♣️ 7

Background color
Font
Font size
Line height

♣️ 7

"The thunder uproar, the heart is beating. But the pain is quiet."
-

-

Pierre Delvono

Iyak ng iyak si Irish. Nagising na si Niniana at Trinix. Pareho nilang pinapatahan si Irish. Hindi ko siya malapitan dahil halos nabato na niya sa 'kin ang lahat ng throw pillow.

"Ayos kitang makita Pie! Alis! Umalis ka na!" Humahagulgol na sigaw sa 'kin ni Irish. Nasa tapat lamang ako ng pinto and I really want na mapatawad niya ako...pero wait? Hindi naman ako nag gumawa ng lahat ng iyon sa make ups niya. Alam kong sobrang importante lahat non kay Irish.

"Irish...sorry na..." Sincere na sabi ko kahit na ba kasalanan itong lahat ni Luningning!

Nakatingin lamang sa 'kin ng masama si Irish.

"Hindi mo ba narinig si Besh? Umalis ka na raw! Gusto mo ba ako pa magtaboy sa 'yo?" Sabat ni Niniana. 

Nagkatinginan kami.

"Oo aalis ako, basta. Papalitan ko lahat ng nasirang make-ups mo. I'm so sorry again." Sabi ko sabay hawak sa doorknob. Napatingin lang sa 'kin si Irish.

Hays Luningning.

I really need to talk with Doc Vallejos right now. Hindi ko alam kung bakit lumabas itong si Luningning.

Sa pagkakaalam ko ay kami nalang ang natira ni Ezekiel. Nasa parking lot na ako ng building. Pagkasakay ko ng sasakyan ko ay tinawagan ko si Doc to inform him na magtutungo ako sa clinic niya.

Pagka-confirm niya na pwede akong magtungo ngayon sa clinic niya ay kaagad kong binuksan ang engine ng sasakyan ko. Naiiling na lamang ako sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang gulong ginawa ni Luningning.

Iyon ang hindi maganda sa ugali ni Luningning. Kapag ayaw niya ang shade ng isang lipstick ay tinatapon niyo sa inidoro. Mahilig siyang mag make up sa bathroom. Lalo akong napapikit nang makita ko kanina ang pisngi at leeg ni Trinix. Punong-puno iyon ng lipstick marks.

Kilala ni Tyler ang alter ko na si Luningning. Kaso ay trauma rin siya. Ang magaling na Luningning ay iniuwi lahat ng briefs ni Tyler. At kung ano-ano pang collection niya ng boxer at brifes ang nasa cabinet ko. Kaya kapag may nadagdag sa mga boxer at brifes ko ay ibig sabihin nonay lumabas siya at nadagit na naman kung saan ng boxer at briefs.

Ang latest na boxer short na kinuha ni Luningning ay 'yong kulay pink na may superman na print. Sino kayang matinong lalaki ang mabo-boxer short ng ganoon? Lalo na 'yong glittery na boxer na naka print na mukha ng isang celebrity pinapatos din na dagitin ni Luningning.

Tapos ngayon hindi ko alam kung kailan siya uli lalabas.

Nagpark ako sa San Sebastian Medical Center. Ito ang pangalawang kilala at magandang Hospital sa bansa. Dito kasaluyang nakadestino si Doc Vallejos.

Next time nga hindi na ako iinom ng alak. Baka lumabas na naman si Luningning. Nakakabahala lang na baka mas malala ang kanyang magawa sa mga susunod.

Bukas na ang opisina ni Dok. Mukhang inaasahan niya na darating ako. Kaya hindi na siya nagulat nang pumasok ako. Kasalukuyan siyang humihigop ng kape. Nagtanguan lang kami. Mukhang alam niya na ako ang kausap niya. Tatlong taon na niya akong hawak. 

"I re-profile your alter...Luningning right?" He said. Naupo lang ako. Nagtungo siya sa table niya at naupo na rin.

"Well, once ko palang pala siyang na-encounter and he's little too extra and outrageous...and oh, he's a gay." Sabi ni Doc. Napatingin ako sa kanya at napatango.

"Hyper siya. Mahilig sa boys." Sabi ko. Muntikang maibuga ni Doc ang iniinom na kape.

"At least, he's harmless." Doc said.

"Not with female. Nananabunot siya." Sagot ko. Iniyos ni Doc ang pagkakasuot ng salamin niya.

"Typical gay tho." Sagot ni Doc. Isinara niya ang folder.

"You want tea?" Alok niya sa 'kin.

"Nope, I'm full. Thank you." Sagot ko naman..

"Are you stress one of these days?" tanong niya. Napaisip ako.

Si Ezekiel lang naman ang stress ko sa buhay.

"Well, you know my work field as a game developer. Madalas may quota na need ma-reach. Lalo na sa market." Wika ko. 

Tumatango siya at kumuha ng Rx paper at may sinulat doon.

"You need to take this medicine to increase your seratonin. Once kasi na stress ka, may tendency na mag-trigger sila specially, Ezekiel." Paliwanag niya.

After niya magsulat ay iniabot niya sa 'kin 'yon.

"And then, don't forget your weekly therapy and counseling."

"Thank you so much Doc, as you said. Kapag may problema. Diretso kaagad ako rito."

 Ngumiti lang siya at tumango.

Nang tumingin ako sa kanya ay tila nanlalabo siya sa paningin ko. Hindi ko pinahata 'yon.

"Dok? Can I use your restroom?" Paalam ko sa kanya.

"Sure, that way." sagot niya sabay itinuro ang way ng restroom niya.

Tumayo ako. Paulit-ulit kong kinukurap-kurap ang mga mata ko. Pagkapasok ko sa loob ng restroom. Kapahawak ako sa salamin. I felt so agitated. Parang hinahabol na naman ang hininga. Pagkatingin ko ng sarili ko sa salamin ay tila may nakikita akong nakangisi.

"No!!!" Sigaw ko. Binuksan ko ang faucet at paulit-ulit na binasa ang mukha ko ng tubig.

I saw him...I saw Ezekiel!

Nang mapatingin ako muli sa salamin ay wala na siya roon. Napasabunot ako sa buhok ko. Unti-unti akong dumadausdos.

"Hindi ako mahina! Umalis na kayo! Hindi ako mahina! Hindi! Hindi!" Paulit-ulit kong bulong. Tinakpan ko ang taenga ko sapagkat tila naririnig ko si Ezekiel na humahalakhak.

Bigla ay nakaramdam ako ng kirot na siyang gumuhit sa utak ko.

--

Luningning (Alter)

Napatayo ako at tumapat sa salamin. Ngumiting wagi aketch! Naunahan ko si Fafalu Ezekiel sa paglabas. Akala ba niya papatalo ang beauty ko?

Inayos-ayos ko ang buhok ko. May kinapa ako sa pocket ng jacket na suot ni Fafalu Pierre. Isang face powder, brow pencil, mascara, blush on, at lipstick. Mabuti nalang at hindi niya napansin. Ito ang mga nagustuhan ko sa mga make ups ni Beshykels Gwenny.

"Mr. Delvono, are you all right?" Napatingin ako sa kumakatok. Ayyy, si Fafalu Dok Flynn ba iyern?

Kumatok din ako bilang respond. Baka kasi akala niya ay nalunod na ako sa inidoro.

Huli akong naglagay ng lipstick. Syems! I'm so gandalu talaga!

Of course ang pamatay kong pa Luzon, Visayas, at pa Mindanao kong pwet ay heto na naman.

Pagkabukas ko ng pinto ay saktong nakatalikod si Fafalu Flynn.

Iniipit ko ang invisible hair ko sa taenga ko. Natatakam ako sa maumbok niyang pwet. 

Why zo hot Dok Flynn?

"Fafakels..." Malandi kong tono. Napalingon naman siya. 

Nabitawan niya ang hawak niyang tasa at dahil carpeted nag floor ay hindi 'yon nabasag at napanganga siya sa beauty ko.

"Miss me?" Kinindatan ko siya at unti-unting lumapit sa kanya.

"Lu-Lu-Luningning?!" Gulat na sabi ni Fafakels. Lalo naman akong kinilig kasi natatandaan niya pa pala ang kagandahan ko.

"Aketch nge, Fafakels." Malandi kong sabi. Napalunok siya at umuurong.

Inginuso ko sa kanya ang labi ko. Sobra kong na miss ang Fafakel na itey. 

Lagowt siya sa 'ken ngayern!

"FAFAKELS!" Bigla ay tinalon ko siya. Sabay sunggab ng yakap.

Napasigaw siya. Nakapiksi siya sa una kong yakap. Aba, nagpapakipot pa ngayon ang Fafakel ko na itey?

Okay, aggresive Luningning mode on!

Muli ko siyang hinabol. Nag-ikutan kami sa buong opisina niya. Gusto niya pala ng habulan ah. Sure! pagbibigyan ko siya. Kasi kapag napagod siya ay sa 'kin din naman siya babagsak.

Patuloy ko lang siyang hinuhuli. Tumalon na siya sa lamesa niya lahat na yata ng pwedeng ipangharang sa 'kin ay naipangharang na niya.

"Fafakels...sumuko ka na...mapapagod ka lang sige ka." Sabi ko sabay pout sa kanya kanya ng mga labi ko.

"Okay, stop playing, diba good girl ka? Gusto mo akong maka date diba?" He said. Huminto ako. Pinagdikit ko ang dalawang hintuturo ko.

"No...I want you to kiss me Fafakels..." Sabi ko with beautiful eyes.

"Okay fine. You may kiss me.Basta behave ka..."  Unti-unti niya akong nilalapitan.

Napapangiti naman ako. Mukhang susuko na si Fafakels! Ka-excite!

Magkatapat na kaming dalawa. Muli akong ngumuso upang maghanda kung hahalikan na niya ako.

Bigla ay may kung ano siyang pinalupot sa 'kin.

"Emeyged! Fafakels! Ano itey?!" Tili ko. 

Tuloy lang siya sa pagpulupot ng tali hanggang sa iniupo niya ako sa isang upuan.

Lalo akong hindi makagalaw.

"Pashnea ka! You fool me Fafakels! Pagbabayaran mo itey! Argh! alisin mo iteeyy!" Nagkakawag ako. Pero ang higpit ng pagkakatali niya.

"Ano'ng sabi ko? Behave diba?" He said. Inirapan ko siya. Ekis na siya sa mga Fafalu ko.

He's bad!

Hindi ko na siya Fafalu!

Nagtungo siya sa drawer ng table niya at may kinuha doon. Nanlaki ang mga mata ko nang pakita ko kung ano 'yon.

"Luningning, you may sleep now." Sabi ni Dok.

 Napalunok ako. Binuksan niya ang ammonia at ipinaamoy sa 'kin 'yon.

I really hate you Dok! Lagot ka talaga sa'kin sa susunod na lumabas ako!

--
Pierre Delvono

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. May naririnig akong paulit-ulit na tunog ng bell. Napatingin ako sa gilid ko and I saw Dok Vallejos. Pinapatunog niya ang isang triangle. It's make my mind relax.

Nang hagurin ko ang sarili ko ay nabigla ako. Bakit ako nakatali?

"What happened?" I asked.

"Lumabas si Luningning, naging agressive. Ayan, itinali ko." He answered. Nagtungo siya sa 'kin at kinalag ang pagkakatali.

This is not good. Bakit lumalabas nalang sila ng ganoon lang?

Napatingin naman ako sa buong paligid. Napakagulo ng buong opisina ni Dok. Parang nakaramdam ako ng hiya sa perwistonh dinulot ni Luningning.

"I apologized of all the messed that Luningning's made." Wika ko.

He tapped my shoulder.

"It's okay. Ang mahalaga you may take a rest.Basta don't forget to buy the meds."

Tumango lang ako. Tumayo ako at hinatid niya ako hanggang sa pinto.

"Thank you so much Dok." I said.

"No worries." he answered.

Kaagad akong nagtungo sa pharmacy ng hospital upang bilhin ang gamot. Kailangan ko muna yata talagang ilayo ang sarili ko sa stress. Hanggang kailan na naman kaya ako uli magpapahinga?

Nakahinga ako ng maluwag nang nasa Parking lot na ako. Tama, ipapahinga ko muna talaga ito.

Sumakay ako ng elevator. Habang inaabangan ang 15th floor ay napatingin ako repleksyon ko. Tila may glitch na naman akong nakikita.

Napahawak ako sa hawakan ng elevator. Tila hinuhugot na naman ang lakas ko...

Nakikita ko sa repleksyon si Ezekiel...

--
Ezekiel Rios (Alter)

Damn you!

Mabilis akong napatayo. Nasa 10th floor palang ako.

"Diba, sabi ko sayo hindi ka magtatagumpay na puksain ako!" Napatingin ako sa repleksyon. Sinuntok ko iyon.

Hinding-hindi ko na hahayaan na makabalik ang Pierre na 'to. Even Luningning!

Hindi ko alam kung bakit lumabas na ang salot na 'yon!

Sinisira niya ang magandang imahe ko!

Pareho sila ni Pierre na mga peste sa buhay ko!

Bumukas ang pinto ng elevator nang nasa 15th floor na. Lumabas ako at ipinamulsa ang kamay ko. Kapag may nakita talaga akong humarang sa daraanan ko ngayon ay talagang sasapakin ko.

Naglalakad na ako patungo sa unit ko. Not Pierre, akin ang lahat ng kanya.

Napahinto ako nang may maamoy na pamilyar na halimuyak.

Sinundan ko ang halimuyak na 'yon. Hindi ako maaaring magkamali.

It's the scent of my love.

Niniana Velaroza.

You will be mine again.

--


You are reading the story above: TeenFic.Net