CHAPTER 11

Background color
Font
Font size
Line height

Naupo na sila mama kaya ako naman na ang susunod. Bumuntong hininga muna ako bago tumayo. I did not take off my shade. Nanginginig ‘kong inabot ang microphone at tumingin sa kanilang lahat.

I was so fucking nervous.

“P-pa...” panimula ko palang gumagargal na ang boses ko. Nakita ko ‘pang nakatutok lang sa'kin si Lei. Umiiyak na'din ang mga kaibigan ko at napapaluha na ang mga kasamahan namin. “I don’t know how t-to start again...It’s hurting m-me a lot,” umiiyak na turo ko sa dibdib ko. “I a-always ask myself b-bakit ngayon pa ‘kung s-saan mas k-kailangan kita, pa, ha?” pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko. “A-akala ko b-ba you're going to attend the g-graduation of CL pa? B-but now, all we here...is a-attending your damn funeral? A-ang sakit-sakit d-dito pa...” turo ko sa puso ko at mas lalong hindi na mapigilan ang mga luha ko.

I can't breath.

Hinabol ko muna ang hininga ko bago nagsalita muli. “I-I’m trying to a-accept it but...I really can't do! H-how?...s-sanay na’ko pa, eh, bakit bigla ka naman y-yatang kinuha sa'min. I really r-really miss y-you. T-tutuparin ko ang h-huling bilin mo sa'kin pa.” I stop myself to cry out loud. Bumuntong hininga ako ng malakas bago tapusin ang huling sasabihin. “N-now, I a-am going to accept that you are gone, but in our soul never f-forgotten you. I love y-you.” napaluhod na ako sa sobrang panghihina at napa-upo nalang sa damuhan dahil sa pag-iyak.

“A-ate.” iyan nalang ang nasabi ni CL at yumakap sa'kin.

“A-anak, tayo na.” umiiyak na sabi sa'kin ni mama at lumuhod na'rin para mayakap ako.

“T-tita, tayo na po. Kailangan na kayo ‘don para maibaba na si, Tito.” umiiyak na sabat ni Ally.

“S-salamat, iha.”

Tinulungan na ni Ally at Ash si mama na tumayo para tignan muna nila si papa bago ito maibaba sa lupa.

Biglang yumakap sa'kin si Lei kaya mas lalong napahagulgul ako ng iyak sa dibdib niya.

Tinulungan akong tumayo at inabutan ng bulaklak. Naka-alalay lang siya sa likuran ko habang tinatanawan ko ang mukha ni papa na sinasara na ang kabaong niya!

Noooo!

“Papa!” sigaw ko ng malapit ng maisara. Lumapit ako at niyakap ang kabaong niya habang humihikbing umiiyak. “P-pa,” ang tanging naiusal ko nalang.

Hinila na nila ako para maisara na ng tuluyan. Hindi nila ako binibitawan kaya mas lalo akong kumakalas sa kanila.

“Papa! Pa!” sigaw ko ng ibinaba na nito gamit ang isang tali papunta sa ilalim ng lupa. Napaluhod nalang ako habang naka-tunghay sa gilid ng lupa.

“Pa! wag mo kaming...iwan! Papa!” sigaw ko at napapadapa dahil namamaga na ang lalamunan ko.

Iyak nalang nila ang naririnig ko.

“Papa...” humihikbing sabi ko ng unti-unti na nilang nilapag sa lupa. “Paaaaa! Papa ayoko p-pa! H-hindi! Hindi ko k-kaya!!” umiiyak na talagang sigaw ko.

Hindi ko matanggap pa! Masakit!

Natatabunan na nila ito ng lupa kaya mas lalong nataranta ako.

“Papa! Paaaaa! Sandali! Papaaaaa!!” nag-sisigaw na ako at gumagapang na sa damuhan.

Hindiiii!

“G-garrette! T-tama na anak.” pagil sa'kin ni mama.

Nasa likuran ko parin si Lei nakahawak sa mag-kabilang balikat ko.

“Pa---pa!” nanghihina ng sigaw ko. Gumapang pa ako palapit ng natabunan na nila ang kabaong ni papa. “Pa! Sabi mo h-hindi m-mo kami iiwan?!” humihikbing tanong ko. “B-bakit pa? Ba---kit?” napayakap na ako kay Lei sa sobrang panghihina. Hindi ko na naramdaman ang braso ‘kong masakit simula ‘nong naligo ako mamaya. Tiyak babalik ito mamaya dahil nagsisimula ng kumirot.

“L-lei...” humihikbing tawag ko.

“Shhh,” sagot niya at hinagod ang likod ko.

Hindi ko na alam kung anong iniisip ng mga katrabaho namin ngayon. Saka ko nalang problemahin.

“Remember, I’m always here.” bulong ni Lei sa tenga ko. Tumango-tango nalang ako bilang tugon. “You can share me all your problem or whatever, I’m listening always, okay love?” dagdag pa niya. Tumango nalang ako habang pinapatahan ang sarili.

Gumagaan ang sarili ko pag alam ‘kong nas tabi ko si Lei.

I don't know how to give you back all your doing well to me.

I am so lucky to have you.

“Tara na?” yaya sa'kin ni Lei. Nag-aalisan na'rin ang mga bisita pauwi sa bahay dahil may gaganapin ‘pang lunch. Inasikaso na'rin ni mama si Father at ang mga kasama niya.

“Mm.” tanging tugon ko. Inalalayan na niya akong tumayo at maglakad papunta sa sasakyan niya. Binuksan na'rin niya ang gun seat bago ako sineat-belt’an. Dahil may kalayuan ng konti, naka-idlip ako habang pauwi na kami.

“Garrette... we're here.” gising sa'kin ni Lei.

Unti-unti ‘kong binuksan ang mata ko at nakita ‘kong nasa tapat na kami ng bahay.

Nasa tapat na ng pintuan ng sasakyan si Lei at nakatitig lang sa'kin.

Hinawakan na niya ang kamay ko at dahan-dahan na pinatayo. Dumiretso na kami sa loob, ang ibang bisita ni mama ay kumakain na habang ang mga katrabaho ko ay hinihintay pala kami.

Sinenyasan ko silang pumunta sa garden para doon nalang kami kumain. Ipinalabas ko ang long table at ang iba ‘pang upuan.

“Upo muna kayo diyan, maghahanda lang ako.” paalam ko sa kanila.

“Wait! Sama kami!” patigil sa'kin ni Ash. Sumama na sa'kin si Ally at Ash para matulungan akong maghanda.

“Are you okay?” nag-aalalang tanong ni Ally sa'kin.

“Ah oo,” wala sa sariling sagot ko.

“Magpahinga ka nalang, Ga. Kami nalang mag-aasikaso sa kanila.” sabat naman ni Ash.

“Okay lang ako. Matapang 'to.” pekeng ngiti ko. Inirapan lang nila ako at napipilitang ngumiti.

Promise...okay pa naman ako.

Dumiretso na kami sa kusina at kumuha na ng pagkain.

Hindi ko pa nakikita si, CL, ah. Asan kaya ‘yung kumag na ‘yon.

Kanya-kanya na kami ng hawak at bumalik na sa garden.

“Kuha lang kayo,” paalala ko sa kanila.

“Eh, ikaw Sec. Garrette?” tanong ng isa sa empleyado.

“Mamaya na ako kumain, mauna nalang kayo.” ngiti ko sa kanya.

“Sumabay kana,” Lei glaring me.

Katakot naman!

“Mama-”

“Eat or else I feed you.” ngisi niya sa'kin. Sinamaan ko naman siya kaagad ng tingin.

Pag may nakarinig sa'yo! Nako...

“Narinig ko ‘yun.” bulong sa'kin ni Ally.

Sabi ko na, malaki din talaga ang tenga nito!

“What the hell, Ally? Shut up.” salubong ang kilay na sagot ko sa kanya.

“May gagaw-” hindi ko na naituloy ng sumabat si Xi na naka-ngisi.

“Bro, ano ba ‘yung sinabi mo kahapon ba ‘yon? One fucking reason, one kiss?” maang-maangang tanong ni Xi kay Lei.

Lei smirked proudly

Demonyo!

“Of course, I can do that wherever I am.” pagpaparinig niya sa'kin.

Pinanliitan ko ng mata si Xi at dali-daling umupo.

Bwisit ‘kang alien ka!

Ngumiti naman ng nakakaloka si Xi. Linagyan na ni Lei ang plato ko ng pagkain saka niya iniabot sa'kin.

“Eat.” bulong niya. Inirapan ko ito then I make-face.

“Mamaya-” hindi ko na naman naituloy ang sasabihin ko ng dahan-dahan siyang tumunghay sa harapan ko.

Talagang gagawin ha!

Lumiyad naman ako patalikod. “Oo na kakain na! Bwisit!” inis na bulong ko sa kanya.

“Good.” sabi niya pa at umupo na ng maayos. Umupo na'rin sila Ally at panay ang tingin kay Xi.

Sinipa ko siya sa ilalim ng lamesa!

“Ano ba, Garrette?” mataray na tanong niya sa'kin.

Sorry napalakas ang sipa!

“Anong tiningin-tingin mo diyan?” taas kilay na tanong ko.

“Kumain ka na nga diyan! Boss, subuan mo nga!” inis na sumbong niya kay Lei.

“Hulk...Hulk!” nabilaukan ako kaagad sa narinig!

Luhh, bunganga ‘mong hayuup ka!

Marami ‘rin ang napatingin sa gawi namin ng marinig ang sinabi ni Ally! Nagpipigil naman ng tawa si Xi at Yass. Lei hide his smirk.

“Eh-hehehe...m-mali kayo n-ng ano dinig!” kinakabahan na usal ko sa kanila. May tumango-tango pa na akala mo naniniwala sa sinabi ko. Meron namang nang-aasar ang tingin sa'min.

Bwisit ka talagang babae ka!

Pagkatapos namin kumain kanya-kanya na kami ng paalam dahil kailangan pa naming bumalik sa kumpanya. Marami pa akong aasikasuhin at ngayon ko palang sasabihin sa kanila ni Ally at Ash ang plano.

“Tita, mauuna na po kami. Salamat po sa lunch!” paalam ni Ally at bumeso kay mama.

“Salamat po, tita!” yakap naman ni Xi at Yass.

“You are always welcome, iho, iha. Salamat din sa pagdalo, balik kayo uli. Pasensya na hindi ko kayo masiyadong naasikaso.” paliwanag ni mama.

“Okay lang po, next time nalang.” ngiti naman ni Lei.

Anong akala mo sa'kin, i-imbitahan kita uli? Duhh!

“Salamat po, Auntie!” paalam ng mga kasama ko!

“Ingat kayo!”

“Ma, aalis na'rin po ako.” paalam ko kay mama at bumeso.

“Mag-ingat ka anak. Kami nalang bahala dito, ha?”

“Opo, mama. Pakisabi nalang po kay, CL na umalis na ako, ma.” paalam ko at tumalikod na.

Sumakay na ako sa kotse ko at sumunod na sa kanila papunta ng work.

“Ash! Ally!” tawag ko sa kanila bago pa makasakay sa elevator.

Tinignan naman ako ng nakakasuya ang mga gaga!

“What is it, madam?” sarkastiko na tanong ni Ash.

“Ngayon na tayo magsisimula sa pag-iinvest ng kumpanya,” ngiti ko sa kanila.

Ano? Ayaw niyo?

“Oh, eh anong gagawin natin? Nagsimula na sila Khae.”

“Was pake sa kanila,” my browsed farrowed.

“Maghiwa-hiwalay tayo sa pag-iinvest. ‘Kung may kailangan kayo sabihin niyo lang sa'kin. Sina Xi at Yass na ang bahala sa internet voting at ‘yung ibang employee na ang gagawa sa ibang product supply ng kumpanya.” mahabang paliwanag ko sa kanila.

“Si Boss?” tanong ni Ally.

“Siya na ang bahala sa ibang investment, mautak naman ‘yung kumag na ‘yon.” irap ko sa kanila.

“Okay, copy!” sagot nilang dalawa.

“Sige, sabihin niyo nalang sa'kin mamayang gabi ‘kung anong update niyo. Mag-ingat kayo, tandaan niyo wala kayong kasama pero meron tayong tig-iisang earphone na gagamitin para may kumunikasyon tayo sa isa't-isa maliwanag?”

“Copy. Magsi-simula na kami mamaya.” paalam nila.

“Okay, salamat!”

Naghiwa-hiwalay na kami ng daan at dumiretso na ako sa office para i-ready ang mga kukunin ‘kung files.

“Boss, hindi na makakapunta ngayon 'yung bisita niyo.”

“Why?”

“She have an important meeting.”

'Yan ‘yung in-email niya sa'kin.

Buti naman, wala rin kami kaninang umaga na dapat ‘yun ‘yung oras na ipinunta niya.

Inayos ko na ang files na kukunin ko at sinuot na'rin ang earphone na maliit.

“Linagay ko na lahat ng update diyan, boss, paki-review nalang.” sabi ko sa kanya at tumalikod na.

“Where are you going?” nagtatakang tanong niya.

“Start investing, boss.” humarap ako sa kanya bago tumango. Dumiretso muna ako kay Xi para ipaalam na magsisimula na kami. Sumakay ako sa elevator at huminto sa epmloyees room.

“Xi!” tawag ko ng makitang problemado sa laptop.

“Ano ‘yun?” lingon niya sa'kin.

“Mag-start na kami ng investment, patingin ako sa result voting.” ngiti ko sa kanya at pinakitang nagmamadali.

“Yass, ‘yung voting result nga.” utos ni Xi.

“Teka may problema tayo, tangina!” galit ng sigaw ni Yass.

‘Yung mga ibang empleyado natataranta na'rin sila.

“Ano ‘bang nangyayari?” nagtatakang tanong ko.

“Yung product supply! Nawala lahat ng details pati copy! Putangina pinag-hirapan namin ‘yun na gawin, halos hindi na kami natulog matapos lang!” naiinis ng sigaw ni Xi.

Ha? Pa’nong nagyari ‘yun!

“Bwisit, error!” sigaw ng isa sa mga empleyado.

Busy nga sila.

“Sa susunod nalang.” paalam ko kay Xi.

“Pasensiya na ha, kailangan kasi naming maibalik agad ‘yun. Nakakatakot 'pag magalit si, boss!” kinakabahang paumanhin niya.

“Sige, aalis na'rin ako.” paalam ko. Bumaba na ako at nagmamadaling pumunta sa parking lot. Napatingin ako sa relo ko ng 2pm na. Binilisan ‘kong mag-maneho hanggang maka-rating sa isang Kumpanya!

We can do this!

Bumuntong hininga ako bago pinark ang sasakyan ko at nagmamadaling pumasok.

“Hi, ma'am. Ano po kailangan nila?” tanong sa'kin ng isang babae. Secretary ata nila ito.

Perfect na sana kaso, pandak lang.


You are reading the story above: TeenFic.Net