Chapter 18.

Background color
Font
Font size
Line height


I don't know how long I stayed at the hospital just crying. Wala akong pakealam kung pinagtitinginan na ako. The pain I was feeling is just too much. Binigyan ako ng isang nurse ng tubig at uminom ako. And then I stood up and decided to just look for the nearest hotel or motel so I can rest a bit and masalubong ko ang parents ni Zieg.

I feel numb when I woke up. Masama ang pakiramdam ko but I have to get up. Nagpa alarm kasi ako, thirty minutes before the scheduled landing nila Tita Ellen and Tito Jay. I wanted to meet them at the airport pero sa hospital na raw kami magkita. I told them that there's a hotel nearby and I can take care of their things bago sila pumunta mismo sa hospital.

I booked them a room.

So bumaba sila sa hotel from NAIA. Kitang kita naman mula doon ang hospital. Walking distance lang kaya convenient. I would have ask them to eat lunch first since pasado ala una na pero kailangan na sila ni Zieg. Wala syang kasama.

"Hindi ka na ba babalik sa hospital? Aren't you coming with us?" Kunot ang noo na tanong ni Tita Ellen nang hinila ko na ang luggages nila papunta sa elevator.

I blinked a few times. Okay, how can I tell them na ayaw na sa akin ni Zieg?

I tried to smile kahit na parang ginugunting ang puso ko sa sakit. "Uhm susunod po ako, pero sa ngayon, kayo po ang kailangan ni Zieg. T-tatawag na lang po ako para alamin kung okay sya."

"What? Sumama ka na sa amin." Tito Jay insisted. "I am sure gusto ka rin makasama ni Zieg. Ang tagal nyo rin na hindi nagkita."

Lalo akong sinaksak nang makita ang malapad at hopeful na ngiti nila.

"Uhm.. S-susunod na lang po ako." Mahinang sabi ko at umiwas ng tingin sa kanila.

I saw them look at each other bago lumapit sa akin si Tita Ellen. "Is something wrong, iha?"

Mabilis akong umiling iling. "W-wala naman po. S-sige po, pumunta na po kayo sa hospital. I'm sure, Zieg's already waiting for you. I'll take care of your things." Pinilit kong ngumiti bago mabilis na umalis.

Nakakahiya man na parang ang bastos ko sa ginawa ko ay hindi ko na kasi kayang pigilan ang pag tulo ng luha ko, so I had to look away. Hindi ko na sila nilingon, I went straight to the elevator while pulling their two luggages. Mabuti at walang ibang sumabay. Malaya akong naka luha at naka hikbi.

Nang mailagay ko na sa room nila ang mga gamit nila, nag check out na ako at iniwan ang keycard sa room nila. I booked a car to take me to the condo. I arrived there na tulog si Bree. Our guards are there. Nginitian ko lang sila. Tumakas ako sa guard ko and I don't know if I offended him somehow. Nawala na sa isip ko na nasa peligro pa ako dahil hindi pa nahuhuli sila Selina.

Nag timpla ako ng calamansi juice dahil nananakit ang lalamunan ko. Doon lang rin ako naka ramdam ng gutom ulit. I haven't eaten anything since last night na tanging kape at tinapay lang ang kinain ko. Maiisip ko pa bang kumain sa nangyari?

Wala akong gana, but I had to eat. Ramdam ko na ang panghihina ko.

Nagising si Bree na nagluluto ako ng instant noodles. Bumili na lang rin ako ng pre-heated pasta mula sa convenience store sa baba, pero since gusto ko ng sabaw, nagluto na rin ako ng noodles na may itlog.

"You're back." Halata ang bahagyang pagkagulat sa mukha ni Bree.

"Dumating na sila Tita Ellen at Tito Jay. They're with Zieg right now." Mahinang sabi ko tapos ibinalik ang atensyon ko sa linuluto ko.

Tumango si Bree. Sumandal sya sa tiled sink, then she curled her arms to her chest. "So.. what happened? Nag try k aba na kausapin sya ulit?"

Tumango ako. Pinatay ko na ang stove. "Yes, pero hindi pa talaga sya ready. So nag check in ako sa malapit na hotel. Natulog ako doon tapos hinintay ko parents nya. I booked them a room para doon sila magpapahinga." I tried my best for my voice to not crack. Siniglahan ko rin ang boses ko but I know that Bree's not going to have any of it.

"He's not ready for you?"

"Gusto mo ng noodles?" Imbes ay tanong ko.

Nagsalubong ang kilay ni Bree. "What the hell happened? Tell me, Ayanna."

I swallowed. Hindi ako nakapagsalita, bigla na lang bumuhos ang luha ko. Mabilis akong yinakap ng mahigpit ni Bree at lumakas ang pag iyak ko.

"Ayaw nya na sa akin. Ayaw nya na daw." I said in between my sobs. Bree's caressing my back urging me to cry more. "Sinigawan nya ako. He doesn't want me anymore. He just told me to get lost like I'm some kind of garbage."

Naramdaman ko na lalong humigpit ang yakap ni Bree sa akin. I just kept on crying. Inakay nya ako pabalik sa living room. Pinaupo nya ako at binigyan ng tubig.

"Bakit ganoon? Bakit ayaw nya na? I waited for him. It hurts so fucking bad, Bree! Hindi ko deserve 'to." I pointed at myself.

Bree's just listening. Hindi sya nagsasalita, she just let me bawl my eyes out crying.

"Ang sakit sakit, eh. He doesn't know how much I missed him, how I feel like dying kasi baka patay na sya, or baka sinasaktan sya. And now that he's here, ayaw nya na bigla?" Buhos na buhos ang sakit at lahat ng emosyon ko ngayon. Sobrang bigat ng nararamdaman ko at nag uumapaw iyon ngayon.

I cried and sobbed for a few more minutes, dinadamayan lang ni Bree at hindi sya nagsasalita. I appreciate that. Alam ko na malamang na naiinis rin sya kay Zieg for doing this to me pero alam nya rin na kahit sobrang nasasaktan ako ay mas lalo akong masasaktan kung may sasabihin syang masama towards Zieg.

Gustong gusto ko syang makita at makasama, pero pakiramdam ko ay pagod na pagod na ako. Mula sa ilang buwan na paghihintay, sa pag iisip kung may hinihintay pa ba ako o hindi. The constant fear of knowing na baka wala na talaga sya. And when all of these thoughts vanished dahil nalaman ko na ligtas sya at maayos, ganito naman ang nangyayari.

Bree got me the tissue box. It took me a few minutes to cry it all out. Nang mahimasmasan na ako ay tsaka nagsalita si Bree.

"So anong plano mo?" Mahinang tanong nya sa akin. Hawak hawak nya ang kamay ko and somehow, it made me feel a little stronger.

Umiling iling ako. "Hindi ko alam. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Mahal na mahal ko si Zieg." Parang gusto kong maglupasay thinking na tuluyan nang mawawala sa akin si Zieg.

Bree sighed. "I want to say something, but this is just an opinion and a suggestion. Ikaw pa rin ang may hawak sa kung ano ang gagawin ko. I hate seeing you and both of you like this. It pains me that you're in pain."

Tumingin lang ako kay Bree.

"Look, Ziegfried has been with Selina and her gang for months. Maaaring wala syang significant na injury physically pero hindi pa rin natin alam ang totoong nangyari. Maybe he's traumatized, baka defense mechanism nya lang ang sinabi nyang ayaw nya na sa'yo kasi he feels that he will be a burden to you? Kahit sino ay hindi maniniwala na hindi ka nya na gusto o mahal. I know how Zieg loves you, Ayanna."

May kung anong lumukob na init sa puso ko. Hindi naman nawala ang posibilidad na hindi totoo ang sinabi nya pero nilamona na 'yon sa isip ko dahil sobrang nasaktan ako sa pagtataboy nya sa akin. It was very painful. 'Yung durog na nga ang puso ko sa sobrang pagkasabik sa kanya tapos lalo pang nadurog sa ginawa at sinabi nya.

"So siguro intindihin mo na lang sya," Sabi ulit ni Bree.

"Wala naman ako plano na mag-give up. Maybe I just need to give him space. Kung totoo nga na ganoon ang dahilan ni Zieg, ipapakita ko sa kanya na wala akong pake, na maiintindihan ko sya, any predicament that he's in because I love him that much."

Nang tuluyan na akong kumalma ay sinabayan na rin ako kumain ni Bree.

Tita Ellen started calling me after a few minutes. Nakatitig lang ako sa cellphone ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin o ano. Natatakot ako na tanungin nya kung ano ang problema dahil ayoko naman sabihin na ayaw akong makita ni Zieg. I don't want them to worry about me, dapat ay naka focus sila kay Zieg.

"Ano, hindi mob a sasagutin?" Untag ni Bree sa akin.

"A-anong sasabihin ko?" Medyo nagpapanic na tanong ko.

"Ewan, hindi mo pa nga alam kung bakit tumatawag, eh." Kibit balikat na sabi ni Bree tapos itinuloy nya ang pagkain.

After three missed calls, sinagot ko na ang ikaapat na tawag ni Tita Ellen. Nanginginig ako nang ilagay ko ang cellphone ko sa tenga ko.

"Ayanna, hija? Hello?"

"T-Tita.. Hello po." I tried to make my voice cheerful as hell. I don't know kung effective.

"Where are you? Bumalik ako sa hotel. Nag check out ka na raw. Anong oras ka babalik sa hospital?" May pag-aalala na tanong nya.

I bit my lower lip. Naiiyak na naman tuloy ako. "H-hindi ko pa po alam.."

Silence. Hindi agad sumagot si Tita Ellen. Hindi naman sya manhid para hindi mapansin na may mali. Alam kong ramdam nya at hinihintay lang siguro akong magsalita.

"K-kamusta na po sya, Tita?" Imbes ay tanong ko na lang.

"He just had a nightmare. He's calling you." Agad na sagot ni Tita.

Napatigil ako sa narinig ko. Ako naman ang hindi nagsalita.

"I don't know what's happening, Ayanna. Pero sana hindi mo iwanan si Zieg now that he needs you the most. He was crying when he was calling you while he's having a nightmare a little while ago. We were waiting for you, pupuntahan sana kita rito sa hotel pero naka check out ka na raw." May lungkot sa boses ni Tita Ellen.

Na guilty ako bigla. I wanted to be with Zieg so bad pero paano kung itaboy nya lang ako ulit kagaya kagabi? I don't think na kakayanin ko pa marinig na ayaw nya na sa akin at na umalis na lang ako.

Pero sigurado naman na hindi magsisinungaling si Tita Ellen. This isn't a simple matter.

Ziegfried just had a nightmare tapos ako ang tinatawag nya.

Napahawak ako sa bibig ko para hindi kumawala ang pag iyak ko, but it's too late. I was already sobbing. Alam ko na nakikinig lang si Tita Ellen sa kabilang linya.

"P-pupunta na po ako.." I said in between my sobs.

Nagpahinga lang ako ng kaunti tapos ay sabay kaming umalis ng body guard ko. I don't feel threatened right now, pero mahirap na nga naman. I don't want to go through being kidnapped again. And my bodyguard's nice. Pakiramdam ko ay safe ako sa kanya.

I wore a white shirt and a capri pants. Nag suot rin ako ng baseball cap at aviators dahil parang namamaga ang mukha ko dahil sap ag iyak.

Naabutan ko si Tito Jay na palabas ng room ni Zieg. Halata na natuwa sya nang makita akong naglalakad palapit sa kanya.

"What took you so long? Umuwi ka pa ba?" Magiliw na tanong nya. Malamang na hindi sinabi ni Tita Ellen ang pag-uusap naming dalawa kanina or Tito Jay won't be this cheerful. Baka isipin rin nya na iiwan ko na si Zieg ngayon.

At ayoko rin sabihin na tinaboy ako kagabi ni Zieg. It can complicate things.

Tumayo lang sa gilid ng pintuan ang bodyguard ko. I told Tito Jay about it, na since hindi pa nahuhuli sila Selina ay nagtalaga ng bodyguard ang asawa ng kaibigan ko for my safety. Bababa raw si Tito Jay para mag kape. He opened the door for me and I walked in slowly.

Nakita ko na nagbabalat ng prutas si Tita Ellen sa tabi ng kama ni Zieg.

Zieg's awake. Mula sa pagkaka focus sa pinapanuod nya ay bumaba ang tingin nya sa akin. Hindi nagbagoo ang seryosong expression nya, pero unti-unti syang gumalaw para tumalikod sa akin.

"Ayanna! Come in. Na traffic ka ba?" Masayang bati ni Tita Ellen nang makita nyang papasok ako.

"H-hindi naman po.." Tinanggal ko ang baseball cap ko pero iniwan ko ang aviators na suot ko. Nasaktan ako sa ginawang pagtalikod ni Zieg pero I'll be damned kung magpapa apekto ako.

He was calling me while having a nightmare. He needs me, and he wants me.

Marahil ay talagang tama si Bree.

And if it is true, hinding hindi ako aalis sa tabi nya kahit ipagtulakan nya pa ako.

Ilinagay ko ang pinamili kong gatas at ilang pagkain sa tabi ng mga prutas. Nagpasalamat si Tita Ellen sa akin.

"Zieg..anak. Nandito na si Ayanna." Marahan na sabi ni Tita Ellen, pero hindi gumalaw si Zieg.

Nagkatinginan na lang kami.

Tiningnan ko ang nakatalikod pa rin na si Zieg. Sobrang gusto ko na syang mayakap ulit at mahawakan. Why does it have to be like this?!

Huminga ako ng malalim. I clenched my fist to get strength. Naglakad ako papunta sa kabilang side ng hospital bed para makaharap si Zieg. Nakatulala lang sya at hindi sya gumagalaw.

"Zieg.."

Unti unti syang tumingin sa akin. Nagtama ang mga mata naming dalawa. I wanted to smile at him, pero bago ko iyon nagawa ay nagsalita na sya.

"I don't need you here. Umalis ka na." Matigas na sabi nya.

You are reading the story above: TeenFic.Net