🌹 11

Background color
Font
Font size
Line height

That One Night

Chapter 11

"This world might full of sinners, and all that sinners are once a foolish holy."

--

Pierre Delvono

Napahawak sa sentido ko habang patungo sa Condo unit ko. Kanina ay nagising ako sa playhouse na siyang nasa unit ni Irish. Kaso ay tulog siya sa couch niya kaya pinili ko nalang na hindi gisingin. Bakit kaya ako nandoon?

Sino ang lumabas? Bakit ako nasa loob nung playhouse? Hindi kaya si Loth ang lumabas?

Kung siya ang lumabas sana naman ay walang ginawang problema sa madla. Pero mukhang wala naman nga. Baka pinerwisyo lang si Irish.

Pagkapasok ko sa unit ko ay mukhang wala namang nabago bukod sa umuga pa rin ang chandelier. Kaagad akong nagtungo sa kwarto ko at kinuha ang mga gamot ko.

Binuksan ko ang bottled water na nasa tabi ng lamp table ko. Kumuha ako ng tig-isang tableta at ininom ang mga iyon ng sabay-sabay. Kailangan kong inimun ng consistent itong mga gamot ko upang walang lumabas ni isa kanila. Pansamantala. Pero alam kong impisible iyon. Hindi ko sila makokontrol anumang sandali ay pwedeng may lumabas sa kanila.

H'wag naman sana si Ezekiel. Siya lamang ang mortal kong kaaway sa kanila. Lalo pa't nakikipag-ugnayan siya kay Niniana.

And that's the worst scenario.

Muli akong lumabas ng unit ko. Kailangan kong bumalik sa M Gaming hub. Marami akong gustong sabihin kay Tyler.

Pagkalabas ko at pagtungo ko sa elevator habang hinihintay ang pagbukas non ay napatingin ako sa humahangos na si Irish.

Pinakatitigan niya muna ako bago kawayan.

"Pieeeee!" Banggit niya sa palayaw niya sa akin.

Huminto siya sa tabi ko at pareho ba naming hinihintay ang elebator na nasa third floor palang.

"What's wrong?" Tanong ko. Sobrang hindj siya mapakali. Kitang-kita sa kanya ang kaba.

"Kasi Pie, si Nini! Sinugod sa hospital!" She said and trying to lower her voice and calm.

"Ano'ng nangyari sa kanya?" I asked.

Bigla akong nakaramdam ng kaba sa hindi malamang dahilan.

"I don't know, pero tumawag lang sa akin ang make-up artist niya at sinabi sa akin iyon." Sabi niya muli.

Bumukas na ang elevator kaya sabay kaming sumakay sa loob.

"Gusto mo bang samahan kita?" I asked.

Napatingin siya sa akin. Hindi ko rin alam ang pumasok sa isipan ko kung bakit ko natanong iyon. Para kasing gusto ko rin alamin ang kalagayan niya. At kung bakit siya isinugod sa hospital.

"Pwede naman." Sagot ni Irish.

Pagkabukas ng elevator ay nasa parking lot na. I insist na sa sasakyan nalang ni Irish sumakay. Kaya kaagad niyang pinaandar iyon nang makasakay kami.

Irish remain focus sa pagda-drive. Hindj niya ugali ang maging madaldal habang nagmamaneho o kaya naman ay ayaw niya ng mag maingay kapag nagda-drive siya.

Samu't-sari ang pumapasok sa isipan ko. Bakit hindi ko maiwasan na isipin si Niniana ng ganito gayong ang dapat kong pinoproblema ay ang mga alters ko na lumalabas at ang Integrating theraphy ko kay Dr. Vallejos.

Alam kong hindi magiging madali ang isasagawang theraphy na iyon lalo pa't inaamin ko na napakalakas ni Ezekiel Rios.

Ayokong isipin na napakahina ko. Sana sa muling pagsalang ko sa theraphy na iyon ay walang gawin si Ezekiel.

Six years ago nang mag attempt kami na gawin ang theraphy na iyon. Naging isang bangungot ang lahat. Marami ang nadamay. Hindi ko pa nga alam kung may nagawan ng masama si Ezekiel.

Sobra siyang malupit kaya hindi konsiya kinakaya. Pero hindi ako papayag na siya ang tuluyang lumukob sa buong pagkatao ko. Hindi ako siya. At mas lalong hindi sa kanya ako.

Kaya sisiguraduhin namin ni Dr. Flynn na magiging maayos ang muling pagsasagawa namin ng theraphy na iyon dahil maging siya ay ayaw kong mapahamak dahil kay Ezekiel.

Kaagad na nag park si Irish pagkarating namin sa HC Medical City. Sumunod lamang ako sa kanya nang bumaba siya. Alam ko naman siya kapag labis na nag-alala. Nakakalimutan ang lahat maging ang kasama. Basta mapuntahan lamang ang kaibigan.

Naiwan pa niya ang car key niya kaya ako na ang kumuha non at nag-lock ng sasakyan niya. Sinundan ko siya paloob ng hospital. Naabutan ko siya sa may corridor na may kausap sa phone.

"What? Kaaalis lang niya?!" Sabi niya sa kausap sa phone. Nangunot naman ang noo ko.

"Sige, I'll be go there nalang. Thank you." Pagkasabi niya non ay ibinaba na

niya ang phone niya.

Napatingin siya sa akin.

"Nag discharge siya even if sabi ng Doktor ay need niya pa mag rest." Sabi niya sa akin.

Palabas na kami ng hospital.

"I see, pasaway pala talaga 'yang kaibigan mo." Wika ko.

Kumakabog na naman ang dibdib ko. Napaka weird talaga. Bakit ganito. Bakit hindi ako makalma hangga't hindi ko nalalaman ang kalagayan niya.

"Mayroon siyang big event mamayang gabi. Launching ng perfume collaboration niya. And I must be there too. Doon na tayo pupunta." Sabi niya.

Iniabot ko sa kanya ang car key niya. Kaagad niyang kinuha iyon at binuksan ang sasakyan.

Pagkasakay namin muli sa sasakyan ay napahawak na ako sa dibdib ko. Tuloy pa rin sa pagkabog. Pabilis siya ng pabilis. Hindi ko lang ipinapahalata kay Irish na tila inaatake na ako ng anxiety.

Baka epekto ito ng gamot na ininom ko kanina. Isa sa side effect non ay palpitation pero sanay na ako sa gamot na iyon kaya bakut ganito.

"May bottled water ka ba d'yan?" Tanong ko kay Irish.

"Yes, buksan mo lang 'yang nasa harapan mo." Sabi niya sa'kin.

Sinunod ko siya. Binuksan ko ang nasa harapan ko at may mga bottled water at chocolates doon. Kumuha ako ng isa at binuksan iyon. Inisang lagukan ko. Sana ay makalma na ako.

"Ano raw ba ang nangyari sa kanya?" Hindi ko na maiwasang itanong.

"Sabi sa'kin. Nagka misunderstanding sila ng Kuya niya na si Doctor Velaroza. Then, nahiwa siya nung nabasag na vase tapos bigla nalang daw nawalan ng malay. Ang alam ko ay takot siya sa dugo and may pyrophobia rin siya. Hindi na ako magtataka if nag collapsed siya. Knowing Nini, sobrang hina non when it comes sa mga dugo or fire thingy."

Napatango-tango ako. Same kami na takot sa apoy.

Sabi sa akin ni Dr. Flynn. Ang mga phobia raw ay may traumatic reasons. If either accidents or such things na sobrang nakakatrauma na nangyari with that things or situations. Over millions ang phobias ang mayroon sa buong mundo. At ang bawat tao ay hindi pwedeng walang phobia. Mapa living things man ito o hindi, animals, objects, places, and events.

Nawawala naman ang phobia basta ay ma cope up ito ng maayos. Mahaba-habang proseso nga lang.

"Just like me, may pyrophobia ako."

Nagmaneho na si Irish.

"But atleast, cope up mo naman kahit papaano." Sabi niya.

Pinaharurot na niya ang sasakyan. Saka ko nalang siguro pupuntahan si Tyler. Kailangan muna naming aaikasuhin itong si Nini daga.

Naalala ko na ang sinasabi ni Irish na perfume nito. Iyon nga ang nakikita ko sa mga ads sa social media. Iyong K Heaven Scents X N'fume by Niniana collaboration.

I guessed that's a very important launching event for her. Sino nga ba naman ang gustong ma-cancel ang isang bagay na matagal mo na napagplanuhan.

Muling huminto ang sasakyan. And this event place ang siyang pinakasikat na Event place dito sa Manila. Ang Ashleya's.

Pero mukhang sa garden fortress ang pinaka launching event. Open place kasi iyon. Kahit sino naman yata ay susulitin ang ganda ng mga bitwin ngayong gabi.

"Gosh! My planned outfit for this tonight event is already ruined!" Maktol ni Irish.

"Ayos naman ang suot mo Irish," Sabi ko. Ang mga babae talaga kahit kailan.

"Argh! Let's na nga! I will make sampal Nini later after her event! I'm almost dying upon panicking like hell, I thought I had a mini heart attack sa puso. This is so hillarious!" Patuloy na pag nagged niya.

Inabutan ko na lamang siya ng isa sa bottled water niya. Kinuha naman niya iyon at uminom.

Pumasok na kami sa loob ng event place at nagtungo sa may garden.

At nagsisimula na nga ang launching event. Sabay kaming napahinto ni Irish nang banggitin na ang pangalan ni Niniana.

Ang lahat ng nagkikislapang camera ay nakatapat sa stage kung saan unti-unting may humawi na kurtina. Itinapat sa kanya ang spotlight.

Nang tuluyang humawi ang kurtina ay napatutok ang tingin ko sa kanya. She's wearing an all red tube cocktail dress and that's really suits her.

She fiercely look among all the cameras around her. She walks sophisticately until she came along the stand of her perfumes.

Pumalakpak ang lahat. Maging si Irish ay napapalakpak nalang habang nakangiti. She must be s

o proud sa kaibigan niya. Even ako ay ganoon din ang nararamdaman mo para sa kanya.

She's brave and lovely.

Napangiti na lamang ako.

"Dito ka lang muna Pie ha? Lalapitan ko siya." Sabi ni Irish.

I nodded. Naglakad na siya patungo kay Niniana.

Nang may dumaan na waiter na may mga dalang wine ay kumuha ako ng isa.

"Hey, Ezekiel."

Tila nanigas ang leeg ko sa narinig ko. Alam kong may tao sa likuran ko kaya nagdadalawang isip ako kung lilingon ako o hindi.

Lalo akong napakunok nang hawakan nito ang balikat ko. Napahigpit ang hawak ko sa wine glass.

Wala akong nagawa kundi ang lumingon. Isang nakangiting babae ang nakita ko.

"I thought you didn't come because I texted you so many time but you're just ignore it. Well, nag hope naman ako na makakapunta ka kasi inaasahan din ng client na pupunta ka and you're here nga." Patuloy na sabi niya.

Ang worst thing happened kapag nakakaharap ko ang mga kakilala ni Ezekiel. I need to act that I know them.

But this girl, hindi ko siya kilala. But she's familliar.

"Sakto, nasabi ko rin kay Miss Niniana na baka makapunta ka. She may be glad kapag nakilala ka niya." Sabi niya.

Nabigla ako nang bigla siyang kumapit sa braso ko.

What is this? I need to do something!

Hindi pwedeng malaman ni Niniana na ako at si Ezekiel ay iisa.

--

NINIANA

I firmed my knuckle. Masakit pa rin ang hiwa na nasa palad ko but I need to endure the pain kaysa hindi matuloy ang event na ito.

Kaninang nasa hospital ako ay nakatanggap din ako ng call from Doktor Kenzy. And she said na baka posibleng pumunta si Ezekiel Rios.

Kaya mas nagkaroon ako ng lakas ng loob kanina na magpadischarge na sa hospital upang matuloy ito. I desperately want to know kung sino siya.

"Congratulation Nini!" Napalingon ako kay Irish.

I came to her and hugged her.

"Thank you bestfriend! And I'm so sorry kung nag worry ka. Sabi ng make up artist ko tumawag siya sa'yo." I said.

"Yes! You're so annoying kaya! Hindi ako nakapag outfit kasi I rushed to go her!" Naka pout na sabi niya.

"Ohhh I'm so sorry..."

"But it's okay lang naman kasi Pierre is with me naman. So, nothing to worry for." Sabi niya.

"Kasama mo si Pierre?" I asked.

Akalain mo 'yon pupunta rito ang lalaking 'yon.

"Yes, he's there." She pointed.

Napatingin ako sa gawing itinuro niya. Napansin ko doon si Doktora Kenzy habang may kausap na nakatalikod na lalaki.

Bumaba ako ng stage at naglakad patungo sa kanila.

"And the most awaited happening for this event is the special part that a surprise from Doktora Kenzy Garcia. The fireworks display and Pyro party." Anunsyo ng Emcee.

Napahinto ako sa narinig ko. At napalingon.

Oh...no...

Maging si Irish ay napanganga at nanlaki ang mga mata na napatingin sa 'kin.

But It's too late.

Bigla ay isa-isa nang sumiklab ang mga apoy sa torch na napalibot sa buong event garden hall.

Kasabay non ang pagsiklab ng mga fireworks sa kaulapan.

Napatakip na lamang ako ng taenga ko. Nangingilo ako sa mga apoy na nakikita ko sa paligid ko. Kinakapos ako ng paghinga.

Nang sinibukan kong lumakad ay nanlalambot na ako. I stiffed. Parang gusto kong sumigaw sa kung anong hilakbot ang nararamdaman ko sa buong katawan ko.

Nang mararamdaman ko na para na akong babagsak ay biglang may humila sa akin.

Nanlaki ang nga mata ko nang naramdaman ko ang labi niya.

Sa labi ko.

Si Pierre.

Hindi ako maaaring magkamali na siya ito. Napapikit na lamang ako habang dinadaman ang labi niya sa labi ko.

And this made me...

Calm...

--


You are reading the story above: TeenFic.Net