Chapter 99

Background color
Font
Font size
Line height

a/n: christmas lang walang merry dahil hindi merry ang pasko ko.

Chapter 99: TBSP

Aeriz's POV

Basta na nga lang ako hinila ni Kiro papunta sa Gzon's Hospital since malapit lang naman iyon.

Pero ang mali niya ay hindi niya manlang naitanong sa akin kung nandito ba si kuya o wala.

“Cutting classes huh?”

Napaiwas ako ng tingin para hindi makasalubong ang pamatay na titig ni kuya Ryle.

Kasalanan 'to ni Kiro e tangina niya.

“May bibisitahin lang kami sa loob.” sabi ni Kiro

Malamang. Alangan namang kakain tayo.

“Who?”

“Iyong janitor.” sarkastikong sagot ko na kaagad ko ring binawi nang sumama ang tingin niya sa'kin “Syempre pasyente. Alangan namang janitor 'di ba?”

“Behave yourself if you don't want me to drag you out of here.” seryosong sabi ni kuya sa'kin bago bumaling kay Kiro “Don't do stupid things.” nilampasan kami nito kaya naman nagkatinginan kami ni Kiro

“Let's go?”

Tinanguan ko na lang siya at nanguna nang maglakad kaso bigla akong napahinto nang may maalala at lumingon kay Kiro.

Hindi ko pala alam kung saan.

Sinamaan ko kaagad siya ng tingin nang mag simula na siyang matawa.

“I want you to meet my brother.” nakangiting sabi ni Kiro sa akin bago binuksan ang pinto na nasa harap

Malawak ang kwartong ito. Halatang VIP e. May sariling kitchen at sala. Mayroon pang malaking tv.

“He's Ichiro Thadeus Yokashi.”

Unti-unting tumingin ako sa taong itinutukoy niya at bumungad sa akin ang lalaking walang malay ngunit sobrang pamilyar para sa akin.

“Alam mo bang February 15 no'ng time na naaksidente siya, tapos iyon din 'yong time na iniwan kami ni Mia.”

At naliliwanagan na ako sa lahat.

“Kuya, saved Aeros. Dapat si Aeros ang mahuhulog noon, pero tinulak niya ito at siya ang nahulog.”

Syempre makikilala ko siya.

“Mas nag aalala siya sa amin kaysa sa sarili niya. Hindi siya ganoon kaseryoso sa buhay dahil may pagka-maloko siya.”

Kaugali mo pala.” napangisi ako sa sinabi ko habang inoobserbahan ang kapatid niya

Nakita ko ang hindi makapaniwalang pag sulyap sa akin ni Kiro “Mas gwapo naman ako sa kaniya.”

Malamig na nga rito sa kwarto, mahangin pa ang kasama ko.

“Kung ganiyan din siya kahangin, mas mabuti pang huwag na siya gumising. Baka magkaroon ng bagyo.”

Pero parang bumaliktad ang mundo sa nakita namin.

“G-Gumalaw ang kamay niya. . .” namamanghang sabi ni Kiro habang nakatitig pa rin sa kapatid na unti-unti nang dumidilat “K-Kuya. . .”

Ilang beses muna itong pumikit bago inilibot ang mata hanggang sa tumigil iyon sa'kin.

“Kuya, naririnig mo ba ako?” tanong ni Kiro “Riz, dito ka muna ah. Tatawag lang ako ng doktor.”

Nang makalabas siya ay nanatili lang akong nakatayo sa tapat ng kama ni Ichiro habang nakikipag titigan sa kaniya.

Walang nagsasalita sa amin hanggang sa naramdaman ko ang kamay niyang inabot ang kamay ko.

“So you do remember me.” I stated

“T-Thank. . .y-you. . .” namamaos ang boses na sabi niya

Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang bumagsak na lang sa kama dahil sa panghihina niya.

Halos isang taon ka ba namang nakahiga, malamang manghihina talaga ang katawan mo.

Nasa akin pa rin ang paningin niya kahit na dumating na ang mga doktor at nurse kasama ni Kiro.

Dali-daling lumapit si Kiro sa gilid niya at hinawakan ang kamay nito.

“Something miracle happened, Kiro. Maayos na si Ichiro, kailangan niya lang ng ilang linggong pahinga at paghihilot ng muscles dahil halos isang taon na siyang nakahiga.” napangiti ang papa ni Aj habang nakatitig kila Kiro Ipapaabot ko na lang mamaya ang reseta ng mga gamot na kailangan niyang inumin para bumalik ang lakas niya.” sambit pa nito bago nagpaalam sa amin

---

Iniwan muna namin si Ichiro sa kwarto nito para makapag pahinga. Nandito kami ngayon sa labas ng kwarto dahil hihintayin pa raw muna ni Kiro na dumating ang parents niya tsaka niya ako ihahatid pauwi since medyo madilim na pala at wala pa kaming dalang sasakyan.

“Alam mo bang matagal ka na naming kilala?” nakuha ni Kiro ang atensyon ko sa tanong niya “Hindi naman literal na kilala, naikukwento ka lang sa'min ni Aeros.”

Baka naman puro kagaguhan ang ikinukwento no'n tungkol sa'kin.

“Noong araw na nangyari ang aksidente, ikaw talaga ang hinahanap namin.”

Takang napatingin ako sa kaniya at inalala kung nasaan ako nang araw na iyon.

“Sumakay kami sa mga motor namin pero dahil walang motor si kuya kasi nag aalala si mama sa kaniya kaya itinapon ang motor nito, kaya kay Aeros siya sumakay.”

Yaman talaga ng mga 'to. Itinatapon lang ang motor.

“It was raining hard. . .I still remember the group of rider na nag slide rin kasabay namin. Some of them didn't, pero sila Aeros at Ichiro ang naging seryoso ang nangyari. Ang motor ni Aeros ay nahulog sa. . .mataas na bangin kung saan tubig ang babagsakan mo, at kapag nahulog ka ay malamang patay ka na bago ka pa makaahon.”

Parang flash drive na bumalik sa akin ang pangyayari. Noong araw na iyon. . .napagpasiyahan naming mag karera nila Van, Ryeio, Theo at Amiel.

Noong araw din na iyon ay naaksidente si Van kaya kinaylangan siyang dalhin sa ibang bansa para maipagamot.

Everything is making sense now. Lahat ng nangyari. . .ay kasalanan ko.

Dali-dali akong tumayo at nagtatakbo papalabas ng hospital peo napaatras nang makita ko ang malalaking patak ng ulan hanggang sa lumakas na iyon.

“Riz!”

Ang tawag na iyon ni Kiro ang nagbigay ng kilabot sa buong pagkatao ko kaya nagkaroon ako ng lakas nang loob na sumugod sa malakas na ulan.

Malamig. Sobrang lamig ultimong puso ko nilalamig dahil sa lahat ng nalaman ko.

“Putangina.” mahinang bulong ko nang maramdaman ang kamay ni Kiro na humawak sa braso ko

“Riz, ano bang problema mo?” galit na tanong niya sa'kin

Basang basa na siya ng ulan, pati pala ako.

“Basang basa ka na!” sigaw niya sa'kin

“Huwag mo akong pakialaman.” matapang na sabi ko at kinalas ang pagkakahawak niya sa'kin

“Okay naman tayo kanina 'di ba? Anong nangyari?”

“Kailan man ay hindi tayo magiging okay, Akiro.”

Dahil kahit kailan ay hindi mawawala sa isip ko ang kasalanan ko.

“Riz, tangina naman, huwag naman ganito!”

“Madali lang naman e. Layuan mo na lang ako. Iwan mo na ako rito!”

Hindi ko kayo kailangan.

“Mahirap nga e! Ang hirap hirap mong layuan! At iwan ka? Tangina! Paano ko magagawa iyon e mahal kita?!”

Bwi---ha? Ano raw? Mah---ano?

“A-Anong sabi mo?” nagtatakang sabi ko dahil baka pinaglalaruan lang ako ng tainga ko

“I love you.

Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko ineexpect 'to.

“Sobrang mahal kita to the point na natutuwa pa ako sa kabaliwang engagement na iyan. Alam ko namang hindi mo masusuklian iyon e, pero wala na, Riz. Ikaw talaga ang mahal ko.” parang naiiyak pang sabi niya

“At tingin mo naman maniniwala ako sa'yo?”

Sobrang labo!

“Riz, hindi ko alam kung paano ba ito nag simula pero sa tingin ko noong school fest. No'ng lumabas tayo mula sa horror house. I don't know but, I. . .I love you.”

Saglit akong napatitig sa kaniya.

“Sorry, I don't feel the same way.” mahinang sabi ko nakita ko namang napayuko siya “But there's someone out there who deserves your love more than I do.” I remembered Sam. She obviously likes Kiro.

“I doubt that.”

“Kiro, thank you for admiring me. You're a great person inside and out, but I don't see you as anything more than a friend. ” inilahad ko ang palad ko sa kaniya “Friends?”

Nakagat ni Kiro ang labi niya at napayuko na lang pero unti-unting umangat ang kamay niya at inabot ang kamay ko.

Mapapangiti na sana ako pero bigla niya akong hinila at kinulong sa bisig niya. Mahigpit siyang nakayakap sa'kin.

“Sa gitna ng malakas na ulan. . .inamin ko ang nararamdaman ko sa pinakamagandang babaeng tao sa mundo.” mahinang sabi niya bago bumulong sa tenga ko “I really love you, Riz.”

_____________________________________
_____________________________________

mwa


You are reading the story above: TeenFic.Net