Chapter 117

Background color
Font
Font size
Line height

Chapter 117 : TBSP

Aeriz's POV

“Anong sinasabi mo, Van?” takang tanong ko rito

Nagsusukatan pa rin sila ng titig sa isa't isa at mukhang walang may balak na mag bawi ng tingin.

Zacharyle is not a Gozon, Jadey.” sabi ni Van habang nakikipag titigan pa rin kay kuya Ryle

“And this man over here, is not a Falcon.” ganti ni kuya Ryle

Si kuya Ryle hindi Gozon, si Van naman hindi Falcon. Ha?

“Ano? Pinagtitripan niyo ba ako?”

Doon lamang sila nagbawi ng tingin. Parehong lumambot ang tingin nila sa akin na para bang gusto nilang unawain ko sila kahit pa wala pa silang paliwanag.

“Get inside. I'll tell you everything.” sabi ni kuya Ryle bago naunang pumasok sa bahay

Bumaling naman ako kay Van “Tsaka na tayo mag usap.” sabi ko rito bago siya tinalikuran at hindi na nilingon kahit pa no'ng tinawag niya ako

Nang makapasok ako sa bahay ay nakita ko kaagad si kuya na nakaupo sa single sofa habang ang braso niya ay magkakrus sa dibdib niya.

“Sit down.” utos nito sa akin at sa hindi inaasahang dahilan ay bigla na lang din akong napasunod

Nakakatakot kasi talaga siya ngayon. Ibang iba sa nakasanayan ko noon.

“Alam kong hindi pa ito nasasabi nila mama sa iyo, marahil ay dahil ayaw din nila na ungkatin pa ang katotohanang adopted child lang ako.”

Nanlalaki ang matang nag angat ako ng tingin sa kaniya “K-Kuya. . .”

“I am Zachary, but the time I got adopted by your aunt and uncle I became Zacharyle. They add LE on my name dahil daw Leigh Ann ang pangalan ni mama.” nakita ko ang pag silay ng ngiti sa mga labi ni kuya na kaagad din nabura “Heart orphanage. . .alam kong alam mo kung saan iyon.”

Tumango ako sa kaniya “Doon ako iniwan ni mama.”

Bumuntong hininga lang si kuya Napakarami namin. . .may iba't ibang dahilan kung bakit naroon kami. Ang iba ay inabandona ng magulang, ang iba naman ay nag layas, at ang iba pa ay kailangang mag tago dahil sa krimeng nasaksihan. Riz, hindi naging madali ang buhay ko bago ako makapunta sa Heart orphanage. I was someone that I can't even imagine. Akala ko kapag matalino ka ay sapat na, pero kung wala pa lang diskarte ay talo ka. Kaya nakilala ko siya.”

“S-Sino?” bigla akong kinabahan sa isasagot niya

Sinalubong ng malalamig na mata ni kuya ang mga mata ko “His name is Van.”

Tangina.

“He told me things. . . something to learn and something to do. How to fool someone. How to fight back. At iba pang makakapagpanatili sa aking humihinga. Kaya nga hindi ko inaasahang darating iyong panahon na may mga darating na mag aampon. . .dapat kasi ako iyong kukuhanin ng mga Falcon.”

Parang alam ko na ang susunod ah.

Natakot ako. The last family who adopted me before was so. . . unforgettable. Kaya nang maka takbo ako papalayo ay nabunggo ako ni mama. Her eyes was looking at me softly. Sabi niya na mother's love at first sight siya sa akin kaya kinuha niya ko.”

Mabait talaga si tita. . .dahil sa kaniya wala ako ngayon sa orphanage.

Pero ang bagay na ipinagpapasalamat ko ay iyong hindi ko naging pinsan si Van! Tangina! Ang panget no'n kung malalaman ko bigla na pinsan ko siya tapos naging kami pa naman!

“Hindi naman kailangan maging kadugo ka namin para masabi kong pamilya ka namin. Bukod sa kasama ka namin sa saya at lungkot, mahal ka pa namin. Doon pa lang sapat nang sabihin na isa ka sa pamilya.” matamis na ngiti ang inalay ko kay kuya at tumayo naman siya mula sa kinauupuan niya para lumapit sa akin tsaka ginulo ang buhok ko

“Hindi ko naisip na mag mamatured ka nang ganito.” naiiling na sabi niya

“Hindi ko rin naman naisip na nanggaling ka rin pala sa pinanggalingan ko.”

“You came from your mother's womb, stupid.”

Luh!

“Parehas lang naman tayong nanggaling sa kike---aray!”

Batukan ba naman ako!

“Stop talking and go back to your room then sleep.”

Lakas mo maka utos ah? Boss ka?”

Tinaasan ako nito ng kilay kaya naman malawak akong ngumiti sa kaniya.

“Ang pogi mo talaga, kuya Zachy.”

“Stop calling me by that.”

“Oo na sige na.”

“Riz!”

“Hindi na nga---”

“Aeriz Jade!”

Napanguso na lang ako at umastang i-zinipper ang bibig para hindi na siya magalit. Baka lumabas ang pagiging demonyo nito.

Kalahi pa naman siya ni Lucifer.

“Go to your room now and get back to sleep. Huwag ka ng makipag usap kay Van kung ayaw mong ibitin ko iyon patiwarik.”

Tumango-tango na lang ako at kunwaring naiintindihan ang sinasabi niya kahit ang totoo ay lumilipad na naman ang isip ko.

Nakikinig ka ba sa'kin, Riz?”

“Oo naman syempre. . .”

“Anong last na sinabi ko?”

Napaisip naman ako “K-Ko. . .?”

Inambahan ako nito ng sapok kaya daig pa si Flash na nagtatakbo ako at inakyat ang hagdan para pumunta na sa kwarto ko.

Delikado ang buhay ko kapag nanatili ako sa sala. Baka maabutan na lang nila tita ang ulo kong pugot habang ang ibang parte ng katawan ay nasa loob ng ref.

Naisip ko lang kung paano nalaman ni Van na hindi totoong Gozon si kuya Ryle? Na ampon lang si kuya Ryle kung bata pa ito nang huli silang magkakilala?

Hindi kaya. . .may nag sabi sa kaniya?

Pero sino naman?

---

“Ang laki ng eye bags mo, nag puyat ka?” tanong ni Aj sa akin pagpasok ko pa lang ng room

“Baka black eye iyan, nakipag sapakan kasi ako sa panaginip ko.” pamimilosopo ko

Nanalo ka naman ba?”

“Malay ko. Gusto mo try natin? Suntukan tayo.” hamon ko sa kaniya napailing naman siya

“Sorry to tell you but I don't hit girls.”

Wow naman gentlesperm.

Mahina akong natawa bago umub-ob sa lamesa ng upuan ko since maaga pa naman at kaming dalawa pa lang ni Aj ang nandito.

Wala namang pakialam sa mundo ang sperm na 'to kaya matutulog na muna ako.

Ang hirap-hirap mag aral nang puyat mas nakakalutang pa iyon lalo. Kasalanan talaga 'to ni Van e.

Nagsalubong ang kilay ko nang makaramdam ng presensya na nasa harapan ko kaya naman inangat ko ang ulo ko at bumungad sa'kin ang pares ng mata ni Aj na nakatingin sa akin.

“Akala ko natutulog ka.” sabi nito bago tumayo mula sa pagkakaupo sa harap ko

Inaantok ako, pero hindi naman ako makatulog.” sabi ko rito at umayos ng upo

“Everybody say Hephep!”

Hephep!”

Narinig namin ang dalawang boses na papalapit na rito sa room at sabay na lang kaming napabuntong hininga ni Aj.

“And say Hooray!”

Hoora---Riz!”

Nakangiting tumakbo papalapit sa akin sila Mac at Nate na mukhang nagsabay ng pasok.

“Ang aga-aga ang ingay niyo.” sabi ni Aj sa mga ito

“Ikaw nga ang aga-aga dumidiskarte ka na! Stick to one like a Vfresh 'tong si Riz!” sabi ni Nate

“Sinasabi mo riyan? Gutom ka 'no?” nakangiwing tanong ko

Ngumuso ito sa'kin at hinaplos ang tiyan Nalaglag iyong almusal ko kasi nag lakad kami papasok.”

“Edi sana gumapang na lang kayo.” sabi ko rito

“Sabi ko sa'yo, Nate, e! Dapat gumapang na lang tayo para nag stay sa tiyan natin iyong kinain natin! Ikaw kasi e!” sigaw ni Mac sa kaniya at nagpatangahan naman silang dalawa

At the end. . .parehas silang tanga at hindi na iyon magbabago.

Kain tayo.” aya ni Aj sa'min

Kaagad namang lumapit iyong dalawang isip bata sa kaniya at naglambitin sa braso ni Aj.

“Get off!” sigaw ni Aj sa dalawa pero parehas umiling ang mga ito

“Bumitaw na kayong dalawa baka hindi manlibre iyang si Aj kayo ang magbabayad ng kakainin niyo.” sabi ko kaya kaagad na bumitaw ang dalawa at sa akin naman lumapit

Tanginang mga sperm 'to.

“Let's go, bodyguard.” mapangasar na sabi ni Mac kay Aj at hinila na ako palabas ng room

Napailing na lang si Aj bago sumunod sa amin palabas ng room.

Medyo madilim pa dahil sobrang aga pa naman talaga at iilan pa lang ang mga estudyante. Pumunta kami sa tapsilogan malapit lang sa school.

Hotsilog akin, Papi Aj.” malambing na sabi ni Nate

“Sa akin naman ay longsilog, Dadey Austin.” sabi ni Mac

“Sa'yo?” tanong ni Aj sa'kin

“Kahit ano.”

“Walang kahit ano sa menu nila, Riz.” sabi ni Nate

“Kung ano na lang sa'yo, Aj. Ayaw ko no'ng order ng dalawang sperm na 'to dahil baka magkaroon lang din ako ng sayad katulad nila.” sabi ko at napanguso naman iyong dalawa

---

Pabalik na kami sa school at nagtataka na lang ako dahil panay ang tingin sa'min. . .sa akin pala ng mga nakakasalubong namin.

“Totoo ba iyon?”

“Ewan ko rin pero mukhang hindi naman.”

“Akala ko ba sila ni Grae?”

“Akala ko rin e.”

Ano bang meron ngayon?

“Riz, ba't sila tumitingin sa'kin? Ganoon ba ako kagwapo?” parang kinakabahan pang tanong ni Nate sa'kin

Duling ka ba, Nate, o sadyang bobo ka lang? Sa akin sila nakatingin dahil ang pogi pogi ko raw.” mahanging sabi ni Mac

“Mas bobo at duling ka pala e. Punta ka kaya sa EO para malaman mong panget ka talaga.” ganti ni Nate sa kaniya

Hindi ko na lang pinagtuonan ng pansin ang pagtatalo nila dahil wala namang kwenta iyon. Sa halip ay natuon ang paningin ko sa isang taong walang kahit anong emosyon sa mukha na papunta sa direksyon namin.

“Riz, umuwi ka na.” seryosong sabi ni Lucifer sa'kin

“Gago ka ba? Kakapasok ko lang tapos pauuwiin mo ko?”

“Riz, there is something you have to know. . .”

Napalingon ako sa mga kasama ko na naghihintay lang din sa sasabihin ni Lucifer.

“They announced it. . .you and Kiro's engagement.”

“Ano?!” gulat na tanong nila Nate at Mac

Napaawang ang bibig ko tsaka ko lang narealize ang mga tinging ibinabato sa akin no'ng mga nakakasalubong namin kanina.

Halos takbuhin ko na ang direksyon patungo sa room dahil sa pag aalala na baka nalaman ni Grae iyon.

Hindi malabong malaman niya iyon dahil kung si Lucifer nga ay alam na paano pa kaya si Grae.

Hinihingal na huminto ako sa tapat ng building namin. Nang simulan kong humakbang ay dinaig ko pa nasa horror house dahil sa kaba na nararamdaman.

Sobrang tahimik at hindi ako sanay sa ganoon. Dahil noon kahit nasa labas pa lang ako ng building namin naririnig ko na agad ang maiingay na bibig ng mga sperm. . .pero ngayon ay wala akong marinig na kahit ano.

Sobrang tahimik. . .nakakatakot.

Nang itapak ko ang nga paa ko sa room ay nakita ko kaagad ang pagbabago. Magkakalayo ang mga sperm na para bang may sakit ang bawat isa at takot na magkahawaan.

Si Grae at madilim ang itsura na nakaupo sa kaniyang pwesto habang nakayuko.

Si Kiro lang ang ngumiti sa'kin at kaagad na bumaba ang tingin ko sa labi niya na naging dahilan kung bakit ako napabuntong hininga.

Walang naglalakas loob na magsalita sa kanila hanggang sa naupo ako at lumapit si Clyden sa'kin tsaka hinarap ang phone niya.

“Totoo ba 'to?” malamig na tanong nito sa'kin na nakakapanibago talaga

Napatingin ako roon at nakita ang isang post. Akiro Yokashi and Aeriz Gozon's are engaged?! See the photo below and there's a screenshot of Alliana Gozon's statement to confirm that it's true!!!!’

Napatingin ako kay Grae at nakitang hindi manlang nagbago ang posisyon nito at mukhang wala siyang balak na tingnan ako.

Napabuntong hininga ako bago tumango “Oo. Totoo iyan.”

_______________________________
_______________________________


You are reading the story above: TeenFic.Net