(Taglish/Tagalog and English)
"Gusto..Kitang makitang masaya..Habang buhay pa ako.Habang naaalala pa ng puso ko and pagmamahal na binigay mo sakin.Isasayaw mo ba ako ng huling beses,Mahal?"Tanong ng nanghihina mong boses na tila kay hina ng isang nahihirapan huminga.
"Oo..isasayaw kita ng magiliw.Habang masaya akong nakikita ka."Sabi ni Wonwoo na pinipigilan na tumulo ang kanyang mga luha."Ngunit,sa aking nakikita mula sa iyong mga mata ay hindi ka masaya"Sabi mo at hinawakan ang pisngi ng isang tumatangis na kasintahan.