Chapter 87

Background color
Font
Font size
Line height

a/n: hellooooo!

Chapter 87 : TBSP

Aeriz's POV

1 week na hindi kasama ang mga sperm.

1 week na walang maayos na tulog at kain dahil sa kakaisip kila Mac at Nate.

1 week na hindi ko nakikita si Keiseah na anak ng playboy na si Kev the sperm.

1 week. . .na walang Grae.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko pero parang. . .wala.

May kulang na hindi ko alam kung paano pupunan.

“Miss ko na kayo. . .sobra.” mahinang bulong ko bago niyakap ang tuhod ko

“Riz? Lumabas ka naman diyan sa kwarto mo. Nag-aalala na kami.” narinig ko ang nag-aalalang boses ni tita mula sa labas ng kwarto ko

“May problema ka ba, Riz? Mag sabi ka sa amin.” sabi naman ni tito

Napaluha ako at naalalang may mga tao pa palang nag-aalala sa akin.

Hayaan niyo muna ako. . .please lang.” pigil pigil ko ang sarili kong mapahikbi habang nagsasalita

“Pero, Riz, hindi ka pa kumakain.”

“Okay lang ako. Mag iisip muna ako tapos. . .tapos okay na.”

Magiging okay din ako. Magiging okay ka rin, Riz.

“Sige, pero kapag nagutom ka may cookies at gatas kaming iniwan dito sa pinto ah.”

Hindi na lang ako sumagot dahil nasisiguro kong kapag nagsalita ako ay puro hikbi lang ang lalabas.

Hindi ko alam kung paano malalampasan ang problemang ito.

Napalingon ako sa phone ko nang mag vibrate iyon at nag flash ang pangalan ni Kiro.

Ilang beses na siyang tumatawag sa akin pero ni isang beses ay hindi ko sinagot.

Sunod na tawag ay akala ko si Kiro pa rin pero si Van na pala kaya naman sinagot ko.

[Jade. . .umiiyak ka.]

Kilalang kilala niya talaga ako.

Napasinghot-singhot pa ako bago nagsalita na nauwi rin sa hikbi “Van. . .”

[Yes? What's our problem, love?]

“M-Mahal ko siya. . .sobra. Pero hindi pwede.”

Alam kong natahimik siya sa sinabi ko dahil matagal bago pa siya muling mag salita.

[I know that. Jade, hindi naman porket hindi pwede ay hindi mo na siya mamahalin. Mahal mo siya ke-pwede or hindi pa iyan.]

Masasaktan lang siya.”

[Pero sino ang nasasaktan ngayon? Hindi ba't ikaw?]

“I deserved this pain. I hurt him. . .I hurt them. . .natural lang na masaktan din ako.”

[I don't want you to get hurt, but you choose to hurt yourself. Gusto kitang maging masaya, pero pinili mo ang kabaligtaran no'n.]

“Dahil wala naman akong karapatang sumaya.” malakas akong napaiyak dahil sa sinabi ko

Bakit nga ba masaya ako kapag kasama ko ang mga sperm na iyon? Bata pa lang ako ay alam ko nang wala akong karapatang sumaya.

Dahil kahit kailan. . .hindi pinangarap ng diyos na maging masaya ako.

[Where are you? Pupuntahan kita.]

“Okay lang ako. . .magiging okay din ako.”

[Nandito lang ako lagi. . .hindi na ako aalis.]

Alam ko. . .alam ko, Van. Hindi mo na kailangan sabihin.

---

Nang magising ako ay halos hindi ko na maimulat ang mata ko dahil mugtong mugto ito.

Kahit para akong patay ay pinilit ko pa ring bumangon para maligo dahil papasok ako ngayon.

Tama na ang pag iwas dahil simula no'ng naging black section ako ay hindi na nawala ang koneksyon namin.

“Kaya ko na.” pagmomotivate ko sa sarili ko habang nakaupo sa kama at nakayuko

Syempre nagsasapatos ako kaya natural lang na yumuko.

Nang buksan ko ang pinto ay may mga sticky notes nang nakadikit doon. Ginawa nilang bulletin board ang pinto ng kwarto ko!

Merong ‘Be strong, Riz.’ ‘Kain ka naman oh.’ ‘Nandito lang kami, Aeriz Jade.’ ‘Riz. . .’

May iba pang sulat sa sticky notes pero sa isang sulat lang napako ang paningin ko.

‘Riz. . .one day you told me that no one can save me. . . I'm telling it to you now. No one can save you, Riz. Save yourself.’

Anong one day pinagsasasabi niya? Sabog talaga 'tong Lucifer na 'to.

Nang makababa ako ay nakita kong tahimik lang na nanonood sa tv si tito at tita. Hindi naman mahagilap ng mata ko ang mga magulang ni Lucifer.

“Tita. . .”

Nakangiti pang humarap sa akin si tita pero unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya at napalitan ng gulat nang makita niya ako.

“Oh My God! Riz!” napatayo siya sa gulat at nagmadaling lumapit sa akin para salubungin ako ng yakap “I miss you so muchieeee!”

“A-Aray. . .tita, hindi na ako makahinga.” nahihirapang sambit ko nang humigpit ang yakap niya sa'kin

“Leigh, naiipit si Riz!” nag aalalang inihiwalay ni tito sa akin ang kaniyang asawa

Pasensya na. Natuwa lang ako nang makita kita hihi”

Aba't! May ‘hihi’ pa talaga sa dulo.

Nagugutom ka ba? Gusto mo bang kumain muna? Teka. . .papasok ka na ngayon? Kaya mo na?”

“Tita. . .” natatawang pigil ko sa kaniya “Okay lang ako. Hindi ako nagugutom.”

---

Kasinungalingan!

Pesteng bulate 'to sa tiyan! Kanina pa umungot nang umungot!

Malay ko bang magugutom ako dahil puro cookies at gatas lang ang kinakain ko.

Nandito lang ako sa likod ng room namin at nakaupo habang nakasandal sa malaking puno. Dito rin 'yong lugar kung saan ko natagpuan si Kiro na nagh-hum ng music.

Pumasok lang ako sa school, pero hindi sa room.

Wala e ayaw ko pa silang makita.

“Aeriz.” napalingon ako sa kung sino mang tumawag sa akin

“Anong ginagawa mo rito?” kunot noong tanong ko sa girl best friend ni Lucifer na si Ysha

Bumaba ang tingin ko sa plastic na hawak niya. Ibinato niya sa akin iyon kaya naman agad kong sinalo kamuntikan pa akong matamaan sa mukha.

Tanginang Ysha 'to!

“Eat. Ayaw kong mamatay ang kaibigan ko just because he's worried sa'yo.” inirapan niya ako bago naglakad papalayo

Binuksan ko ang plastic at kusang kumalam ang sikmura ko nang makita ang bento box doon at meron pang coke.

Kaagad kong sinimulan ang pagkain wala na akong pake kung may makakita pa sa akin kung gaano ako ka-patay gutom ngayon basta maibsan lang ang gutom ko.

Lintek na bulate kasi 'to! Napaka scammer!

Natigilan ako sa pagsubo nang may pumasok sa isip ko.

Ano naman kayang pumasok sa kukote ni Ysha at binigyan ako ng pagkain? Tingin niya sa'kin pulubi na? Sapakin ko ngala-ngala niya.

Uy Jade!”

Salubong ang kilay na tumingin ako sa taong tumawag sa akin.

“Ano namang ginagawa niyo rito? Bawal outsiders ah.” nagtatakang sabi ko

“Lunch break na kaya pwede ang outsiders.” nakangiting sabi ni Van bago lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo Pumayat ka. Hindi ka ba kumakain ng maayos?”

Nakakatamad.”

Kailan ka ba hindi tinamad?”

Kapag makikipag away.

“Sama ka sa'min, Jadey.” nakangising sabi ni Ryeio

“Gusto mong mag cutting si Jade, Ryeio?” salubong ang kilay na paniniguro ni Theo

“Parang hindi naman siya nagka-cutting sa lagay na 'to. Hindi nga manlang siya tumapak sa room nila kahit saglit e.”

At sa pagkakataong ito kilay ko naman ang nagsalubong.

“Theo?”

“J-Jade, utos lang ni Van. . .!”

Sumama naman ang tingin ko kay Van na pilit umiiwas ng tingin sa akin.

“Ivan Dyniel Falcon.”

“Jade, kasi nag aalala ako sa'yo.”

I get that, pero paano naman ang privacy ko 'di ba?!

Napailing na lang ako “Tara na.” niligpit ko muna ang pinagkainan ko bago itinapon iyon sa malapit na basurahan

Habang naglalakad ay hinawakan ni Van ang aking kamay.

“Galit ka?” nakangusong tanong niya

“Van, hindi kailangan palagi mo akong subaybayan. Kaya ko ang sarili ko.” hindi ko naitago ang inis ko sa kaniya

“Sorry na. . .hindi na mauulit. Promise.” itinaas pa niya ang kanang kamay niya na parang nanunumpa

“Get out of my way!” bigla ay narinig ko sa aming likuran ang matinis na boses ni Ysha

“Luh bruha.” bubulong-bulong na sabi ni Amiel

“Where are you going? Magka-cutting ka 'no?” taas kilay na tanong niya sa akin

“Pakialam mo? Ikaw din naman ah.”

“Excuse me? I'm excused.”

Ano raw?

“Really? I'm Aeriz.” pang aasar ko sa kaniya

“W-What?! Crazy!” nagmartsa na siya papalayo sa amin dahilan upang mag tawanan kami

Nagkatinginan kami ni Van at parehong natawa dahilan para mapatahimik naman iyong tatlo.

“Wala na sila na lang ang nagkakaintindihan.” kunwaring nagtatampong sabi ni Ryeio

Natawa na lang kami bago tumungo sa pick up na dala-dala nila.

“Saan ba tayo pupunta?” takang tanong ko kay Van

“Sa hospital.”

Mas lalo akong nagtaka sa sagot niya Naaning ka? Anong gagawin natin sa hospital?”

Sila naman ang nangunot ang noo at nagtatakang nakatingin sa akin.

“Hindi ba nasabi ni Ivy sa iyo?”

Si Ivy?

“Ang alin?”

Natamaan siya ng pana sa archery competition noong isang araw.”

“Ano?”

Nang makarating kami sa hospital ay kaagad kaming naglakad papunta sa kwarto ni Ivy ngunit may narinig akong pamilyar na boses mula sa psychiatry ward.

“Ma, nandito ulit ako. Alam kong hindi mo ako nakikilala pero sana. . .sana tawagin mo ulit akong anak. Namimiss ko na e.”

Nakita ko si Ysha na nakaluhod para maging kapantay ang magandang babaeng may katandaan na nakaupo sa wheelchair habang may yakap-yakap na manika.

“'Di ba iyon 'yong nagsabi sa'yong baliw, Jade?” nakangusong tanong ni Amiel sa akin

Plastik naman pala siya e.” nakangiwing sabi ni Ryeio “Mataray siya kapag ibang tao ang kaharap niya, pero pagdating sa mama niya tumitiklop siya.”

Because that's her way to prove everyone around her that she's strong.” napangiti si Theo matapos sabihin iyon “Lahat naman tayo may kahinaan e.”

May kakaiba sa ngiti nito e.

“Jade, sa tingin ko ay hindi aksidente ang pagkakapana kay Ivy.” seryosong sabi ni Van sa gitna ng pananahimik niya

“Paano mo naman nasabi?” takang tanong ni Ryeio

“Lahat ng mga kalaban niya ay nasa gilid niya. . .nang tamaan siya ng pana ay galing iyon sa harapan niya.”

Napailing ako nang marealize kung sino ang nasa likod ng pagkakatama kay Ivy ng pana.

Napakatanga ko talaga para turuan siya noon kung paano pumana mula sa malayo.

___________________________________________
___________________________________________

mwa


You are reading the story above: TeenFic.Net