yqishia
18 0 3
Have you ever been such a fool in love that you are willing to risk it all for it?Sabi nila, mas better to take the risk than losing the chance. But for Akishe, it is better to lose the chance. We will never know what could happen kapag gumawa ka ng isang desisyon na hindi ka naman sigurado kung magiging successful ba or hindi, right? In short, never nating malalaman ang mga p'wedeng mangyari kapag nag-take ng risk. In the end, it was just a crush. Nothing serious.Pero crush nga ba talaga? Magkaiba ang crush sa gusto. Para sa kaniya, ang crush ay yung hinahangaan mo lang. May specific reason kung bakit mo siya gusto. Kapag gusto mo naman, walang specific na reason kung bakit. She might be wrong pero that's how she differentiate crush and like.There's these boys in her class which she had a crush on. Yung isa, gwapo, matino sa academics, very much her type, at higit sa lahat, too good to be true. Yung isa naman, hindi niya alam kung gwapo ba talaga o sa mata niya lang, hindi niya masasabing matalino dahil hindi naman ganoon katino pagdating sa academics, at hindi niya ganoon ka-type noong una. Sobrang laki ng difference 'no? Hindi niya rin alam kung sino nga ba talaga sa kanila ang crush at gusto niya.Sobrang daming times na binigyan siya ng chance para sabihin doon sa gusto niya ang mga gusto niyang sabihin, pero pinangunahan siya ng takot kaya hindi na niya tinuloy. Matatapos kaya ang school year na hindi aware ang isa sa nararamdaman niya? O baka naman ay magkaroon siya ng lakas ng loob para sabihin ang kaniyang gustong sabihin? S'yempre hindi, she would rather lose the chance than taking the risk.Now they wonder what their life could've been if they took the chances they missed before.…