CHAPTER 22

Background color
Font
Font size
Line height

"Boss, eh diba may magaganap pa pagkatapos ng party?" nagtatakang tanong ni Xi.

Ano naman kaya 'yun?

"Shut up!" agad na pinandilatan ni Lei si Xi.

"Ano ba iyon?" takang tanong ko sa kanya.

"Bibihag sa heart mo." ngisi niya sa'kin. "Dismissed!" agad na sigaw kaya tumayo naman na silang lahat at umalis na pauwi.

Bibihag sa heart mo mukha mo!

Tumalikod na ako sa kanya at bumalik na sa office. 5pm palang naman kaya makaka-abot pa 'pag mag-grocery ako para sa kanila.

Aalis na sana ako ng tawagin na naman ako ni Lei.

"What do you need?"

"Where do you think you're going?" taas kilay na tanong niya.

"Edi uuwi na, may pupuntahan pa ako kaya, bye!" paalam ko sa kanya at pinihit na ang doorknob.

"Hey, saan ka sasakay?!"

"Sa kotse ko." taas kilay na sagot ko sa kanya.

"Kung may gas."

"Siyempre ako p-GAS?!" agad na sigaw ko.

Taas-kilay naman siyang humarap sa'kin. "Gas." pag-uulit niya.

"Full tank 'yun eh!" paninisi ko sa kanya.

"Stupid, ang layo kaya ng pinuntahan niyo malamang naubos na, back and forth 'yun!" pagtanggi naman niya sa pag-paparatang ko.

Oo nga naman no, Garrette! 'Wag 'kang tanga!

"Paano 'yan." bulong ko sa sarili ko.

Ah! Si Xi, baka matulungan ako 'non, total wala naman siyang ginagawa sa bahay nila. Don Xi.

'Kung sina Ash ang tatawagan ko baka busy na sila, marami pa silang inaasikaso pag-dating sa kanilang bahay, pati rin si Ally.

Ngumiti ako ng malawak bago ko siya inismiran.

"Aalis na ako!"

"Saan ka nga sasakay?"

"Tatawagan ko si Xi!"

"And, why?"

"Para samahan ako, malamang."

"You don't need, ako ang sasama sayo!" pinandilatan niya ako sa mata at agad na tumayo sa swivel bago hinablot ang ibang coat na naka-sabit doon at naglakad palapit sa'kin.

"Wag na." tanggi ko kaagad.

"You can't do anything about it." ngisi niya sa'kin bago ako inakbayan at kinaladkad palabas.

Wala akong choice 'kung hindi ang sumama, sumakay na kami ng sasakyan niya at dumiretso muna sa hotel para mag-linis ng katawan. Ilang oras lang ay nakarating na kami kaya walang paligoy-ligoy akong ginawa.

"Grocery tayo mamaya." agad na sabi ko sa kanya ng nasa elevator na kami.

"Marami pa namang groceries sa bahay, ah."

"Hindi para sa atin, sa bahay." irap ko sa kanya.

"Fine."

Nauna na akong lumabas at dumiretso na kaagad sa kwarto para maligo na sana.

Hinila niya ang coat ko patungo sa kwarto niya kaya nagtaka ako.

"B-bakit?"

"Dito ka maliligo."

Tatanggi na sana ako ng hilain na niya ako papasok kaya napa-dausdos nalang ang dalawang palad ko sa pader papasok.

"K-kaya ko ng m-maligo!" takbo ko sa pinto. Mabilis ang kamay niyang humila ulit sa coat ko kaya napaatras akong napasandal sa dibdib niya.

"Sinong niloloko mo?" ngisi niya sa'kin bago ako binuhat pang-bridal papasok sa banyo!

"Ibaba m-mo nga ako, k-kaya ko maglakad!"

Hindi siya sumagot kaya ibinaba ko ang isang kamay sa tapat ng pwetan niya bago ko ito pinisil-pisil na hinawakan.

Tambok ng pwetan!

"Fuck!" nagulat ito sa ginawa ko kaya tinignan niya ako ng masama.

"Ibaba mo ako o hindi?" hamon ko sa kanya bago ulit ito pinisil.

"D*mn! Tanggalin mo nga kamay mo!" tinignan niya ulit ako ng pinaka-masamang titig.

"Ayoko." kindat ko sa kanya bago pinisil-pisil ang pwetan niyang matambok.

Ibinababa niya ako kaagad bago pinitik ang noo ko kaya nasipa ko na sana siya ng bigla siya'ng umiwas.

"Ano ka ba!" inis na singhal ko sa kanya. Hinimas ko ang noo 'kong pinitik niya at mag-walk out na sa harap niya.

Maiiyak ko itong hinilot.

Pag-may bukol to, hihilutin ko 'yung pahabang bukol mo, g*go!

"Hey!" pigil niya sa paglabas ko kaya sinamaan ko siya ng tingin ng mamula-mula na ang mata ko at malapit ng tumulo!

"I'm sorry, okay?" natatawang paumanhin niya bago tinignan ang pinitik niya sa noo ko.

"A-ang sakit kaya!" inis na sigaw ko at tuluyan ng tumulo ang mga luha ko.

"Your touching my-f*ck! I'm sorry, love!” hindi na niya naituloy ang sasabihin ng mag-punas ako ng luha. Hinawakan niya ang kamay ko para matanggal sa mga mata ko pero hindi ko ito tinanggal.

"I'm sorry, love. Really sorry." yakap niya sa'kin at tinanggal ang mga kamay ko sa mukha para mapunasan niya ang luha ko gamit ang hinlalaki niya.

Ganyan nga, marunong ka sumuyo!

Pinunasan niya ang mga luha ko at kinukumbisi na niya akong maligo.

"C'mon love, lets take a bath." yaya niya sa'kin. Naisip ko naman na ilang oras nalang ay mag-6pm na kaya nauna na akong pumasok sa banyo.

Sumunod naman siya bago sinara ang pinto, pinatay niya ulit ang ilaw para walang makita kaya lumapit na ako sa kanya para tanggalin na ang mga suot 'kong damit.

"Wag ka nga tumitig!" asar na sabi ko sa kanya.

Nakatingin siya sa ano ko kaya naiilang ako!

"I saw it already, love." ngisi niya sa'kin.

Sinamaan ko siya ng tingin ng matanggal na niya ang croptop ko kaya napakapit ako sa kamay niyang tumatanggal sa pants ko 'pang balanse.

Ng matanggal na niya ang botones at zipper ng pants ko, naka-hawak pa'rin ako sa kamay niyang naka-steady lang sa harapan ko. Dumausdos naman na papaba agad ang wide leg pantaloon ko kaya hindi ito mahirap tanggalin. Bumitaw naman na ako kaagad ng ang sa kanya naman na ang tanggalin niya.

Naka-titig lang ako sa kamay niyang tumatanggal sa botones ng polo niya kaya napa-lunok ako ng matanggal na niya agad. Umiwas ako ng tingin ng matunog siyang ngumisi.

Kakahiya 'yun, by the way more on exercise ata kaya ganun nalang kaganda ang katawan niya.

Napalunok ako lalo ng sunod-sunod at bumilis ang tibok ng puso ko ng dahan-dahan itong lumapit sa'kin. Napa-atras naman ako kaagad at napasandal sa glass door ng shower.

"Do you want to touch it?" nang-aasar na tanong niya.

I f*cking do, p*tangina mo!

"L-lumayo ka n-nga!" utal na sigaw ko sa kanya.

Tumawa naman siya nakakaasar kaya mas lalo lang ako namula.

"Manyakis!" singhal ko bago tumalikod sa gawi niya.

"Talaga ba?" bulong niya sa tenga ko na nagpa-tindig ng balahibo ko.

Tungunu!

Narinig 'kong tinatanggal na niya ang belt kaya mas lalo akong napakapit sa glass door.

"Bilisan mo naman, may pupuntahan pa ako!" inis na sandal ko sa glass door.

Hinahawakan na niya ang kamay ko bago kami tumungo sa shower room. Ilang oras kaming nasa shower hannggang sa maka-ligo na kami. Kumuha siya ng bathrobe ko at tuwalya naman sa kanya.

Isinuot niya sa'kin ang bathrobe bago kami dumiretso sa kwarto ko. Hindi muna siya nag-bihis at ako muna ang bibihisan niya.

Kumuha muna ako ng undergarments ko sa closet bago kumuha ng panibagong susoutin na dress para hindi na siya mahirapan pa.

Nakatayo lang siya sa gitna at nakapamewang na nakatingin sa'kin.

"Bakit?" nagtatakang tanong ko.

Tumutulo pa ang butil ng tubig galing sa buhok niya pababa sa dibdib kaya napatutok ako sa dibdib nito.

"Uy! Akin na damit mo. Masiyado 'kang tutok sa katawan ko." ngisi niya sa'kin.

Ul*l, asa ka naman!

"T*ngina mo!" nguso ko pa sa kanya at sinamaan ng tingin.

Binigay ko na sa kanya ang undergarments ko bago sinunod na binato ang dress na isusuot ko. Nasalo naman niya kaagad ito bago ngumisi at tinignan ang undergarments ko.

"Wag mo nga titigan yan!" inis na sigaw ko sa kanya at lumapit para hablutin sana ang mga ito pero itinaas lang niya kaya hindi ko naabot.

"Oo na." natatawang sagot pa.

"Walang nakakatawa!" inis na sigaw ko sa kanya.

"Okay, I shut." nagpipigil ng tawa na sagot niya.

"Bilisan mo!"

"Okay, madam."

Nagpalumbaba na siya para maisuot ang underwear ko kaya napahawak ako sa balikat niya bago itinakip ang isang kamay sa mga mata nito.

"Wala akong makita." reklamo nito.

"Malamang, edi makita mo 'kung itataas ko mga binti ko!"

"Bakit ba ayaw 'mong makita ko ito?"

"Ano ka gold."

Ngumisi lang ito sa'kin. "Take off your hand to my eyes, love."

"Tumahik ka nga!" inis ng sabi ko sa kanya.

Napaka-sutil!

"Makikita ko din 'yan soon."

"Libreng mangarap."

Isinuot na niya sa'kin iyon ng nakatakip ang mga mata nito bago tumayo. Sumunod naman na kinuha niya ang undergarments ko pang-itaas kaya tumalikod na ako sa kanya.

Naka-talikod ako habang siya naman ay nasa likuran ko tinatanggal ang tali ng bathrobe ko sa harap. Ng matanggal na niya ito nag-padausdos na pababa ang bathrobe ko kaya agad 'kong isinuot ang garments ko bago niya ni-lock sa likod. Inabot na niya kaagad ang dress ko bago niya isinuot sa'kin.

"Wait me here, mag-papalit lang ako." agad na sabi niya bago tumalikod.

Agad naman na akong pumasok sa banyo para mag-sipilyo at gawin ang skin routine ko bago siya maka-pagpalit. Inilugay ko nalang ang mahaba 'kong buhok. Kinuha ko na'rin ang sandal ko bago sinuot at inabot ang pitaka at selpon sa table bago lumabas.

"Tapos ka na ba?" katok ko sa pinto niya.

"Oo."

"Tara na!" sigaw ko sa labas bago dumiretso sa sala.

Bumukas naman na kaagad ang pinto ng kwarto niya kaya napatingin ako doon. Simple lang ang suot niya pero sa ganoo'ng ayos niya ang gwapo pa'rin.

Sa dami ng babae bakit ako pa nagustuhan mo?

He's wearing plain white shirt and a plain black short. Hawak niya sa isang kamay ang pitaka at selpon, sa ibang kamay naman ay ang susi niya sa sasakyan. Naka-suot din siya ng black cap, black watch and shoes.

"Let's go!" yaya niya sa'kin bago ko pinagmasdan ang kanyang suot.

Sumunod na ako sa pag-labas niya at dumiretso na sa elevator. Napa-tingin ako sa relo ko ng mag-aalas sais na.

Agad naman kaming nakarating sa sasakyan nito kaya wala ng paligoy-ligoy na pinaandar niya papunta sa isang Mall.

"May listahan ka?" tanong niya sa'kin ng naka-park na kami sa Mall.

"Wala." sagot ko at lumabas na kami sa kotse.

"Eh paano mo malalaman ang bibilhin mo?" tanong nito na parang siya pa ang problemado!

"Calm down, kabesado ko!" natatawang sagot ko at pumasok na kami sa Mall.

Hindi palang kami nakakalagpas sa guard marami ng nagtitilian ng makita si Lei na pumasok.

"Kyaaa! Ang guwapo niya!"

"Swerte ni ate girl!"

"Psst, pogi!"

"Kuyaaaa! Bat ang guwapo mo!"

Mga nadidinig 'kong tilian ng babae sa gilid. Ang iba naman ay kinukuhanan siya ng picture habang ako ay walang pakealam na nakikinig sa kanila.

Gusto niyo siya? Sa inyo nalang.

Pati babaeng guard naka-titig sa kanya. Kahit malayo na ako sa kanya amoy na amoy ko pa'rin ang mabangong pabango niya na panlalaki.

Pumasok na ako sa grocery store at sumunod naman siya. Humila ako ng cart bago nag-simulang mamili.

"Gosshh!"

"Ang bango niya, sis!"

"Masarap siguro sa kama 'yan!"

Rinig 'kong sabi ng isang babae kaya nahulog ko ang hawak 'kong sabon sa kamay sa sobrang gulat.

M-masarap i-kama?

"Are you okay?" nag-aalang tanong ni Lei sa'kin at pinulot ang nahulog 'kong sabon.

"H-ha?" nawawala sa sariling tanong ko.

Aysst! Ng dahil sa'yo girl nawala tuloy ako sa sarili!

"I said, are you okay?"

"A-ahh, oo!" agad na irap ko sa kanya at pinagpatuloy ang pamimili. Hindi maiiwasan ang bulungan at titigan ng mga babae lalo na kay Lei na nasa likuran ko.

"Alam mo, sana hindi ka nalang sumama." bulong ko kay Lei ng may tinitignan sa ibang biscuits!

"Why?" nagtatakang tanong niya habang may tinitignan din na biscuits.

"Hindi ako maka-concentrate, alam mo ba 'yon?" inis na saad ko sa kanya.

Nakaka-irita.

"Why naman?"

"Nakalimutan ko na tuloy ang mga bibilhin ko dahil sa lintik na bulungan!"

"You're jealous." tumatawang baling niya sa'kin.

"Asa ka, bat naman ako mag-seselos?

"Kasi...masarap daw ako i-kama." ngisi niya sa'kin bago ako kinindatan.

Huh?

"Hanep, kapal ng face mo!" singhal ko sa kanya bago siya tinalikuran.

Feelingero din! Edi mag-pakama ka sa iba, aba malay ko ba 'kung masarap ka o hindi.

Basta, excited akong tikman ka-este sakalin ka.


You are reading the story above: TeenFic.Net