Chapter 124

Background color
Font
Font size
Line height

a/n: sorry nabusy lang these past few daaaayssss.

Chapter 124 : TBSP

Aeriz's POV

“Hoy, sperm! Saan ba tayo pupunta?” inis na tanong ko kay Grae

Basta na lang niya kasi akong hinila papunta sa kung saan nang makita niya akong bumalik sa room.

Hindi manlang tinanong kung gusto ko bang sumama sa kaniya tapos ngayong tinatanong ko siya hindi niya naman ako pinapansin!

Napanguso na lang ako sa sobrang inis at nagpahila na lang sa kaniya hanggang sa makarating kami sa parlor.

Anong gagawin namin dito?

Nang makapasok kami sa parlor ay kaagad kaming sinalubong ng mga bading.

“Ay pogi!” kaagad na hiyaw no'ng isang sumalubong sa'kin

“May jowa, mars.” dinig ko namang sabi ng katabi niya

“Hindi ko siya jowa!” inis na sigaw ko at galit na hinila ang braso ko mula sa pagkakahawak ni Grae

Madilim ang mata na tumingin si Grae sa akin bago napabuntong hininga.

“Sorry 'bout that. She's my wife.”

Anak ng sperm!

Sasaksakin kita ng ballpen sa ngala-ngala mamaya.” nanggigigil na bulong ko kay Grae

Matamis lang siyang ngumiti sa'kin at dahil doon ay medyo nabawasan ang inis na nararamdaman ko sa kaniya.

Tanginang sperm 'to lakas ng dating.

Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko at parang mabait na bata na pinanood siyang naupo sa isang swivel chair mukhang balak niyang magpagupit.

Naramdaman ko namang lumapit sa'kin ang isang bakla Swerte mo, girl.” bulong nito sa'kin

Lumapit ang dalawang bakla kay Grae at ako naman ay naupo sa sofa.

“Anong klaseng gupit, pogi?” dinig kong tanong ng bakla kay Grae

At mula sa salamin ay tinitigan ako ni Grae sa mata. “I want a new hair color.”

Eh?!

“Anong kulay naman? Dami kasing color. May red, violet, pink, green, maroon---”

“What color do you want, babe?” tanong ni Grae habang nakatingin pa rin sa'kin

“Ay for me tingin ko ako ang bagay sa iyo.” sagot ng enchoserang bakla

“Gaga! Hindi ikaw ang tinatanong huwag kang enchosera.” wika ka sa kaniya ng katabi niyang bakla rin

Napatakip naman sa bibig ang baklang sumagot at napatingin sa akin. Napangiwi naman ako sa kaniya.

“Try mo transparent baka bagay.” walang ganang sagot ko kay Grae

Nagtawanan ang mga bakla dahil malamang iniisip nilang nagbibiro lang ako pero nang makita nilang seryoso ako ay natahimik sila.

Mukha ba akong joke sa kanila?

“Gusto ko natural iyong kulay ng buhok mo, kung ayaw mo edi gawin mong transparent.” seryosong sabi ko kay Grae

“You heard my babe.” nakangising sabi ni Grae sa bakla

Sinimulan na ng mga bakla na ayusan si Grae habang ako naman ay kinuha ang magazines na nasa gilid dahil nakita kong si kuya Ryle ang cover no'n.

Napahikab na lang ako habang naghihintay pa rin akong matapos si Grae.

“We're finally done!” sigaw ng bakla

“Ay shocks! Pogi ka na nga kanina tapos mas pumogi ka pa ngayon!” sigaw ng isa pa

Sinubukan kong silipin si Grae kaso natatabunan nila ito kaya naman napabuntong hininga ako bago padabog na tumayo at lumapit doon.

Saktong pagtayo ko ay ang pagtayo ni Grae sa swivel chair at naglakad papunta sa akin.

Ngunit habang nakatingin ako sa kaniya at sa light brown niyang buhok ay parang hindi si Grae na sperm ang kilala ko. . .

Parang si Van ang kaharap ko.

*****

Ivan's POV

Makikipagkita ka kay Jade?” tanong ni Ivy sa'kin nang maabutan akong papalabas ng condo

Mmm. Kailangan ko siyang makausap ngayon. Hindi pa kasi ako nakakapag sorry sa kaniya.”

Napangiti si Ivy sa'kin Tini-treasure mo talaga siya 'no? Ganiyan ba siya kahalaga sa'yo?”

“I love her.”

“E si Kim?”

Natahimik ako sa tanong niya pero napailing na lang at hindi na umimik.

“Ano bang ginagawa mo rito? Naka-cover ngayon sa magazines si Ryle. Akala ko busy ka ngayon kakabasa roon pero nandito ka at nangungulit sa'kin.”

“Wow! Pangungulit na ngayon ang tawag mo sa panlalambing ko? Ha, baby brother?”

Napangiwi ako sa pambe-baby niya sa'kin pero hindi ko pa rin maiwasang matuwa dahil alam kong alam niyang hindi kami totoong magkapatid.

“Oo na sige na, ate Ivy. Alis ka na dahil kailangan ko na i-meet ang aking prinsesa.” nakangiting sabi ko sa kaniya at nanlalambing naman siyang niyakap ako bago ako hinalikan sa noo

“See you around, brother!” kumindat pa ito sa'kin bago tuluyang umalis

Napailing na lang ako bago tuluyang pumunta kung saan kami magkikita ni Jade.

Mabuti na lang talaga at pumayag siyang makipag kita sa akin, akala ko magagalit siya sa'kin at magiging matagal bago niya ako patawarin.

---

Nang makarating ako ay nandoon na siya kaagad. Walang emosyong nakatingin sa kawalan at para bang napakalalim ng iniisip.

“Jade. . .”

Maupo ka.” tipid lang na ngumiti si Jade sa'kin

Naupo ako sa harap niya pero nanatili lang siyang walang imik na nakatingin sa akin.

“Are you okay?” I asked

“Oo naman. . .syempre. Wala namang dahilan para hindi ako maging okay e.”

No. . . something is bothering her.

“Saan ka galing kanina?” tanong ko rito

Nang tumawag ako sa kaniya kanina para ayain siyang lumabas ay pumayag kaagad siya at sinabing magkita kami bago siya umuwi sa bahay nila.

Nagpasama si Grae sa'kin magpaalis ng kulay ng buhok niya kaya ayon transparent na.” sarkastikong sagot niya sa'kin

Hindi ko maiwasang mapangiti kahit pa nakaramdam ako ng kaunting selos.

Palagi na lang si Grae ang kasama niya. Paano naman ako?

“Ano palang gusto mong pag usapan natin?” tanong niya sa'kin

“I just want to say sorry. Sa kagustuhan kong huwag kang masaktan, itinago ko sa'yo ang katotohanan.” napayuko ako at hinintay ang malamig na pakikitungo niya sa'kin

Pero lumipas ang ilang minuto ay hindi pa rin siya umiimik kaya nang iangat ko ang ulo ko ay nakita kong abala na siya sa pagkain ng spaghetti na nasa harap niya.

“Jade.”

Nag angat ito ng tingin sa'kin at ngumiti “Sorry. Nagutom ako kasi tinakasan ko iyong sperm kanina e.”

“Sperm?”

“Mm. Si Grae.”

Grae na naman.

Tinanguan ko na lang siya bago nag simulang kumain dahil hindi rin naman kami makakapag usap nang matino kung nagugutom siya.

“Van. . .” napahinto ako sa pagkain nang tawagin niya ko “Wala ka bang plano na alamin kung sino ang totoong pamilya mo?”

Sandali akong nawalan ng imik sa tanong niya pero sa huli ay ngumiti na lang ako sa kaniya.

“Paano kung hindi naman pala nila sinasadyang iwan ka? Paano kung kailangan lang nila na iwan ka? Paano kung wala na silang pagpipilian kaya nila nagawa iyon? Hindi ko mo ba sila magagawang patawarin?” sunod sunod niyang tanong

“Kung hindi nila sinasadyang iwan ako, baka sakaling kasama ko na sila ngayon. Dahil sila ang gagawa ng paraan para mahanap ako.”

Pero wala namang ginagawa ang mga magulang ko, malamang nakalimutan na nila ang tungkol sa'kin.

“Sinasabi mo bang sinadya ka nilang iwan?”

“Iyon naman ang totoo 'di ba?”

Napatitig na lang si Jade sa'kin. Walang awa, tanging pag aalala lang ang makikita sa mga mata niya.

“Alam mo bang ikaw ang nasa isip ko kanina?” seryoso ngunit nakangiting tanong niya sa'kin “Siguro dahil alam kong hindi pa tayo ganoon kaayos kaya naiisip kita kahit si Grae ang kasama ko.”

“Paano?” nagtatakang tanong ko

“Nang makita ko ang totoong kulay ng buhok ni Grae. . .ikaw ang nakita ko. Tsaka ko lang din napansing may pagkakapareho pala kayong dalawa. Hindi ko alam kung dahil lang ba naguilty ako na hindi manlang kita hinayaang magpaliwanag noon kaya kung ano-anong nakikita ko.” mas lalong sumeryoso ang tingin niya sa'kin “Van, paano kung. . .”

“K-Kung?” napapalunok pa na tanong ko

“Paano kung kapatid mo pala si Grae?”

_____________________________________

_____________________________________

🖤


You are reading the story above: TeenFic.Net