Chapter 2

Background color
Font
Font size
Line height

Chapter Two

Eleinor's POV

"Hoy! Ano na naman bang kukunin mo dyan?!" Inis na singhal sakin ni Eleimor

Kasalukuyan kong hinahalukay yung aparador ng aking minamahal na kambal, naka pamewang sa likod ko habang pinapanood akong halukayan yung aparador niya. May nakita kasi akong hoodie dito nung isang araw, and type na type ko talaga yung style niya dahil plain black lang siya at pwedeng-pwede kong isuot.

Malaki siya para saken actually pero okay lang!

"Got it! Akin nalang to ha?!" Nagpacute pa ko sa kanya para pagbigyan niya ko, alam ko namang hindi niya ko matitiis.

"Tsk! Ilang jacket na yung na kukuha mo sakin Eleinor Heizellet, konte nalang mauubos mo na lahat ng hoodie ko dyan sa aparador kong babaita ka ha!"

"Akin nalang to pleeeaaassseee!!!!"

Lumawak naman ang ngiti ko nang makita ko siyang napabugtong hininga sabay iling pa. Alam kong labag sa loob niyang ibigay yung hoodie niya pero okay lang kase pwede ko naman siyang bilhan ulit.

"Tsk! Oo na! Ano pa bang magagawa ko?!" Sagot niya sabay irap.

Ganyan niya talaga ko kamahal.

Ngumiti naman ako, at niyakap siya sa tuwa. Madalas naman na humihingi ako ng mga damit niya dahil gustong-gusto ko yung oversized clothes para pang tulog ko, at mga damit niya yung nakikita ko dahil sobrang comfy ng tela.

"Thank you talaga!!! Bibilhan nalang kit---"

"Wag na! Wag na! Alam ko namang after a month kukunin mo na naman sakin yan." Nakita ko pa siyang umirap at bumalik sa higaan niya para ipagpatuloy yung paglalaro niya.

Napatango nalang din ako at hinayaan siya sa gusto niya. "Okay! Ikaw bahala! Bye aking mahal na twinzi!" Paalam ko sa kanya bago lumisan sa kwarto niya.

Habang pabalik ako sa kwarto ko, naka salubong ko naman si Chimmy. She's my pet, golden retriever yung breed niya. Three months old pa lang siya kaya pwedeng-pwede ko pa siyang mabuhat.

"Hi babyyy, why are you here pa ha? You should rest na, masyado kang nag enjoy mag laro today according to mommy." bungad ko sa kanya at binuhat siya.

Nang makapasok ako sa kwarto ko ay nilapag ko naman siya agad sa kama ko, sumiksik naman siya dun sa mga unan na nakapalibot sa kama ko. Hinalikan ko muna yung noo niya bago ko siya hinayaang matulog. Okay lang din naman na dyan siya sa kama ko matulog, I'm making sure naman kasi na always siyang clean before siya humiga sa kama ko, kahit siya ay may night routine.

I named her Chimmy because si Jimin yung bias ko sa BTS, since nagawa yung BT21 lagi ko nang sinasabi sa sarili kong Chimmy dapat maging name ng pet ko pag nag karon na ko ng isa.

Before ako matulog, nilagay ko muna sa closet ko yung hoodie na nakuha ko kay Eleimor para hindi siya nakakalat. Inayos ko na din yung gamit ko para bukas, ayoko kasi yung nag mamadali tuwing aalis, lalo na't andami kong process bago pa ko matapos mag ayos.

Once na pumasok ka sa kwarto ko, agad na bubungad yung mga pictures ko. I love taking pictures kase kaya halos punong-puno ng muka ko yung kwarto ko. Kahilera ng pictures ko is yung bed ko na punong-puno ng mga teddy bears tsaka plushies, yung giant teddy bear is bigay sakin ni Eleimor sakin. He knows kase na matatakutin ako that's why ang dami kong plushies sa bed.

Para walang space yung mumu HAHAHAHAH!

Sa another side naman is yung mga posters ko, and syempre yung BTS na yon, together with the posters is yung isang shelf ng albums ko, and some merchandisers. Sa tabi non, is yung bookshelf ng mga books ko, I love reading kasi bukod sa pagiging fan girl ko.

Sa veranda naman, may mini table dun para kung gusto kong tumambay pwedeng-pwede, masarap dun pag hapon dahil sobrang hangin at saktong-sakto din sa sunset view.

I love sunset.

Magkatabi lang yung higaan namin ni Chimmy tsaka yung higaan ko pero lagi siyang naka tabi sakin. Nasanay na din kase siguro siyang tumabi sakin or sadyang mas malambot lang talaga yung higaan ko kaya gustong-gusto niyang tumabi sakin.


"Sleep na Chimmy late na." sabi ko sa kanya habang nilalagyan siya ng comforter kasi feeling ko nilalamig siya

Madalas kasi kapag madaling araw sumisiksik siya sakin, nagigising nalang ako bigla kaya naisip ko din na baka nga nilalamig siya.

Hindi pa naman ako inaantok kaya chineck ko muna yung phone ko, binuksan ko yung mga social media accounts ko at nakita ko namang online pa yung kumag kong kambal.

Nag e-ml pa siguro to.

Nakaisip naman ako ng kalokohan kaya napangiti ako ng malapad, natatanga na ako kung titignan ng kung sino dito dahil sa sobrang laki ng ngisi ko.

Calling Twinzi...

["What the fvck Elein!?"] Inis niyang bungad sakin kaya natawa ako.

"Galet na galet gustong manaket?" Tatawa-tawa kong biro sa kanya.

["Ano ba gusto mong babaita ka ha? Pag ako talaga na talo dito mababatukan kita ngayon."]

"Sama mo naman mag gu-good night lang ih! Bad ka talaga, sige na babye! Sana matalo ka!"

["WAG MONG HILINGIN YAN KASE IKAW KAWAWA SAK---"] hindi ko na siya pinatapos at pinatay nalang yung tawag.

Tumawa pa ko bago mag patuloy sa pag s-scroll sa news feed ko para naman maantok ako. Nagulat naman ako nang biglang nagsunod-sunod yung pagtunog ng notification ko.


ChezterIsaac started following you...

RaineChavez started following you...

EthanHL started following you...

RandieChavez started following you...

MondayVal started following you...

JaidenKhent started following you...

14 others started following you...

Nanlake naman yung mata ko nang sunod-sunod kong nakita yung pangalan nila sa friend request ko. Hindi ko pa sila na accept lahat ay bigla nalang tumunog yung phone ko.

JaidenKhent sent you a message...

Bigla nalang bumilis yung tibok ng puso ko nang makita ko kung sino yung nag message sakin.

Message lang yan Elein! Wag kang masyadong mag react.

Huminga muna ako ng malalim bago iseen yung chat niya sakin, kinakabahan pa ko pero ayoko namang maging snob.

JaidenKhent:

Late na ha? Bakit gising ka pa?

Napakunot noo naman ako nang mabasa ko yung chat niya. Hindi naman kasi kami masyadong nag uusap non, nahihiya din kasi akong kausapin siya lalo na't iba talaga yung impact niya sakin, pero feeling ko naman ay magiging close din kam. Kailangan ko pa sigurong makapagadjust sa vibe niya.

Friendly din naman silang lahat, madaling pakisamahan, uso din sa kanila yung asaran kaya madalas ay tumatawa ako sa mga kalokohan nilang lahat.

EleinHeizllet:

Hmm... patulog na din ako, nag papaantok lang. Ikaw bakit gising ka pa?

JaidenKhent:

I'm just finishing something but after this matutulog na ako.

EleinHeizllet:

Hmm okay! Sige antok na din ako ih, good night and sweet dreams.

Napapalo naman ako sa noo ko nang makita ko yung reply ko sa kanya. Nahihiya nalang ako sa katangahan ko.

Baka mamaya iba yung dating sa kanya. Hayst!

Hindi ko na tinignan yung reply niya at nilagay nalang yun sa side table ko pero hindi pa talaga ako inaantok. Pumasok nalang bigla sa utak ko yung mga nangyare kanina.

Ang weird kasi ng atmosphere ng school lalo na nung break time namin.

-Flashback-

Since recess time na, papunta na kami sa canteen ngayon, natatawa pa ko dahil halos buong section namin yung naglalakad papunta ng canteen. Para kaming naghahanap ng away tapos yung crowd kung makatingin pa samin parang 'kala mo may nagawa kaming kung ano.

"Balita ko nag karon na naman daw sila ng away 3 days ago ha?"

"Hayst! Muka naman kasing hindi talaga papapigil si Connor."

"Eh malakas naman kasi talaga sila Connor---"

"Anong malakas? Eh balita nga daw nila bugbog sarado daw si Connor ngayon, buti nga gumaling na siya ng slight ih."


Napakunot noo naman ako dahil sa mga pinaguusapan nila. Hindi ako makarelate sa mga sinasabe nila lalo na't hindi ko naman kilala yung Connor. Hindi din ako sigurado kung sino ba yung Jaiden, possible na may kapangalan siya sa school na to kaya baka hindi din siya yung pinaguusapan nila.


"Nagugutom na ko." Ngusong sabi ni Chezter

"Kanina mo pa sinasabi yan." si Rainelie

"Oo nga, nung una sa english time tapos sumunod sa math time tapos eto, habang nag lalakad. Malapit naman na tayo, kaya naman siguro mag wait ng tyan mo." Sabi ko, kailangan pa kasi naming umikot dahil malayo yung room namin sa canteen.

Iwas gastos dinon 'yon para sa'kin hihihihi.

Ngumuso lang siya habang kami naman ni Rainelie ay natawa nalang sa kanya, sila kuya Ethan na nag order ng pagkain kasama si Jaiden, Eleimor at Charles.

Pagpasok namin sa canteen ay nagulat ako nang may nakita akong isang mahabang lamesa na para bang expected na ng mga tao na may paparating na malaking group of friends. Mas rumami rin ang mga nagbubulungan sa paligid.

Hindi naman ata bulungan yun ih!

"May boyfriend ka ba Elein?" Biglang tanong ni Rainelie.

Napalingon naman ako agad sa kanya bago ko mapansin yung mga tingin ng mga kaklase namin.

Ano 'to hot seat?

"Wala noh, hindi ko rin alam kung ready ba kong pumasok sa isang relationship."

Syempre natatakot na 'kong masaktan noh!

"Hala! bakit naman?" Singit ni Monday.

"Oo nga! Sayang naman baka andito na talaga yung para sayo." Nagkukunwaring malungkot na sabi ni Wilton sakin.

"Siguro nga may makikilala ako pero kung alam ko naman na masasaktan lang ako, bakit pa diba?" Sagot ko.

"Eh pano kung totoo nga siya sayo? Tsaka kambal ng pagmamahal yung saket diba? Kaya kahit anong mangyari, masasaktan at masasaktan ka pa din, pero yung sakit na yun mawawala nalang kapag alam mong siya na talaga." parangal ni Rainelie dahilan naman para asarin siya ng mga kaklase namin.

"Uyyyy may pinag huhugutan!"

"Nag paparinig ka ba Raine?"

"Sabihin nalang kasi yung pangalan ih!"

"Idirect mo nalang para naman hindi na mahirapan yung isa dito."

Kumunot yung noo ni Rainelie "Hoy! Wala akong pinaparinggan noh duh! Tsaka pake ko dyan?" Tumaas yung kilay niya at umirap kaya nag tawanan naman kami.

Natigil lang yung tawanan namin nang biglang may pumasok na grupo ng mga lalaki. Mala-ghost town na yung canteen dahil sa sobrang katahimikan, kahit yung mga nag bubulong-bulongan tumahimik na din at kumain nang parang walang nangyari.


Umupo sila dun sa table na walang tao, ngunit nagulat naman ako nang makita kong inabutan sila ng pagkain ng ibang estudyante.

Ano meron sa kanila?


Sakto namang paparating na rin sila Jaiden dala-dala yung mga pagkain namin. Lumingon yung mga lalaki sa gawi nila Jaiden. Tumayo sila at lumapit kay Jaiden, magkaharap-harapan na silang dalawa ngayon, nakita ko rin kung pa'no siya ngisian nung lalaki na 'yon.

Lakas talaga ng mga tama nila!

Hindi ata kinayanan nung lalaki yung titig ni Jaiden sa kanya dahilan para siya na yung kusang nag iwas ng tingin habang si Jaiden naman ay ngumisi lang at tinapik yung balikat niya habang umiiling, dahilan din para maginit yung ulo ng lalaki.

"Let's eat, wag niyo nang pansinin yung mga taong hindi na nga lumaban ng patas, talo pa." naka ngising sabi ni Jaiden, kinuha ko nalang yung sandwich na binigay sakin ni Eleimor at kinain.

-End Flashback-

Hindi ko alam kung may gulo ba dun sa school dahil sa sinabi ni Jaiden pero pinabayaan ko nalang baka kasi sa kanilang dalawa lang yun pero sana naman ay maging okay na din sila.

"Mauna na kaya ako? Ang tagal-tagal mo kasi!" Sabi ko kay Eleimor, pa'no kasi ang tagal niyang hanapin yung hinahanap niya sa kotse niya.

"Wag sandali lang."

"Tsk! Bilisan mo kasi!" Inis kong sabi sa kanya.

"Tsk! Eto na tapos na, masyado ka namang mainit ulo!" Sabi ng kamabal kong tukmol bago ako akbayan.

"Hindi ligtas mag lakad ng mag isa sa school na to Eleinor Heizellet dahil babae ka at kalaban nila yung section mo." napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Ano ba 'yang sinasabi mo?"

"Mamaya ko sasabihin sayo, hindi magandang pag usapan yan dito." sabat niya at nag patuloy lang sa pag lalakad.

Hindi nalang din ako nag salita dahil alam kong hindi naman talaga niya sasabihin sakin yon kahit anong pilit ko. Pag dating namin sa room nagulat ako dahil puro pasa yung muka nilang lahat habang si Rainelie naman panay ang talak sa kanila habang ginagamot yung mga sugat nila.


"Ano ba kasing nangyare sa inyo? Ngayon lang naman kayo pumasok na ganito mga itsura! Umayos nga kayo! Tapos ang aga-aga niyo pa nakipagaway, 7 o'clock pasok natin so ibig sabihin kakagising niyo pa lang nakipag away na kayo?! Haaaaaayyyy!!!! Sa susunod nga kung makikipag away kayo siguraduhin niyong hindi matatamaan yung mga muka niyo! Hin---" naputol yung sasabihin ni Rainelie nang biglang mag salita si Randie

"Tumigil ka na dyan, ang ingay mo. Gamutin mo nalang sila." sabi niya.

Muka namang naramdaman niyang nandito na kami dahil bigla nalang siyang napalingon siya samin.

"E-elein! Andito na pala kayo?"

Lumapit ako sa kanila at una ko namang nakita yung muka ni Chezter na may pasa din at idagdag mo pa yung kamao niyang namamaga.

"Saan galing to? Bakit ka may ganyan? Bakit kayo nakipag-away?" Tumingin ako sa kanilang lahat at napaiwas tingin naman sila sakin kaya tumingin ulit ako kay Chezter.

"Are you okay? Ano pang masakit?" Nag aalala kong tanong. Hindi ko na mapigilang mag alala lalo na't siya yung pinaka bata dito saming lahat.


"Yung muka ko mih tsaka yung kamay ko namamanhid." naka nguso niyang sabi, pinakita niya pa yung kamao niya sakin

Napabuntong hininga nalang ako at kumuha ng cotton tsaka betadine para lagyan yung sugat niya. Sinimulan ko na yung pag gamot sa sugat niya, nag rereklamo pa siya minsang masaket daw kaya pinanlalakihan ko siya ng tingin. Bumili din sila Eleimor ng yelo para ilagay sa mga pasa nila.


"Ginusto mo yan kaya tiisin mo." sabi ko dahilan para mapanguso naman siya hanggang sa na tapos na din siya.

Lumipat naman ako sa harap ni Jaiden para siya naman yung gamutin, mag katabi lang silang dalawa ni Chezter.

"I-i'm okay wag mo na 'ko---"

"Tumigil ka dyan, ikaw na nga yung ginagamot tsaka hindi mo pwedeng hayaan lang yan." kukunin ko sana yung kamay niya pero tinago niya yun dahilan para mapakunot noo naman ako

"W-wag n-na n-nakakahiya---"

"Tsk! Gusto mo bang dagdagan ko pa 'yang pasa mo sa muka?!" Singhal ko sa kanya habang pinanlalakihan siya ng mata.

Nakita ko namang nagulat siya at halatang natakot sakin, kahit ako naman ay nagulat din sa inasta ko pero anong magagawa ko, nag aalala lang naman ako.

Kaya ayoko sa mga ganito ih! Masyado akong nag aalala.

"S-sorry... nag aalala lang kasi ako kaya---"

"No, it's okay, sorry din kasi ang kulit ko." Nag iwas pa siya ng tingin sakin kaya hindi ko naman napigilan yung sarili kong tumawa.

"A-anong nakakatawa?" Tanong niya

"Wala. Akin na yung kamay mo at ilagay mo din 'tong yelo dyan sa pasa mo para hindi tumagal." sabi ko at binigay sa kanya yung yelo.

Sinimulan ko siyang gamutin, puro gas-gas yung mga kamay niya. Namamaga din siya, siguro dahil sa mga suntok niya. Napansin ko namang tumahimik yung paligid namin kaya napalingon ako dun sa mga kaklase ko. Napakunot noo naman ako nang makita ko yung tingin nila samin, yung mga tingin na halatang nangaasar, samahan mo pa ng ngiti nilang ewan.


Problema ng mga 'to?

"Bakit?" Tanong ko sa kanila

"Uuuuuyyyy maaaaaayyyy chemistryyyy kayoooooo!!!" pangaasar ni Monday

"Bagay kayo." naka ngising sabi ni Edward

"Yieeeeee kayo ha!" - Rainelie

"Haaaaaayyy nilalanggam na ko dito." - Jex

"Bilisan niyo na dyan madami pa kami oh!" - Keil

Tinaasan ko naman silang lahat ng kilay "Kasalanan ko bang inumagahan niyo yung suntukan? Kung makikipag-away kasi kayo ay siguraduhin niyo namang hindi kayo matatamaan, dahil sa susunod na makita ko ulit kayong ganyan ay kayo na yung matatamaan sakin! Sinasabe ko talaga sa inyo." Mataray kong sabat dahilan para matawa naman silang lahat.

"Amazona din pala si Elein?"

"Hindi ko akalain na ganito pala 'tong kambal mo Hanzel!"

"Kailangan ko na atang mag ingat sa susunod!"

"Parang imposible naman na hindi ako mag karon ng sugat eh sa kamao ko pa lang alam ko nang mag kakasugat na dahil sa ka-kapalan ng mga muka nila!"

"Good luck satin sa next laban baka mabugbog tayo ni Elein kapag may pasa tayo."

Nang marinig ko yon ay muli namang tumaas yung kilay ko "Ang pakikipagaway ay ginagamit lang para labanan yung dapat lang labanan hindi yung gagawin niyo hobby, kung aawayin naman kayo ay idaan niyo muna sa usapan. Kung sumobra naman ay dun na kayo makipagsapakan. Loko-loko talaga kayo." Napailing nalang din ako at binalik yung tuon sa kamay ni Jaiden.

"Hayst! Minsan lang mag salita 'tong si Elein pero parang nakakakaba!" Sabat ni kuya Ethan.

"Oo nga! Di katulad netong si Rainelie parang walang kapaguran yung bunganga!" Pag sasangayon pa ni Kevin na inirapan lang ni Rainelie.

"Alam niyo kung ako yung papapiliin kung sino sa dalawa yung mag gagamot sakin kung magkakaron man ako ng sugat or mabugbog ako, mas gugustuhin kong si Rainelie nalang." ani Eleimor kaya napatingin silang lahat sa kanya.

"Bakit?" Silang lahat

"At least si Rainelie maingay man hindi na madadagdagan yung pasa mo." tumingin si Eleimor sakin "Di katulad niyan habang ginagamot niya yung sugat mo unti-unti ding

You are reading the story above: TeenFic.Net