Chapter 95

Background color
Font
Font size
Line height

a/n: warning: death, raped.

Chapter 95 : TBSP

Ysha's POV

I fell in love. . .

With Ichiro.

Ilang buwan na kami and I must say. . .my feelings for him grows every second.

Maayos ang nangyayari sa buhay ko maliban na lang sa pamilya ko.

Mas lumalala at napapadalas ang pananakit ni tito Brando kay mama. Minsan ay pati si Yrah nalalaman ko na lang na sinasaktan ma rin pala.

Gusto ko ng umalis kami sa bahay. . .kaso wala kaming mapupuntahan.

“Have you seen, Thad?” tanong ko kay Grae nang makasalubong ko siya sa hallway ng student council's building

Hindi ko alam kung anong ginagawa nito rito since hindi naman siya student council.

Walang emosyon ang mata niya nang tumingin siya sa'kin at sumagot “No.”

Tumango na lang ako at dumeretso papasok sa council's office para kay Aeros na lang ako mag tanong.

Masyadong cold si Grae kahit 'ata sa mga kaibigan niya ay ganoon siya.

“Where's Jeisz?” takang tanong ko sa dalawang taong nadatnan ko sa council's office

“Hindi siya pumasok e.” sagot ng babae sa pagkakakilala ko si Haven ito iyong student council's secretary

“May kailangan 'ata siyang gawin buong araw.” sagot naman ni Kyo ang vice president

“Ah okay thank you.”

Ngumiti muna ako sa kanila bago lumabas ng office sakto namang nakita ko si Ichiro na nakatayo sa tapat ng pinto.

Halata ring nagulat siya nang makita ako dahil bahagyang nanlaki ang singkit nitong mata at napaawang ang bibig.

“Ysha. . .”

“I was looking for. . .” bumaba ang tingin ko sa kwelyo niya and I saw a red sting or more like. . . lipstick “you.” I looked away

“Oh? Sorry kasama ko kasi sila Grae.”

Nakasalubong ko lang si Grae kanina. He said he didn't saw you.

“Do we have a problem, Ichiro?”

Nakita ko ang pagkabigla niya pero kaagad din siyang ngumiti “Syempre wala.”

---

“I'm sorry, Ysha, I'm busy right now. Babawi ako bukas, promise. I love you.”

Naniwala ako.

Naniwala akong busy talaga siya pero iyong araw na rin iyon ay nakita ko siya sa isang restaurant malapit sa mall.

Kasama si Mia.

I keep questioning myself that time, but I never found the answer.

“Okay ka lang?” tanong ni Aeros sa'kin

“Always am.”

Ngumiti ito sa akin at pinisil ang pisngi ko “Call me if you need me, okay?”

Tumango lang ako sa kaniya.

Ganoon ba talaga kapag nagmamahal ka? Kapag sinubukan mo ulit na mag risk kailangan ba talagang masaktan ng sobra?

Hindi ba pwedeng puro saya na lang? Puro pagmamahalan? Kailangan ba talagang may sakitan?

“Let's end this, Ysha.”

At this moment I lost.

“Why?” iyan lang ang naitanong ko dahil nag simula nang tumulo ang luha ko

“I'm. . .tired.”

“You're tired pero nagagawa mo pa ring makipag date sa iba habang sinasabi sa aking busy ka.”

His mouth rounded “I'm sorry.”

“Is it because you like Mia?” my voice broke

“Ysha, I'm---”

“Am I not enough, Thad?” may luhang nahulog sa mata ko kaya kaagad ko iyong tinuyo “I keep asking myself kung bakit mo nagawa sa akin iyon, maybe you are the one that can answer me kasi even google can't.”

“I'm sorry. I know I'm a jerk for hurting you like this.” lumapit siya sa akin at siya na mismo ang nag punas ng luha ko “You don't deserve this, Alysha. You don't deserve me.”

And that's it. Our relationship ended.

---

Nang makauwi ako sa bahay ay nakita ko kung paano sinampal ni tito Brando si mama.

Dali-dali akong lumapit sa kanila at tinulungan si mama na tumayo dahil natumba ito sa lakas ng pagkakasampal sa kaniya.

“How dare you! Sino ka sa tingin mo para saktan ang mama ko?!” galit na sigaw ko sa kaniya

“Huwag na huwag kang mangingialam dito kung ayaw mong makatikim ka rin sa'kin!”

“Walang hiya ka!” kaagad akong sumugod sa kaniya at pinagsasampal siya Aaah!” sigaw ko nang sabunutan niya ako at pinatingala

“Putangina kang bata ka! Para ka ring nanay mo!”

“Hayop ka, Brando! Bitawan mo ang anak ko!”

Nakita ko kung paano sinubukang ihampas ni mama kay tito Brando ang hawak niyang tubo pero kaagad iyong naagapan at nakuha sa kaniya dahilan para siya ang mahampas sa likod.

“Mama. . .”

Nanlalaki ang mata kong lumingon sa kapatid kong umiiyak habang nagsisimula ng lumakad papalapit sa amin.

Alyrah, pumasok ka sa kwarto! Bilisan mo!” sigaw ko rito kaya naman nagtatakbo siya papasok sa kwarto namin

“Ikaw halika rito tuturuan kita ng leksyon!” sigaw sa akin ni tito Brando at hinila ang buhok ko papasok sa kwarto nila ni mama

“H-Huwag! Please, tito Brando.” pagmamakaawa ko nang itulak niya ako sa kama at isarado ang pinto

Nakita ko pa ang subok ni mama na buksan iyon pero hindi niya magawa.

“Ang tagal tagal ko nang nagtitimping gawin ito sa'yo, Alysha.”

---

“Ysha, anak, gising ka na please.” narinig ko ang mahihinang hikbi ni mama sa gilid ko

Iminulat ko ang mata ko at sinubukang tumayo pero sobrang sakit ng katawan ko. May damit na akong suot pero masakit pa rin ang gitna ko.

“Mama. . .” napaiyak na lang ako sa kaniya

“I'm sorry, anak. I'm sorry. Kasalanan ni mama.” paulit-ulit siyang humingi ng tawad sa akin habang hinahalikan ang noo ko

“Hoy!”

Awtomatikong napayakap ako kay mama nang marinig ang boses ng demonyong iyon.

Inihagis niya sa amin ni Yrah na umiiyak at halatang takot na takot sa kaniya.

Subukan niyo lang mag sumbong sa pulis, papatayin ko kayong tatlo.” hinugot nito ang baril na nasa likod at itinutok sa amin

“Demonyo ka, Brando!” galit na sabi ni mama sa kaniya Minahal kita tapos ganito lang ang igaganti mo sa pamilya ko?!”

Nakakasawa ka kasi e! Kaya ayun pati anak mo tinikman ko na rin.”

“Hayop ka!” galit na sigaw ko at kahit na sobrang sakit ng katawan ko ay pinilit kong tumayo habang mahigpit ang hawak sa kutsilyong bitbit pala ni Yrah pagpasok dito

Isinaksak ko iyon sa tagiliran niya at kaagad niya naman akong itinulak dahilan para maitapon ko palayo ang kutsilyo.

Nakita ko ang pag inda niya sa sakit bago itinutok sa akin ang baril pero bago iyong ay naramdaman ko muna ang mahigpit na yakap ni Yrah sa akin bago ko narinig ang nakakabinging putok ng baril.

“Ate, I love you.”

“Yrah. . .”

Ang unti-unting pag luwag ng yakap niya sa akin kasabay ng unti-unting pagtulo ng mga luha ko.

Aaaahh! Hayop ka! Demonyo ka!”

Kitang kita ko mula sa mga mata kong punong puno ng luha ang pagdampot ni mama sa kutsilyo at paulit ulit iyong isinaksak sa dibdib, tagiliran, tiyan at leeg ni tito Brando.

Alyrah. . .” umiiyak na bulong ko habang yakap yakap ang kapatid kong wala ng buhay

Napaluhod si mama at niyakap ang sarili habang umiiyak na nakatingin kay Yrah.

---

“Ysha, halika na.” aya ni ate Janice sa akin

Punong puno ng awa ang mata ng mga kasamahan ko sa cheering squad habang nakaupo ako sa lupa kaharap ang lapida na may pangalan ng kapatid ko.

Alyrah Colleen Soriano

Hinaplos ko ito habang tumutulo ang luha.

“Mauna na kayo. Hindi pa ako aalis. Dito muna ko.” nanghihinang sabi ko sa kanila

“Nandito lang kami para sa'yo, Ysha.” tinapik nila ang balikat ko bago sila umalis

“Hindi ko sila kailangan. Ikaw ang kailangan ko, Yrah. Kayo ni mama.” mahinang sabi ko

Sinubukan ko pang kausapin siya pero tuluyan na akong napaiyak nang malakas kasabay ng malamig na hangin ang yumakap sa akin pakiramdam ko yakap iyon ng kapatid ko kaya pumikit ako.

Hanggang sa unti-unti kong naramdaman ang pagpatak ng ulan.

“Mahal na mahal ka ni ate. Mahal na mahal ka namin ni mama. I'm sorry for not giving you a perfect and memorable childhood. I'm so sorry, Yrah.”

“Hindi mo kailan man naging kasalanan ang nangyari, Ysha.”

Pagod na nag angat ako ng tingin kay Aeros na nasa gilid ko at may hawak na payong.

Kaya pala hindi ko nararamdaman ang patak ng ulan dahil pinapayungan niya ako.

Nangalay siguro siya kaya naman itinapon niya na lang ang payong sa kung saan at hinayaang mabasa ang sarili tsaka siya naupo sa tabi ko.

Umakbay ang kamay niya sa'kin bago inalalayan ang ulo kong isandal sa balikat niya.

“Alam ko kung gaano ka nasasaktan ng sobra. Mag salita ka lang, makikinig ako.”

Bumukas ang bibig ko pero imbis na salita ang lumabas ay puro hikbi ang sunod sunod na lumabas dito.

“A-Ang sakit sakit sa puso, Jeisz. Kitang kita ko ang nangyari sa kaniya. Sobrang sakit.”

“Shh. . .I'm here.”

“Hindi ko siya nagawang protektahan dahil siya ang pumrotekta sa akin. Prinotektahan niya ako kahit na ako dapat ang pumrotekta sa kaniya.”

“Iyon ang pinili niyang gawin, Ysha. Mahal ka niya kaya ka niya prinotektahan.”

“Mahal ko rin siya, Aeros. Sinubukan ko siyang protektahan pero hindi ko nagawa.” lumakas ang hikbi ko nang maalala ang mga binitawang salita ni Yrah “Kapag mahal mo, dapat mo siyang protektahan sa abot ng makakaya mo. Dahil oras na hindi mo nagawa iyon, malaking bagay ang pagsisisihan mo.”

_______________________________________

_______________________________________

:(


You are reading the story above: TeenFic.Net