Chapter 98

Background color
Font
Font size
Line height

a/n: 🌷

Chapter 98 : TBSP

Aeros' POV

“Kahit kailan hinding-hindi kita patatawarin. Dahil ang pagpapatawad at pagkalimot sa bagay na ginawa mo ay parang pagtalon sa bangin na apoy ang babagsakan. Wala na tayong dapat pang pag usapan, Aeros. Kalimutan mo nang naging kapatid mo ako.”

Naiwan akong nakasalampak sa sahig ng kwarto ko habang umiiyak at nagsisisi.

Siguro kung hindi ako sumama kay papa paalis no'ng araw na iyon ay baka maayos pa kami ni Riz.

Kasalanan ko rin.

“Anak, what happened?” biglang pumasok ang mga magulang ko sa kwarto ko “May ginawa ba si Aeriz sa'yo?” nag aalalang tanong ni mama

“It wasn't Riz, ma. It was. . .m-me.”

Lumuhod si mama sa harap ko at nagtatakang sinapo ang mukha ko “Aeros, hindi mo kailangan pagtakpan si Aeriz. Wala kang kasalanan.”

Mapait akong natawa sa sinabi niya “Ma, kailan ba ako nagkaroon ng kasalanan para sa'yo? Kailan ba ako naging mali sa paningin mo? I'm not a perfect son, brother and friend. I am not a perfect person, ma.”

“Aeros Jeisz, ano bang sinasabi mo?” salubong ang kilay na tanong ni papa

“It was never Riz's fault. It was your fault, pa. Ikaw ang nag utos sa mga taong iyon na kidnapin kami ng kapatid ko.” my voice broke and tears started falling from my eyes

Nakita ko kung paano mamutla ang buong mukha niya sa sinabi ko. Hindi niya alam kung anong sasabihin sa kaya't nanatili na lamang siyang tahimik pero hinarap naman siya ni mama.

“Ranzel, anong sinasabi ni Aeros?”

“Alliana, I have no time for those shits---”

“Answer me, Ranzel! Totoo ba? I-Ikaw ang nag utos kaya ba hindi ka gaano nag aalala noon sa kanila?!”

Nakita ko ang subok ni papa na hawakan ang kamay ni mama pero sinampal kaagad siya ni mama.

“It's already in the past, Alliana, and I can't bring back the past! Nothing bad happened to them! I did it because I want your daughter to stay out of our life! Dahil hangga't nandito siya ay hinding-hindi magiging maayos ang pamilya natin!”

So he has a disgusting mindset.

“W-What?! So you really did that?! How dare you?! How can you do that to our child?!” hindi makapaniwalang tanong ni mama sa kaniya at sinugod siya ng sampal

“Si Aeros lang ang anak ko, hindi si Aeriz.”

Nangilid ang luha ni mama habang nakatitig kay papa “I-I. . . can't believe i'm in love with y-you.” my mom left my room with a tears on her eyes

I looked up at my father who's standing in front of me “I just want to have a good relationship with my sister, but you. . .you ruined everything, dad.”

***

Aeriz's POV

“Si Riz!”

“Good morning, Riz!”

“Hello Riz!”

“Magandang umaga, Riz! Pero mas maganda ka pa rin sa umaga!”

Iyan kaagad ang bungad sa'kin ng mga sperm pagpasok ko ng room namin.

Ayaw ko pa sanang pumasok kaya lang hanggang sa tapat ng building ay hinatid ako ng masamang tingin ni kuya Ryle.

Sino ba namang hindi matatakot sa nananaksak na tingin niya 'di ba?

“Okay lang kaya si Riz?”

“Namumugto ang mata niya e.”

Hindi talaga mabubuhay ang mga sperm na 'to hangga't walang napagchi-chismisan e.

Totoong namumugto ang mata ko dahil matapos ng pag uusap namin ni Lucifer kahapon ay nagkulong na lang ako sa kwarto ko at doon naglabas ng sama ng loob.

Sa sobrang daming sama ng loob ang naipon sa dibdib ko, halos bumaha na sa kwarto ko kagabi.

Nang dumating si Ma'am Cynthia ay nagbigay lang siya ng isusulat namin dahil daw marami pa siyang inaasikaso sa teacher's office kaya hindi siya makakapag discuss.

Habang tahimik akong nagsusulat ay naririnig ko ang mga nakakairitang ingay ng mga sperm sa likod ko.

Aware ba silang may tainga ako?

“Baka naman hindi nag toothbrush kaya ayaw mag salita!”

Tangina ah.

Naubusan ng toothpaste?”

“Bad breath na siya!”

“Nakakatakot na makipagusap kay Riz! Baka mamaya mahimatay ako bigla.”

“Worst is baka ikamatay mo iyon!”

Scaaaaryyyy. . .”

Kalma, Riz. Dinedemonyo ka lang ng mga sperm na iyan.

“What if. . .hindi lang hininga niya ang mabaho?”

“Edi hindi na bad breath, bad smell na.”

Hahahahahahahahaha!”

Napakabully na nila!

Malakas na hinampas ko ang desk ng upuan ko na kaagad namang lumikha ng malakas na ingay dahilan para mapatahimik ang mga sperm.

Walang emosyon silang nilingon ko at kaagad naman silang napayuko na parang mga kawawang tuta.

Mga mapagpanggap na sperm!

“Grae! Grae! Kailangan natin lumabas!” nagsisigaw na dumating si Kev dito sa room mukhang tumakbo ito

“Anong nangyayari?” takang tanong ni Kiro bago tumayo at naglakad papalapit kay Kev

Bago pa ito makalapit ay sumulyap muna siya sa'kin pero sinalubong ko lang iyon ng walang emosyong tingin.

Hindi na kami close. Baka palunukin ko siya ng upuan kapag nag feeling close siya sa'kin.

“Basta!”

Nagtakbuhan sila palabas ng room kaya wala na rin akong ibang magawa kundi ang sumunod sa kanila dala na rin ng kuryoso.

Nakarating ako sa tapat ng building namin dahil doon sila nag kukumpulan at mukhang nakikipag away pa nga ang iba.

“Anong kabobohan ba iyang sinasabi niyo?!” galit na tanong ni Drake

Grabe sa kabobohan feeling naman niya ay matalino siya.

“Sinabi ko na ang dapat kong sabihin. Hindi ko na uulitin.” mahanging sabi ng pamilyar na lalaki sa tingin ko ay trabahante ito ng ama ni Lucifer.

“E gago ka pala!” sinubukan ni Daryl na kumawala sa pagkakahawak sa kaniya ng mga sperm para sapakin ang lalaki ngunit humarang kaagad si Grae

“Base on your expression, I'm sure you already know who I am.” malamig ang tono ng pananalita nito

“Grae. . . Vaughn.”

“Planning to demolish this building is like facing your death.”

Nanindig ang balahibo ko sa boses niya. Parang ibang tao. Kalmado ngunit galit na galit.

Kaagad na pumagitna ang Principal dahil malamang pati siya ay naramdaman ang naramdaman kong katakot-takot.

“Stop. Wala na kayong magagawa dahil napag usapan na ito ng board.” matapang na sabi ng Principal

Tangina paano na kami nito? Lintek na paaralan 'to.

“Unless. . .” dagdag nito na nag bigay ng pag asa sa amin “Magagawa niyong lahat na makapasok sa rank 50 ng school.”

Eh?! Paano?! Madaming bobo sa amin!

“Deal.” seryosong sabi ni Grae!

Agad akong sumingit dahil sa sinabi niya “Anong deal? Baka nakakalimutan mong may mga mahihinang utak tayong kaklase?”

Narinig ko ang pagtuturuan ng mga sperm na nasa likod namin. Mukhang nagtuturuan kung sino ang bobo.

Humarap si Grae sa akin at bakas ang disappointment sa mukha niya “You're underestimating the Black Section, Riz.”

“Hindi naman sa ina-underestimate ko ang black section. Ang akin lang ay paano kung isa o dalawa ang hindi makapasa? Saan tayo mag ro-room?”

“I can buy this fucking school.”

Ang yabang!

“At sa tingin mo naman papayag silang ipagbili 'to?”

“Then I'll make another school, just please! Don't underestimate us.” salubong na ang kilay nito tsaka ako tinalikuran ganoon din ang ginawa ng iba

Mukhang sobra ko nga silang namaliit.

“Do you need help?” narinig ko ang boses ni Lucifer sa likod ko

Nang humarap ako sa kaniya ay halos mapangiwi ako sa itsura niya. Malaljm ang eyebags at medyo pumayat din siya. Mukha pang zombie.

Demonyong zombie. Rawr.

“Anong tulong naman? Bibigyan mo kami ng kodigo sa exam, e ultimong ikaw nga 'ata nangangailangan din ng kodigo.” sarkastikong sabi ko rito

“Pwede kong kausapin si papa.”

“Huwag na huwag mong gagawin iyan kung ayaw mong ihulog kita sa bulkan.” seryosong sabi ko rito

“Riz, walang magagawa ang pagtataas ng pride mo. Itong building niyo ang maaaring mawala sa inyo.”

Ngumisi ako rito dahil sa inis na nararamdaman “Siguro nga barumbado ang black section, pero sinisiguro ko sa iyong hindi mawawala sa amin ang building na ito. This building belongs to us. And beware, I might steal your place as rank 1.” iniwan ko siyang nakatayo roon at nakatanaw sa akin

Bahala siya riyan mukha siyang kimchi na nginuya-nguya ng aso.

“Riz.”

Tangina naman hindi ba pwedeng matapos 'tong araw na 'to na walang pesteng kumakausap sa akin?

“Ano ba?” iritang tanong ko kay Kiro

“Can you come with me?”

Naknamputa.

“Saan naman?” takang tanong ko kahit gustong gusto ko na siyang sakalin sa sobrang inis

“I want you to meet someone.”

______________________________________
______________________________________

mwa


You are reading the story above: TeenFic.Net