Akala nila buo na ang mundo nila.
Si Lorenzo Emmanuel Vargas, CEO, heir, and legacy bearer, ilang ulit na niyang nilibot ang mundo, nakausap ang mga taong may pangalan, at nakipagkamay sa mga desisyong bumabago ng landscape ng negosyo. Ang apelyido niya, mabigat. Ang reputasyon niya, matatag. Pero kahit anong taas ng narating, bakit tila may kulang pa rin?
Si Mira Ysabel Reyez, ang nag-iisang anak ng mayamang angkan sa San Roque, Negros Oriental. Sa mansyon at hacienda siya lumaki, pinuno ng prutas ang bawat anihan, pero hindi niya alam kung anong klaseng bunga ang ibibigay ng mundo sa labas. Walang karanasan sa trabaho, ni sa pag-ibig, pero may apoy sa puso niyang gustong kumawala. Hindi dahil kulang siya, kundi dahil alam niyang may mas malawak pang mundo kaysa sa paligid ng pangalan nila.
Sa isang dating app na trip-trip lang, nag-match ang dalawang taong hindi naghahanap. At sa isang pagkikitang hindi planado, nagsimulang mabuo ang tanong: Paano kung ang kulang sa buhay mo ay yung taong hindi mo kailanman inaasahan?
Sabay-sabay nating subaybayan ang kwento nina Lorenzo at Mira, dalawang taong hindi inaasahang matutuklasan na may bahagi pala sa kanilang sarili na matagal nang nakakulong... at sa isa't isa lang pala makakawala.