Chapter 88

Background color
Font
Font size
Line height

a/n: hiii my philoooo!

Chapter 88 : TBSP

Aeriz's POV

“Bobo mo naman kasi! Hindi mo manlang inilagan iyong palaso, archery ka sa lagay na iyan?” mataray na sabi ni Reign sa kaniya

Kanina pa siya ganiyan pagkarating pa lang niya rito ay tinaray-tarayan niya na si Ivy.

“Reign, hayaan mo muna siyang mag pahinga.” mahinhing sabi ni Sam

“O siya, mamahinga ka na raw, Ivy, sabi ni Sam.” pang aasar pa ni Reign

Tantanan mo nga ako, Jastin Reign! Tutusukin ko ng palaso iyang mata mo, tangina mo!” inis na sabi ni Ivy sa kaniya

“Sus! Parang hindi siya nag inarte nang dalhin dito.”

Paanong inarte?”

“Like ‘Oh my god, I need Ryle!’ ‘Makita ko lang si Ryle, gagaling na ako!’ ‘Yakapsule at Kisspirin from Ryle, lang, please!’ inangyan puro Ryle!”

Nag tawanan kami sa panlalaglag ni Reign kay Ivy kaya ayun binato siya ni Ivy ng unan.

“Edi sana hindi ka nakinig punyeta ka!”

“Tanga ka pala e! Ingay na ingay niyang bibig mo tapos sasabihin mo sa aking huwag ako makinig, aning ka na ha?!”

“Tangina! Tumahimik nga kayo!” inis na sigaw ko sa kanila

Kanina pa sila sigawan nang sigawan habang kami naman ni Sam ay naririndi na sa kanila.

Jadey, your words.” mahinhin ang boses na sabi ni Sam sa akin

“Boba shut off nga raw, sis! Huwag kang bida-bida!” sigaw ni Ivy sa kaniya

“Boba ka rin pa lang tanga ka e! Bida-bida ka rin, ba't ka nag iingay?!”

Putangina talaga ng mga 'to!

“What the fuck. . .is happening here?” takang tanong ni Van nang makapasok

“Ba't di mo itanong sa pader? Malay mo sumagot.” pamimilosopo ko sa kaniya dahil kita naman na niyang nagsisigawan iyong dalawa ay nagtatanong pa siya!

Napanguso si Van sa sinabi ko pero imbis na mapangiti ako sa itsura niya ngayon ay may kung anong kumurot sa puso ko.

Bakit kapag si Grae ang ngumu-nguso ay napapangiti ako? Ngunit kapag si Van naman ay parang naiinis pa ako sa itsura niya ngayon.

Iba talaga ang epekto ni Grae sa'kin.

“Jade, what are you doing here?”

Nabalik lang ako sa reyalidad nang bigla kong namataan si Tita Drianna na nasa harapan ko at nakataas ang kilay. Katabi niya si Tito Inigo na walang emosyong nakatingin sa akin.

Ang parents nila Van at Ivy.

“Mom, syempre dinalaw lang ako ni Jade.” awkward na sabi ni Ivy

“Dinalaw? You're still alive, Ivy.” sarkastikong sabi ni tita Drianna sa kaniya

“Mom.” nagbabantang tingin ang ibinigay ni Van sa ina

“What? Your sister is still alive. She doesn't need a disgusting visitor.”

Noon pa man alam ko na kung gaano kagalit sa akin ang mga magulang nila. Dahil bukod sa mahilig ako sa basag ulo ay anak pa ako sa labas.

“Hindi lang naman patay ang dinadalaw ah, tanga lang talaga siya.” bulong ni Reign na nasa tabi ko kaya bahagya ko siyang siniko

“Don't worry, Mrs Falcon. Aalis na rin naman ako.” pilit akong ngumiti sa kaniya

“Jade. . .”

“Ivan.” pigil ng ama niya sa kaniya nang aktong lalapitan niya ako

Hatid ka na namin, Jade.” seryoso ang itsura ni Theo bago sinenyasan ang mga kaibigan namin

Halos lahat kami ay lumabas ng kwartong iyon at ang natira lang sa loob ay ang mga Falcon.

“Okay ka lang?” tanong ni Reign sa akin

Nginisian ko siya para ipakita sa kaniyang ayos lang ako.

“Bakit ba hinahayaan mo lang na ganunin ka nila Tita Drianna?” nakangusong tanong ni Amiel

Halata naman sigurong ayaw sa akin ng mga iyon dahil malamang naipapahamak ko lang ang mga anak nila.

Gaya ngayon. Napahamak si Ivy nang dahil sa akin.

Ngumisi lang ako sa kanila Sanay na ako.”

“Sabagay. Ganiyan ba naman ang ibungad sa'yo palagi nila tita, alangan namang hindi ka pa masanay.” napabuntong hininga na lang si Ryeio at pasimpleng sumulyap kay Reign

Tss.

“Do you want ice cream, Jade?” matamis na ngumiti si Sam sa akin at hindi ko naman iyon nasuklian dahil sa halo-halong nararamdaman ko ngayon

“I'm fine, Sam.”

“Should I hug you?” tanong na naman niya na para bang hindi narinig ang sinabi ko

“Okay nga lang ako.”

“We're here for you.”

“Putangina ah. Gigripohan kita.”

Malapad itong napangiti nang murahin ko siya. Siya iyong taong kahit minumura na, ngumi-ngiti pa.

Happiness niya iyon e.

“Jade---”

“Huwag mo ng itutuloy iyang sasabihin mo, Reign, kung ayaw mong pitikin ko ovary mo.”

“Boba! Sasabihin ko lang naman sa'yo na nagugutom na ako. Tangina kasi tawag ka nang tawag e kita mong tulog pa ako ganoong oras!” iritang sabi nito sa'kin

“Bobo ka pala e. Ba't ka pumunta? Sinabi ko bang pumunta ka?”

“So ayaw mong pumunta ako?”

“Oo.”

Nanlaki ang mata niya at bahagyang napaawang ang bibig bago hablutin ang buhok ko.

Aray ko! Tangina, Reign!” sigaw ko at nang bitawan niya ang buhok ko ay agad ko siyang binatukan

Tatawa-tawa lang ang mga kasama namin tila ba natutuwa pa sila sa bardagulan namin ni Reign.

Mga abnormal e.

“Bakit ba ayaw nila sa'yo, Jade?” takang tanong ni Amiel

Ngayon ay lahat sila nakatingin na sa akin at hinihintay ang sasabihin ko.

“Dahil siguro anak ako sa labas?” nakangising sagot ko at akmang mag lalakad na paalis nang marinig ko ang malamig na boses ni Theo

“Because of some reason.”

*****

Ivan's POV

“Bakit ba ganoon ang trato niyo sa kaniya?!” kaagad na tanong ko nang makalabas sila Jade

I'm pissed. My parents attitude toward Jade, pisses me off.

“You don't understand, son.” seryosong sabi ng ina ko

“Then let me understand why!”

“She's a bad influence.”

Sarkastikong natawa ako sa sinabi ni daddy.

“Bad influence? How dare you say that!”

“Van. . .”

Galit na bumaling ako sa kapatid ko “No, Vy! This is too much! Alam ko noon pa man na ayaw niyo na sa kaniya, pero gaano ba kahirap ang hindi niyo na lang siya pansinin?!”

“Why can't you just understand that we're doing this for you, Van, Ivy?” nangilid ang luha sa mata ni mommy

“Ano bang dapat naming maintindihan, My?” matapang na tanong ni Ivy sa kaniya

“Masama siyang tao! Mga magulang niya mismo ay sinukuan na siya! Lumayo na lang kayo sa kaniya dahil ipapahamak niya lang kayo!”

“Hindi masamang tao si Jade, My!”

“Hindi ka pa rin ba nadadala sa nangyari noon sa kapatid mo dahil sa kagagawan niyang taong ipinagtatanggol mo, Ivy?!”

“It's not her fault!”

“Of course you would say that, Van!”

Sandali kaming natahimik hanggang sa umiyak na lang si mommy at yumakap kay daddy.

“Stay away from her. . .please. . .masama siyang tao dahil katulad siya ng ama niya.”

Tito Ranzel?

“. . .ng totoong ama niya.”

Nagkatinginan kami ni Ivy at parehong napaawang ang bibig.

They know about Jade's biological father!

“Paano ko ba kasi kayo iintindihin, Ma?” nanghihinang tanong ko “Kung kayo mismo ay hindi inintindi ang nararamdaman ko kay Jade.”

“Please, don't make it hard for me, Van.”

“Mahal ko siya, Ma. Siya lang ang babaeng pinapangarap kong makasama, sana naman ay maintindihan mo iyon.”

Tinalikuran ko siya at aktong bubuksan ang pinto para lumabas ngunit narinig kong nagsalita si daddy.

Mamahalin mo pa rin ba siya kahit malaman mong ikakasal na siya sa iba?”

What the fuck?

___________________________________________
___________________________________________

mwa


You are reading the story above: TeenFic.Net