Chapter 10.

Background color
Font
Font size
Line height


"Ayanna.."

Hindi ko pinansin ang pagtawag ni Zieg nang makabalik na ako sa kwarto at sinundan nya ako. Walang salita akong naghubad at nagpalit ng damit ko. Mabilis ang pagkilos ko. I just want to get away from here. Sobrang naiinis ako.

Napaka obvious naman na ayaw sa akin ni Selina, kasing obvious ng pagka ayaw ko sa kanya!

"Ayanna let's talk." Hinawakan nya ako sa braso.

Tsaka ako tumigil sa pag galaw at humarap sa kanya. Malamlam ang mga mata nya, sa sobrang lamlam ay muntik ko nang makalimutan na may bruha na nasa kusina. Nagpi feeling bida kahit na sya naman ang kontrabida.

"Ano pa bang sasabihin mo? Lumabas ka na, asikasuin mo na si Selina mo. Baka nagugutom na sya." Sarcastic na sabi ko.

"Bakit ka ba biglang nagagalit?" 

I gasped. "Bakit ako nagagalit? Zieg, ang obvious naman na sinadya nya 'yung pagbuhos ng juice sa akin! Natapilok? Gaga pala sya eh. Maliit lang sya pero matanda na sya!" Malakas ang boses ko at wala akong pakealam kung maririnig nya ako. I have never been this mad. Kahit na nung ininsulto ako ni Zieg when we first met, nagalit ako at nagtanim ako ng inis sa kanya but never this deep.

"Okay, calm down." Alo nya sa akin.

Tinabig ko ang kamay nya. "Calm down mo mukha mo!" Nilagpasan ko sya at lumapit ako sa table kung nasaan ang mga gamit at bag ko. Isa isa kong nilagay sa bag ko ang mga gamit ko nang hawakan nya ang kamay ko.

"Babe, please. We can talk about this." He's still trying, huh? Bakit hindi nya na lang ako hayaan at asikasuhin ang inosente nyang si Selina?

"Hindi ako makikipag usap sa'yo. I want that woman out of your house or ako ang aalis." You better choose wisely, Zieg or I swear magsisisi ka.

"Huwag kang umalis." Matigas na sabi nya. "You want her out? I will do that. Just please, huwag ka nang magalit."

I cocked my head to my side and looked at him. Tinatantya ko ang mukha nya. "Do it. Hihintayin kita rito tapos sabay tayong pupunta sa Lush." Chin up na sabi ko sa kanya.

His lips moved. Nakatitig lang sya sa akin na parang tinatantya rin ako.

Bakit nga naman ako aalis. Ako ang may karapatan. Sya ang dapat umalis dahil sya ang hindi belong dito. Sobrang wala na akong iniisip ngayon kung hindi ang umalis na ang gaga na 'yon dito.

"What?" Taas pa rin ang kilay na untag ko sa kanya.

"Nothing. Ayoko ng nagagalit ka. Just calm down, okay? I'll tell Selina na aalis na kami." Kalmado pa rin na sabi nya. The whole time na halos nagwawala na ako at sumisigaw ay never na nagtaas ng boses si Zieg. 

"Good." 

"Come here.."

Hindi ako gumalaw.

He sighed. Tapos sya na ang naglakad palapit sa akin. He slowly snaked his arms into my waist and hugged me. "I'm sorry. I'll clean this mess."

Hindi ako nagsalita. Pinapakiramdaman ko lang sya. And this time, kumalma na ako. Yakap lang pala ni Zieg ang kailangan ko. At well, ang promise nya na rin na aalis na sila.

Mabilis na nagbihis si Zieg. He kissed me quick before he went out. Hindi ko alam kung paano ang pag explain nya sa babaeng 'yon pero narinig ko na lang after ten minutes or so na palabas na sa gate ang sasakyan ni Zieg.

I spent my time checking emails and other social media accounts. Around nine, naligo na ako dahil inaasahan ko na darating na si Zieg. The last message he sent was that they already arrived at past eight a while ago. 

Quarter to ten na ay wala pa sya. I tried calling him pero nainis lang ako dahil unattended.

Ang nangyari, umalis na lang ako mag isa. Zieg and Selina can go to hell.






Ramdam ko na ang pamamanhid ng mga paa ko at nanlalabo na ang paningin ko pero uminom pa rin ako mula sa hawak kong bote. Sumaglit lang ako sa Lush dahil hind rin ako makapag concentrate. Ibinilin ko na lang kay Shane na kapag may naghanap sa akin ay sabihin na lang na nauna na ako sa impyerno.

I turned my phone off after ko tawagan si Bree asking kung pwede ako pumunta sa bahay nya.

"Ano, gusto mo pa? May apat na bote pa ako sa ref," Parang nang-aasar na tanong ni Bree habang nakatanga lang sya sa akin. Niraid ko ang ref nya at ang stock nya ng beer. Hindi ko na alam kung nakailan na ako.

Pasado ala una pa lang ng hapon pero may tama na ako. Uminom rin sya pero kanina pa sya tumigil. May pasok pa sya mamaya at naiintindihan ko naman. I told her what made me feel so upset at dinamayan nya naman ako.

Pero hindi nya ako napigilan uminom.

Wala akong natanggap na tawag o text mula kay Zieg bago ko patayin ang cellphone ko, at hindi ko alam kung kailan ko ulit bubuksan ang cellphone ko but it's just painful to think na parang mas priority nya pa si Selina kaysa sa akin. Hindi na nga dumating sa oras, wala pang pasabi.

Childish na kung childish. Pero ang sakit talaga.

Tanginang pagibig.

 Bree sighed. "Hindi ka ba talaga kakain?" Kita ko ang concern sa mukha nya but I just want to drink the pain away.

Umiling iling lang ako.

Bree's phone rang. Ihinarap nya iyon sa akin.

Si Ziegfried Alonzo III.

Tumawa ako. 

"Anong sasabihin ko? Sigurado hahanapin ka nya sa akin." Kunot noo na tanong ni Bree.

"Sabihin mo na hindi mo alam kung nasaan ako. I don't want to see him right now." Mahinang sabi ko bago muling uminom sa bote na hawak ko.

Bree stood up and answered her phone. Nakalagay sa bewang nya ang isang kamay nya at nakatingin sya sa akin nang sagutin nya iyon.

"Uy, balita?" Siniglahan nya ang boses nya. I saw her bit her lip, siguradong nagdadalawang isip sya kung sasabihin nya ba na kasama nya ako o gagawin nya ang sinabi ko. Umiling iling ako sa kanya. "What? H-hindi ko alam, eh. H-hindi sya tumawag sa akin." Then she bit her lower lip again.

Nakaka guilty man na nagawa ko pang gawing sinungaling si Bree, I just had to.

Oo, alam ko na darating at darating ang oras na magkikita kami ulit ni Zieg. Kahit galit ako sa kanya, mahal ko pa rin sya. Mahal na mahal. Kaya nga ako nasasaktan ng ganito, eh? Hindi naman ako sensitive at selosa pero hindi ko alam na may ganito akong tendency if not for my love for him.

Laglag ang balikat na naupo ulit si Bree nang maputol na ang tawag ni Zieg.

"Parang hindi sya naniniwala na hindi mo ako tinawagan, eh. Huwag nya lang maisip na nandito ka, mamaya kumatok na 'yon."

Hindii ako sumagot. Yumuko lang ako at natulala sa sahig.

"Ayanna, ano ba? Umayos ka nga. Si Selina lang 'yan! Maybe Zieg's just really committed para mahuli na 'yung human trafficking ring. He's looking for you and he sounded really desperate."

"Wala pa ako sa mood kausapin sya," Walang gana na sabi ko.

"Okay, fine." Tumayo si Bree at kinuha ang bote ng beer mula sa kamay ko. "This is enough." Kinuha nya na rin ang ilang bote pa na nasa coffee table ng sala nya 

(Wag nyo laitin yung mga tao, wala na akong choice eh. Para maimagine nyo na lang. Lol. Interior by me.)

Hindi na ako nag protesta. Sobrang wala akong gana. Humiga na lang ako sa sofa at tumitig sa kisame. Hinihila na ako ng antok pero ayaw ko pa matulog. Pinapkiramdaman ko pa ang sarili ko. There's a part of me that misses Zieg pero may part rin na inis na inis. Ayoko muna sya kausapin dahil baka makita ko na naman ang disappointed look nya kapag nagpaka maldita na naman ako.

May sinasabi si Bree habang naririnig ko na may ginagawa sya sa kusina nya pero hindi ko na iyon maintindihan. Parang kusa na pumikit ang mata ko dahil sa bigat ng mga talukap ko.

Naalimpungatan ako nang maramdaman ko na mahuhulog na ako. My body fell from the sofa and I heard a loud sound. Agad kong naramdaman ang sakit ng ulo kaysa sa sakit ng balakang ko na unang tumama sa sahig. May carpet rin naman kasi na sumalo sa akin.

I looked around nang makaupo na ako ulit. Sinapo ko ang ulo ko. Nakaramdam rin ako ng sobrang pagka uhaw at nasusuka ako dahil sa natirang lasa ng beer sa bibig ko. Naka ubos ako ng dalawang regular sized bottled water mula sa ref ni Bree.

Tiningnan ko ang wall clock. Pasado alas nueve na ng gabi! Doon ko lang rin napansin na may note na nasa pintuan ng ref si Bree.


Initin mo na lang sa microwave yung marinara, nasa ref. Pakilock na lang kung uuwi ka na.

-Bree


Nang mabasa ko ang note ay tsaka ako nakaramdam ng gutom. Halos wala akong kain buong araw. Hindi ako nakapag agahan dahil sa bwiset na Selina na 'yon, nawalan na rin ako ng gana kahit na naka alis na sila. Sya rin kasi ang nagluto.

Tapos nang pumunta naman ako sa Lush, sobrang inis ako. Kaya nag nagpa gawa na lang ako ng milk tea kay Shane tapos kumain ako ng isang slice ng blueberry cheesecake. Hindi ko pa nga naubos. Tapos dumiretso na ako rito kay Bree para uminom.

Iniinit ko na sa microwave ang marinara habang nag aayos ako ng sarili ko sa bathroom ni Bree. May kalakihan ang bahay ni Bree kaya nag i echo lahat ng galaw ko na may tunog kahit na marami ring gamit. Hindi ako sanay sa ganitong set up, either dirty white or gray ang kulay ng mga gamit.

Sa bahay ko ay colorful ang sofa ko, pati na ang throw pillow. Kay Zieg naman ay masarap sa mata dahil wooden ang halos karamihan ng furniture at gamit nya, pati na ang ilang dingding sa bahay nya.

Naubos ko ang tinira ni Bree sa akin. Naghilamos ako at nakigamit na lang ako ng mga make up ni Bree na nasa tokador nya bago ako umalis. Nahihilo pa rin ako pero at least, wala na ang lasa ng beer sa bibig ko.

I hailed a cab home. Gusto ko pa matulog. I need to get everything out of my system.

I was looking for my keys in my bag. Nakayuko ako kaya hindi ko agad napansin na may bulto pala na nasa tapat ng pintuan ng unit ko. Napaawang ang labi ko nang makita ko ang seryosong seryosong mukha ni Zieg. 

His hair's a mess, gusto ang polo na suot nya and he looked sleepy! Parang babagsak na ang mga mata nya sa antok.

I swallowed. Hindi ako agad nakapagsalita. Muntik ko na syang biglang yakapin pero agad rin na umukilkil sa isip ko na pinaghintay nya ako sa wala kanina at nagtagal na kasama si Selina.

Everything dawned to me in a few seconds in between.

"Where the hell did you go? Bakit hindi kita matawagan?" Frustration ran in his voice. His handsome face became an evidence that he really had a hard time looking for me. Was he here all along?

"Anong pakealam mo?" Salubong ang kilay na tanong ko. Bahagya ko syang hinawi para makatayo ako sa harap ng pintuan at mabuksan ko na gamit ang susi. 

I pushed the door and went inside directly. Ayaw ko naman syang pagsarhan. Alam ko na nag-alala sya sa akin at naging matigas lang talaga ang ulo ko. I want him to know na nasaktan ako sa ginawa nya. 

Mabilis syang sumunod papasok at sinara ang pinto.

I threw my bad at the sofa and went inside my room. Hinubad ko ang mga damit ko. Sumunod rin sya.

"Ayanna, are you really trying to kill me, ha? Alam mo ba kung saan saan ako pumunta para hanapin ka? Why the hell would you leave Lush and tell your employee to tell ma na nasa impyerno ka? What the hell is going on?" Ngayon ko lang narinig na nagtaas ng boses si Zieg. 

Humarap ako sa kanya at nagulat ako dahil mukhang galit na galit sya. Napaawang ang mga labi ko dahil hindi ko alam ang isasagot. Nakaramdam ako ng kilabot at guilt.

"Alam ko na nalate ako kanina. Hindi rin ako nakatawag dahil nalobat ako. Dumaan ako sa bahay kasi akala ko andoon ka pa. When I learned na wala ka na, I went directly to Lush but your employee told me that you told him to tell me na nasa impyerno ka." His jaw clenched and I saw the intense anger in his eyes.

"Bakit ka ba na late? May usapan tayo. You'll drop her off, then babalik ka na." I was trying to be calm pero ang emosyonal ko.

Shit. Ang babaw lang sana ng issue pero nakakainis kasi parang pabor lahat ng ginawa ni Zieg kay Selina samantalang ako parang talo. Ako 'yung nagmukha masama dahil aksidente lang daw pagkatapon ng juice sa akin ni gaga at pinipilit ko na sinadya nya. Ako pa 'yung parang tanga kasi nagalit na wala naman dapat ikagalit. Ako pa 'yung may kasalanan kasi hindi ko sya hinintay dahil sa paghatid nya sa Selina nya!

"We did a few stopover. Selina asked me to let her get a few things-"

"See?" Putol ko sa kung anong sasabihin nya. "Ayan ang sinasabi ko sa'yo, Ziegfried Alonzo III. Nananadya 'yan. Alam nya na hinihintay kita kaya sinadya nya na ma late kayo!" Gigil na sigaw ko. Gusto ko bigla manabunot ng mahabang buhok ng maliit na babae.

"Ayanna! Ano bang nangyayari sa'yo? Why are you so relentless with every Selina's move? Why do you see her as evil?" Malalim ang kunot sa noo nya. "She's been a part of that syndicate but you don't know her story, she's a victim."

Tumawa ako. "At bakit consistent ka rin na ipagtanggol sya? Nabubulag ka sa pag-arte nang babaeng 'yon sa'yo. Baka nakakalimutan mo na kahit alam nyang ta'yo na, nagsesend pa rin sya sa'yo ng halos nude na picture nya tapos naka baby pa ang tawag sa'yo?" Mapait ang bawat salitang binibitiwan ko. "Victim? Alam mo ba kung gaano na sya katagal doon? Ang convenient naman pala na ngayon sya nakonsensya at ikaw talaga ang tinawag nya."

Napabuga ng hangin si Zieg. Alam ko, malabo na magkaayos kami ngayong gabi. Pareho kaming may ipinaglalaban at alam ko sa sarili ko na hindi ako magpapatalo.

"That woman has the hots for you and you seemed to enjoy it!" Matalim ang tingin na sabi ko sa kanya. "May pasend send pa g picture at patawag tawag pa ng baby!"

"That's nothing. I told you, wala naman syang mapapala sa akin." He's still trying to defend that bitch! Mas lalong gusto kong magwala!

Umismid ako. "Walang napapala? She has you at her beck and call. Isang tawag nya lang ay pinuntahan mo sya. Sinunod mo ang gusto nya kahit ma late ka at paghintayin ako para lang magawa 'yung gusto nya. She succeeded." Gusto ko nang maiyak dahil ngayon ko rin na realize ang lahat.

That woman is manipulative. Probably a psycho. Bigla akong naliwagan.

Hindi sya nakapagsalita. Baka narerealize nya na rin.

Naglakad ako papunta sa closet ko at kumuha ng nightgown. I need to be at least dressed.

"Go home, Zieg. I don't want you here right now." Mahinahon na sabi ko habang sinusuot ang nightgown na kinuha ko.

Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Zieg, Sa pagtalikod nya at paglalakad palayo ay naramdaman ko rin ang mga luha kong tumulo.



--

Uy hindi ko na agad tatapusin 'to, ha? Sana nandyan pa rin kayo. Inextend ko na ang naisip kong ending. Since puro maiikli mga gawa ko lately, I'll try to make this one longer. Pero hindi 'to aabot ng mga 75 chapters, ha? Wag hopya. Lol. May story pa si Bree! Hahaha.

Pa follow na rin ako sa instagram mga magaganda at gwapong nilalang!

Pa search na lang ScarletteQueen. Salamat! <3

You are reading the story above: TeenFic.Net