♣️ 12

Background color
Font
Font size
Line height

That One Night
Chapter 12

(WARNING: DARK HAZARD!
Not suitable for very young readers!)

"You didn't even know that your worst enemy is your own fear."

Ezekiel Rios (Alter)

After I claimed her lips. She fainted and she's now leaning at my shoulder. Parang gusto kong pasalamatan si Kenzy sa ginawa niyang pyro show and fireworks. May pakinabang din naman siya kahit papaano.

Mabuti at abala ang press at ibang guesses sa panonood ng fireworks. Lalo na si Kenzy.

Binuhat ko si Niniana. At pagkatalikod ko ay si Irish ang nandoon. Naka cross arms. Ang mga tingin niya ay kinikilala kung sino ako.

"H'wag ang kaibigan ko, Ezekiel." She said.

This is so amusing. So, she really knew. 

Nagpatay malisya ako at pinaamo ang facial expression ko like fucking Pierre.

"Irish bestfriend, tinulungan ko lang siya."

Still ay nakatingin siya sa akin ng masama. Mukhang maiirita ako ng babaeng ito. Panira siya ng plano ngayon.

"You don't fool me. H'wag mo akong subukan, Ezekiel." Nakataas kilay niyang sabi.

"Oh come on! She's fainted! Just let me to help her!" I said.

Pagsisihan mo ang gabi na ito na naging sagabal ka, Irish Purple Gwen.

"Well, dalhin natin siya sa couch ng office and let her rest there for a while." Utos niya sa akin. Tumalikod siya. "Follow me, Mr. Rios." Her toned with authority.

I really didn't expect that she knows this. Like bullshits. Napakagaling niya magpanggap na walang alam noon. Maybe, sinabi sa kanya ni Tyler. Kapag nasigurado ko 'yon ay isa siya sa parurusahan ko.

But this girl. She's quite dangerous. Hindi ko pala ang mga alam niya but now, I need to be informed.

Buhat ko si  Niniana. Nakasunod ako sa kanya habang patungo siya sa office ng event place. Pero, mayroon namang couch sa labas ng office.

"Dito nalang." I suggested.

Napalingon siya bago tuluyang hawakan ang doorknob. Inihiga ko na si Niniana sa couch.

Napatingin siya sa akin. "You know what Ezekiel? The most dangerous person is the one who pretending that they didn't know everything. The liars. So, be careful."

I fiercely looking at her. Women are really poisonous. That's why they're not the God's favorite.

"I don't care if you're a liar. I don't care if you're an enemy. I don't care about you. I can do what I want." I said. Muli kong binuhat si Niniana.

"You're really what to provoke me don't you? Okay, I'm so very easy to talk with." Sabi niya. Kinuha niya ang cellphone niya  at inilagay sa taenga niya. "Hello? Chief? I just want to report that my best friend is in danger because she was kidnapped by—"

"STOP IT!" sigaw ko sa kanya.

Tinaasan niya ako ng kilay at nginisian ako.

Ibinalik ko sa couch si Niniana habang nakatingin ako ng masama kay Irish.

"You'll pay for this!" Banta kong sabi sa kanya the I walk out.

I firm my knuckles so hardly. Until I came to my car at pagkapasok ko sa loob ay pinagsusuntok ko ang manibela ng kotse ko.

Hindi ko nakuha si Niniana ngayon at hindi ko matanggap iyon. Parang gusto kong mawala lahat ng sumasagabal sa akin.

Tulad ng Irish na ito!

Patuloy kong pinagsusuntok ang manibela hanggang sa magdugo ang kamao ko. Pinaandar ko na ang sasakyan ko at nagpatakbo ng mabilis.

I really want Niniana. Kasama ko siya dapat ngayon at niyayakap ko siya pero dahil sa pakelamerang babaeng 'yon ay nasira ang dapat ay magandang gabi ko.

Nang makarating ako sa unit ko ay pinagsusuntok ko ang pinto at nagsisigaw ako. Hindi ko matanggap na hindi ko siya nakuha ngayon.

Kinuha ko ang mga bote ng alak at pinagbabato iyon sa pader. Lahat ng mahawakan ko ay hindi pwedeng hindi nasisira sa mga kamay ko.

"Akin siya! Akin lang si Niniana!!!"

Pumasok ako sa kwarto ko. Nagtungo ako sa may cabinet at may pinidot sa gilid non. Napangisi ako nang bumukas ang natatagong kwarto doon. Nararamdaman ko ang pag agos ng dugo sa mga kamay ko. Pumasok ako sa loob at nagtungo sa isang board. Kinuha ko sa drawer ang litrato ni Irish at idinikit doon. Kahanay niya ang litrato ni Doctor Flynn. Nandoon din ang ibang mga litrato nang mga taong gusto kong mawala sa landas ko.

Pinakatitigan ko ang litrato ni Irish.

"Pakelamera ka ah..."

Ipinunas ko sa lirato niya ang duguang kamao ko. Iginuhit ko iyon sa leeg ng litrato niya.

"Ang dapat sa mga taong maraming nalalaman... Nawawala ng permanente." Nakangisi kong sambit.

Humahalakhak na ako sa mga binubuo kong plano kung paano puksain ang mga sagabal sa buhay ko.

"H'wag kayong mag-alala, hindi naman masakit ang gagawin ko."

Kinuha ko ang isang syringe at ampule. Inilagay ko sa injection ang laman ng ampule.

"Kagat lang ito ng langgam, pero mawawala na rin ang mga paghihirap ninyo..." Nakatingin ako isa-isa sa mga lirato nila.

Hindi naman sila kaagad mamamatay sa gamot na ito. Bagkus ay paunti-unti lang. Killing them sofly is really fun.

Sunod kong binuksan ang ang isang malaking frame kung saan si Niniana ang nandoon. Katabi non ang isang ipinagawang kong human sized doll na siyang pinahulma ko base sa hitsura niya.

Nilapitan ko iyon at hinaplos ang pisngi.

"Na miss mo ba ako?" Kausap ko sa manika. Iyon na lamang ang niyakap ko. Sa susunod ay sisiguraduhin kong makukuha ko na siya.

Kapag nawala na si Pierre.

Maging ang mga taong gagantihan ko.

Lalo na ang mga taong sasagabal sa amin ni Niniana.

Ang akin ay aking lamang.

--

Niniana Velaroza

"Lumalaki na ang apoy! Umalis na kayo! Alisss!"

"Mommyyyy! Mommyyyy!"

"Iligtas ninyo ang anak ko, parang awa niyo na!"

"Hindi! Ang anak ko! Nasa loob ang anak ko! Hindeeeee!"

Muling may umalingawngaw na pagsabog sa buong paligid.

Habol hininga akong napamulat. Buong akala ko ay totoo na naman ang mga napapanaginipan ko. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa gilid ng mga mata ko.

Nasa isang hospital bed ako ngayon at naka swero. Nakita ko siya Irish na nasa sofa nitong room.

Napatingin siya sa gawi ko dahil katatapos niya lang na may kausapin sa phone niya.

"Nini! Thank God! Gising ka na!" Relieve na sabi niya at lumapit sa akin.

"What time is it?" Tanong ko. Tuyo ang lalamunan ko kaya itinuro ko sa kanya na kuhanan ako ng bottled water.

"Mag six in a morning na, dinala ka dito kagabi kasi you fainted nga. Then, nilagnat ka naman bigla." Sabi niya at binuksan ang bottled water bago iabot sa akin. Uminom naman ako.

"Ano'ng nangyari sa party? Nag close ba ng maayos?" Tanong ko.

"Yeah, si Doktora Kenzy na raw ang bahala, the important daw ay maging okay ka na." Sabi niya. 

Ininom ko lahat ng tubig na nasa bote.  Kaya ayokong masyadong exposed sa mga bagay na nakakatrauma sa sakin. Kapag na over triggered ako ay may tendency na lagnatin ako. Tulad ngayon.

"Magiging maayos din siguro ako..." Sabi ko sabay nayuko.

Sumasagi sa isipan ko ang ginawang paghalik sa akin ni Pierre. It's really makes me calm. Pero hindi ko pa rin alam kung bakit niya iyon ginawa at sa kung ano'ng dahilan.

Napatingin kami sa pinto nang bumukas iyon. Pumasok ang isang babaeng Doctor at ang nurse na kapatid ko na si Mice. Pero dahil duty niya kaya naka focus siya sa propesyon.

"Good morning Miss Velaroza, let us check you for this morning." Sabi ni Doktora.

"Sure, Doktora Carsion and Nurse Mice." Nginitian lamang nila ako pareho.

Kinindatan ako ni Mice at nilagyan ako ng thermometer. Tapos ay may isinaksak siyang gamot sa dextrose ko. Si Doktora naman ay idinikit ang stethoscope sa dibdib at likod ko. Sinabi niya kay Mice na i-record sa chart ang kalagayan ko this morning.

"Kukunanin ka namin blood sample for some test." Sabi ni Doktora.

Mabilis naman akong kinuhanan ng dugo ni Mice pero hindi ako tumitingin sa ginagawa niya.

"Later around ten, ECG test ka naman. Just take a rest here for a whole day." Sabi ni Doktora.

Tumango-tango lamang ako.

"Thank you, Doktora Ysha and Nurse Mice." Sabi ko. Tumango sila at lumabas na sa room ko.

Muli akong nilapitan ni Irish.

"Later pa yata darating ang parents mo." Sabi ni Irish.

"Usually, hindi sila nagpupunta. Masabihan lang sila ng dalawang kapatid ko na dito magtatrabaho na okay ako ay hindi na sila maaabala.

"Basta, I just here and I won't leave you okay?" She said full of thoughtfulness.

"Thank you so much." Kiming sabi ko.

"Okay! I'll buy our breakfast muna. Just wait here." Sabi niya sabay kinuha ang bag niya at lumabas na.

Napasandal ako sa headboard. Si Pierre pa rin ang lamang ng isipan ko.

Naisipan kong bumaba ng hospital bed. Gusto kong maglakad lakad muna.

Pagkalabas ko ng silid ko ay sinimulan kong maglakad sa pasilyo. Naka hospital dress lang ako na kulay pink.

Habang naglalakad ako ay napahinto ako dahil natanaw ko si Pierre.

Napahinto rin siya nang makita ako. Nakita kong naka gloves na itin ang mga kamay niya. Gulo-gulo pa ang buhok niya.

Kita ko sa mga mata niya ang napakalalim na lungkot na hindi ko maunawaan kung bakit nadadarama ko rin.

Unti-unti ay nilapitan ko siya. Habang tulalang nakatitig sa kanya.

"Niniana..."

"Pierre..."

Sabay naming sambit.

Tumikhim siya. "Kumusta ang pakiramdam mo?" pag-aalalang tanong niya.

"Maayos na ako, need ko lang may rest dito buong araw and for waiting the results of my laboratory tests." Sagot ko.

"Mabuti naman kung ganoon. Si Irish ba? Nasaan?" Tanong namana niya.

"Bumili ng breaskfast." Sagot ko.

Tumango-tango siya at nginitian ako.

Naalala ko na naman ang ginawa niyang paghalik. Napakagat labi tuloy ako.

"Bakit ka naglalakad lakad? Tara, bumalik ka na sa room mo." Sabi niya at inalaayan ako sa paglalakad.

Hanggang sa maratingi kami uli sa loob.

"Pierre...salamat pala sa kagabi." Wika ko.

Napatingin siya sa akin. "Ah...wala 'yon." Nayuko siya.

Inalalayan niya ako hanggang sa makasandal.

"Oo nga pala, Pierre. Gusto ko lang sana tanungin."

"Ang alin?"

Paulit-ulit sa isipan ko ang halik niyang iyon sa akin upang kumalma ako.

"Bakit mo ako hinalikan kagabi?" Diretsahang tanong ko.

Gulat siyang napapitingin sa akin. "Ah...ano...kasi..."

Inunahan ko na siya ng tanong.  "Pierre, may gusto ka ba sa akin?"

Napatitig siya sa akin. Nararamdaman ko lamang ang mabilis na tibok ng puso ko.

"Uulitin ko, Pierre. May gusto ka ba sa akin?" Tanong ko.

Napatayo siya at nilapitan ako.

"Niniana... Oo, may gusto ako sayo." Sagot niya.

Ako naman ang nanlaki ang mga mata sa sagot niya.

"Gusto kita, Niniana." Muling sabi niya.

Naramdaman ko na lamang ang pagpatak ng luha sa kaliwang mata ko.

- -

You are reading the story above: TeenFic.Net