♦️ 10

Background color
Font
Font size
Line height

That One Night
Chapter 10

"Another day, another sacrifices."
-

-
Loth Crame (alter)

/He's the hidden alter of Pierre Delvono/

Inilibot ko ang paningin ko sa maliit na unit kung nasaan ako. Kanina ko pa iniisip kung bakit ako nandito sa lugar na ito.

Ito ang hirap kapag napakatagal nakakatulog.

Bumaba ako mula sa pagkakasabit sa chandelier ng kwartong ito. Mabuti at matibay iyon. Dumuyan-duyan pa nga ako.

Nagtungo ako sa may lamp table kung saan may kalendaryo. Napanganga ako. Ano'ng taon na?! Ang huli kong pagkakatanda ay dinalaw ako sa California ni Tyler beshywap at Bestfriend Irish.

Sunod akong nagtungo sa may bintana. Lalo akong mapanganga nang makita kong wala na pala ako sa Cali. Is this the Philippines?!

Kaya ayokong nakakarinig ng malakas na sounds at pagsabog kasi nahihimlay ako.

Isinuot ko ang hood ng onesie kong pikachu.

Lumabas ako ng unit. Ano kayang meron sa building na ito? May playground kaya rito?  O kung wala man ay hahanap nalang ako ng taong mapagtitripan. Sawa na ako kay Tyler beshywap kaya iba nalang talaga. Kinuha ko ang bagpack kong unicorn. Puno iyon ng candies pero walng lollipop kaya maghahanap ako ng lollipop.

Tumapat ako sa may elevator. Kapag may mga tao sa loob. Palalabasin ko ang mga 'yon. Kapag hindi sila sumunod ay babatuhin ko sila ng nips.

Bumukas ang elevator. Ganyon na lamang ang tuwa ko nang makilala ang nasa loob.

"Best friend Irish..."
Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. Bigla ay tinalon niya ako ng yakap.

"Loooottthhh! OMG!!!" Halos masuffocate ako sa pagakakayakap niya. Hindi ko tanda kung kailan huling lumabas. Pero nasaan na kaya ang lollipop ko?

"Finally! Lumabas ka rin! Sobra kitang na miss! Alam mo bang sobra pa rin akong naiinis kay Pierre even if sinuhulan niya ako ng mga make ups. Kagagawan kasi ng gagang Maria Luningning na yon. Hinayaan niya na sirain ang make ups ko." Sumbong niya sa'kin. Sumasakit na nga ulo ko kakaisip kung ano ba ang nangyari o mga ginawa ng alters nang wala ako.

Naglalakad na kami ni Bestfriend Irish patungo sa unit niya. Mas makabubuti siguro na doon muna ako tumira sa unit niya. Tatanungin ko siya patungkol sa mga lumabas sa akin. At kung kumusta na si Pierre.

"Iyong lollipop ko ba nakita mo?" Tanong ko.

"Marami sa ref. Tara pasok ka dali!" Hinila niya ako papasok ng unit niya.

Naupo ako sa carpeted floor. Hindi ko kasi talaga trip maupo sa sofa o umpuan. Nakakaramdam na ako ng pagka boring. Gusto ko na makipaglaro. Pero kanino kaya?

Hay nako, aalamin ko na nga muna ang lahat para alam ko ang mga galawan ko.

Kay dadamot kasi ng mga alters na 'to! Madalang lang akong palabasin! Akala nila sila naman ngayon ang hindi makakalabas dahil nandito na ako! 

Bumalik si Irish mula sa kusina at may dala siyang isang pack ng lollipop. Inabot niya sa akin iyon at naupo sa tabi ko.

"It's been a long time..." Sabi niya.

"Hindi pa rin ba alam nila Pierre na alam mo ba ang kondisyon niya?" Tanong ko. Tumango naman siya.

Nangiti ako.

"Kaya ang boring mong kalaro eh! Hindi ka nagpapatalo hmp!" Sabi ko at nag pout.

Natawa siya at sumandal sa sofa.

Binigyan ko kasi si Bestfriend Irish ng dare na magpapanggap siya na walang alam patungkol sa aming mga alters ni Pierre.

Nalaman niya iyon dahil sinabi sa kanya ni Tyler. Which is ang alam ko ay nagalit pa ako kay Tyler noon. Pero ala. ko kung gaano siya nagmamalakasakin. Baka na inform na rin siya ni Tyler sa kung anong mga palatandaan sa amin.

Tulad ko, ako si Loth Crame.

Ako ang alter ni Pierre na mahilig sa
laro. Eleven years old palang ako. Mahilig akong magsuot ng animal onesis. Pero top ako lagi sa klase. Sabi nila sociopath ako. Parang hindi naman. All I want is fun.

Mahilig ako sa matatamis. Pero number one love ko talaga ang chocolates. Kahit bata pa ako matured naman ang utak ko at alam ko kung ano ako sa mundong ito. Gusto ko na rin kasing mahanap ang Candy land.

"Napakadaya nila, hinayaan lang nila akong matulog. Hindi ko tuloy mahanap ang Candy Land! Kung hinahayaan sana nila akong lumabas lang edi sana nasa malayong far far far away na ako o nakatira sa candy land! Nasaan na ba kasi ang Candy land!" Nagsimula akong magtantrums.

Inabutan ako ng youghurt drint ni Irish. Kinuha ko naman iyon at nilagyan ng straw.

"May playground ba dito? Marami ba akong makakalaro?" Tanong ko sa kanya.

"Walang playground dito Loth, gusto mo magtayo nalang ako bg playhouse dito? Nakatago ang playhouse mo sakin." Sabi niya.

Tila nagliwanag naman ang mga mata ko. Napapalakpak ako sa tuwa.

"Yehey! Playhouse!" Sabi ko. Nakangiti siyang tumayo at may kinuha sa kwarto niya.

Binuksan ko ang unicorn bag ko at kinuha ang tiktaktoe ko. Napakatagal ko na palang hindi nilaro ito.

"Charan! Loth!" Napatingin ako kay Irish.

May hawak siyang malaking box.  And It's a play house.

"Tara, i-install na natin para makapag play ka na. Alam ko, super gusto mo 'to." Sabi niya. Tumayo ako at kinuha ang playhouse.

Binilhan ako ni Mom ng ganito. Kaso, kapag wala na si Mom ay sinisira iyon ng stepfather ko pagkatapos at bubugbugin ako at ikukulong sa kisame.

Hindi ko namalayan na tumulo ang luha ko.

"Sa..salamat...bestfriend Irish." Sabi ko. Niyakap ko ang box ng playhouse. Hinagod naman ni Irish ang likod ko.

"You deserve to be happy, Loth. Don't worry, wala ng mananakit sa'yo. Nandito ako at si Tyler, okay?" Nakangiting sabi niya.

Napakagat labi ako.

"Kumusta na kaya si Mom? Hinahanap niya na ba ako? Nag-aalala na siguro sa'kin 'yon." Sabi ko.

Noong sa LA kami nakatira ay naglayas ako dahil hindi ko na kinaya ang pang-aabuso sa akin ng step father ko. Kaya, sa murang edad ko na 'to ay naglayas ako sa amin at nagtungo sa California.

Napatitig lamang sa akin si Irish at ginulo-gulo ang buhok ko.

"Oo naman Loth! Miss na miss ka na ng Mom mo, pero nandito ka sa Pilipinas eh." Sabi niya. Pero bakit  pansin ko parang maluluha na ang mga mata niya.

"Hay nako! Tara na nga, itayo na natin to."

Inilabas namin pareho ang laman  ng playhouse.

Kumusta na kaya si Mom? Sana ay hindi siya sinasaktan ng step father ko. Mas okay na ko ang masaktan kaysa siya. Mahal na mahal ko si Mom.

Basta! Hahanapin ko muna ang candy land bago ako bumalik ng LA!

Tapos ipapakita ko kay Mom ang lahat ng. napuntahan kong lugar. Ikukwento ko sa kanya lahat ng adventure ko. Sana may kapatid rin ako para may playmate ako.

"Ayan! Finish na!"

Muli akong napapalakpak nang maitayo ni Irish ang playhouse . Masaya akong pumasok sa loob non at naupo. May nga bolang ipinaulan sa akin si Irish kaya mas labis akong nagalak.

"Happy ka na ba Loth?" Tanong niya.

"Super happy bestfriend! Basta ang game natin hindi pa game over yon! Secret is a secret!" Naka pout kong sabi.

Napangiti siya.

"Oo naman Loth, I'll be your best playmate ever!"

Nagpaikot-ikot ako sa loob ng playhouse. Nilaro-laro ko ang mga bola.

Pero masaya pa rin talaga kung may makalaro rin akong iba eh.

Hmmm? Later kaya maghanap ako?

--

Niniana Velaroza

"Yes Bess, pumunta ka kundi, magtatampo ako sa'yo." Sabi ko kay Irish over the phone.

"Ofcourse I'll be there naman no! See you later!" Sabi niya. Nangungunot ang noo dahil parang may maingay sa back ground. May kasama ba si Irish sa unit niya? Pero nagpapatugtog siya ng mga pambata na kanta eh. May bata ba sa unit niya?

Tatanungin ko sana kung sino nasa unit niya pero pinatay na niya ang linya.

Nailing na lamang ako. Napatingin ako sa dress na susuotin ko mamaya sa launching ng perfume line collaboration ko.

Sa mga oras na ito dapat beuty rest ako pero hindi ko magawa dahil iniisip ko pa rin ang opisina ni Ezekiel Rios sa factory ni Dok Kenzy.

Nang akmang bubuksan ko na sana ang opisina ay bigla naman akong hinila ni Doktora.

Tinanong ko naman kay Doktora kung sino ang iyon. Kaso ay hindi niya ako sinagot, bagkus ay iniba niya lang ang usapan. Ang sabi niya lang sakin ay matagal nang hindi nagtutungo roon si Ezekiel Rios.

Gusto ko na talagang malaman kung sinl siya. Para naman malaman ko kung sino itong taong nakaka-sex ko.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko sa kama. Nakaramdam ako ng uhaw kaya lumabas ako ng kwarto ko. Nandito kasi ako ngayon mansyon namin. Buong akala ko kasi ay nandito si Mom at Dad. May gusto akong tanungin sa kanila.

Nitong mga nakaraang araw ay may mga series of dreams ako na paulit-ulit lang. Kaya gusto kong tanungin kung nangyari na ba ang mga 'yon.

Pagkababa ko ng hagdan ay naabutan ko si Kuya Rat at Mice. Hawak ni Kuya si Mice sa braso ng mahigpit.

Nabigla ako nang bigla siyang sampalin ng malakas ni Kuya.

"Hoy!" Bulyaw ko sa kanya.

Sapo ni Mice ang sinampal na mukha niya.  Hinawakan ko ang kapatid ko palapit sa akin.

Ano to? Pati ba naman si Mice sasaktan niya?!

"Ano to?! Bakit mo sinasaktan si Mice?!" Sigaw ko sa kanya.

"H'wag kang makialam! Akin na ang babae 'yan!" Pilit niyang kinukuha sa akin si Mice pero hinihila ko palayo.

"Hwag mo uli masaktan saktan ang kapatid ko!" Itinulak ko siya.

"Sumosobra ka na Kuya Ashton!"

Tiningnan niya ako ng matalim.

"Alam mo ba ang ginawa niyang kapatid mo ha?!" Galit din niyang wika.

"Kahit na ano pa man 'yon wala ka pa ring karapatang saktan siya! Mahiya ka nga!" Bulyaw ko sa kanya.

Bigla niyang hinaklit ang braso ko. Kapag ako nagkapasa may event pa ako mamaya!

"Buntis ang kapatid mo!" Nabigla ako sa sinabi niya. Napatingin ako kay Mice. She started to cry.

"Oh, buntis naman pala. Bakit mo kailangang saktan? Siraulo ka na Kuya Ashton!" Sabi ko sabay piksi sa pagkakahawak niya.

Hinila ko muli si Mice.

"Yaya! Iyong gown ko, paki sunod sa condo ko. Aalis kami ni Mice dito—" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil muling hinila ni Kuya si Mice at kinaladkad paitass.

"Kuyaaaa!!!" Sigaw ko.

Patuloy lang siya kinakaladkad pataas si Mice. Nakasunod lang ako.

"Hindi siya aalis! Hindi mo siya mailalabas Niniana!" Sabi niya.

"Ateeee!" hiyaw ni Mice.

Paakyat akong sumunod. Dinala ni Kuya Rat si Mice hanggang sa kwarto nito.  Pagkapasok niya roon kay Mice at sinara niya ng malakas ang pinto at nilagyan ng padlock.

What the fuck?! Sinong demonyo ang sumapi sa kuya ko?!

"Mice! Mice!" Pinagkakatok ko ang pinto niya at hinihila ang padlock.

Dinig kong humahagugol na si Mice mula sa kabilang pinto.

Muli akong napatingin kay Kuya Rat. At walang ano-ano ay binigyan siya ng malakas na sampal sa mukha.

"PALABASIN MO SI MICE NGAYON DIN KUNG AYAW MONG MAKARATING KILA MOM AT DAD ANG GINAGAWA MO!" Sigaw ko.

Nang akma  niya akong sasaktan ay muli ko siyang sinampal sa kabilang pisngi.

"SIGE! MANAKIT KA PA! HINDI AKO MAGDADALAWANG ISIP NA PATAYIN KA KAHIT KAPATID PA KITA! TIMPING TIMPI NA AKO SAYO!" Sabi ko sabay binasag sa harapan niya niya isang vase.

Pumulot ako ng nabasag na bubog non. Ngunit hindi sinasadya  na napadiin ako ng magkakahawak kaya nahiwa ako.

Nang makita kong may dugong lumabas na dugo sa palad ko ay bigla akong nanghina. Biglang may gumihit sa ulo ko. Sumakit iyon ng sobra.

Nanlalabo ang paningin ko habang nakatingin sa tumutulong  dugo sa palad ko.

Napatingin ako aky Kuya Rat. May sinasabi siya pero hindi ko iyon maintindihan at marinig.

Hanggang sa bigla nalang akong nag -collapsed. Naramdaman kong sinalo ako ni Kuya Rat.

--

You are reading the story above: TeenFic.Net