Chapter 121

Background color
Font
Font size
Line height

a/n: ๐ŸŒท

Chapter 121 : TBSP

Aeriz's POV

Nakangiti siya ngayon habang nakaupo sa harap ko at ako naman ay hindi makapaniwalang kaharap ko siya ngayon.

"I-Ikaw si Jim 'di ba? Jim Montero. . ."

"Yeah. That's me."

Nakagat ko na lang ang labi ko at humigop sa juice na nasa harap ko. Nang mamukhaan niya ako ay kaagad niya akong inaya papunta rito sa mini mart para raw magkausap kami.

"Kilala mo talaga ako?" tanong ko rito

"Of course. . . you're my brother's daughter."

Naiyukom ko ang kamao ko nang maramdaman ang panginginig ng kamay ko dahil sa hindi ko maipaliwanag na pakiramdam.

Masaya? Malungkot? Galit? Hindi ko alam.

"Bakit?" wala sa sariling tanong ko at nagtataka naman siyang nakatingin sa'kin "Bakit nagpanggap kang siya? Para paasahin ako na mayroon pang chance na magkasama kami ni papa?"

"That bastard would be happy if he hear you calling him 'papa'." matamis na ngumiti ito sa kaniya "And no. I am Jim Montero but I have to live as Jin Montero since he's the Crest and Montero's successor. I have to act like him and since the day he was gone. . .my life never been easy."

Bigla naman akong nakaramdam ng awa. Simula nang mamatay si papa ay nabuhay si Jim Montero bilang si papa para gawin ang responsibilidad nito.

Iyong part na ultimong emosyon at pagsasalita ni papa ay kailangan alam niya. . .napakahirap mag panggap.

Pero bakit parang napakadali sa kaniyang talikuran ang buhay at pangalan niya?

"Bakit kailangan mong magpanggap na si Jin Montero? Nagpanggap ka pa sa harap ni Lucifer." nagtatakang sabi ko sa kaniya

"Who's Lucifer?"

Napanguso ako "Si Aeros."

Napaawang ang bibig niya nang makilala kung sino iyon at bahagyang natawa "Oh. Your brother. Well, I can't let people knows that my brother died years ago."

Kahit pa nakangiti siya ay kitang-kita ko sa mga mata niyang nasasaktan siya. Marahil ay dahil sa pagkamatay ng kapatid niya.

Ako nga e nasasaktan din kahit nadapa lang o nakagat ng langgam si Lucifer.

"Jade, he's a great former soldier. A good son. A good brother. A good person. But you know what he failed? He failed to become a good father to you."

"Kasi wala naman siya sa tabi ko, paano niya magagampanan ang pagiging ama niya?"

"Right. Also your mom won't let him see you. She hate him to the point that she swore his death. . .and it actually happened."

Si mama talaga ang kontrabida sa buhay ko.

"Pero 'di ba mahal siya ni mama?"

Iyon ang alam ko.

"Feelings change. . .love fade, Jade."

May mali. . .may hindi tama sa nangyayari.

Dahil bigla kong naalala si Grae. Sabi niya kahit kailan ay hindi magbabago ang nararamdaman niya sa'kin kaya iyon ang panghahawakan ko.

"Maybe your mom love him before he did something unforgivable."

"Tingin mo hindi pa rin napapatawad ni mama si papa?"

Tumingin siya sa mata ko "What do you think?"

Sa naranasan ko at mga narinig ko mula sa kaniya. . . "Sa tingin ko hindi pa."

"Because what your father did was unacceptable."

"Ano bang ginawa niya?"

Mahinang napatawa si Jim at sa sandaling iyon ay nakita ko sa kaniya ang papa ko "He loved her. . .too much. You know that too much can hurt you so much and that happened to your mother."

Loving too much can hurt you so much. . .

Masakit nga. . .pero 'di ba tsaka mo lang naman mararamdaman nagmamahal ka kung nasasaktan ka? Tsaka mo lang naman matatagpuan ang pangmatagalan na pagmamahalan kung masasaktan ka.

"Don't you know that your name should be Jian Jade Venus Lee-Montero? But your mom was so hard-headed so she named you Aeriz Jade Lee-Gozon which make your father sulk. . .in his lifetime."

Kinginang pangalan mas mahaba pa sa pasensya ko.

"Bakit ba siya namatay?" biglang tanong ko na ikinatahimik niya

"He died. . .in a war. I told you he's a great soldier."

Ha?

"Akala ko ba former?"

"Yes, pero no'ng time na may war. . .I forgot the country. That was 3 years ago. His superior reached him and ask him to lend them a hand in the war."

"Anong akala nila sa tatay ko, superhero?" inis na tanong ko

"He's the most brave soldier." iyon lang ang sinagot ni Jim sa akin na mas ikinasimangot ko

Brave nga, namatay naman.

"Jade, do you want to visit him?"

Gago ah.

"May spaceship ka ba papunta kay San Pedro?" sarkastikong tanong ko sa kaniya

Natawa naman siya at ginulo ang buhok ko "No. I mean, visit him sa memorial park."

Ilang minuto akong walang imik sa sinabi niya dahil sa pag iisip. Para kasing hindi ko pa kaya at hindi ko pa tanggap. Lalo na't kaharap ko ngayon ang kakambal ni papa.

Kamukhang kamukha kaya paano ko ngayon matatanggap na patay na si papa?!

"Patayin kaya muna kita?" wala sa sariling tanong ko

"What?" natatawang tanong ni Jim

"Ang hirap kasing tanggapin na wala na siya dahil nandiyan ka. Ang hirap tanggapin kasi nakikita kita. Kasi nakakausap kita. Kasi kamukha ka niya tapos. . ." nakagat ko ang ibabang labi ko nang gumaralgal ang boses ko "Hirap na hirap na nga akong tanggapin na wala na siya no'ng time na nalaman ko iyon tapos ngayon pang nasa harapan kita at para kang siya. Parang sumobra iyong hirap." pinunasan ko kaagad ang luhang nakatakas sa mata ko

Lumapit si Jim sa akin at kinulong ako sa bisig niya habang hinahaplos ang buhok ko "Acceptance is really hard, but realization is a traitor. At first parang napakabuti no'n. . .but the time you understand everything napakahirap at napakasakit pala."

Acceptance. . . realization. . .sa dalawang iyan ay wala talaga akong balak na gawin dahil kahit anong piliin ko masasaktan at masasaktan pa rin ako.

"Buoin mo muna ang sarili mo, bago mo buoin ang iba." dinig kong sabi ni Jim "That's what he wants you to do."

Paano ko mabubuo ang sarili ko? Kung hindi ko pa binubuo iyong mga taong bumubuo sa'kin?

Marami pang kulang sa buhay nila na hindi nila kayang buoin kapag wala ako.

"You are not a superhero to sacrifice your life for them."

Kung hindi ako ang magsasakripisyo, sino ang gagawa no'n para sa kanila?

"I know what you're thinking." nakangising sabi ni Jim "You really takes after your father. You both have the same expression and looks."

"Edi pati ikaw? Kamukha ka niya e." sabi ko rito

"Am I? Do we have the same expression, Jade?" makahulugang tanong nito sa'kin at bago pa ako makapag salita ay tumunog na ang phone niya "I have to go. Let's meet this Sunday, I'll bring you to him." tumayo ito at tinapik ang balikat ko pero bago siya umalis ay may inilapag itong card sa lamesa "That's my business card. Text me kapag nakauwi ka na."

Hindi ko na napansin kung umalis na ba siya o hindi pa dahil parang nagkaroon ng sariling isip ang mga paa ko at naglakad na pauwi habang iniisip ang sinabi niya.

"Am I? Do we have the same expression, Jade?"

Hindi ko alam kung natatanga lang ba ako o sadyang may hidden meaning iyong mga tanong na binitawan niya kaya ako napapraning nang ganito.

---

"Ayan! Mukha ka ngayong Panda! Para kang walang tulog nang sampong taon!"

Ge. Good morning din, kuya Ryle.

"Umalis ka na nga nang walang paalam kagabi, umuwi ka pang lutang! Hindi mo manlang sinabi kung saan ka nanggaling! Baka mamaya nakipagkita ka lang pala kay Vaughn!"

Kagabi ay lutang pa rin ako hanggang makauwi kaya naman dumeretso na ako sa kwarto no'n at hindi ko na rin itinext pa si Jim dahil wala naman akong load.

"No, that can't happen. Nasa inuman ang Black Section kahapon." singit ni Lucifer habang kumakain

Natigil ako sa paglalaro ng pagkain sa harap ko at nabitawan ang hawak na tinidor.

"Talaga?! Saan mo nakita?!" tanong ko rito na ikinagulat nila ni kuya

Wala kasi sila tita, maagang umalis hindi ko alam kung saan pumunta. Baka nag double date dahil kahit sila mama at Ranzel ay wala rin.

"Sa account ni Chea. Myday ni Nate sa ig." gulat pa ring sagot nito

"Iiiihhhhhhh! Okay na sila!" masayang sabi ko bago kinamay iyong pancake na nasa plato ko at kumagat

"Riz! Use fork, will you?!" galit na sigaw ni kuya pero di ko siya pinansin

"Nag away ba sila?" takang tanong ni Lucifer

"Mm. Pero buti nga maayos na sila e, kung hindi baka binugbog ko na sila."

"Riz!"

Kj talaga ni kuya.

"Joke lang iyon." nakangusong sabi ko

"Your mouth can put you to danger. So you better keep your mouth shut. Got it?"

Hindi. Hindi kasi tumatanggap ng english ang tainga ko ngayon.

"Hehe."

"Aeriz Jade."

"Naiintindihan ko nga!"

Inirapan lang ako ni kuya at nagpatuloy na sa pagkain. Ilang minuto kaming natahimik hanggang sa muling mag salita si Lucifer.

"Saan ka ba galing kagabi?" tanong nito tsaka ko lang muling naalala ang mga nangyari kagabi

Imbis na sagutin siya ay bumaling ako kay kuya Ryle "Kuya, tanda mo pa ba iyong time na dinala mo ako sa Gzon Corp dahil pinatawag ka sa school?"

"Yeah. Why?" walang ganang sagot nito habang kumakain pa rin

"'Di ba ka-meeting mo si Jim Montero noon? Iyong kakambal ni papa." tanong ko sa kaniya dahilan para magtaka si Lucifer dahil hindi niya pa alam na iyong taong nakausap niya ay hindi naman ang papa ko

Natigil sa pagkain si kuya Ryle at napabuntong hininga "What do you want to know?"

Sungit!

"Ilang oras kayong nag usap?"

Bumakas ang pagtataka sa mukha nila kuya dahil sa tanong ko. Talaga naman kasing nakakapagtakang ito ang tinatanong ko imbis na tanungin kung anong pinag-usapan nila.

"I don't know. . .maybe 2 hours?"

Ibinaling ko sa kaniya ang buong atensyon ko "Pagdating mo nandoon na siya?

"Yeah. . .but why the hell are you asking?"

Tuluyan na ngang tinangay ng hangin ang utak ko dahil sa pag iisip kaya hindi ko nasagot ang tanong niya.

Natatandaan ko pa lahat dahil hindi manlang nag isang oras nang mapagpasyahan kong pumunta sa mall at. . .iyon din ang time na nakabanggaan ko si Jim.

Kung dalawang oras na kasama ni kuya si Jim Montero. . .sino iyong nakabungguan ko paglabas ko ng Gzon Corp?


___________________________________
___________________________________


You are reading the story above: TeenFic.Net