Chapter 21

Background color
Font
Font size
Line height

Roah

"Shit! Anong problema ni Dyanne, bakit biglang umalis?" habol ang hiningang pinagmasdan ko ang papalayo niyang sasakyan.

Kaya naman pumasok na ako sa loob ng bahay at kinuha ang charger ng cellphone ko.

"Kung kelan naman kasi kailangan kong tawagan si Dyanne saka naman na-lowbatt cellphone ko.!" sabay upo sa gilid ng kama at saka ipinatong ang aking dalawang siko sa aking mga hita at habang nilalamukos ko ang aking mukha sa inis!

Maya-maya lamang ay kumatok na sa may pintuan si Manong Pilo at tinawag ako.

"Hijo, Hammer na lamang ang gamitin natin sa pagluwas ng Maynila, hindi puwede ang isang sasakyan dahil sa coding. Naikarga ko na lahat sa likod ang mga gulay at prutas na ipinagbilin ni Dyanne kay Filomena.

Sabay silip ni Manang Filomena sa akin.

"Pasensya na anak ha pero sa nakita ko kaninang reaksiyon ni Dyanne pagkapasok ko sa loob ng bahay ay pulang-pula ang kanyang mga mata at mukhang umiiyak. Nag-away ba kayo anak? Hindi kasi kapani-paniwala na may emergency meeting sa opisina niya kaya siya nagmamadaling umalis. Nag-aalala kasi ako sa kanya baka sa kakaiyak niya ay mapaano siya habang nasa daan." pag-aaalala ni Manang Filomena.

"Tama po kayo Manang. Katatawag lang sa akin ni Cheska at kinakamusta nga kami. Okay naman sa opisina kaya kung ayaw pa raw ni Dyanne na lumuwas hayaan na muna raw dito si Dyanne ng makapagpahinga." habang ako naman palakad-lakad at 'di ko malaman kung anong dahilan niya. Maayos naman kami kanina bago umalis.

Hanggang sa naalala ko si Lillie, baka nakita niya ang ginawang paghalik sa akin ng biglaan ng ex-girlfriend ko.

"Shit!" sabay kuha ng mga gamit ko at niyaya ko na si Manong Pilo na umalis na.

Nagbilin ako kay Manang na siya na bahala sa bahay at sa kwartong iniwan ko.

Hindi pa man ako tuluyan nakaalis ay napansin ko ang bag nakapatong sa table. Naiwan pala ni Dyanne itong ibinayad ni Zadrich sa kanya. Kaya naman kinuha ko na ito.

"Manong Pilo magsama pa po kayo ng isa pa ninyong kasamahan para may makasama kayo sa pag-uwi mamayang gabi."

Sasakay na sana kami sa sasakyan ng humabol si Manang sa amin.

"Oh eto 'nak mamaya sa stop over kainin ninyo itong niluto ni Dyanne na Pininyahang manok sa gata. May kanin na rin kasama iyan at disposable na plato at kutsara't tinidor. Dito naman sa maliit na cooler may nilagay akong mineral water at softdrinks in can. Hala sige humayo na kayo't mag-iingat." pagpapaalis niya sa amin.

"Maraming salamat po Manang." atsaka ako sumakay at isinuot ang seatbelt. Naghanda na akong paandarin ang sasakyan.

Makalipas ang isang oras...

Nandito na ako sa aking penthouse. Tinawagan ko si Cheska at nagbilin na mag-meet kami mamaya sa D' Zrich Bar kahit isama niya si Zack ay okay lang. Basta gusto ko lang uminom ngayon at maibuhos ang lahat ng saloobin ko sa pamamagitan ng pag-inom sa bar. Ayokong magmukmok sa bahay ko at lumuha ng lumuha.

Unang-una 'di ko naman pagmamay-ari si Roah kaya wala akong karapatan na kumprontahin siya. Ang kalaban ko na dito ay ang aking sarili at ang malanding babae na iyon!

Gumawi ako sa aking walk-in closet at doon namili ng susuotin kong damit para mamaya.

Pagsapit ng seven in the evening, nag-prepare na ako pumunta sa meeting place namin ni Cheska.

Pagkasakay ko sa aking sasakyan at paglabas sa parking area ay napansin ko naman papasok ang sasakyan na gamit namin sa Tagaytay papunta ng farm.

Alam kong sina Roah ang sakay ng sasakyan kaya nagmadali na akong makalabas.

Sa ngayon 'di ko pa kaya na harapin si Roah na ganito ako. Mabuti na lang may mga personal akong gamit sa bahay ni Cheska, balak ko kasi na sa kanya muna ako tumuloy after this night.

At D' Zrich Bar...

Sinalubong ako kaagad ni Cheska sa may entrance para sabihin sa bouncer at guard na VIP ako kaya no need na hanapan pa ako ng kahit ano.

Dumiretso kami sa VIP room kung saan doon kami unang pumuwesto noong ma-meet ko si Roah.

Pagpasok sa loob kumpleto na lahat. Maraming pagkain at marahil gusto na muna ni Cheska na mag-dinner kami bago uminom ng alak.

Kaya pagkaupo ko pa lang inasikaso na ako ni Cheska at inilapit sa harap ko ang mga pagkain.

Nandito na rin si Zack na gaya ng sinabi ko.
Maya-maya lamang ay nagpaalam ito na sagutin na muna ang tumatawag sa kanya sa phone.

"Ahm, excuse me girls for a while. I need to answer this call. I'll be right back okay?" paalam ni Zack sa amin.

Zack

"Yes, bro! What's up?" sagot ko sa kanya

"Cheska's number cannot be reach, is she with you right now?" he ask with a worried on his voice

"Why are you looking for her?" i seriously ask him

"Just wanna ask her if she know where Dyanne is?" he is irritated answered my question.

"Dyanne is with us right now here in D' Zrich Bar." i answered.

"Okay bro, thanks! But please don't tell Dyanne na susunod ako diyan." pakiusap niya sa akin.

"Okay, i will!" and he hang up the phone.

Pagpasok ni Zack sa loob ng VIP room nakita ko na pasimpleng sumulyap siya kay Cheska. Sorry to say 'di ito napansin ng bestie ko.

"Kain na, Dyanne. Hindi gagalaw 'yan pagkain papunta diyan sa sikmura mo." salita ni Cheska habang sinasalinan niya ng red wine ang glass ko.

Wala akong magawa kundi sumunod sa kanya and honestly nakaramdam na rin kasi ako ng gutom kaya kumuha na rin ako ng Fish Shanghai at chinese pansit guisado bukod pa rito may isang bilao pa ng california maki ang nakaharap sa akin.

Alam na alam talaga ni Cheska ang hilig kong kainin kapag nasa labas kami.

Kaya pagkatapos kong kumain tumuloy muna ako sa comfort room para mag-toothbrush at mag-retouch ng make-up.

Paglabas ko bumaha na ng drinks at mga chasers sa table. Meron din sweets like toblerone, M&M's at Hersheys.

"Bakit ang dami naman nito?" tanong ko sa kanila dahil wala naman sa amin tatlo ang malakas sa alcohol tolerance.

"Dinala 'yan ng waiter dito." sagot ni Cheska habang inuumpisahan nang uminom ng tequilla.

"Really, sana nagpadala na rin sila ng Guess Buddy para sa akin!" sarcastic kong sagot naman. Kaya kitang-kita ko nang samaan ako ng tingin ni Cheska.

Kumindat lang ako sa kanya at pasimpleng hinimas ko ang kanyang hita pataas hanggang sa kanyang underwear na natatabingan ng table.

"Ay titi mong maliit!" ang gulat ni Cheska sa ginawa kong paghimas sa kanyang pagkababae.

"Cheska?" tanong naman ni Zack na takang-taka.

"Ay sorry Zack 'di ang titi mo ang tinitukoy ko, shit!" lalo pang namula si Cheska ng pasukin ng daliri ko ang panty na suot niya.

Kaya naman pasimple naman niyang binaba ang hawak niyang lemon at kinuha ang kamay ko sabay abot ng red wine.

"Para mawala 'yan uminom ka muna ha nang 'di ka nanggugulat, mamaya ka sa akin." bulong niya sa akin matapos niyang ibigay ang wine glass ko.

Natawa naman ako sa reaction ni Zack...

Ano kaya kung pagtripan ko ang dalawang ito.

Mukha kasing may nangyari na sa dalawa na naman eh.

Humanda kayo sa akin at magpapakondisyon lang ako.

Mainam nang makipaglandian muna sa dalawa rather to feel this shitty feelings that i had from Tagaytay.

Kaya ng makaramdam ako ng konting pag-iinit ng mukha ay si Zack naman ang napag-iinitan kong landiin.

Kaya nang makalingat siya ay pasimple akong kumandong sa lap niya na ikinagulat ni Zack.

Huling-huli ko kung paano ako pagtaasan ng kilay ni Cheska kaya kinindatan ko lang siya.

"Hmm, Zack..." habang nilalaro ng aking daliri ang kanyang tainga. "Are you single? Siguro naman walang magagalit kung sakali man magkausap at magkamabutihan tayo dahil parehas mo single din ako." sabay bulong ko sa kanya

Nanginginig ang kanyang kamay na hinawakan ako sa braso ni Zack at dahan-dahan niya akong pinatayo at iginiya sa kanyang tabi.

"Sorry Dyanne pero mayroon na akong mahal ngayon at si Roah alam kong mahal ka ng kapatid ko." kaya naman pagkarinig ko sa kanyang sinabi biglang bumanghalit ng tawa si Cheska.

"10 points! Ouch sapul ako roon ah!" pang-asar ni Cheska sa akin habang naka-smirk.

"Ganoon ba, wala naman dito ang tinutukoy mong mahal kaya okay lang kung magnakaw tayo ng isang saglit." sabay yakap ko sa braso niya at pasimpleng sumulyap kay Cheska na ngayon ay ngingisi-ngisi kay Zack.

"Sorry Dyanne, pero nandito siya... si Cheska ang tinutukoy ko." kaya naman bigla akong tumayo at sumigaw ng... "Let's celebrate!" na ikinagulat ni Zack at ikinangiti naman ni Cheska...

Kumuha ako ng isang bottle of wine at doon uminom habang si Cheska naman ay itinaas ang dala niyang tequilla shot glass at nakipag-cheers sa akin...

Masaya ako for her dahil nakikita ko ngayon na mukhang makakatagpo na si Cheska ng para sa kanya.

Kaya kinuha ko ang kamay ni Zack para maki-join siya sa amin sa pag-cheer.

Pagkatapos ng shots namin tatlo ay hinapit ni Zack sa baywang si Cheska at siniil ito ng matamis na halik.

It was confirm na may namamagitan na sa kanila ni Zack.

Sa gitna ng kasiyahan namin ay may pumasok na isang lalaki na nakasuot ng black shirt na may naka-print na Guess Buddy at naka-cap, marahil ito na ang binigay sa amin na maging buddy ko for tonight.

"Hi, are you my buddy for tonight?" tanong ko sa kanya na may pang-akit na tingin.

Nakayuko lamang siya at 'di tumitinag sa kanyang kinatatayuan. Kaya sa inip ko ay ako na ang lumapit.

"Shit!" bulong ko sa sarili ko ng maamoy ko ang familiar na pabangong gamit nito.

Kaya naman dali-dali kong tinanggal ang cap na suot nito at tumambad sa aking harapan ang mukha niya na malungkot at matang nagsusumamo?

"Hi, baby..." bati niya sa akin sa maliit na boses.

"Zadrich..." sambit ko sa kanyang pangalan.

You are reading the story above: TeenFic.Net