🌹2

Background color
Font
Font size
Line height

🌹

"You're like an air to me, because I can't live and breathe without you."

Niniana Velaroza

Sobrang sakit ng ulo ko. Para akong nahulog sa kung saan. Kainis!

Pagkamulat ko ay nagtaka ako. Bakit nandito ako sa kwarto ko? Nakayanan akong dalhin ni Purple rito? Kaya loves na loves ko ang kaibigan ko na 'yon. Binihisan pa talaga ako ng nightgown ko.

Pero...

Bakit ang daming petals ng roses sa kama ko?

Inalis ko ang isa sa buhok ko. Napalaban yata talaga ako kay Purple kagabi. Sobrang sama kasi ng loob dahil brokenhearted pa ako. Gustuhin ko mang tanggapin na hindi ako mamahalin ni Hideo Canliagn pero ang sakit talaga. I-announce ba naman sa publiko na magpapakasal na siya. Kaya ang sakit nakakaiyak!

Nang gumalaw ako ay may naramdaman akong kirot sa pagitan ng mga hita ko. Saan ba ako tumama kagabi? Wala talaga akong maalala. May sapot pa yata ang utak ko.

Puno ng rose petals ang kama ko pati ang sahig. Ano bang trip nitong si Purple? Hindi naman kaya natitibo na siya sa'kin?

Ika-ika tuloy akong maglakad habang patungo sa bintana sabay inihawi ang dim curtain. Nagliwanag sa buong kwarto ko. Tirik na pala ng sobra ang araw. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Purple.

"Yes? Natutulog pa 'ko eh..." Sagot niya mula sa kabilang linya.

I rolled my eyes.

"Ikaw paano mo ako kinaya kagabi? Na-appreciate ko ah."

"What are you talking about?"

Nangunot ang noo ko.

"Diba hinatid mo ako sa unit ko kagabi?"

"Gaga, paano kita ihahatid kung noong pagbalik ako ay wala ka na sa pinag-iwanan ko sa'yo. Diba sabi ko hintayin mo ako saglit?"

"HA?!" Bulalas ko.

"Wala ka na nga sa sarili mo kagabi eh. Hinahalikan mo na kaya ako. Kadiri ka."

Napapikit ako. Aminado naman ako na gano'n ako kapag sobra na sa kalasingan.

"Paano ako napunta rito sa unit ko kung ganoon? Nakabihis pa ako Purple!"

"Promise Nini, hindi kita hinatid kagabi. Nag-alala pa nga ako sayo eh."

Kinikilabutan ako.

What the fuck...

"Purple h'wag mo ako i-joke. Kinikilabutan ako."

"Oo nga! Maniwala ka! Kailan ba kita biniro? Lalo na't bagong gising ako?"

Nagsimulang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Then who brought me to my unit?

Pilit kong inaalala ang mga nangyari kagabi. Nakakainis naman kasing hangover, hindi ako makapag-isip ng maayos. Isa malaking pagsubok ang sakit ng ulo na dulot pa nito. Hays.

"Purple, kinakabahan tuloy ako. Wala talaga akong matandaan na may naghatid sa 'kin kagabi."

"Baka naman kinaya mo? Or else gumapang ka? Lumipad ka?"

"Purple naman, alam kong wala ako sa sarili pag lasing ako pero hindi ko naman magagawang gumapang."

Napatingin ako sa may side table ng kama ko. Nangunot ang noo ko.

Bakit may letter doon?

Lumapit ako doon at kinuha 'yon saka binasa.

I'll never forget what happened between us. I want to be with you again. Same time. Same desires and same feellings between us.

-E.R.

Nabitawan ko ang phone ko. Saka ako napasigaw. Muli kong kinuha ang phone ko.

"Purple!" Bulalas ko muli kay Purple over the phone.

"Bakit? Ano'ng nangyari? Nainom ko tuloy ang pinagmumugan ko dahil sa sigaw mo." Reklamo niya.

"This can't be...Purple! This can't be!"

Hindi ko na alam ang iisipin o gagawin ko. Someone got to me!

"Ano ba kasi 'yon?" Tanong niya.

"May lalaki ka bang nakita na kasama ko kagabi?"

"Wala naman, bigla kang nawala diba?"

Napahawak ako sa noo ko.

"Sige wait, sumasakit ulo ko."

Pagsisinungaling ko. Pinutol niya na ang linya. Hindi pa rin ako mapakali. Napapatingin ako sa mga red rose petals sa paligid.

Lalaki ang nag-uwi sa'kin? At hindi lang 'yon. There was something that happened between me and that guy?

Kaya ba masakit ang nasa pagitan ng mga hita ko kasi...naka-sex ko siya?

Oh my God!

Parang gusto kong buhusan ng malamig na tubig ang sarili ko.

Sobrang tanga ko! Bakit ko hinayaang mangyari 'yon?

Pumikit ako. Unti-unti nang nawawala ang mga sapot sa utak ko. May naalala akong eksena na may lumapit na lalaki sa'kin. Kaso ang dilim ng mukha niya kaya hindi ko marecognize.

Hinding-hindi na talaga ako iinom ng marami!

Nagtungo ako sa banyo at tiningnan ang leeg at dibdib ko. Potek!

Napakaraming kiss marks! Pati tiyan ko hindi pinatawad!

Kung sino man 'yon. Kakasuhan ko talaga siya ng rape and harassment.

Pero hindi naman 'yon matatawag na rape kasi hindi naman ako nagpumiglas o ano eh? So parang ginusto ko pa gano'n? No! Hindi. Kasi wala naman akong kaalam-alam sa nangyari.

Muli kong binasa ang initials niya.

"E. R... "

Medyo may naalala ako sa nangyari kagabi.

"Eze...kiel..." Tama ba ako?

Pwes sino ang Ezekiel ? May pa-petals pang nalalaman sa kama ko. Maaalala ko rin siya kapag nakita ko siya. Akala niya ha!

Nagulat ako nang biglang may tumawag sa phone ko. Kaagad ko naman sinagot.

"Mice? Bakit?" Ano na naman kaya?

"Ate, umuwi ka raw dito sa mansyon sabi nila Papa."

I just hissed in frustration. Kaya nga ako kumuha ng sarili kong unit at umalis doon para hindi ko na sila makita.

Last time kasi ay nabugbog ako ni Kuya Rat. Napakawalangya ng kapatid ko na 'yon. Tapos ang masaklap siya pa ang kinampihan ng mga magulang namin. Pinagtulungan nila akong lahat. Si Mice naman kasi walang magawa.

"Sa tingin mo ba gusto ko pang umuwi d'yan?"

"Ate sige na, sila Papa na ang nagrequest." Huminga ako ng malalim. Lagi nalang ba akong sunud-sunuran? Pakiramdam ko nga hindi ako parte ng pamilya nila. Nakakaawa na ako.

Nagsimulang maging ganoon sa'kin ang mga magulang ko nung hindi ko tinapos ang gusto nilang course para sa 'kin. Tourism kasi ang tinapos ko, samantalang Medicine ang pinapakuha nila sa 'kin. MedTech ang una kong course kaso ginagago ko lang kasi hindi ko naman talaga gusto. Gusto kasi nila na nasa Medisina kaming lahat magkakapatid. Kasi may pabrika kami ng mga gamot at sa amin kumukha ang lahat ng pharmacy ng bawat hospital dito sa Pilipinas.

Lalo silang nawalan ng amor sa'kin nang piliin ko lang maging modelo after ko mag-college. Pero sa totoo lang, hindi ko talaga alam ang direksyon ng buhay ko. Parang ang daming mapa na naputol. I wish that find my true route soon enough.

"Okay fine." Ibinaba ko na ang phone. Saka napagpasyahang maligo. Wala muna akong oras na alamin kung sino itong damuhong lalaki na naka one night stand ko kagabi. Kailangan ko munang harapin ang mga magulang ko at harapin ang pagmumukha ng kuya kong kinulang sa buwan ang ugali.

Pagkarating ko sa mansyon ay busy na silang kumakain ng lunch. Nagmano ako kila Mama at Papa. Nakangiti lang si Mice. Tiningnan ko lang ng masama si Kuya Rat. Pareho na silang naka med suite.

"Kamusta ka anak?" Pasimula ni Papa.

"Ayos lang naman, Pa." Sagot ko habang kumukuha ng ulam. Halos mga paborito ko ang niluto pero dahil diet ako ay konti lang ang kakainin ko.

"Wala ka na ba talagang balak bumalik dito nak?" Tanong naman ni Mama. I almost snickered at her question.

"Paalisin niyo po si Kuya Rat nang bumalik ako rito." Nagtitigan kami ng masama.

"Tigilan mo lang Nina ha, kung ayaw mong..."

"Ano? Sasaktan mo uli ako?! Subukan mo! Gigilitan na talaga kita!"

"Aba't- Sinusubukan mo ba talaga ang pasensya ko?!" Napatayo siya. Napatayo rin ako.

"MAGSITIGIL NGA KAYO!" Sigaw ni Papa.

"Mga wala kayong modo. Nasa harapan niyo ako at ng hapag! Magsiupo kayo!" Sinunod na lamang namin si Papa.

Hindi naman ako ganito kung hindi lang dahil sa Kuya kong ito na napakasama ng ugali. Napakabugnutin pa. Dinaig pa kami ni Mice.

Wala ng pag-asa na mapunta pa sa langit ang isang katulad niyang alagad ni Satan.

"Excuse me." Biglang napatayo si Mice tutop ang bibig niya. Anyare naman sa kanya?

"Masama ba pakiramdam ni Mice?" Tanong ko sa kanila.

"Eh, baka. Sabi ko nga uminom kaagad ng gamot o magpahinga kung hindi kaya." Nakatingin lang ng matalim si Kuya Rat sa direkson ni Mice na nagtungo sa kusina.

"Wala ka na ba talangang balak sa buhay mo Nina kundi ibalandra ang katawan mo sa Edsa?" Tanong ni Papa. May latest kasi akong Print Ads. Nasa pinakamalaking Billboard ng Edsa. Ako ang napiling model ng isang sikat na lingerie. Tatlong buwan ang hirap ko bago ko ma-achieve ang sexy body ko na 'yun.

"Dad, ano bang masama sa ginagawa ko? Atleast I won't be taking illegal things like drugs. Duh?" Napailing na lamang si Papa.

"Itong anak niyong lalaki try niyong ipa-drug test baka gumagamit." Tumayo si Kuya Rat at hinampas ang lamesa.

"Male-late na 'ko. Mauuna na ho ako." Sabi niya sabay napatingin sa 'kin ng masama. "Hindi pa tayo tapos Nina ha." Inirapan ko lang siya. Napakaaffected naman niya. Akala ko nga lahat ng binibintang sa kaniya ginagawa niya nga.

"Soon nalang po ako uuwi rito Ma and Pa kapag kaya ko na pakisamahan ang Kuya ko." Napailing na lamang sila. Mukha naman kasing hindi darating ang araw na iyon.

***

Pierre Delvono

"Tulongggggg." Pilit kong sinusuntok ang salamin sa pagitan namin.

"Kianna! Nandito na ako Kianna!!!" Pero palapit ng palapit ang amoy na nasa likuran niya.

"Kuya Pierre! Tulong!!!" Pagmamakaawa niya. Buong lakas kong sinuntok ang salamin. Napakarami na rin niyang dugo sa mukha at kamay. At napakabata niya pa para maranasan ng lahat ng 'to.

"Kiannnnnnaaaaa!" Unti-unti na siyang dumadausdos habang papalapit sa likuran niya ang apoy.

"Hindeeeeeeeeee!!!"

Bigla akong napabalikwas ng bangon. Humagulgol ako ng malakas saka sinuntok ang headboard ng kama ko. Napanaginipan ko na naman ang isa sa pinakabangungot ng buhay ko. At pinagsisihan ko ang nakaraan na hinubog akong maging ganito.

May isang taong namatay dahil sa 'kin. Wala na akong ibang sinaktan kundi ang sarili ko.

Napahawak ako sa ulo ko dahil kung ano na naman ang gumuguhit.

"Hindi! H'wag kang lalabas! H'wag!!!" Kukunin ko na sana ang gamot ko pero huli na.

--
Ezekiel Rios (alter)

Tinapon ko kung saan ang lintik na gamot na 'yon ni Pierre. Sisiguraduhin kong mahihimlay muna siya. Duwag naman siya eh. Ako ang tunay na magmamay-ari ng katawan na ito.

Kumukha ako ng medicine  kit at ginamot ang kamay ko na isinuntok niya kanina sa headboard.

Nagbihis ako saka kinuha ang itim na leather jacket. Inilagay ko ang mga gamit ko sa hindi mahahanap ni Pierre dahil alam ko kasi na itatapon na naman niya. Kumuha ako ng iilang milyong pera na nasa drawer.

I just wanted to play casino for tonight. Then, night life or i-stalk ang pinakamamahal kong si Niniana...

Yeah...

I really want to get a glimpse of her again. Kasi after that night ay hindi na uli ako lumabas kay Pierre. Sinadya niya talagang uminom ng tatlong gamot.

Pagkasakay ko ng sasakyan ay mabilis kong pinaharurot 'yon. Pagkarating sa casino ay tila nagulantang silang lahat sa 'kin. Ngayon lang kasi ako bumalik dito. I smirked in delight and superiority.

Mga businessman at politiko ang mga makakalaro ko ngayon. Kaagad akong tumaya ng baraha and let the game begin.

After an hour ay sabay-sabay na nagwalk out ang mga nakalaro ko. Humithit lang ako ng sigarilyo habang natatawa sa mga talunan nilang mga mukha. Inilagay ko lahat sa safe bag ko ang mga pera na napanalunan ko.

Pagkalabas ko ay natanaw ko siya...

"Yah, you need to go here." May katawagan siya sa phone kaya hindi niya ako napansin. Nilagpasan niya lang ako.

She's so sexy in her slit fitted dress in red color. I think she's inviting me to ravish her again. And I'm more than willing to pleasure both of us.

Pumasok siya sa isang VIP room.

Sinundan ko lang siya. I think I want another night with her. And many more nights. I just want to be with her.

And this time I make sure that she will fall in love with me.

--


You are reading the story above: TeenFic.Net