♦️ 13

Background color
Font
Font size
Line height

That One Night

Chapter 13

"Sometimes pretending is the best way to win and survive."

--
Pierre Delvono

Isang tunog ang siyang tuluyang nagpagising sa diwa ko. Tulala akong nakatingin sa kisame ng kwarto ko, pagkatingin ko sa gilid at nakita ko roon si Dr. Vallejos. Katatapos niya palang na patununging ang triangle instrument na isa sa way niya upang mapakalma ang isang pasyente. Hindi na ako magtataka kung may ibang lumabas na personalidad sa akin kanina sa party ni Niniana.

"Si Ezekiel ang lumabas, hindi na ako magtataka." Wika ko habang unti-unting tumatayo. Kaagad naman akong inalalayan ni Dok pasandal sa headboard ng kama ko. Dama ko ang tusok ng karayom sa kung saang parte ng katawan ko. 

"Obsession and Possession over one woman is now the weakness of Ezekiel. And that woman is Niniana Velaroza, right?" he said calmly.

"Siguro? Pero hindi tayo dapat pakasiguro dahil alam nating pareho na magaling maglaro si Ezekiel." 

Tuluyang natawa ng pagak si Dok. 

"The best thing that I did in my entire profession is to overtime. Like while ago. I used to attend at that launching party just to purchase the perfume." Sabi niya saka inilabas ang isang bote ng perfume ng N'fume. Palibhasa ang amoy ng perfume na iyon ay pwede sa dalawang kasarian. 

"I see, Dok." 

"Nakita na kita but pero mas pinili ko nalang na mag-observe until the fireworks happens. May series of traumatic experience kayo ni Miss Niniana sa apoy. That is too much for coincidence. I guess, you both had a connection. And that thing is you needed to know."

"Yes dok, everytime na may involve na apoy ay doon din lumalabas si Ezekiel."

Iyon lamang ang huli kong naaalala kanina bukod sa... hinalikan ko si Niniana. Hindi ko alam pero sabi ng isipan ko ay iyon ang mapapakalma sa aming dalawa kaya ginawa ko nalang.

"Interesting, right? Then nung lumabas na si Ezekiel saksi ako sa pag-provoke sa kanya ni Miss Irish, and it's quite amazing. Nang i-avoid niya si Niniana sa kanya ay doon ko nga nakumpirma na si Niniana ang kahinaan niya."

Si Irish? Hinarap si Ezekiel? Nako po. Kabilin-bilinan ko pa naman sa kanya na magpanggap na walang nalalaman patungkol sa mga katauhan na lumabas sa akin. Hindi ko rin kasi alam kung si Ezekiel lamang ba talaga ang mapanganib sa kanilang lahat. Dumagdag pa tuloy ito sa dapat kong isipin. Napatingin ako kay Dok habang patuloy siya sa pagkukwento.

"Galit na galit si Ezekiel. Sinundan ko siya hanggang dito sa unit. Hindi niya napapansin ang paligid niya kasi occupied lamang ang utak niya sa kahinaan niya.Binuksan niya ang isang secret room...doon.." Itinuro niya ang closet. "Kapag hinawi mo ang mga naka hanger na damit ay may isang pinto na bubungad, binuksan niya iyon at alam mo ba kung ano ang nasa loob?" 

Hinihintay ko lamang ang karugting ng kwento niya. Kung taguan ang usapan si Ezekiel ang maraming matataguan sa amin. 

"Puro mga litrato ni Niniana, pagkatapos mga litrato ng mga next target niya na naka X mark. Kasama ako maging si Miss Irish." Nanlalaking ang mga mata kong nakatingin sa kanya. 

Sinasabi ko na nga at idadamay niya ang mga taong sasagabal sa kanya. Kailangan ko siyang mapigilan sa mga iyon.

"Miss Irish is know how to see kung sino sa inyo ni Ezekiel ang kaharap niya. When the eyes is emotionless and empty look, ikaw 'yon. Kapag ang mga mata ay matatalim ang titig. Si Ezekiel iyon."

Totoo iyon. Mostly ay walang emosyon ang mga mata ko. It's gloomy and lifeless. Mas madalas  akong may series of Depression. Kaya madalas ay gusto ko lamang na natutulog. Hindi ko na nga alam kung kailan ako huling naging masaya. Kasi kaya kong ipakita sa mga tao sa paligid ko na masaya ko. Pero ang lahat ng katotohanan ay makikita sa mga mata. Kaya pinipilit ko pa rin na makabangon mula sa rejection na natanggap ko kay Lily. Buong akala ko kasi ay mamahalin niya rin ako pabalik dahil isa siya sa nakakaalam nito. At wala akong magagawa kundi ang tanggapin ang lahat. 

"Ngayong alam na natin ang kahinaan ni Ezekiel, may dapat na ba tayong gawin?" Tanong ko. 

Napatingin siya sa akin at ngumisi. Nag-spray siya ng perfume at sinamyo ang amoy non. 

"Agawin ang kahinaan upang mas lalong manghina ang kalaban."Makahulugang wika niya. 

"Ano'ng ibig mong sabihin Dok?" Tanong ko.

"Kailangan mong mapalapit kay Niniana."

Napanganga ako sa sinabi niya. Pero may punto siya. Si Niniana ang kahinaan ni Ezekiel. Sa oras na si Niniana ang kumalaban kay Ezekiel ay may posibilidad na matapos na ang laban na ito. At kailangan ko ring malaman kung ano ang kaugnayan kung bakit takot rin si Niniana sa apoy.

"Hindi lamang mapalapit Dok, kundi dapat din na mahulog ang loob niya sa akin. Kasi sa oras na magustuhan ni Niniana ang katauhan ni Ezekiel ay baka ako pa ang mawala. At hindi ko hahayaan na mangyari iyon." Wika ko habang nananatiling nakatulala.

Napatitig sa akin si Dok.

"Playing someone feelings is really...bad." Sabi niya. 

"Ang mahalin siya ni Ezekiel ang mas masama. Lalo pa't hindi sa kanya ang katawan na ito. Inaagaw niya."

"Just always remember that Ezekiel is your defense mechanism kaya siya lumabas to cover up the one traumatic experience na ayaw mong maalala. Sigurado ka ba na hindi ka mahuhulog sa kahinaan niya?"

Napaisip ako sa sinabi niya. Hindi nga ba dapat ako mahulog? 

Hanggang sa makarating ako ng Hospital kung saan siya naka-admit ay iyon ang katanungan sa isipan ko.

Paano nga kung mahulog rin ako sa kanya. Ang mahalin ang babaeng mahal ni Ezekiel na siyang kahinaan niya.

Naitanong ko na sa Nurse Station kung saang room siya naka admit. Bilin ni dok na kailangan kong mapalapit ang loob sa kanya. Kahit na hindi kami magkasundo at pinakakikisamahan ko lang siya sapagkat kaibigan din siya ni Irish. 

Wala siyang kasalanan at hindi siya dapat madamay sa lahat ng ito. Pero dahil siya ang kahinaan ni Ezekiel ay wala akong magagawa. 

Pagkaliko sa isang corridor ay napahinto ako nang matanaw siya. Natanaw niya rin ako kay napahinto rin siya. Napalunok ako nang maramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Nakatulala lamang ako sa kanya habang palapit siya sa akin.

"Niniana..." 

"Pierre...."

Korus naming dalawa nang magkaharap na kami.

Ako ang unang bumasag ng katahimikan. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" May halong pag-aalala na tanong ko.

"Maayos na ako, need ko lang mag rest dito  buong araw and for waiting the results of my laboratory test." Sagot niya.  Nananatili siyang nakatitig sa akin.

"Mabuti naman kung ganoon, si Irish ba?  Nasaan?" 

Sinagot niya na bumili lamang ng breakfast si Irish. Tumango-tango ako at ngumiti ng tipid. 

Naalala ko ang sinabi ni Dok na kailangan kong mapalapit sa kanya.

"Bakit ka naglalakad-lakad? Tara, bumalik ka na sa room mo." Sabi ko sabay inalalayan siya sa paglalakad. Napatingin lamang siya sa akin. 

Nakarating na kami sa private room kung saan siya naka-admit. Inalalayan ko siya hanggang sa sa hospital bed. Basta ang alam ko ay gusto ko itong ginagawa ko ngayon. At itong nadarama ko na pag-aalala sa kanya ay hindi pagpapanggap. Maging ang tibok ng puso ko. 

Pero bakit...

"Pierre...salamat pala sa kagabi." Wika niya.

Napatingin naman ako sa kanya. Sumagi sa isipan ko ang ginawa kong paghalik sa kanya kagabi.

"Ah...wala 'yon."Inalalayan ko siya pasandal sa headboard ng kama.

"Oo nga pala, Pierre. Gusto ko lang sana tanungin."

Nakatitig ako sa mga mata niya na walang pinagkaiba sa mga mata ko. Malungkot at walang buhay. Pero bakit? 

"Ang alin?" Tanong ko.

Pero nakikita ko na unti-unting nabubuhay ang mga mata niya habang nakatitig sa aking ng matagal. 

"Bakit mo ako hinalikan kagabi?" Tanong niya.

Isa rin iyang katanungan na hindi ko masagot sa sarili ko. Bakit ko nga ba ginawa iyon? Dahil ba alam kong iyon ang kailangan? 

Nanatili akong nakatitig sa kanya. 

"Ah...ano...kasi..." 

 Ano ang dapat kong isagot? Wala akong ibang naririnig kundi ang tibok ng puso ko.

"Uulitin ko, Pierre. May gusto ka na sa akin?" Tanong niya muli.

Sa pagkakataong iyon ay napatayo ako at nilapitan siya. Kailangan kong mapalapit sa kanya kasi siya ang kahinaan...

Kaya...

"Niniana... Oo, may gusto ako sayo." Hindi ko alam kung bakit parang pinipiga ang puso ko.

Siya naman ang nagulat sa sagot ko.

"Gusto kita, Niniana." Muling sambit ko.

Nakita ang pagpatak ng luha sa kaliwang mata niya. Ako naman hindi ko maunawaan ang kung anong kirot ang nararamdaman ko sa puso ko. Pero nasa ko na at wala na akong magagawa kundi panindigan ito.

Sabay kaming napalingon sa kung ano ang bumagsak. Nakita namin na plastik iyon kung  saan nandoon ang mga pinamili ni Irish. 

"Seriously?!" Napatitig muna siya sa mga mata ko. Upang kilalanin kung sino ako. "Pierre?! You're confessing to my Bestfriend?" Hindi siya makapaniwala.

Napayuko si Niniana.

"Kung ano ang narinig mo, totoo iyon. Hindi ko naman siya hahalikan kung walang meaning iyon." Emotionless kong sabi. Hindi ko lang kung napapansin nila na emotionless  ang facial expression ko.

Napahawak sa sentido si Irish. 

"Oh my goodness! Sa tingin ko I need  to  admit my self too." Sabi niya.

"I will court her." Sabi ko muli habang nakatingin kay Niniana. 

Napasabunot na si Irish sa buhok niya. Hindi siya makapaniwala.

"Kulang ba ako sa kape?  HIndi ba ako nananaginip na nangyayari ito?" Tanong ni Irish.

Kinuha ko ang kamay ni Niniana at ginagap iyon. 

"Let me...court you you."

Unti-unti naman siyang tumango. 

Tuluyang napadausdos si Irish sa pader. 

"Ang bestfriend ko talaga?" Rinig kong sabi niya.

Pasensya, ngunit kailangan ko siya mailayo at maprotektahan mula kay Ezekiel.

--



You are reading the story above: TeenFic.Net