Chapter 106

Background color
Font
Font size
Line height

Chapter 106 : TBSP

Kiro's POV

“May mali talaga kay Riz. Tingin niyo ano iyon?” tanong ni Clyden sa amin habang nandito kami sa game room ng bahay ni Grae pero hindi para mag laro kundi mag inom

Birthday niya kasi.

“Malay mo trip niya lang na ganoon ang gawin 'di ba?” sabi ni Klein

“Anger management issue.” mahinang sabi ni Aj

“What?”

“Look at this.” iniharap niya sa'min ang laptop niya at nasa google iyon

Anger management is a psycho-therapeutic program for anger prevention and control. It has been described as deploying anger successfully. Anger is frequently a result of frustration, or of feeling blocked or thwarted from something the subject feels is important.

“Psycho? Ibig sabihin. . .baliw si Riz?!!!” gulat na tanong ni Angelo

“Tanga!” singhal ni Clyden sa kaniya

Hindi na lang namin sila pinansin at nagpatuloy sa pag research about Anger Management Issue.

“Here, look at this.” sabi ni Aj at pinindot ang site about causes of anger management issue

Many things can trigger anger, including stress, family problems, and financial issues.

For some people, anger is caused by an underlying disorder, such as alcoholism or depression. Anger itself isn’t considered a disorder, but anger is a known symptom of several mental health conditions.

“Sure ka bang anger management issue ang kay Riz? Hindi anxiety disorder?” tanong ni Drake kay Aj

“Nope. Sigurado akong anger management ang kay Riz base sa ginawa niya sa lalaki.” sagot ni Aj

“Pero nakakatakot pala si Riz, 'no?”

Sobra.

Hindi ko inakalang nagawa iyon ni Riz. Hindi matanggap ng isip ko kahit kitang-kita ko iyon. Nandoon ako pero hindi ko matanggap dahil hindi ganoon ang pagkakakilala ko sa kaniya.

“Hindi naman natin kailangan matakot sa kaniya dahil alam nating hindi niya tayo sasaktan.” nakangiting sabi ni Nate sa amin

Kahit pala madalas ay may pagkabobo ito, may itinatago naman pa lang common sense.

“Ba't ganiyan itsura mo, Grae? Mukha kang nalugi.” dinig kong tanong ni Mac kaya napatingin ako kay Grae

Salubong ang kilay nito tila malalim ang iniisip.

“The one who helped me.”

“You mean Red?” I asked

“No. . .”

Ha? E 'di ba sabi niya pula ang mata no'ng nag ligtas sa kaniya, sabi nila Riz pula raw mata ni Red.

“Ibig mo bang sabihin may kakambal si Red?” tanong ni Klein sa kaniya

“Nah. Nag suot siya ng contact lense para akalain kong siya si Red. Sabi niya sa'kin A nightmare that she sent.”

“Si Riz ang nagpadala sa kaniya para iligtas ka? Baka naman isa lang iyon sa mga apat na hambog niyang kaibigan.” sabi ni Clyden

“No. . .I don't think Riz sent him. . .”

“How do you know that it's him?” Aj asked

“I just know. . .the way he looked at me emotionless, pakiramdam ko si Riz ang kaharap ko.”

***

Aeros' POV

“Do you know that Riz's perfect the review test?” nakangiting bungad sa akin ni Chea pag pasok niya sa room

“Really? She said she'll be the rank 1 this coming exam.” napangisi ako

“Right! Malapit na nga pala ang exam, where do you want to review, hon?” she asked and smile sweetly

Tatanongin ko muna si Riz kung gusto niya sumama sa atin mag review.”

Nakita kong napangiti siya sa sinabi ko “I see you're now fixing your relationship with her. That's good, hon.”

“Anger won't make me the best.” I said then winked at her

“Well, kahit na hindi ka galit mas magaling pa rin naman sa'yo ang kapatid mo tsaka kung lalaki siya ay mas gwapo siya sa'yo. Mas mabait din siya kahit pa suplada minsan. Matapang at hindi lampa.”

Wow.

Literal na napaawang ang bibig ko sa pamumuri niya kay Riz at panlalait niya sa'kin.

“Mahal mo ba talaga ako?” natatawang tanong ko

“Your girlfriend knows the best.”

“Disgusting!” sigaw ng kung sino kaya napatingin kami roon “Pwede ba?! Shut up na lang kayo kasi nag rereview ako!” inis na sigaw ni Ysha sa amin at muling itinuon ang atensyon sa libro

“Wow. Kailan pa siya nagkaroon ng interes sa pag aaral?” takang tanong ni Chea habang nagpipigil naman ako ng tawa

“Hindi naman siya nag rereview e, tingnan mo baliktad ang libro.” tinuro ko ang librong hawak ni Ysha at baliktad iyon dahilan para parehas kaming matawa

“Aeros, may naghahanap sa'yo!” sigaw ng kaklase ko

Nagtatakang lumabas ako ng room at nakita si Riz na nasa gilid ng pinto. Tulala ito at parang wala sa sarili.

“Riz, okay ka lang?” tanong ko rito pero nang mag angat ito ng tingin sa akin ay napaawang ang labi ko “Hey. . .” masuyong tawag ko sa kaniya

Nag sisimula nang manubig ang mata niya at manginig ang labi niya. Napayuko ito at nag simula na ngang mag angat baba ang balikat niya.

Alam kong ayaw niyang makita siya ng iba sa ganiyang kalagayan kaya naman hinawakan ko ang braso niya at hinila papunta sa likod ng main building.

Hindi gaano karami ang taong nandito dahil nasa classroom ang lahat para mag review. Mga pasaway lang ang nandito mga taong mahilig mag cutting classes pero wala naman silang pakialam sa amin.

“Riz, sabihin mo sa'kin. Anong nangyari?” hinarap ko siya matapos paupuin sa bench

“S-Sino ba talaga siya, Aeros? Sino ang papa ko?”

Nakaramdam ako ng guilt nang makita ang mga luhang tumutulo mula sa mata ng kapatid ko.

“I'm sorry. . .I don't know.” pagsisinungaling ko

Sarkastiko itong napatawa Tinext ako ni Red kanina. Sabi niya lahat ng taong nakapaligid sa akin ay niloloko lang ako. Ang iba ay may kung ano-anong sikreto at ang iba naman ay itinatago sa akin ang totoong pagkatao ko. Alam kong isa ka sa mga taong iyon, Aeros. A-Alam mo kung sino ang totoong ama ko.”

“Alam ko pero. . .” hindi ko pwedeng sabihin sa'yo.

“Pero ano?! Tangina naman e! Sasabihin mo lang ang pangalan niya dahil maski si Theo ay hindi magawang hanapin kung sino iyon! M-Masyadong private ultimong pangalan ay hindi namin malaman!”

Shit!

“Riz, hindi ko pwedeng sabihin sa'yo dahil magagalit sila kuya sa akin pati na rin si mama.” nanghihinang sambit ko at sinubukang hawakan ang kamay niya pero iniiwas niya iyon

“Ayan! Lumabas din ang katotohanan! Hindi mo sinasabi dahil ayaw mong mag mukhang masama sa kanila! Gusto mo kasi ikaw palagi ang mabait, matalino, masipag at kung ano-ano pang maihahalintulad sa anghel!” punong-puno ng galit na sabi niya

“Hindi sa ganoon, Riz---”

“E ano pala? Baka naman sabihin mong para sa kapakanan ko? Dahil ba naniniwala ka sa sinabi ng nanay mo na masamang tao ang papa ko? O dahil wala ka naman talagang pakialam sa'kin lalo na sa nararamdaman ko?”

Para akong sinasaksak ng matalas na kutsilyo sa dibdib dahil sa mga binibitawan niyang salita.

“K-Kailangan ko siya, Aeros. . .kailangan ko si papa dahil kahit kailan hindi ko naramdaman ang pagmamahal ng isang ama.”

Nang yumuko siya ay nagkaroon ako ng tyansa na yakapin siya at ibinaon niya naman ang mukha niya sa dibdib ko.

“Don't listen to him, please.” I whispered

“Hindi ko mapigilan lalo na't alam kong totoo ang sinasabi ni Red.”

“Riz, you're father is the most handsome man I've ever seen.” puno ng paghangang sabi ko “Maybe that's the reason kung bakit sinasabi nilang para kang dyosa kahit mukha ka namang impakta para sa'kin.”

Naramdaman ko ang pag suntok niya sa tagiliran ko na ikinatawa ko naman.

“Kamukha ko ba siya?” tanong nito nang mag angat tingin siya sa'kin

At doon ay nagkaroon ako ng pagkakataong makita ang mukha niya na sa tuwing nakikita ko ay naaalala ko ang lalaking pinagtatalunan ng mga magulang namin.

“Sobra, Riz. Sobra.”

Napasinghot-singhot ito at pinunasan ang mga luha sa mata bago tumingin sa malayo “Kaya ba ayaw mong sabihin sa'kin kung sino siya ay dahil isa siya sa mga taong nakakasalamuha ko?”

Hindi ko talaga maitatanggi na mas matalino siya sa akin lalo na pagdating sa ganitong hulaan.

Nanatili siyang nakatitig sa akin ang mga mata niya ay nangungusap na sabihin ko sa kaniya kung ano ang gusto niyang malaman.

Ngumiti lang ako sa kaniya at tumayo na para umalis.

Hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya, dahil paniguradong masasaktan siya once na malaman niya ang tungkol sa ama niyang si Jin Montero.

_______________________________________
_______________________________________


You are reading the story above: TeenFic.Net