya na'tin sa doctor?” suhestiyon niya.

“Wag na, matatanggal din ‘yan.” tanggi ko. Kinuha ko na ang dokumentong pag-aaralan ko bago lumabas ng office.

Iniwan ko ‘don si Lei na may kausap na selpon bago sinimulan ang pag-pindot pindot sa laptop niya. Dumiretso ako sa cafeteria para bumili ng coffee muna.

“Ano po ang inyo, Sec. Garrette?” tanong sa'kin ni Angeline.

“Isang cappuccino at coffee latte.”

“Sige po.”

Binasa ko muna ang hawak ‘kong dokumento habang hinihintay siya. Ang iba namang nandito sa cafeteria ay nag-uumagahan at sinasabay ang pagtratrabaho sa kanilang laptop.

Busy naman agad ang mga tao ngayon.

Agad ko ng binayaran at inabot kaagad ang coffee bago bumalik na sa office. Binaba ko sa harap ni Lei ang coffee kaya napatingin sa'kin.

“Thank you.”

Suminsim na siya bago binalik ulit sa laptop ang attention.

Bakit ba busy kayo? Eh, ako pa-chill chill lang.

Cappuccino ang akin at coffee latte naman sa kanya. Umikot ako para matignan ang ginagawa niya. Puro naman sa kumpanya iyon kaya agad akong bumalik sa table ko para buksan din ang laptop. Napasapo ako sa noo ko ng makitang may email akong na-receive.

Binuksan ko iyon kaagad pero nawala rin ang kaba ko ng galing iyon kay Ally.

Ano naman kayang kailangan ne'to.

Kailangan nila ngayon ng copies sa mga details ng produkto kaya agad ‘kong hinanap sa folder ko ang dokumentong tinago ko. Nakalkal ko na lahat pero wala pa'rin akong makita.

Asan na ba ‘yon?!

Hinanap ko sa laptop ko ang copies kaya agad naman akong nakaginhawa ng nandon ito. Sinend ko muna ang copies kay Ally bago binuhat ang laptop patakbo sa Xerox room para i-print lahat ito. Sinet ko na lahat at hinihintay nalang na matapos. Naalala ko ‘yung ibang dokumento pa sa kotse ko kaya iniwan ko muna ‘don sa room ang laptop bago tumakbo ulit pabalik sa office para kuhanin ang susi ko.

Kinalkal ko sa bag ko at tumakbo palabas ulit papunta sa elevator. Hinintay ‘kong bumukas ito pero laking gulat ko ng si Khae ang bumungad. Pumasok na ako kaagad at pinindot ang parking area. Napatingin ako sa relo ko ng 8am na kaya baka kailangan na nila ito. 43minutes na kasi nitong naisend kanina kaya baka hinihintay na nila.

Walang kumikibo sa aming dalawa hanggang sa mag-ring ang kanyang selpon.

“Oh?” sagot niya sa kausap. Hindi ko naman marinig ang sinasabi ng kausap kaya bumaling nalang ako sa ibang attention.

“Bakit ba? I-print ko nalang! Dalhin mo sa office ko ngayon na!” iritang sagot niya sa kausap bago pinatay ang tawag...

Bumukas na ang elevator kaya agad akong tumakbo sa sasakyan ko.

‘Yung gas pala na pinabili ko kay, Ashanthy.

Binuksan ko na kaagad at kinuha sa back seat ang mga dokumento doon bago sinara.

“Hey!”

Napagitla ako ng may nagsalita sa likuran ko kaya dahan-dahan ko itong nilingon.

Jolo?

“Hi!” bati ko naman sa kanya.

“Nagmamadali ka ata?”

“Ah, o-oo. May inaasikaso kasi ako!” agad na sagot ko bago tumalikod.

“Teka lang nag-mamadali ka, eh. Sabay na tayo.” pigil niya sa'kin bago ako sinabayan mag-lakad.

Ano ba ‘yan, please sa ibang araw nalang...

“K-kasi ano, m-may inaasikaso ako. Kaya pwedeng mauuna ako?” nahihiyang tanong ko.

Para kasing sinasadya niyang bagalan!

“Chill ka lang, Sec. Garrette!” ngiti niya sa'kin.

Wala akong nagawa kundi ang sumunod nalang sa kanya. Tingin ako ng tingin sa relo ko dahil baka gagamitin ‘yun ni Khae. Narinig ko pa naman na magpri-print siya, kaya malamang nandon na ‘yon.

Ilang minuto pa bago kami maghiwalay ni Jolo, papunta na siya sa employees room kaya agad akong tumakbo sa Xerox room para tignan ang ginagawa ko doon.

Pag-pasok ko biglang nanghina ang tuhod ko sa nakita.

‘Y-yung pini-print ko n-nabasa ng c-coffee!

Agad ko itong linapitan at pinampag lahat pero wala na talaga eh, basa na. Napatingin naman ako kay Khae na kinakabahan kaya huminga muna ako ng malalim para pigilan ang galit ko.

“Ikaw ba may kagagawan nito?” tanong ko sa kanya.

“N-nadulas kasi ‘yung kamay ko, k-kaya natapon sa dokumento. P-pasensya na hindi ko s-sinasadya.” agad na sabi niya pero wala akong kakitaan ng sincere.

Alam ‘kong sinasadya mo!

Inis ko namang tinanggal na lahat ng connector doon at agad na binuhat ang laptop kasama ang mga nabasang dokumento bago binalibag ang pinto palabas.

Ano ng gagawin ko? Kailangan na nila neto eh!

Naiiyak ako sa inis dahil nagmamadali ako, ‘yun naman ang bumungad sa'kin.

Agad ‘kong binato ang nabasang dokumento na hawak ko sa hallway dahil sa inis.

“BWISIT!” sigaw ko sa ‘kung saan bago napahilamos sa mukha.

Natatakot naman nilang pinulot iyon isa-isa kaya tumalikod na ako bago bumalik sa office para hiramin nalang ang printer ni Lei.

Nakakalahati na ako eh, tapos ayon pa ang mang-yayari!

Salubong ang kilay at galit na galit akong pumasok sa office bago binalibag ang laptop sa table.

“Hey, what's happened?” nagtatakang tanong ni Lei ng makita ang itsura ako.

Bakit di mo nalang ako diretsuhin, bakit dinadamay mo pa ang trabaho ko hayop ka!

May kumatok naman sa pinto kaya agad na pinapasok ni Lei.

“S-sec. Garrette, h-handa na po ba d-daw ‘yung dokumento?” kinakabahan na tanong ng isang employee sa'kin.

“Handa na sana, eh! Kaso sinasadya atang tapunan punyetang kape!!” sigaw ko sa kanya. Agad naman siyang napaatras sa takot.

“Hey, calm down!” lapit sa'kin ni Lei.

Napatayo naman na ako sa swivel bago namewang.

“Tangina lang! Malapit ng matapos, para akong tanga na takbo ng takbo pabalik-balik para lang makuha pa ang ibang dokumento! Tapos madadatnan ‘kung nabasa na pala!!” naiiyak na talagang sigaw ko bago sinipa ang table.

“You can print it again.” pakalma sa'kin ni Lei.

“Paano? Kanina pa nila kailangan ‘yun! Busy silang lahat, walang makaka-asikaso!” naiyak ng sagot ko.

Tangina mo Khae Elizabeth!

“Ibibigay ko nalang mamaya.” kausap ni Lei sa employee.

“Sige po, boss.” paalam niya bago sinara ang pinto.

Pinunasan naman ni Lei ang luha ko kaya tumahan na ako kaagad.

“Ako na ang tatapos.” bilin sa'kin ni Lei kaya napatingin ako sa kanya.

“H-hindi, wag na. Ako nalang.” kuha ko sa laptop bago humakbang. “Pahiram ako ng printer mo.” lingon ko sa kanya.

“Always.” ngiti niya sa'kin bago bumalik sa ginagawa.

Pumunta na ako sa table niya at nilagay ang mga connector doon bago sinimulan ang gawain.

Nag-init naman kaagad ang dugo ko ng makitang pumasok si Khae sa office.

“What?” taas-kilay na tanong agad ni Lei.

“B-boss, pinapatawag ka n-nila sa employees room.” kinakabahan na sagot ni Khae.

“Okay, susunod ako.” walang ganang sagot ni Lei bago tinanggal ang coat at necktie nito. Tinupi pa ang long sleeve polo nito hanggang sa siko bago binuksan ang tatlong botones.

“Wait me here.” paalam niya sa'kin kaya tumango nalang ako.

Naglakad naman ako pabalik-balik habang hinihintay ang pini-print. Napatingin ako sa relo ko ng makitang 9am na!

Naku, ilang oras na nila itong hinihintay!

Huminga muna ako ng malalim ng malapit na itong matapos. Ilang minuto nalang ay tapos na kaya agad ‘kong kinuha ito bago patakbo pababa sa room ng mga empleyado.

Hindi pa ako nakakarating doon ng marinig ko na ang mga malulutong na mura ni Lei at sigaw.

“WHAT THE FUCK! PAANO NANGYARI ‘YAN HA?! PUTANGINA!” sigaw niya pa ng makalapit na ako sa kanila.

Naka-yuko naman ang iba at tanging si Khae lang ang kausap nito.

“B-boss, w-wala pa kasi ‘yung details sa produkto k-kaya nagka-problema sa isang investor.” kinakabahan na sagot ni Khae.

“Here na, oh.” sabat ko naman bago pinakita ang hawak na dokumento.

“L-late kana, Sec. Garrette!” sarkastikong sabat naman ni Ami.

“H-huh? What do you mean?”

“Nag-dadalawang isip na ‘yung investor kung itutuloy pa bang bigyan tayo ng malaking shares sa kumpanya.” .

“Pa’no ‘yan? Ang laking shares sana ang makukuha na'tin.”

Ano ba kasing ginagawa niya?”

Tumahimik nga kayo, masama na ang tingin sa'tin ni, boss.”

“Eh, kasalanan naman niya ‘yan eh.”

Kanina pa nai-send sa kanya, bakit ngayon lang siya? Mag-aalas diyes na.”

Ilang oras hinintay ng investor ‘yang details ng produkto pero walang dumating.”

‘Yan ‘yung mga bulungang naririnig ko.

Inaamin ko kasalanan ko, ang tanga ko kasi hinayaan ko lang doon. Sana kanina ko pa naibigay.

“Fix this fucking argument asap! ‘Pag-hindi niyo naka-usap ang investors, you fucking all leave!!” sigaw ulit ni Lei bago tumalikod na at umalis.

Kasalanan ko ‘to!


You are reading the story above: TeenFic.Net