CHAPTER 21

Background color
Font
Font size
Line height

Naglakad muna ako papunta sa meeting room para mag-pahinga sandali. Ayoko namang bumalik sa employees room dahil para silang mga siraulong aso, ngisihan ba naman ako.

Pag-dumiretso naman ako sa cafeteria pati si Angeline ngumingiti sa'kin.

Ano na 'bang nangyayari dito? Bakit ako out-dated!

Kaninang pumasok ako pati si Manong Guard nang-aasar ng ngiti. Si Manang Janitress kinikindatan ako.

Oh di ba, mga siraulo!

Ano ba kasing sinabi mo ha, Lei!

Dapat ako 'yung unang makaalam dahil sekretarya ako, pero bakit ako pa 'yung nahuhuli sa balita!

Umupo muna ako sa gilid bago inihiga ang ulo sa lamesa, nag-iisip 'kung paano ba malalaman ang nangyayari.

Pati mga kaibigan ko nadadamay sa kabaliwan ni Lei!

Pag-talaga nalaman ko 'kung ano iyan, ngingisihan ko rin kayo na parang tanga. Hanggang sa mabaliw kayo kakaisip!

Kahit pa-meeting wala?

Ilang oras muna akong nag-pahinga doon bago naglakad ulit pabalik sa office. Hindi ko na pinansin ang mga nadadaan ko dahil puro sila baliw.

Dire-diretso akong pumasok at walang katok-katok na sa pintuan. Nakahinga naman ako ng maluwag ng wala na si Khae sa loob. Naka-sandal naman si Lei sa swivel chair niya at naka-taas pa ang dalawang paa sa table nito.

Magpasalamat ka ikaw ang boss, 'kung hindi nakuuu...bwisit!

Dumiretso ako sa table niya para kunin ang gamot ko sa bag para mapahidan ko ang tiyan ko kaagad.

Tungunu kumikirot!

Kinakalikot ko table niya kaya nagising siya sa pag-mumuni muni.

"What is it?" nagtatakang tanong niya at inilapit sa table ang upuan. Hindi ko ito pinansin at abala pa'rin sa paghahanap. "Hey!" kalabit niya sa'kin.

Manigas ka, tawagin mo 'yung Khae mo 'dun ka magtanong.

"Hey, baby." pag-uulit niya. Naaawa na ako sa kanya, parang nawalan ng bente.

Pinigilan ko naman ang matawa tiyak kikirot tiyan ko ne'to.

Sige lang.

"Garrette," pag-hihila niya sa buhok ko. Hindi ko pa'rin ito pinapansin at inabala ang sarili sa paghahanap. "Louiza," pagpapatuloy niya.

"Chin... Garrette Louiza Chin!" buo niya sa pangalan ko.

Pesteng gamot oh, asan ka na ba!

"Hey, honey! Pansinin mo nga ako!" pagmamakaawa niya pa. Hinila niya pa lalo ang buhok ko hanggang sa makalapit ang ulo ko sa kanya. "Baby, darling, sweetie, sweetheart, honey, love, babe... sweetie pie!" pagtawag niya sa mga endearments 'pang iba. Natatawa talaga ako sa huling tawag niya kaya umiwas ako tingin.

"Mrs. Watson! Pag di mo ako pinansin aanakan kita dito!" pagbabanta niya pero hindi ako nag-patinag.

'Kung ganon...simulan na na'tin! Chaarrr.

"Isa...baby," nagsimula ng mag-bilang ang hunghang. Hinila ko naman na ang ulo ko ng makita ko ang herbal oil kaya ngumiti akong sinuri ito.

"Dalawa..." pag-papatuloy niya at handa na itong tumayo. Naglakad ako sa kabilang side niya para pumunta sa banyo.

"Tatlo!" huling pag-tatapos niya. Nakalagpas na ako sa kanya ngunit nahuli nito ang pala-pulsuhan ko kaya hinila ako paikot bago binuhat paupo sa table kanyang table.

"Baby, why don't you pinapansin me?" titig niya sa'kin.

Tanong ka kay Khae, malay mo masagot niya.

Ang landi mo sa'kin, tapos makikita ko sinisimulan mo na si Khae. Kaya pala kini-KHAElig ka eh!

Baba na sana ako ng isandal niya ang dalawang kamay sa desk kaya hindi ako makaalis.

"Look at me." seryoso na nitong sabi.

Pikon na 'yan mwehehehe.

"I said, look at me, baby." pag-uulit niya.

Pinanlakihan ko namang ito ng ilong bago tinignan ito ng nakaka-suya. Tumingin lang ako sa ilong niya at hindi sinalubong ang malalim niyang titig.

Sabi mo look at you lang.

"Look at my eyes." utos na naman nito.

Ang dami mo namang request!

Kumirot na tiyan ko!

Umikot-ikot muna ang mga mata ko na parang hinahanap 'kung nasaan ang mga mata niya. Huminga muna ng malalim at nagpipigil na sigawan ako. Hinawakan ang ulo ko gamit ang magkabilang kamay niya at iniharap sa kanya.

"Now look at my eyes, love." mainahon ulit niyang utos.

Dahan-dahan ko namang sinalubong ang inaantok niya'ng mata kaya nakonsensya ako kaagad.

God, malapit ng pumikit.

"I'm sorry, okay?"

Huh? Nag-sosorry ka? Hahaha, 'kung ngisihan din kaya kita ngayon, hanggang sa mamatay ka sa pikon?

Yawa, ilang oras akong nag-isip 'kung anong nangyayari sa loob ng kumpanya mo! Para silang mga ulol na aso 'kung tumingin sa'kin!

Nakatikom pa'rin ang bibig ko habang nakatingin sa kanya.

"I'm just...masakit ang balikat ko kaya tinawag ko muna si Khae to massage my shoulder." pag-papaliwanang niya.

Wala akong pakealam diyan.

"Magsasalita or hindi?" pag-hahamon niya sa'kin at pinagapang ang kamay sa bewang ko.

Sige pag-natamaan mo tiyan ko diyan hindi ako mag-dadalawang isip na sakalin ka!

Nakikiliti ako ng makarating na siya sa dibdib ko kaya umiwas ako ng tingin at nag-pipigil na umungol. He's now touching my left mound.

"Oo na!" agad na sabi ko sa kanya at hinawakan ang kamay na nasa dibdib ko para tanggalin na ito.

Putangina ang bilis 'kong sumuko! Ayoko maging marupok!

Ngumisi naman siya at pinaunlakan ako ng halik sa labi. Nakakapit lang ako sa gilid ng table while Lei continuing massaging my breast.

He's kissing me passionately and now he's starting to enter his tongue to mine. He's licking it hard at bumaba ang halik niya sa leeg ko kaya napatingala habang kagat-labing pinipigilang umungol ng malakas.

Bumababa pa lalo ang halik niya sa leeg ko papunta sa mga buto-buto ko.

"Ahh." I moaned ng matanggal na niya ang damit ko at dumausdos ito pababa sa bewang ko.

He licked my mound and played it using his fucking tongue!

"Hmmm."

Napa-higa na ako sa table ng lalong yumuko pa lalo si Lei. Napakapit ako sa polo niya ng bumaba ang halik niya papunta sa tiyan ko pero hindi niya ito ginalaw dahil alam niyang masakit palang.

Bumalik ang halik niya labi habang tinatanggal ang botones sa pants ko. Napatigil lang kaming dalawa ng may kumatok sa pinto kaya agad ko siyang tinulak at hinablot ang coat niya na nakasabit sa swivel chair bago ko mabilis na pinulot ang gamot at tumakbo papunta sa banyo! Sinamaan ko pa siya ng tingin bago ko sinara ang pinto. Tumatawa naman siyang inayos ang sarili bago pinapasok ang kumatok.

"What?" iritang tanong na niya.

Pangatlo ng hindi naitutuloy ni Lei ang pag-tanggal sa pants ko, mwehehhe!

"Handa na ang meeting room, boss." sagot naman ng babae.

Boses 'yun ni Khae, ah.

Meeting room? Bakit iba na ba ang Sekretarya niya? Dapat ako ang unang nakakaalam, ah!

Nag-ayos na ako ng sarili ko at tinali nalang ang mahabang buhok, nag-hilamos muna ako at ginamit ang towel ni Lei na nakasabit doon pamunas ng mukha.

Inayos ko na'rin ang pantaloon ko bago sinuot ang coat. Binuksan ko na ang herbal oil na binigay ng doktora bago pinahidan ng konti ang tiyan ko.

Woahh, ang lamig.

Mabango ang oil na ito kaya ipinahid ko na sa tiyan ko at hinilot ng konti sa mga gilid-gilid niya. Naramdaman ko naman na kaagad ang lamig nito kaya mas nakakagaan at hindi na naman masiyadong kumikirot. Masarap din itong amuyin, nakakagaan sa pakiramdam. Ibinalik ko na sa box niya ang oil bago naghugas uli ng kamay at lumabas ng wala na akong naririnig na nag-uusap.

Dumiretso ako sa table ko at inilagay sa drawer ang oil bago hinarap si Lei na ngumingisi sa'kin.

"Ano ba ang itatanong mo kanina?" tanong niya sa'kin habang naka-cross leg siya na naka-upo sa swivel chair at humarap sa'kin.

Ah, ayun!

"Wala." matipid na sagot ko.

Tumaas naman ang kilay niya. "Nothing? Kaya pala excited 'kang tawagin pangalan ko kanina." iling niya.

Kanina 'yun pero ngayon, heh!

"Baliw." saad ko sa kanya at tumalikod na palabas.

"Where are you going?"

"Sa Impyerno, magkita tayo 'don." pabalang na sagot ko at lumabas na sa office.

Huminga muna ako ng malalim bago tumungo sa meeting room ng marinig na ang malalakas na bulungan nila. Lahat ng nagtratrabaho sa kompanya nandito sila ngayon kasama ang mga empleyado.

Ano ba kasing meron ngayon.

"Oh, Madam nandito ka na pala." bati sa'kin ni Xi kaya napatingin naman silang lahat sa'kin bago ngumiti!

Eto na naman po tayo, 'yang nakaka-inis na pangiti-ngiti niyo!

Tumigil naman sila kaagad sa bulungan at umayos na ng upo. Pumunta na ako sa harapan nilang lahat at gumilid ng konti ng sumunod sa'kin si Lei na seryoso ang mukha.

"Nandito na ba silang lahat?" patanong na bulong sa'kin ni Lei.

"Aba malay ko, tanungin mo kaya sila. Kararating ko lang, eh." irap na sagot ko naman sa kanya. Tumingin siya sa'kin ng nakaka-suya bago humarap ulit sa kanilang lahat.

Magtatanong na nga sa'kin 'pang kasama niyang dumating, dipunggol.

"Okay..." panimula niya bago tumikhim at ibinulsa ang dalawang kamay.

Ang gwapo niya sa posisyon na 'yan.

Naka-ayos ang buhok at wala na naman ang necktie niyang suot at coat.

Teka...suot ko coat niya, ah!

Napatingin naman ako sa coat na suot ko ng may marka 'doon na nakalagay. 'Lei Watson'. Napangiwi ako kaagad at inaayos ang coat para matakpan ang pangalan niyang nakalagay.

Hindi mapakali ang ulo 'kong pabaling-baling 'kung paano ba matatakpan ang pangalan niyang naka-burda doon. 'Kung lalabas naman ako ngayon, hindi ko na naman maririnig ang announcement niya. Pag-tinanong ko naman sa kanya, tiyak sesermunan na naman ako bago ko makuha ang sagot sa tanong ko.

'Kung sin-liit sana ng hintuturo ko kalaki ang burda okay na sana, pero 'kung sin-laki naman ng dalawang daliri ko kalaki, tiyak mababasa nila 'yan!

Baka maging bulung-bulungan pa ako dito.

Tumikhim si Lei kaya napa-sulyap ako sa kanya. Agad naman akong napaatras ng konti ng makita ang malalalim niyang titig sa'kin.

Ano na naman?

Hinamon ko naman ito gamit ang mga mata ko at kilay na tumataas-taas pa.

Mas tinitigan pa niya ako ng masama kaya ibinaling ko ang ulo ko sa mga kasama naming naghihintay ng announcement niya habang naka-harap pa'rin kay Lei ang katawan. Pero agad 'ding naglaho ang ngiti sa labi ko ng makitang titig na titig silang lahat... SA'KIN! Ngumiwi naman ako kaagad at umayos ng tayo bago sinenyasan si Lei na ipag-patuloy na niya ang sasabihin.

"Humanda ka sa'kin mamaya." bulong nito sa'kin bago pinagpatuloy ang sasabihin.

"Nandito kayong lahat dahil bukas we have a big party for our winning in the Products of the year!" panimula niya at tinignan silang lahat.

"Saan magaganap, boss?" tanong ng ibang empleyado sa kanya.

"Sa Venison Resort. Evening party, you can swim after our little ceremony." sagot naman niya.

"What time, boss?"

"7:30,"

"Okay, boss."

"You can invite also who ever you want to come." dagdag niya pa kaya nag-hiyawan naman silang lahat sa tuwa bago nag-palakpakan!

Eh, invite ko kaya lahat ng ka-subdivision ko, tiyak masaya iyon.

"Okay, boss." tango nilang lahat at nag-palakpakan sa tuwa.

Si Khae naman ay tutok na tutok sa suot 'kong coat ng binalingan ko siya kaya inirapan naman ako ni Ami ng napunta sa kanya ang baling ko.

Luh, kasalan ko sa'yo?!

"Madam Garrette, I have a question." taas kamay na tawag ni Xi sa'kin.

Ano na naman kayang kalokohan 'to!

Tumahimik naman silang lahat at nakatingin sila sa amin.

"What?" taas kilay na tanong ko sa kanya.

"Uhmm..." ngisi niya sa'kin. "Kaninong coat ang suot mo?" mabilis na tanong niya kaya napatingin silang lahat sa suot 'kong coat.

Sabi ko na kalokohan.

"Lei Watson!" basa nilang lahat sa naka-burda sa coat.

Napa-sulyap naman ako kay Lei dahil sa kahihiyan. He smirks me.

Tarantado! Kasalanan mo 'to!

Sinamaan ko naman siya ng tingin ng ngumisi siya sa'kin.

"H-hindi sa k-kanya 'to!" sagot ko sa kanila pero inaasar lang nila ako lalo.

"Wag mo na i-deny Sec."

"Anong meron po sa inyo?"

"Kayo na po ba?"

"Kwento naman diyan!"

Hiyawan nilang lahat.

"Kasalanan mo ito!" sisi ko kay Lei bago pinalo ang balikat niya.

"Ginusto mo 'din." ngisi niya sa'kin.

Aba.

"Tangina ka!"


You are reading the story above: TeenFic.Net