Chapter 127

Background color
Font
Font size
Line height

Chapter 127 : TBSP

Aeriz's POV

“Sino ba kasing nagsabi sa inyong lumabas kayo nang ganito kaaga?! Hindi niyo ba alam na pupwedeng higit pa roon ang mangyari sa inyo?!”

“Kuya, wala namang nangyaring masama sa'min.” sabi ni Lucifer

Muntik na akong bumilib sa kaniya na nagagawa niya pang magsalita kahit pa umuusok na si kuya Ryle sa galit kaya lang napansin kong nangangatal ang tuhod ni Lucifer dahil sa takot.

Weak pala 'to e.

“So hihintayin mo pang may mangyaring masama sa inyo ng kapatid mo?!”

“Oo nga.”

Pareho kami ni Lucifer na sinamaan ng tingin si Ichiro na komportableng nakaupo sa sofa habang kumakain ng sliced bread.

“Don't you dare interrupt!” inis na asik ni Lucifer sa kaniya nginusuan lang naman siya ni Ichiro at ipinagpatuloy na lang ang pagkain

Nakikialmusal na nga lang siya tapos sisingit pa siya sa usapan nang may usapan.

Buo na ang pasya ko! Maaga kang mamamatay dito, Riz! Kaya dadalhin na kita sa Palawan bago pa mangyari iyon!”

Eh?!

“Kuya. . .”

“Huwag ka ng umangal pa, Aeros, dahil pati ikaw ay isasama ko! Mas mabuti pang doon na lang kayo tumira dahil masisiguro kong ligtas kayo ro'n kaysa rito na parang bawat segundo ay nasa bingit kayo ng kamatayan!”

Parehas kaming natahimik ni Lucifer dahil sa sinabi niya kuya. Ang kaninang abala sa pagkain na si Ichiro ay napatulala na ngayon.

“Why do you have to take them away, Zach?” wala sa sariling binasag ni Ichiro ang nakakabinging katahimikan

Walang emosyong bumaling si kuya sa kaniya at sumagot “It's for their own safety.”

“Hindi mo manlang ba naisip na sa ginagawa mong iyan ay parang tinatanggalan mo na kami ng karapatang magdesisyon para sa sarili namin?” tanong ko sa kaniya bago pa magsalita ng kung ano si Ichiro

“Sinasabi mo bang mali ako, Riz?”

“Oo, kuya. Mali ka.” si Lucifer ang sumagot imbis ba ako

“At nagbabalak pa kayong dalawa na pagkaisahan ako.” ngingisi-ngising sabi ni kuya

“Tatlo kami, Zach!” singit ni Ichiro

Tangina nito! Ipapahamak pa kami!

“Shut up!” sabay na sigaw ni kuya at Lucifer

“Kasi naman, Zachy---”

“Isa pang salita mo, ipapalunok ko sa iyo iyang plato na nasa harap mo.” sabi ko rito bago pa ituloy ang sasabihin niyang mas magpapatindi pa sa galit ni kuya Ryle

“I don't give a damn, Riz. Alam kong alam niyo iyon, kapag sinabi ko ay iyon ang gagawin ko.”

Naging tahimik ang paligid hanggang sa isang nabasag na baso ang bumasag sa katahimikan na iyon.

“R-Riz. . .”

“G-Gorgeous. . .”

Nagbaba ako ng tingin sa kamay kong tuloy tuloy ang pagtulo ng dugo at may mga parte pa kung saan nakabaon ang bubog habang ang iba ay bumabagsak sa sahig na ikinalilikha ng ingay.

“Alam mo bang ayaw kong may nagdedesisyon para sa sarili ko? Iyong huling gumawa kasi no'n. . .naputulan ng daliri.” seryosong sabi ko sa kanila

Walang emosyong nakatitig lang si kuya Ryle sa'kin na para bang binabasa ang laman ng utak ko, pero sinadya ko siyang bigyan ng blangkong ekspresyon.

“Sorry 'bout the glass. Linisin ko na lang.” sabi ko sa kanila bago tumayo para pumunta sa kusina at kumuha ng walis at dustpan

Balewala sa akin ang dumudugo kong palad dahil kahit kirot ay wala manlang akong maramdaman.

Muli akong napatingin sa palad ko at tinanggal ang bubog na nakatarak pa rin dito. Pinakatitigan ko pa ang bubog.

Ano kayang mararamdaman ko kung itatarak ko iyon sa lalamunan ko? Makakaramdam na kaya ako ng kirot? O mananatili pa rin akong manhid?

Napakurap-kurap ako nang may humablot ng braso ko.

“Ano bang iniisip mo?! Hindi mo manlang nararamdaman ang sakit?!” bakas ang galit sa boses ni Ichiro habang hinihila ako pabalik sa sala “Tita, pahiram po ng first aid kit! Gagamutin ko lang ang sugat ng maganda niyong pamangkin!” sigaw nito

Napairap na lang ako sa hangin dahil sa kaingayan niya. Pakiramdam ko ay kasama ko ngayon ang mga sperm ke-aga aga.

Tapos kalalaking tao pa ay napaka ingay.

“Hindi naman 'to masakit, Gorgeous. Light lang promise!” nakangiting sabi niya pa sa'kin nang mag simula na siyang gamutin ang sugat ko

Walang emosyon ko siyang pinanood habang nililinisan niya ang sugat ko.

Gwapo talaga. Kaya siguro nabaliw sa kaniya si Ysha.

“Don't you dare put alcohol on her wounds!” biglang sigaw ni Lucifer nang mapansing binubuksan ni Ichiro ang alcohol

“Luh! To disinfect 'to, bebe Jeisz.” sagot ni gago--- este Ichiro

“Mas magdudugo iyan! Stop treating her wounds kung wala ka namang alam!”

“Ouch! My heart! It achy breaky!”

Tanginang iyan.

Iritang hinablot ko ang kamay ko mula kay Ichiro kaya nakanguso siyang lumingon sa akin.

“Umuwi ka na nga kung ayaw mong ireklamo kitang akyat bahay.” sabi ko rito

Mukha naman siyang nadisappoint kaya hindi makapaniwalang napaturo siya sa sarili niya.

Oa.

“Sa gwapo kong 'to?! Akyat bahay?! No way helly no! Hindi papatok sa movie iyan, Gorgeous.” naiiling-iling na sabi niya

“Talent mo talagang mag sabi ng walang kwentang bagay 'no?” nakangiwing sabi ko

“Yeah, that's his hobby.” syempre iyan ang kapatid kong ipinaglihi sa demonyo

“Hubby?” takang tanong ni Ichiro sa'kin

“Hobby.” pag uulit ko

“Yes, wifey?” ngingisi-ngising sabi niya sa'kin

Ha? Teka naloading 'ata ako sa kakornihan niya.

“Umuwi ka na, Ichiro. Salamat sa kanina pero baka kapag nanatili ka pa rito at makita ka ng mga taong iyon ay ikaw pa ang balikan nila. Ayokong madamay ka.” seryosong sabi ko rito

Pero hindi ko alam kung bobo lang ba siya o tanga na talaga kaya namumula siya ngayon.

“Sabi ko na nga ba crush mo ko e.”

Like putangina 'di ba? Bakit ba nauso ang drugs?

“Hindi ganoon ang sinasabi ko.”

“---Pero dahil ayokong mag alala ka sa'kin, uuwi na ako. Salamat sa pagkain hehe.” pagkatapos no'n ay palingon-lingon siyang umalis kaya nauntog pa siya sa pinto

Katangahan.

“Riz, nakita mo ba iyong lalaki kanina na nakatayo sa kabilang kalsada?” biglang tanong ni Lucifer

“Oo. . .hindi lang naman ikaw ang may mata.”

“Tss.”

“Aeros! Anak!”

Sabay kaming napalingon sa dalawang taong nagkukumahog makalapit sa kapatid ko.

Edi wow. Ako na ang hindi anak.

“What happened?! Are you okay?!” nag aalalang tanong ni mama kay Lucifer

Pero iba 'ata ang trip ni Ranzel dahil sa akin ito nakatingin “Ano? Kasalanan mo na naman? Ipinahamak mo na naman ang anak ko!”

Napaawang ang bibig ko sa pagkamangha at napapikit nang may parang pumutok na ugat sa ulo ko sa sobrang galit na nararamdaman.

Tumayo ako at  walang kahit anong emosyong naglakad papalapit sa kaniya tsaka ko siya malakas na tinulak.

“Riz!”

“What the hell is your problem?!” galit na sigaw ni Ranzel sa mismong harap ko

Pero wala sa isip ko ngayong irespeto siya lalo na't muntikan ng mapahamak ang kapatid ko ng dahil sa kagagohan ng kaniyang ama.

“Sa pagkakataong ito. . .sarili mo dapat ang sinisisi mo dahil nangyari iyan sa anak mo. Dahil iyan sa kagagohan mo.” seryosong wika ko

Aeriz Jade!” hindi ko pinagtuonan ng pansin si kuya Ryle kahit pa ramdam ko na ang galit niya

Nanatili akong nakatingin kay Ranzel na nakasalampak sa sahig habang masama ang tingin sa'kin.

“Akala ko isa na lang ang natira. . .pero dalawa pala silang hindi ko natapos nang gabing iyon.” ngumisi ako sa kaniya “Alam mo ba kung sino ang nakita ko? Iyong mga taong inutusan mo noon para lang mawala ako sa buhay niyo.”

_________________________________
_________________________________


You are reading the story above: TeenFic.Net