Chapter 130

Background color
Font
Font size
Line height

a/n : sorry tagal mag ud, bigla kasing may nag surething sa'kin nyaknyaknyaknyak.

Chapter 130 : TBSP

Aeriz's POV

“Seryoso ka ba rito, Jade? Alam kong masakit para sa iyong alalahanin ang lahat ng mga pinagdaanan mo lalo na noong bata ka pa.” halatang nag aalangan na sabi ni Theo sa'kin

“Oo nga, Jade. Baka kung anong mangyari sa'yo.” sabi naman ni Ryeio

Pumunta ako rito sa condo ni Van para sana kausapin si Theo pero di ko naman alam na kumpleto pala ang mga asungot.

“Kailangan ko malaman ang lahat.” seryosong sambit ko

“Jade, it might trigger your memory---”

“Sa tingin mo ba may pakialam ako, Van?”

Natahimik silang apat nang mapansing seryoso at buo na talaga ang loob ko sa gusto kong malaman.

Naoabuntong hininga si Theo bago mag salita Gardo Aguilar, Dencio Dumaguete, Sandro Casas, Baron Antonio and Danilo Dignos.”

Naramdaman ko kaagad ang takot na naramdaman ko noon nang marinig ang mga pangalan nila.

“Sila Baron at Danilo na lang ang buhay ngayon. Mayroong taong kumokontrol sa kanila.”

“Natural. Alangan namang nagkaroon lang sila bigla ng lakas ng loob matapos noong ginawa ko sa kanila.” sarkastikong sabi ko kay Theo

Natahimik ang apat at napaiwas na lang ng tingin.

Jadey, try mo kaya hindi maging masungit kahit one day lang.” nakangiting sabi ni Amiel

“Try mo kayang patahimikin iyang sarili mo kahit one day lang.” puno ng sarkasmong sabi ko

“Seryoso, Jade. Meron ka ba ngayon?” takang tanong ni Van kaya naman sinamaan ko siya ng tingin

“Oo, gusto mo isampal ko sa mukha mo ang pasador ko?” inis na sabi ko

Kaagad naman na lumayo ang tatlo sa'kin maliban kay Theo na iiling-iling lang sa'min.

“Jade, hindi naman ikaw ang Gozon na target nila e. . .”

“Dahil hindi naman ako Gozon, Theo.”

“I know. But the fact that you're carrying that surname, you're a Gozon.” siniringan ako ni Theo  bago siya muling magsalita “May naalala ka bang nakaaway ng mga Gozon sa negosyo?”

“Mukha bang may alam ko sa nangyayari sa mga buhay nila?”

“Alam mo, hindi masasagot lahat ng tanong mo kung ang sagot mo sa tanong ko ay tanong din.”

“Edi sana hindi mo ako tinatanong.”

Napasapo na lang sa noo si Theo dahil sa kasamaan ng ugali ko. Hindi ko alam kung anong meron pero badtrip na badtrip ako ngayon.

Hindi ko kasi macontact si Grae kagabi. Putangina no'n.

“May problema ka ba, Jade?” biglang tanong ni Van

“Wala.”

“Hindi ka naman ganito ah.”

Napangisi ako at nag angat ng tingin sa kaniya “Bukod sa pangalan ko, ano pa bang alam mo sa'kin, Van?”

“Everything. I know everything about you.”

“Mali ka. Dahil hindi mo alam kung ano nga ba ang nangyayari sa'kin.”

“Kasi hindi mo na ako binibigyan ng karapatang kilalanin ka. Bigla ka kasing nagbago, Jade.”

Alam kong nahalata nilang tinamaan ako sa sinabi ni Van.

Siguro naman kung sila ang nakakadanas ng mga pinagdadaanan ko ngayon ay magiging ganito rin sila katulad ko.

Alis na ko.” tumayo na ako

“Hindi mo na ba aalamin kung sino ang kumokontrol sa kumidnap sa inyo?” tanong ni Theo

“Kailangan ko pa ba alamin iyon?” pabalik na tanong ko bago umalis sa condo ni Van

Nang makarating ako sa parking lot para kuhanin ang motor ko ay napansin kong may sumusunod sa akin.

Bahagya kong binagalan ang paglalakad para pakiramdaman ang taong sumusunod sa akin at humina naman ang yabag niya.

Nang makarating ako sa motor ko ay kaagad ko iyong pinaharurot pero hindi nakatakas sa paningin ko ang taong nagkumahog na sumakay sa sasakyan nito para lang habulin ako.

Sige lang kaya mo iyan.

Napangisi ako nang mapatingin ako sa side mirror ng motor ko at nakita ang sasakyang humahabol sa'kin.

“Sige. . .habulan tayo sa impyerno.” ngingisi ngising bulong ko

Ngunit bigla kong naihinto ang motor ko nang may isa pang itim na Ferrari ang humarang sa daan ko at ang sasakyan na nasa likuran ko ay huminto rin.

Tangina.

“Messiah?” takang tanong ko nang makilala ang taong bumaba sa Ferrari na nasa harapan ko

“Long time no see, Jade.” malamig pa boses na sabi nito

Katulad ng dati ay mula sa ulo hanggang paa ay nakasuot ito ng puti. Ang itim na bagsak niyang buhok ay hindi manlang madala ng hangin.

Siya si Messiah o kilala bilang Gold sa organisasyon. Ang taong may mataas na posisyon sa Alpha Organization.

Mas mataas pa ang posisyon niya sa akin dahil buong organisasyon ang pinamumunuan niya samantalang ako ay ang grupo lamang namin nila Van.

“Anong ginagawa mo rito?” takang tanong ko at napalingon sa sasakyang nasa likuran ko

Isa lang pala sa tauhan ni Messiah.

“I am here to deliver a message from the highest.” tipid siyang ngumiti sa'kin “Stay away to those Vaughn's around you.”

Ha? Ano raw?

“Isang Vaughn lang naman ang nakakasama ko.”

“You sure? O baka naman hindi mo lang talaga ganoon kakilala ang mga nakapaligid sa iyo. Hindi ka na bata, Jade.”

*****

Grae’s POV

“Kuya, what is that woman doing here?!” I heard my sister's voice and my mind is too occupied to answer her

“Gwen, call her ‘mom’ and not ‘woman’!” Gio told her

“I can call her whatever I want!”

I sighed after hearing their conversation. “Gwyneth, the woman you are calling is the one who almost died just to bring us out to this world.”

Nakita ko kung paano napanguso ang kapatid ko at umiwas ng tingin.

“But why is she here?”

“She was being chased by. . .that man.”

Napabuntong hininga ang dalawa pero kaagad naman silang bumalik sa sala at tahimik na nanood dahil biglang bumaba si Mom mula sa taas.

“They are really mad at me. . .” mapait na wika niya habang nakatanaw kila Gio

“Of course they are. Iniwan mo kami at hinayaan mo silang lumaki nang wala ka.”

“Because I have to. . .” she smiled at me bitterly “That's the only way to save all of you.”

“Mom, answer me honestly. Does that woman said is true?”

“I'm sorry. Yes. . .you have a brother. . .a twin brother.” her voice cracked a bit

“M-Mom. . .”

“I'm sorry, my love. Itinago ko sa'yo dahil ito ang makakabuti sa inyo.” sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero kaagad ko iyong iniwas

“W-Where is he?”

“I don't know. . .I left him when the time I realized that your father gonna use you.”

“So you hid him in order to protect him while me. . .you choose to make me suffer?”

“N-No. . . it's not that, Grae.”

I wiped the tears on my eyes as I look at my mother who is also crying in front of me.

Good thing Gio and Gwen are busy watching so they didn't notice us.

“Where did you left him?”

“In an orphanage. . .I don't remember that much but I think it's. . .Heart Orphanage.”

___________________________________
___________________________________


You are reading the story above: TeenFic.Net