Chapter 120

Background color
Font
Font size
Line height

a/n : lapit na valentines aaaahhhh sanaol may tsikolet. 🍫

Chapter 120 : TBSP

Aeriz's POV

Nagpakawala ako ng isang matinding buntong hininga bago isinandal ang likod sa kinauupuan ko.

Napatingin ako sa phone ko nang mag vibrate iyon at nakitang nag text si Lucifer.

From: Lucifer

Where are you? Kuya Ryle was looking for you, hindi ka nagpaalam na lalabas ka pala. Please text back.

Napairap na lang ako sa hangin. Nandito ako ngayon kumakain ng ice cream sa labas ng mini mart, malapit lang naman sa bahay pero kung makapag text sa akin 'tong si Lucifer ay para namang nasa abroad ako.

Gusto kong magkaroon ng katahimikan kaya kahit ang text o tawag ng mga sperm ay hindi ko sinasagot.

Patong-patong na ang problema ko, idagdag pa iyong nanay kong bruha. Kanina lang ay kung ano-ano na namang kabaliwan ang sinabi sa akin tungkol sa kasal daw namin ni Kiro.

Tangina! Bakit hindi na lang siya ang magpakasal tutal siya naman ang may gusto?!

Binabaliw na talaga ako ng mundo. Baka sign na 'to para sumama na ako sa manok ni San Pedro.

“Okay ka lang ba?” nakarinig ako ng pamilyar na boses at nang lingunin ko iyon ay nakita ko si Ichiro na nakaupo para mapantayan iyong bata na pulubi

Aba nga naman. Akala ko maarte ang isang 'to dahil mayaman.

Nagugutom ka ba?” malambing na tanong nito sa bata

Opo. . .pero wala naman akong pambili e.” sagot ng bata sa kaniya

Nakaramdam naman ako ng awa sa bata kaya bumaba ang tingin ko sa sandwich at juice na nasa harap ko.

Tumayo ako sa lumapit sa kanila nang hindi nila napapansin “Eto oh.” inabot ko rito ang hawak kong tinapay at juice

Napalingon si Ichiro sa'kin at bumakas naman ang gulat sa mukha niya nang makita ako.

“Gorgeous. . .”

“Huwag mo nga akong tawaging ganiyan. Riz ang pangalan ko.”

“But you're gorgeous.”

Napabuntong hininga na lang ako dahil narealize kong sperm din ang isang 'to katulad ng kapatid niya. Hindi rin nakikinig at gustong palaging nasusunod.

Naupo na lang ako para pantayan iyong bata na nagdadalawang isip na tanggapin ang ibinibigay ko sa kaniya.

“Ako si Ate Riz. Ikaw? Anong pangalan mo?” binigyan ko siya ng matamis na ngiti at sa sandaling iyon ay sumilay din ang ngiti sa labi niya kaya naman lumabas ang dimples niya sa magkabilang pisngi

“Ako po si Suah.”

Mas lalo akong napangiti nang marinig ang pangalan niya.

“Ang ganda ng pangalan mo, parang ikaw.” nakangiting hinawi ko ang hibla ng buhok niya na humaharang sa mukha niya bago hawakan ang kamay niya at dalhin siya sa kinauupuan ko kanina

Tahimik naman kaming sinundan ni Ichiro at naupo sa tabi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin pero ang gago matamis lang na ngumiti sa'kin na dahilan kung bakit para na siyang tulog ngayon.

Iba talaga pag singkit. Gwapong singkit pero isa rin pa lang sperm hays.

“Hi Suah! Ako si Kuya Ichiro. May gusto ka pa bang kainin?” nakangiting sabi ni Ichiro kay Suah

Nahihiyang umiling naman si Suah habang kumakain no'ng binigay ko sa kaniya “A-Ayos na po ako rito.”

“Nasaan ba ang mga magulang mo?” tanong ni Ichiro

“Si Nanay matagal ng patay si Tatay na lang ang kasama ko pero parang hindi. . .” napayuko ang bata

“Anong parang hindi?” takang tanong ko

“Kasi palagi siyang galit sa'kin at palagi rin siyang lasing. . .wala na kaming makain dahil palagi niyang pinambibili ng alak ang pera na nakukuha ko sa panglilimos.”

Sandali kong naalala ang sarili ko sa kaniya. Hindi katulad ng buhay niya ang naging buhay ko at mas lalong hindi rin ang ama ko ang kasama ko kundi ang ina kong bruha.

“Gusto mo bang sumama sa'kin? May kaibigan ako mabait siya at paniguradong maaalagaan ka niya nang mabuti.” nakangiting sabi ko

“Ayaw ko po. Mawawalan ng kasama si Tatay kapag sasama ako sa'yo. Kahit ganoon siya ay mahal ko siya at alam ko namang mahal niya rin ako. Dahil lang naman sa epekto ng alak kaya madalas siyang galit at ako ang napagbubuntunan niya no'n.”

Napatitig ako sa bata pero hindi ko siya magawang kaawaan, sa halip ay mas naawa ako sa sarili ko.

Sana ganiyan din ako mag isip.

“Sandali lang ah. Bibilhan ko lang ng pagkain at maiinom si Suah sa loob.” bulong ni Ichiro na tinanguan ko lang bago siya tumayo at pumasok sa mini mart

“Suah, kasasabi mo lang na palagi siyang galit sa iyo. Paano mo nasabing mahal ka niya?” tanong ko rito

Sandaling natigilan ang bata at uminom muna sa juice bago ngumiti sa'kin “Kapag po kasi sinasabi ko sa kaniyang nasasaktan na ako ay hindi niya ako matingnan sa mga mata ko. Hindi iyon dahil sa galit siya sa akin kundi dahil takot siyang ipakita sa'king nag aalala siya.”

Bigla kong naalala ang mga oras na nagtatalo kami ni mama. Palagi siyang umiiwas ng tingin kapag inilalabas ko ang sama ng loob ko pero kahit kailan hindi niya naman ipinaramdam sa'king mahal niya ko.

Dahil hindi ka naman talaga niya mahal, Riz.

“Alam mo bang kahit gaano pa kalakas ang espirito ng alak, kung mahal ka niya ay hindi ka niya sasaktan.” sabi ko rito

Hindi napawi ang matamis na ngiti sa magandang mukha ni Suah bago umimik “Ate, hindi sapat na dahilan ang pananakit ni Tatay sa'kin para hindi ko siya mahalin at para kwestyunin ko ang pagmamahal niya sa'kin. Dahil isa si Tatay sa mga taong hindi alam kung paano ipapakita ang pagmamahal niya.”

Ilang minuto akong tulala at nabalik lang sa reyalidad nang tapikin ni Ichiro ang balikat ko.

“Okay ka lang?” tanong nito at tanging tango lang ang sinagot ko sa kaniya

Hindi. . .hindi kailan man ako magiging okay.

“Masyado na po pa lang madilim, baka hinahanap na ako ni Tatay.” humarap si Suah sa amin at ngumiti “Ate Riz, Kuya Ichiro, salamat po ah. Mauuna na po ako hehe.”

“Gusto mo ba ihatid ka namin? Delikado ang panahon ngayon.” sabi ni Ichiro

“Hindi na po. Kabisado ko naman po ang daan.”

Nag paalam kami ni Ichiro sa bata at tinanaw na lang ito habang papalayo sa amin.

Mukha siyang masaya kahit miserable ang buhay niya, samantalang ako maayos ang buhay ko sa tingin ng ibang tao pero ang totoo isang malaking kasinungalingan ang lahat.

Si Suah iyong kawawa dahil napaka bata pa niya para maranasan ang kahirapan sa buhay pero hindi ko siya magawang kaawaan dahil sobrang tatag niya.

Tapos ako na hindi naman naranasan ang ganong klaseng buhay, naaawa sa sarili ko. Kasi mahina ako.

Sigurado ka bang ayos ka lang, Gorgeous?” nag aalalang tanong ni Ichiro

“Kung sasabihin ko bang oo, maniniwala ka na at mananahimik?”

“Hindi. Kasi hindi ka naman okay.”

Napaiwas ako ng tingin “Buti pa si Suah. Kahit ganoon ang tatay niya, kasama niya naman. Samantalang ako, akala ko kung magtitiis ako ay magkakaroon ng chance na makita ko siya pero talagang wala na pa lang pag asa na magkita pa kami.”

“Bakit naman? Naniniwala naman ako sa kasabihang habang buhay may pag asa.”

“E kaso lang hindi na siya buhay, patay na siya.” mapait ako na ngumiti sa kaniya

Natahimik ito at nakagat ang labi “Sorry 'bout that.”

“Okay lang.” ngumiti ako sa kaniya at para naman siyang naengkanto dahil bigla na lang itong naestatwa Woi. 'Nyari sa'yo?”

Napakurap-kurap naman si Ichiro bago umiwas ng tingin sa'kin tsaka ko lang napansin ang pamumula ng tenga niya.

Anong nangyari rito?

“Nothing. Ahm. . .gusto mo i-share ko na lang sa'yo daddy ko?”

Napaawang ang bibig ko sa tanong nito at sinamaan siya ng tingin bago kinuha ang stick ng hotdog na nasa lamesa at itinutok iyon sa kaniya.

“Gusto mo saksakin kita nitong stick?” tanong ko sa kaniya

“Ayoko, Gorgeous, ayoko.” umiiling-iling ngunit pabirong sabi niya

Napailing na lang ako bago ibinaba ang stick at nangalumbaba.

“Umuwi ka na. Layong-layo pa ng bahay niyo, ano bang ginagawa mo rito?” tanong ko sa kaniya

Nakipagkita kasi si ano sa'kin. . .si Ysha. Malapit dito ang tinitirhan niya.”

Kapag nalaman ni Lucifer iyan, pihadong magwawala iyon.

“E ikaw? Anong ginagawa mo rito?”

Nagpapalamig ng ulo.” simpleng sagot ko

“Edi sana pumasok ka sa ref.”

Gago talaga 'to.

“Sperm ka rin pala 'no?” nakangiwing sabi ko

“S-Sperm?! What the hell, Gorgeous?!”

“Softhearted ah. Ano ka eggcell?”

Ganoon lang ang naging usapan namin ni Ichiro hanggang sa napagpasyahan na naming umuwi.

Nagpupumilit pa siya na ihatid ako pero sabi ko ay itatapon ko siya sa hukay na dapat para sa kaniya talaga kaya ayon natakot.

Nakapamulsa lang ako ngayong naglalakad pauwi habang ang mata ko ay nakatingin sa paanan ko.

Iniisip ko kung sino ang taong nagpanggap na Red para iligtas si Grae. Red eyes that looks like a vampire. . . it's obviously a contact lens. Mayroon akong tao na kilalang mahilig mag suot ng contact lens dahil sa pag co-cosplay nito.

Pero anong dahilan para gawin niya iyon?

Aray!” biglang daing ko nang matumba ako at napatama ako sa lupa

Tangina!

May biglang bumunggo sa akin na para bang sinadya talaga dahil sa lakas ng pagkakabagsak ko.

“Oh. . .I'm sorry.”

Nagsalubong ang kilay ko sa pamilyar na boses na aking narinig tsaka ko napagpasyahang iangat ang tingin.

Ang walang emosyon na kulay tsokolate nitong mata ang unang sumalubong sa akin.

Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kaniya.

Paano?! No! T-This can't be! Jin Montero is already dead so it must be. . .

“J-Jim Montero. . .”

____________________________________
____________________________________


You are reading the story above: TeenFic.Net