Chapter 116

Background color
Font
Font size
Line height

Chapter 116 : TBSP

Aeriz's POV

“Dito ito.”

“Hindi nga sabi! Dito iyan!”

“You don't know this thing so listen to me!”

Inis na bumangon ako mula sa pagkakasalampak sahig “Kanina ka pa! Pinipikon mo talaga ako!” galit na sigaw ko kay Lucifer

Sinamaan niya rin ako ng tingin “How can we solve this fucking puzzle if you're giving me a headache?!”

“Ikaw ang sakit sa ulo!”

“You are!”

“Ikaw nga!”

“Ikaw sabi!”

“Both of you shut up!”

Parehas naming nabitawan ni Lucifer ang hawak hawak naming piraso ng puzzle na binubuo namin nang bigla kaming sigawan ni kuya Ryle.

Sobrang sama ng tingin nito sa amin na para bang malapit na niya kaming ipatapon sa ibang mundo.

“Stop acting like a kid! Kanina pa kayo nagsisigawan at nabibingi na ako! Can't you see that I am watching?!”

Napatingin ako sa pinapanood niya at napangisi nang makitang isa iyon sa movie na si Ivy ang bida.

Hahalikan si Ivy no'ng leading man diyan. Tapos maiinlove si Ivy at sa huli ay iiyak siya dahil mamamatay iyong leading man. Pero sa part 2 niyan ay may makikilala siyang ibang lalaki at iyong ang magiging partne---”

“Shut up!” putol ni kuya sa'kin

Pasimpleng binunggo ni Lucifer ang balikat ko at ngumisi sa akin nakuha ko naman kaagad ang ibig sabihin no'n kaya ngumisi rin ako pabalik.

“Stop playing that puzzle! Ini-scam lang kayo ng pinagbilhan niyo niyan, kulang ng isang piraso iyan!” sabi niya sa'min at nagkatinginan naman kami ni Lucifer bago muling ibalik kay kuya ang paningin

“How can you tell so?” tanong ni Lucifer sa kaniya

“Paano mo naman nasabi iyan? Inuto ka na rin ba no'ng nagbenta nito?” tanong ko sa kaniya at sinamaan niya ko ng tingin

No'ng si Lucifer ang nagtanong hindi niya tiningnan ng masama, tapos noong ako ang nagtanong, aba! Talo pa ninakawan!

“I was a kid.” mariing sabi nito at parang tanga na napatango-tango kami ni Lucifer kaya naman napailing si kuya Ryle sa'min

“I see. He's too old.” bulong ni Lucifer sa'kin

“Mm. Gurang.” bulong ko rin

Akala ko makakaiwas kami kay kuya Ryle kapag nagbubulungan na lang kami pero sinamaan muli kami nito ng tingin kaya naman nang magkatinginan kami ni Lucifer ay nag unahan na kaming tumakbo papunta sa kaniya-kaniyang kwarto.

Katakot kasi baka bigla na lang mag transform iyon bilang aswang.

---

“Riz, hindi na ako natutuwa sa'yo.”

“A-Ae. . .riz.”

“Tama na!”

Habol-hininga na napaupo ako sa kama ko at napahawak sa pisngi nang maramdaman kong may likidong tumutulo roon.

Umiiyak ako.

Boses ni Lucifer. . .sigurado akong hindi ko pa naririnig ang sarili niyang sinasabi iyon kaya paano? Bakit ganoon ang laman ng panaginip ko?

Sa totoo lang itim lang ang nakikita ko sa panaginip at puro boses na lang ang naririnig ko.

Madalas ay boses ko. . .minsan naman boses ng mga taong. . .n-nasaktan ko.

Hindi ko alam ang nangyayari sa akin pero aware akong kapag nawawala ako sa sarili o di kaya ay nandidilim ang paningin ko sa sobrang galit na nararamdaman, nawawalan ako ng kontrol sa sarili ko at nagagawa ang mga bagay na hindi ko dapat ginagawa.

I've been like this ever since that day. Simula noong kinidnap kami at iniwan ako ni Lucifer doon ay nagkaganito na ako.

Akala ko normal lang noon pero habang tumatagal mas lalo itong lumalala at hindi ko na alam.

Hindi ko na alam kung sino ang mga sumunod na taong nasaktan ko.

Hindi ko na maalala.

Ang mga panaginip ko ay nagsimula noong sabihin sa akin ni Van ang lahat. Nakita ni Van kung paano mandilim ang paningin ko at nakita rin niya ang ginawa ko sa mga tao.

At mula noon ay hindi na ako tinantanan ng mga panaginip ko. Pero nito naman ay tumigil siya ngunit hindi ko na maalala kung kailan pa ulit ito bumalik.

Siguro no'ng time na may nasaktan akong tao sa harap ng mga. . .sperm.

Napatalon ako sa gulat nang biglang magring ang phone ko. Kunot noo akong napatingin sa orasan at nakitang alas-dos pa lamang ng madaling araw.

Sinong tanga ang tatawag sa akin nang ganitong oras?

Nang kuhanin ko ang phone ko ay kaagad akong napasimangot nang makita ang pangalan ng tumatawag doon.

“Van.”

[Can you come out for a bit?] namamaos ang boses na tanong nito

“Lasing ka?”

[No. . .I just drink a little para magkaroon ako ng lakas ng loob na magpakita sa'yo. Labas ka. Please?] sabi ni Van mula sa kabilang linya na parang paiyak na

Napabuntong hininga ako Umuwi ka na.”

[Jade, let me explain. I-I'll tell you everything. . .just please. . .c-come out.]

Binabaan ko na siya ng tawag bago ako umalis sa kama at dahan-dahang naglakad palabas ng kwarto.

Kahit ang pagbaba ko sa hagdan ay dahan-dahan din dahil sa takot na baka magising si kuya Ryle. Malamang sandamakmak na mura na naman ang aabutin ko rito kapag nakita niya akong lumalabas nang ganitong oras.

Pagbukas ko pa lang sa gate ay nakita ko na si Van na nakasuot ng leather jacket at nakasandal sa motor niya.

Nakayuko ito pero nang maramdaman ang presensya ko ay nag angat siya ng tingin. Mapungay ang mata nito marahil ay dahil sa alak.

“'Di ba sabi ko sa'yo huwag kang mag da-drive nang nakainom ka? Hindi mo ba talaga kayang makinig sa'kin?” seryosong tanong ko rito

“I'm sorry but I want to see you and talk to you.” mahinang sabi nito

“Ano namang pag uusapan natin? Baka gusto mong ipaalala ko sa'yo na kayo ang nanloko sa akin at hindi ko hinihingi ang walang kwentang paliwanag mo. Kuha mo?” tinaasan ko ito ng kilay

“Hindi, Jade. . .hindi ko kuha. Hindi ko maintindihan. B-Bakit nga ba nangyayari sa'tin 'to? Gusto ko lang naman na bumalik tayo sa dati.”

Nawala ang pagtataray sa mukha ko at maski ibang emosyon ay nawala rin “Ang pagsasamang matagal nang nawala, ay hindi na maibabalik pa kailan man.”

“I'm sorry. . .alam kong ang gago ko sa part na itinago ko sa iyo ang impormasyong dapat alam mo. Alam ko ring gago ako sa part na hindi kaagad sinabi sa iyo ang mga nalalaman ko at gago ako sa---”

“Talagang gago ka. Matagal na.” putol ko rito

Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi nito “I know.”

Balak mo pa bang sabihin sa akin ang lahat o magpapa victim ka na lang?” sarkastikong tanong ko rito

Napayuko na lang si Van habang unti-unting bumibigat ang pag hinga “We lied to you.”

“Alam ko.”

“No, Jade. . . except pa sa pagtago namin sa'yo ang katotohanan tungkol sa ama mo. Jade, umalis kami rito sa bansa at pumunta sa ibang bansa pero hindi para mag pagamot ako. . .” nag angat ito ng tingin sa'kin “Everything we did. . .was all because of you.”

Kumabog ang dibdib ko sa sobrang kaba “Anong ibig mong sabihin, Van?”

“Jade, hindi totoong kailangan kong mag pagamot noon kaya iniwan ka nam---”

Isang sapak ang ibinigay ko sa kaniya kaya natigil ang pagsasalita niya at natumba siya sa lupa.

“Akala ko. . .okay lang e. . .h-hindi pala. Kasi no'ng time na iyon. . .wala akong ibang sinisi kundi ang diyos at. ..a-ang sarili ko.” huminga ako nang malalim at pinigilan ang sarili na muli siyang patamaan ng nakayukom kong kamao “Sabihin mo sa akin ang lahat. . .susubukan kong intindihin iyang panggagago niyo sa'kin.”

“Jade. . .”

“Mag salita ka na, Van. Huwag mong tawagin ang pangalan ko dahil nakakatangina ka.”

“Nalaman kong. . .” natigil ito sa lagsasalita at nakagat ang ibabang labi bago sunod-sunod na napailing “I. . .I can't. . .” unti-unti siyang umatras na ikinabahala ko

Kaagad kong hinawakan ang braso niya para pigilan siya sa pag atras.

Noon pa man ay alam ko nang sobra na ang pagkakakilala ko kay Van para sa simpleng tingin pa lang sa kaniya ay alam ko na ang emosyon niya.

Ayos ka lang?” tanong ko rito

At sa hindi na nakakabiglang pagkakataon ay tinakbo nito ang iilang pulgada na pagitan namin tsaka isinubsob ang mukha niya sa leeg ko.

“Jade. . .I c-can't. . .I can't, Jade. . .I can't. . .” paulit-ulit na sabi nito

Kusang umangat ang kamay ko para tapikin ang likod niya upang kahit papaano ay tumahan pero parang may lalo lang siyang napaiyak.

“N-Not. . .Falcon. . .Jade. . .” putol-putol na sabi nito kaya iilan lang ang naintindihan ko

Paulit-ulit lang na gano'n ang sinasabi niya hanggang sa kumalma siya at humiwalay sa pagkakayakap sa'kin.

“I'm sorry.” sabi nito at umiwas ng tingin “Naging makasarili ako at hindi inisip ang nararamdaman mo. Maling-mali ang ginawa kong pagtatago ng impormasyon na nalalaman ko tungkol sa ama mo.”

“May problema ka ba, Van?” tanong ko rito na ikinatigil niya

“Wala, Jade.”

“Ikaw, wala. Pero ako meron.”

Sabay kaming napatingin sa gate at nakitang masama ang tingin ni kuya Ryle sa amin. Parang nasaniban ito ng demonyo dahil sa itim na aura na nakapalibot dito.

“Kuya. . .” kinakabahan akong ngumiti sa kaniya at halos kilabutan ako nang bumaling sa akin ang malamig niyang titig

“Get inside, Riz.”

“Ikaw na lang ang pumasok sa loob, Zachy.” sabi ni Van dito nang hindi manlang kumukurap

Hinawakan pa nito ang braso ko at hinila ako papalapit sa kaniya na kaagad namang pinigilan ni kuya Ryle.

“Stop acting tough, Ivan.” mas seryoso pang sabi ni kuya

Ako ang kinakabahan para kay Van pero nang ngumisi ito ay nawala ang kaba ko at napalitan ng pagtataka.

“Ivan. . .sino ba dapat iyon? Ako o. . .ikaw?”

Ano raw?

Nagpapalit-palit ang tingin ko sa dalawa dahil sa pagtataka ko.

“Shut up. Kung problema mo ay iyong hindi ka tunay na anak ng mga Falcon, problema mo na iyon kaya huwag mong idamay ang pinsan ko rito.”

Pinsan mo nga ba talaga siya, Zacharyle? Gozon ka nga ba talaga?”

_____________________________________
_____________________________________


You are reading the story above: TeenFic.Net