Chapter 119

Background color
Font
Font size
Line height

Chapter 119 : TBSP

Aeriz's POV

Paano ba malalaman kung nagkakagulo ang isang grupo?

Putcha! Ang akala ko nasa gubat ang ahas, meron din pala rito!” sigaw ni Chard

Ganiyan ba?

Psh! At least hindi ako pasimpleng nang aagaw. Kunwaring ayaw pero gustong-gusto naman.” inis na parinig ni Nate

Kahit hindi niya sinasabi kung sino ay alam kong si Kiro ang pinariringgan niya na hindi manlang siya tinatapunan ng tingin.

Pagkadating na pagkadating ko pa lang dito sa room ay ganiyan na sila. Nagpaparinigan na.

Alam ko naman ang dahilan kung bakit sila nagkakaganiyan ang kaso lang ay kahit ano pa 'atang paliwanag ang gawin ko ay hindi nila maiintindihan dahil mga bobo sila.

“Kaysa naman sa todo angkin, hindi pa naman sila.” pagpaparinig din ni Josh

Sasakalin ko itong mga 'to nang magsitigil na at nang matahimik naman ang buhay ko hindi iyong araw-araw na lang may bwisit.

Sarap talaga pagsasapakin no'ng mga taong feelingero pero bobo.” naiiling na sabi ni Mac

“Suntukan na lang!” hamon ni Daryl at tumayo

Nagtayuan din naman ang ibang sperm mula sa kaniya-kaniya nilang upuan.

“Mag tigil nga kayo!” galit na sigaw ko at sabay-sabay naman silang tumingin sa akin na kinakabahan “Para kayong mga bata.”

“Riz---”

“Ano bang gusto niyo ha?” tumayo ako mula sa pagkakaupo at tumitig sa kanila nang seryoso

Tanginang mga sperm 'to.

*****

Kiro's POV

Seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa'min pero may kung anong kakaiba ro'n.

“Gusto niyong mag suntukan?” tanong nito na walang kahit anong emosyon ang mukha “Parang hindi kayo magkakaibigan kung umasta.”

Lahat kami ay napayuko na lang sa sinabi niya. Tama siya. Magkakaibigan kami pero sa inaakto namin ngayon ay parang wala kaming pinagsamahan.

“Hindi mo kasi kami naiintindihan, Riz.” sabi ni Klein sa kaniya

“Hindi ko kayo naiintindihan o sadyang nagiging bobo na naman kayo? Ang sitwasyon ba namin ni Kiro ay iniintindi niyo? Hindi rin naman ah. Anong karapatan niyo ngayong sabihin sa aking hindi ko kayo naiintindihan?” walang prenong sabi nito

“Kung hindi ka niya patagong sinusulot edi sana hindi nagiging magulo ang lahat.” sabi ni Chard at sinamaan ako ng tingin

“Paano kasi siya makakaporma nang ayos kung binabakuran ng isa riyan? Anong akala niya sa sarili niya? Asawa?” inis na tanong ni Angelo

“Hindi niyo ba talaga maintindihan iyong salita naipit? Pareho lang kami ni Kiro na naiipit sa sitwasyong hindi namin gusto.” wika ni Riz

Sigurado ka bang hindi niya gusto ang sitwasyon niyo ngayon?” seryosong tanong ni Aj “Ikaw ang tatanungin ko, Riz. Manhid ka ba talaga o sadyang tanga ka lang?”

“Austin!” saway ni Grae sa kaniya

“I have the right to ask after all. Nangyayari ito sa mga kaibigan ko dahil sa'yo.”

Salubong ang kilay na tumingin si Riz sa kaniya na para bang nagtataka.

“Ako ba ang sinisisi mo, Aj?” tanong nito

“Kung gano'n ang dating sa'yo, baka nga.”

“Tama na, Aj! Huwag mo siyang sisihin.” wika ko dahil maski ako ay hindi na natutuwa sa sinasabi niya

Hanggang kailan nga ba magkakaganito ang lahat? Hanggang kailan ba magiging magulo?

“Hindi ko rin gusto ang mga nangyayari ngayon. Akala mo ba gusto ko? Bakit? Dahil gusto nila ako? Hindi naman ako ganoon kabobo para hindi maintindihan na ako ang sinisisi mo. Okay. I am the reason of this shit so part of it is my fault.” seryosong sabi ni Riz sa kaniya

“Riz, wala kang kasalanan. . .” napayuko na lang si Klein

Hindi naman siya pinansin ni Riz at nanatiling nakatingin kay Aj “I get it, Aj. Pero baka naman pwede mo ring intindihin iyong side namin ni Kiro?”

“Why can't you understand the fact that he likes you?”

Shit.

“May magagawa ba ako ro'n?” nanghihinang tumingin si Riz sa kaniya “Feelings niya iyon at wala akong karapatang manghimasok doon.”

“What's happening here, black section?”

Natigil lang kaming lahat nang dumating si Ma'am Cynthia na ngayon ay masama ang tingin sa amin na para bang gusto na kaming isumpa.

“Ano bang nangyayari sa inyo? Nasa entrance pa lang ako ng building niyo ay naririnig ko na ang sigawan niyo. Akala ko pa naman tumino na kayo pero wala pa rin pa lang nagbago para pa rin kayong dati. Hanggang kailan kayo magiging ganito ha?”

“Sorry, Ma'am.” sabay-sabay na sabi namin maliban kay Grae na nakatingin lang kay Riz

“Sorry, sorry. Anong magagawa niyang sorry niyo? Tsh!” matalim ang mata na bumaling ito sa'kin “Kiro, may naghihintay sa'yo sa likod ng building!”

“Sino po?” tanong ni Drake

“Si Kiro ka ba, Drake? Kiro na ba ang pangalan mo ngayon ha? Umupo na kayo kung ayaw niyong mag klase ako mag hapon habang nakatayo kayo.” mukhang badtrip na badtrip na talaga si Ma'am Cynthia sa'min dahil mula nang makilala namin ito ay palagi lang siyang nakangiti sa'min kahit pa magugulo kami

“Ma'am, lalabas na po ako.” pagpapaalam ko pa

Ge.”

Napakurap-kurap ako sa gulat nang iyon ang sabihin niya sa'kin. Bakit parang si Riz ang nagsalita?

Ganoon ba talaga katindi ang ugali ni Riz kaya pati si Ma'am Cynthia ay nahahawa na sa kaniya?

Napailing na lang ako bago tahakin ang daan patungo sa likod ng building at nang makarating doon ay bumungad sa'kin ang kapatid kong nakaupo sa bench.

Halatang may hinihintay ito pero ang nakakapagtaka ay nakapikit ang mata nito habang nakangiti na para bang baliw.

“Did you just lost your mind, brother?” tanong ko rito

Pagmulat nito ay kaagad siyang ngumiti sa'kin “Tingin ko rin. God! I can't get her off my mind.”

What the hell?

“What?”

“It's nothing. Anyway, nabasa ko iyong issue ngayon and mom said it's true. You're gonna marry her?”

I want to marry her. . .badly.

“I have no choice.” tanging sabi ko lang

“Do you want me to give you a choice to choose, Kiro?”

Natahimik ako sa tanong niya at bahagyang kinabahan sa tanong niya. Parang may kung anong nagtutulak sa aking humindi sa kaniya.

“What do you mean, kuya?”

“Well, alam ko namang kaya mo lang naman ito nararanasan ay dahil halos isang taon akong comatose. But now you can see that I'm okay, maybe it would be great if I do my responsibility as the first child.”

“What are you talking about?”

“You know that I care for you, right? Ikaw talaga ang inaalala ko dahil sa ating dalawa mas mahina ka. . .not physically but emotionally. I don't want you to carry all the burden given by our parents kaya. . .”

“Get straight to the point, kuya.”

Tumayo ito at seryosong namulsa sa harapan ko “Kaysa gawin mo ito dahil alam mong wala kang pagpipilian, hayaan mo na lang akong pakasalan siya.”

___________________________________
___________________________________


You are reading the story above: TeenFic.Net