Chapter 123

Background color
Font
Font size
Line height

a/n : 🌷

Chapter 123 : TBSP

Aeriz's POV

“Wala ba talagang pwedeng gawin ngayon? Ang boring boring, Riz.” nakangusong sabi ni Nate sa'kin

“Kung gusto mo mag ta-tumbling ka riyan.” sabi ko rito

Mahihilo ako.”

“At least hindi ka na bored.”

Arte ng sperm na ito kala niya naman matino siya e may sayad naman.

“Riz, bakit parang araw-araw ay mas lalo kang gumaganda?” tanong ni Kev sa akin

Walang emosyong tiningnan ko siya bago sinagot Matuto ka kasing maligo nang gumanda ka rin naman.” nagtawanan ang mga sperm nang sabihin ko iyon

“Riz! Riz! Anong first impression mo kay Aj?” tanong ni Mac na ikinapagtaka ko

Napatingin ako kay Aj at nahuli ko naman siyang nakatingin din sa'kin. Hindi siya nag sorry sa akin dahil sa paninisi niya pero alam ko namang hindi niya talaga ako sinisisi no'ng time na iyon.

Tsaka binilhan niya ako ng ice cream kaya bati na kami hehe.

“Kay Aj?” takang tanong ko

“Oo! Kay Austin Jay.”

Napaisip naman ako kapagkuwanan ay napangiti “Cold talaga. . .tahimik tsaka masyadong seryoso sa buhay. Mukhang mahirap biruin.”

Ooooooohhhhhhhh. . .”

Parang tanga na nag atungal baka naman ang mga sperm habang iyong tatlo ay iiling-iling lang sa kanila.

“E kay Kiro? As in first impression ah!”

Napangiti ako kay Clyden “Mabait syempre. Siya iyong gentleman para sa akin kahit pa nawawala iyong mata niya kapag tumatawa.” natatawang sabi ko

Nang tumingin ako kay Kiro ay nahuli ko itong nakatingin sa akin at kaagad na umiwas. Hindi naman nakaligtas sa mata ko ang pamumula ng leeg at tainga niya.

Eh? Anong nangyari ro'n?

“E si Grae? Anong first impression mo kay Grae bukod sa masama ang ugali niya?” tanong ni Daryl at kaagad namang binawi iyong huli niyang sinabi dahil binato na siya ng masamang tingin no'ng sperm

“Si Grae? Hmm. . .” napatitig ako kay Grae at bahagyang natawa Sisiw. Iyon ang first impression ko sa kaniya dahil sa buhok niyang dilaw. Pero seryoso, Grae. Bakit ba dilaw iyang buhok mo?”

Hindi naman sa hindi bagay sa kaniya, sa totoo lang ay bagay na bagay sa kaniya iyong kulay dahil maputi siya ang kaso lang ay para siyang sisiw! Kapag nababasa iyon ay para na siyang basang sisiw!

Sinamaan ako ni Grae ng tingin pero sumagot din “It's because of Aeros.”

“Eh?! Si Lucifer?!”

Si Kiro na ang sumagot “Oo, Riz. Si Aeros ang nagsabi kay Grae na kulayan ang buhok niya. Noon kasi ay naglaro kami at kung sino ang matalo ay may dare. Inutusan siya ni Aeros na kulayan ang buhok niya ng paboritong kulay ni Aeros which is yellow.”

Oo nga pala paborito ni Aeros ay dilaw dahil iyon daw ang kulay ni SpongeBob.

“Matagal na pala e, bakit hindi mo pa rin iniiba ang kulay?” takang tanong ko kay Grae

Seryoso siyang tumitig sa akin “Do you want me to change it?”

“Hindi naman. . .” pasalamat ka pogi ka kahit para kang sisiw.

“Riz, magpakulay din kaya ako ng buhok?” biglang tanong ni Nate sa'kin

“May kulay naman na ang buhok mo, huwag ka ng mag inarte riyan sasapakin kita.” sabi ko rito at napanguso naman siya

“Para ka na ring si Daryl kung mag salita. Palaging may kabayolentehan sa huli.” naiiling na sabi ni Aj

Matamis na ngumiti naman ako sa kaniya “Kapag si Daryl ang nag salita, puro kayabangan lang. Kapag ako ang nag salita, maya-maya lang ay nakabulagta na kayo.”

Napangiwi ang mga sperm at malamang ay niyayabangan na rin ako ng mga ito sa isip nila.

Nagutom ako bigla sa kayabangan ni Riz. Kain tayo?” aya ni Klein kaagad ko namang ibinato sa kaniya ang notebook ni Nate

“Notebook ko!” gulat na sigaw ni Nate at kaagad na pinulot ang notebook niyang ben10 ang design

“Tanginang iyan, Nate! Graduating ka na't lahat lahat tapos iyang notebook mo pang grade 1!” nagtawanan ang mga sperm matapos iyon sabihin ni Josh

Nakanguso lang si Nate at mukhang paiyak na habang masama ang tingin sa mga kapwa niya sperm.

“Riz! Riz! Riz!”

Salubong ang kilay na napalingon ako sa may pintuan nang marinig ang boses ni Chea. Bumungad ito sa amin at halatang tumakbo ito dahil tagaktak ng pawis ang noo niya.

Bahagya akong nakaramdam ng kaba dahil naalala ko iyong unang beses na ganiyang-ganiyan din siyang sumugod dito sa room at sinabing nakidnap si Lucifer.

“Anong problema?” sinubukan kong maging kalmado

“N-Nagkaroon ng. . .ng pagsabog. . .”

“Ano?!”

“Saan?!”

“Kelan?!”

Mukhang nagulat si Chea sa reaksyon ng mga sperm kaya ilang minuto bago ito muling mag salita.

“S-Sumabog iyong kalahati ng Gzon Hospital. Pumunta na si Jeisz doon dahil. . .s-si Tita Leigh. . .”

Doon talagang kumabog nang matindi ang puso ko dahil sa takot at kaba na nararamdaman.

Parang nagkaroon ng sariling isip ang mga paa ko at lumabas sa room. Dinig ko pang tinawag nila ako pero hindi ko na sila nilingon at halos takbuhin ko na ang daan patungo sa Gzon Hospital.

Nang makarating ako ro'n ay kaagad na bumungad sa akin ang media na nakiki-usisa at mga pulis na mukhang nag iimbestiga.

“Riz!” napalingon kaagad ako sa taong tumawag sa'kin at nakita ko naman si kuya Ryle

Dali-dali akong tumakbo papalapit sa kaniya “K-Kuya. . .si tita?”

“She's fine. What are you doing here?”

“Nag aalala ako e!” hindi ko na napigilan ang sarili ko na pagtaasan siya ng boses dahil sa pag aalalang nararamdaman para kay tita

“Mamaya mo siya puntahan. Nandoon ang parents mo at si Aeros. We need to talk. It's important.” seryosong sabi nito

Hindi ako bobo para hindi malamang tungkol dito sa pag sabog ang pag uusapan namin.

“Wala akong alam dito, kuya.” kaagad na sabi ko

“I know. It's just weird. Noong una ay may anonymous text ang isinend sa amin at sinabing may sasabog. We ignored it kasi akala namin prank lang ng mga bored na taong walang magawa sa buhay na katulad mo.”

Hindi naman ako bored ah?

“But then it happened. Mabuti na lang at walang nasaktan dahil wala namang gumagamit sa mga kwarto kung saan may sumabog.”

“E si tita? Halatang may nangyaring masama sa kaniya dahil nanginginig pa si Chea nang puntahan ako sa room.”

“Oh. Nahimatay si mama nang marinig niya ang pagsabog. She was shocked.”

Malamang! Sinong hindi magugulat doon?! Palibhasa bingi siya kaya hindi siya nagulat!

“Pero nasaan ang weird doon?” takang tanong ko kay kuya at tuluyan ng nawalan ng emosyon ang mukha niya

“There's a note left by someone. It's about Aeros, Tito Ranzel and. . .you.”

Nagsalubong ang kilay ko sa sobrang pagtataka. Ayos na sana kung iyong mag ama lang, ang kaso bakit pati ako ay damay?

Sinubukan kong isipin kung sino bang may posibilidad na gawin ito. Kung sino bang naglakas loob na kalabanin kami at talagang itong ospital pa ang napili niyang pasabugin.

“Kuya, tanda mo pa ba iyong time na nakidnap kami ni Aeros?” tanong ko sa kaniya

“Yeah. Naisip ko ring baka may kinalaman din diyan ang pagsabog na ito ngayon.”

Napatulala ako sa kawalan bago nagsalita “Sa tingin ko hindi ko napatay ang lahat ng demonyong dumukot sa'min. Mukhang may nakaligtas sa pagiging demonyo ko.”

*****

Ryle's POV

Wala siyang patawad kapag nagalit siya. Brutal siya kung makipaglaban dahil kahit anong pakiusap mo. . .hindi niya pakikinggan.

Pupuntahan ko lang si tita.” sabi nito at tumayo

Habang nakatanaw ako sa kaniya hindi ko maiwasang magtaka at mag isip kung anong tumatakbo sa utak niya ngayon.

Sigurado akong hindi siya basta-basta kikilos nang walang maayos na plano.

The way she looks at me emotionless. . . pakiramdam ko nakita ko na ang mga matang iyon noon. Wala kang mababasang kahit anong emosyon. . .ultimong ang mga mata ng Montero na nakausap ko noon ay gano'n din.

Is it because same blood is running through their veins?

Nagbaba ako ng tingin sa hawak kong phone nang mag vibrate iyon at nakita ko ang message ng taong kanina ko pa hinihintay.

Chard Mercado. A fucking computer expert. One of black section.

From: Chard
Tama nga ang hinala mo. Isa ito sa mga lalaking kumuha kila Riz at Aeros noon. I'll send you his details pero hindi lahat ay nandoon. Someone is blocking my way.

Someone. . .who ever you are I will surely have your head in my hand.


____________________________________
____________________________________


You are reading the story above: TeenFic.Net