Chapter 131

Background color
Font
Font size
Line height

life update: mga beh, cancel iyong surething sa'kin. nauto lang ako:))

Chapter 131 : TBSP

Samantha's POV

"Okay, wash your hands muna bago tayo kumain. Go! Go! Move!" pumalakpak ako para mabilis silang mag sunuran kaagad naman silang inalalayan ng mga maids

"Miss Sam, may tao hong gusto kayong maka usap." sambit ng maid na lumapit sa'kin "Nasa labas ho siya." I nodded at her then smile

Nang makarating ako sa labas ay kaagad akong napangiti nang makitang si Theo iyon at may kasama siyang madungis na batang babae.

She's looking down on her feet kaya naman nagmumukha siyang naliligaw.

"Hey. Is she the one you're talking about?" I asked

"Yeah. Ahm. . .she just lost her father." mahinang sambit ni Theo

Nagbaba ako ng tingin sa batang babae na mukhang may kung anong iniisip. Lumuhod ako para mapantayan siya at hinawakan ang magkabilang balikat niya.

Nang tumingin siya sa'kin at nginitian ko siya "Hi. I'm Ate Sam. Ikaw anong pangalan mo?"

"Ah. . .Suah. . ."

Her voice were soft at mas napangiti pa ako dahil doon. Hindi ko maintindihan pero parang naninikip ang dibdib ko habang nakatingin sa kaniya.

"Gusto mo bang dito ka na tumira?" tanong ko sa kaniya at parang natakot naman siya sa'kin dahil bigla siyang umatras at nagtago sa likod ni Theo

Pilit na ngumiti si Theo sa akin "Sorry, sa mismong harap niya kasi inatake sa puso ang tatay niya."

Nakaramdam ako ng awa para sa bata pero hindi ko na lang iyon pinahalata at inaya na silang pumasok sa mansion. The kids are already eating when we came.

---

"Sam, nakausap mo na ba si Jade?" Theo suddenly asked habang naglalakad kami sa garden ng mansion

"Actually, hindi pa. But do you want to know who I talked to?" nakangiting humarap ako sa kaniya "I had a conversation with Akiro Tobi!"

I thought he'll asked kung anong napag usapan namin ni Kiro, but he's just silent.

What's wrong with him?

"Uy Theo. Narinig mo ba ang sinabi ko?"

"Huh? Yeah."

"Yeah pero hindi ka naman nagsasalita kanina."

He just smiled at me then look away.

"But do you know what hurts? Nagkausap kami, pero si Jade ang bukambibig niya. He asked me why Jade is not answering his calls, even though I am the one who's with him, he still talks about Jade. It always Jade."

Matapos kong magsalita ay napansin ko ang magaan na tingin ni Theo sa'kin. His eyes were resting, pero parang lumiwanag iyon nang sabayan ko ang titig niya.

"Galit ka ba kay Jade?" biglang tanong niya

I chuckled "Of course not! Jade is my best friend, kahit pa lalaki hindi magagawang sirain iyon."

"Good to know. Don't worry, hindi ko naman sisirain ang pagkakaibigan niyo."

"Huh?"

He smiled "Nothing"

And it left me confused.

*****

Aeriz's POV

Hays tanginang buhay, bakit naimbento pa?

Kanina lang ay ayos pa ako pauwi kaya lang nang may humarang sa'kin parang lumutang naman ang utak ko to the point na para akong nawala sa sarili ko.

Kaya iyon. Kusang bumangga ang motor ko sa police car. Putangina deretso police station tuloy.

Mabuti na lang at sinundo ako ni tita, pero pagkauwi ko naman dito sa bahay sinalubong ako ni Satanas.

"Are you listening, Aeriz Jade?!"

"Oo naman, kuya. Syempre, ako pa." kaagad na sagot ko

"What?! Are you making fun of me?!"

"Hindi po." napanguso na lang ako at napayuko

"Hindi ko na maintindihan ang pumapasok sa utak mo! Baliw ka ba?! Mangbabangga ka na lang police car pa! Napaka talino mo talaga!"

Ay alam ko iyan di mo na kailangan pang sabihin.

"Ryle, hayaan mo muna magpahinga ang pinsan mo. Baka nasaktan siya kanina." pag awat ni tita kay kuya

"Nasaktan?! Sa ganiyang ekspresyon ng mukha niya, mukha bang nasaktan siya? Mas mukha pa ngang nasiyahan siya sa katangahang ginawa niya!"

"Palagi na lang bang ganito?" pagod na tanong ko "Tuwing umuuwi ako, palagi na lang may sermon mo. Palagi mong ipinamumukha sa'kin ang kamalian ko, wala manlang ba akong ginawang mabuti sa paningin mo? Maski ang pagsasalita ko ay sinisita mo, edi sana hindi mo na ako kinausap kung ayaw mo lang din naman akong magsalita."

"At ngayon natututo ka ng sumagot. Iyan! Iyan ang natututunan mo sa mga kaibigan mo!"

Tingnan mo 'to, pati mga taong wala rito dinadamay. Wala na 'to.

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan palaging may sermon tuwing umuuwi ako. Hindi ba siya nagsasawa, kasi ako sawang-sawa na.

Parang gusto ko na nga lang maging patatas e.

"Sinasabi ko sa'yo, Aeriz Jade. Isang pagkakamali pa at hindi ako mag aatubiling ibalik ka sa Palawan." sabi pa ni kuya bago kami talikuran

Napabuntong hininga na lang ako at kampanteng isinandal ang likod sa sofa, ngunit nagsalita naman ang magaling ko ina.

"Oh ano? Masaya ka na sa katangahang ginawa mo? Idinamay mo na naman ang pangalan namin sa gulo mo." mataray niyang sabi

"Huwag kang mag alala." ngumisi ako sa kaniya at nagpatuloy sa pagsasalita "Montero ang ginamit kong apelyido, hindi Gozon."

Nanlaki ang mga mata ni mama sa sobrang galit at padabog na nilisan ang sala. Habang kami naman ni tita ay nagkatingin at napailing na lang siya.

"Sa susunod na may mangyari ulit sa iyo na katulad ng kanina, tumawag ka sa akin. Hindi iyong malalaman pa namin sa iba. Maliwanag ba, Riz?" malambing at mahinhin ang boses ni tita kaya napangiti ako

"Opo, gagawin ko."

Ilang minuto pa akong nanatili sa baba kaso bigla akong nakaramdam ng antok kaya napagpasyahan kong umakyat na.

Sa hagdan pa lang ay natanaw ko na si Lucifer.

"Oh ano? Nabalitaan ko ginawa mo ah. Kamusta sa presinto? Nadalaw mo ba naman ang mga kauri mong bobo?"

Ay.

"Tarantado." asik ko sa kaniya at napahalakhak naman siya

Gago 'to.

"Sa susunod kasi huwag palaging lutang." mapang asar siyang ngumiti sa'kin

"Kapag ikaw ibinitin ko patiwarik, pihadong lutang ka." sarkastikong sabi ko rito bago siya talikuran para pumasok sa kwarto ko

Pero ang demonyo nakasunod din sa'kin at humilata pa sa kama ko na para bang kaniya.

"Lumayas-layas ka nga rito at naiirita ako sa iyo." inis na sabi ko pero nginisihan niya lang ako

"Sadya raw ganiyan kapag mahal mo ang tao maiirita ka sa kagwapuhan niya." mayabang niyang sabi

"Mukha kang octopus, pero sinasabi mo bang mahal kita?" parang bigla akong kinilabutan sa salitang iyon

"Bilang kapatid? Syempre naman, ako na 'to e."

Napasinghap ako sa sobrang kayabangan na lumalabas sa katawan niya.

Tangina, hindi ko kapatid 'to!

"Ah. . .gaano mo ba kamahal si Chea?" tanong ko sa kaniya

"Si Chea? I can't explain it through words, but I love her."

Edi wow.

"Si Ysha?"

Biglang nawalan ng imik si Lucifer ultimong ekspresyon ng mukha niya ay nawala rin at mukhang nilipad ang utak niya.

"How about Van? How much do you love him?" pagbabaliktad niya ng lamesa

Tangina nito pahalata masyado.

"I can kill thousands of bad people for him." sagot ko sa kaniya na ikinasimangot niya

"How about me, your own brother?" iritang tanong niya na ikinatawa nito

"Syempre aawayin ko rin 'yong taong umaway sa'yo." sagot ko na mas ikinasimangot niya pa

"Childish."

Ay wow naman! Hiyang hiya sa kaniya.

"How about Grae?"

Nginisihan ko muna siya bago sumagot "Kaya kong talikuran ang lahat, 'wag lang siya ang tumalikod sa'kin. Dahil iyon ang hindi ko kakayanin."

______________________________________
______________________________________


You are reading the story above: TeenFic.Net