Chapter 97

Background color
Font
Font size
Line height

a/n: 🌷

Chapter 97 : TBSP

Aeriz's POV

Ilang araw na rin mula noong nagkasagutan kami ni Lucifer tungkol sa nakaraan namin.

At wala akong ibang ginawa kundi ang iwasan siya.

Kapag walang pasok ay palagi akong nakila Sam o kaya naman pumupunta ako sa tambayan namin nila Van para lang iwasan siya.

Pero ngayon ay nandito ako sa bahay dahil akala ko wala rito si Lucifer pero mali ako.

“Aeros, anak, buksan mo naman ang pinto! Mag usap tayo, please!”

Dinig ko ang nagmamakaawang boses ni mama sa labas ng pinto ni Lucifer.

Ano naman kayang meron?

“Aeros Jeisz, hinahanap ka na nila Chea! Hindi ka pumapasok maski lumabas manlang ng kwarto mo hindi mo ginagawa! Nag aalala na si mama, please usap tayo!”

Nag iinarte lang naman si Lucifer pero kung makapag alala kayo parang isang taong hindi lumabas ng kwarto.

Nang lumabas ako ng kwarto ko ay nakita ko pa rin si mama at Ranzel na kinakatok ang pintuan ng kwarto ni Lucifer at pilit siyang pinapalabas.

Bumaba na lang ako dahil sa nakakasurang eksena ang nakikita ko sa taas.

Bumungad sa akin ang mukha ng mga kaibigan ni Lucifer.

Anong ginagawa ng mga 'to rito?

Napansin ko pa ang mugtong mata ni Chea. Halatang buong araw nag iyak.

“Riz, c-can we talk?”

Paano kung bawal?

Ge.” tumango ako sa kaniya at inaya siyang pumunta sa likod ng bahay

Naupo ako sa bench kung saan ako nag drama nung nakaraan pero si Chea ay nanatiling nakatayo sa harap ko.

Hanggang sa bigla na lang siyang lumuhod sa harap ko at umiyak!

Ano ba 'to?!

“H-Hoy. . .! Tumayo ka riyan!” napatayo na ako sa gulat dahil sa ginawa niya

“H-Hindi ko na alam kung anong nangyayari kay Jeisz. . .t-the last time I saw him. . .h-he was so down. . . frustrated. . .and it feels like he's lifeless.” umiiyak na sabi niya sa akin habang nakaluhod pa rin “I tried to talk to him. . .pero wala siyang ibang sinasabi sa akin kundi okay lang siya.”

“E baka naman okay lang talaga siya, oa ka lang sadya.” nakangiwing sabi ko habang pilit siyang pinapatayo

Mas lalo lang lumakas ang iyak niya “Riz, ilang araw na siyang hindi pumapasok. Malapit na ang exam at paniguradong babagsak siya kung hindi siya papasok. I-I don't want him to fail. . .please. . .talk to him. . .”

Nawalan ako ng lakas sa pag pilit sa kaniyang tumayo at napatitig na lang sa kaniya.

“Bakit hindi ikaw ang gumawa niyan? Ikaw ang syota niya malay mo sundin ka.” seryosong sabi ko rito

“I tried, Riz. Sinubukan ko na pero wala talaga akong magawa.” tinuyo niya ang mga luha sa pisngi niya “You are his sister, Riz. Ikaw lang ang makakagawa ng bagay na hindi ko magawa.”

“Matagal niya ng kinalimutang may kapatid siya, Chea. At hinding-hindi niya na ako kikilalanin bilang kapatid niya.” mariing sabi ko sa kaniya

Tumayo si Chea mula sa pagkakaluhod at matapang akong tinitigan “Ikaw ang kapatid niya, pero ikaw pa mismo ang hindi nakakakilala sa kaniya.” seryosong sabi nito bago naglakad paalis

Ano bang hindi ko nalalaman tungkol kay Lucifer bukod sa pagiging demonyo niya at pinsan ni satanas?

“He just wanted na mag kaayos na kayo but you don't have a heart.” nangibabaw ang maarteng pananalita ni Ysha mula sa likuran ko

“Ay gano'n? Pagkatapos ng girlfriend, bestfriend naman? Sino naman next pagkatapos mo? Parents?” sarkastikong tanong ko

“You are so annoying. You keep doing crazy things without knowing na he's hurting.”

Grabe sa crazy things.

“E bakit hindi ikaw ang pumilit sa kaniya tutal bida-bida ka naman?” sarkastikong tanong ko

Nakita ko kung paano bumagsak ang balikat niya pero sinubukan niya pa ring mag mukhang mataray sa harap ko.

“Kung kaya ko lang edi sana he already go out from his room.” mariing irap ang ibinigay nito sa akin “Take care of him.”

Nang mag lakad siya paalis ay ako naman ang napairap.

Hilig talaga nila akong iwan 'no?

Napabuntong hininga na lang ako at napaisip kung ano ba ang dapat kong gawin.

Kahit pagbali-baliktarin man ang mundo ay hindi mababagong kapatid ko pa rin ang demonyong iyon.

“May magagawa pa ba ako e sinugod na ako ng syota at kaibigan niya?” napailing na lang ako sa sarili ko bago muling pumasok sa bahay

Naabutan ko pa si kuya Ryle sa sala na nagkakape habang kaharap ang laptop niya. Sinulyapan niya lang ako pero kaagad din ibinalik ang atensyon sa laptop.

Tindi talaga ng sama ng loob niya sa'kin.

“Anong gusto mong gawin ko, Ranzel? Hayaan na lang ang anak nating magkulong sa kwarto niya? Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa kaniya at bakit siya nagkakaganoon!”

Anak niyo tapos di niyo alam kung anong problema. Anong klase kayong magulang?

“Mas mabuti pa sigurong hayaan na muna natin siyang mapag isa. Tara na muna sa baba.” aya ni tita sa mga ito

Nakasalubong ko pa sila habang pababa sila at paakyat naman ako. Umirap pa sa akin si mama na para bang teenager.

Ahitin ko kilay nito.

“Riz, samahan mo kaming kumain sa baba.” nakangiting aya ni tita sa akin

Ano? Ang tatanda niyo na magpapasama pa kayong kumain?!

“Busog pa ho ako.” iyon na lang ang sinabi ko at nagpatuloy na sa pag akyat

Nang makarating ako sa tapat ng kwarto ni Lucifer ay kumatok muna ako pero walang sumsagot.

Itinapat ko ang tenga ko sa may pinto at akmang kakatok ulit nang marinig ko ang mahihinang hikbi ni Lucifer sa loob.

Bahagya pa akong napaatras nang makarinig ng pagkabasag ng baso.

Lumayo ako sa pinto para pumwesto ng maayos dahil balak kong sipain ang pinto para bumukas iyon.

Nang akmang sisipain ko na ay may narinig naman akong yabag papalapit sa akin at nakita ko si kuya Ryle.

Lumapit ito sa may pinto ng kwarto ni Lucifer at. . .

Pinihit ang doorknob nang walang kahirap-hirap.

“What the fuck?” napaawang ang bibig ko dahil sa katangahan ko

“Talk to him. Maybe you can convince him to fix his self.” seryosong sabi ni kuya sa'kin pagkatapos niya akong pagbuksan ng pinto at umalis na

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok pero hindi ko mabuksan ng maayos ang pinto dahil may nakaharang kaya sa maliit na siwang ay nagawa kong ipagkasya ang sarili ko para makapasok.

Tanginang pagsubok 'to nakakagago.

“Lucifer? Anak ng---anong katangahan iyan?” takang tanong ko sa kaniya nang makita ko siya na nakasandal sa pinto

Ang kwarto niya ay parang dinaanan ng bagyo. May mga kalat ng bote ng alak may mga beer pang hindi nabubuksan.

“Please, l-leave me alone. . .” nanghihinang sabi ni Lucifer at muling kumuha ng beer tsaka binuksan iyon

Kaagad akong lumapit sa kaniya at hinablot iyon sa kaniya.

“Gago ka ba?! Papatayin mo ba ang sarili mo?!” galit na tanong ko

Maski ako hindi maintindihan kung anong nangyayari sa kaniya.

“Hoy, Lucifer! Ayusin mo nga ang buhay mo! Hindi ka raw pumapasok, malapit na ang exam tsaka ka pa tinamad! Talaga bang igagaya mo sa'kin ang buhay mo?!”

“Kaya ka ba nandito para sigawan ako? L-Lumabas ka na lang kung gano'n.” muli na naman siyang nagbukas ng beer pero kinuha ko sa kaniya iyon at ibinato sa malayong parte ng kwarto niya

Lahat ng beer na nakakalat sa sahig na pinagsisipa ko tsaka ako bumaling sa kaniya at pinatayo siya.

Parang nahihilo pa ito nang makatayo kaya naman binigyan ko siya ng suntok. Sakto lang naman para hindi siya ma-comatose.

Mag aapat lang ang paningin niya sa suntok na iyon.

“Ano? Siguro naman hulas ka na 'no? Ano bang ginagawa mo sa buhay mo, Aeros? Hindi ka kumakain pero ang lakas mong uminom! Magpapakamatay ka ba?!”

“Oo!”

Nahigit ko ang hininga ko dahil sa sagot niya.

“G-Gusto ko na lang magpakamatay. Baka sakaling. . .mapatawad mo ako kapag wala na ko.” nangingilid ang luhang sabi niya

“Ano bang sinasabi mo?”

“I'm sorry, Riz. I'm so sorry I couldn't protect you. I thought I was strong enough but no. . .I'm still weak that time---”

“At ako ba? Tingin mo ba malakas na ako nang mga oras na iyon kaya ba iniwan mo ako? Dahil akala mo kaya ko na? Pero mabuti na rin iniwan mo ko, dahil kinaya kong mag isa. Kinaya kong hindi ka kasama.”

“I'm sorry, Riz, please forgive me.”

Sumasakit ang puso ko sa ganitong usapan. Hindi ko pa rin talaga kayang pag usapan namin ang mga bagay na nangyari sa nakaraan.

“Minsan ba inisip mo manlang kung ayos lang ba ako sa kamay nila? O kung nahihirapan ba ako? Malamang hindi! Napaka selfish mo! Sarili mo lang ang iniisip mo!” galit na sabi ko rito

Iyon ang totoo. Sobrang hirap ng dinanas ko sa mga taong iyon.

“Patawarin mo si kuya.” tumulo ang luha sa mga mata niya habang nakaupo sa sahig ng kwarto

“Alam mo ba kung gaano kasakit nang makita kitang umalis no'n? Kung gaano kasakit na iniwan mo ako para lang makatakas ka? Dahil ikaw may susundo sa'yo, paano naman ako? Bukod sa wala na nga akong ama, wala pang pakialam sa'kin ang nanay mo!”

“Mahal ka ni mama, Riz.”

Putanginang kasinungalingan iyan! Baka kahit pa diyos ay hindi magawang paniwalaan iyang sinasabi mo! Dahil tanggap ko na, Aeros. W-Walang nagmamahal sa'kin. Dahil kung mahal mo ako, sana binalikan mo ko noon.”

“Riz, bumalik ako. Binalikan kita, Riz. Hindi ko ginustong iwan ka kaya bumalik ako.”

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya.

“I came back that time. . .you weren't there.”

________________________________________
________________________________________

mwa


You are reading the story above: TeenFic.Net