♬ 9

Background color
Font
Font size
Line height

♬ Nine

I don't want to be involve

Halos wala akong imik nuong inihatid ako ni Lance sa Cecilian. How can I speak kung sa 'twing titignan ko siya ay naalala ko ang galit niyang mukha sa akin nuong hilahin niya ako palayo kay Clef. I wanted to tell him na hindi naman kami naghahalikan duon ni Clef tulad ng iniisip niya pero hindi ko naman iyon masabi sa kanya dahil nauunahan ako ng hiya. Now where the fuck is that brave Fermatta I know?

Nang nasa Cecilian na kami ay itinigil lang ni Lance ang kanyang sasakyan at dali-dali na akong lumabas duon. Ni hindi ako lumingon sa kanya habang papabalik ako sa dorm, narinig ko nalang na muli niyang pinaandar 'yung sasakyan niya, siguro para sunduin si Chriselle.

Pagbalik ko sa dorm I immediately washed my body. Kinuskos ko 'yon ng mabuti. Rough and hard dahil naiirita ako sa 'twing maalala ko 'yung amoy ni Clef kanina. Mint and strawberry? Normal paba ang isip ko para isipin 'yon? Pero that's how he really smell nuong dumikit siya sa akin kanina. Ugh!

Nang sumunod na araw ay balitang-balita na ang pagalis ni Clef kahapon sa arena kahit hindi pa tapos ang concert nila. Of course, it would be a big issue dahil malaking concert 'yung nangyari kahapon. May mga speculations na sumama daw ang pakiramdamn niya, may nagsabi na nakaaway niya ang isang Creole pero kahit ako na kasama niya kagabi hindi ko alam kung bakit bigla niya nalang iniwan ang stage ng ganon-ganun nalang. Hay, nagiging chismosa na rin talaga ako. I should confess to a father 'pag labas ko ng Cecilian.

Nung umaga ay wala akong ginawa kundi irapan si Chriselle dahil sa kakakwento niya sa kagalingan ni Dwaine sa pagdrudrums.

"Hindi kaba napapagod sa pagirap sa 'kin, Ferm?" inosenteng tanong sa 'kin ni Chriselle habang nasa loob kami ng kwarto namin. Inaayos niya ang paa niyang may benda habang ako ay nakaharap sa laptop ko at ginagawa ang homework na hindi ko nagawa kagabi dahil nanuod ako sa concert ng Creole.

I looked at Chriselle and for the nth time today ay inirapan ko siya, napahalakhak siya dahil sa ginawa ko.

"Bakit nga pala bigla kang nawala kagabi? Akala ko ba ay nageenjoy ka duon sa backstage?"

I groaned when she said that topic. I didn't bother answering her question dahil naalala ko nanaman 'yung ginawa ni Clef sa akin kagabi at hindi ko maiwasang hindi kilabutan at maasar. Hangang ngayon ay naaamoy ko pa ang hininga niya. Ugh.

"Bakit ba hindi niyo ako pinapansin? Kahit si Lance ayaw akong pansinin kagabi nung hinatid niya ako para tuloy akong kumakausap ng bato" maktol niya.

Napahinto ako sa pagtatype nuong sinabi niya iyon. I know I should talk to Lance. I know galit siya dahil sa nakita niya, we're like brothers and sisters at alam kong more than anyone else ay siya ang isa sa pinaka malaki ang concern sa akin.

"May klase ba si Lance after lunch?" Chriselle just shook her head.

"Why? He's always in the dance room after lunch para magpractice. Alam ko nagpreprepare siya for pre-exam ng mga dance major" aniya.

Umismid ako at tinuon ulit ang paningin ko sa laptop. Okay, I'll look for him after lunch para magpaliwanag.

Pagkatapos na pagkatapos ng lunch ay agad akong nagpunta sa building ng dance department. Siguro sa tanang buhay ko ay apat na beses palang akong umakyat dito. Nuong una ay nuong first time kong makarating dito sa Cecilian dahil nililibot ng admin ang mga mageenroll sa school na 'to, second ay nuong nagkaroon ng final exam si Lance at nagperform siya ng hiphop dance sa zigzag theater, pangatlo ay nuong hinila ako ni Chriselle dito para panuorin 'yung showdown ni Lance at Blaire para sa annual music fest last year at 'yung pangapat ay nung inutusan ako ni Mr. Bracelli na magdala ng papel sa instructor nila Blaire.

Hindi tulad ng music building na disente. Ang pader ng dance building ay punong-puno ng wall painting. Bawat kanto ay iba't-ibang litrato ang nakadrawing. Sa bawat paligid din ay may malaking speaker na nakalagay. Nakakamangha ang lobby ng building nila dahil wala kang makikitang upuan duon at napapalibutan ang pader at ceiling ng salamin. For short nakakatakot tumambay duon sa 'twing gabi. Ni hindi ko maimagine na dinadaanan 'yun ni Chriselle gabi-gabi para lang makapagpractice siya ng ballet. Knowing Chriselle and her childish acts.

Nang makarating ako sa second floor ay agad akong pumunta sa studio E. Duon daw palagi nagprapractice si Lance ani Chriselle.

Pagkapasok ko duon ay nakita ko agad ang bulto ni Lance. Nakatalikod siya sa akin at sumasayaw siya sa harap ng napakalaking salamin, there's no doubt that he's one of the most talented dancer sa department na 'to kaya nagtataka ako't hanggang ngayon ay nasa Cecilian pa siya kahit na matagal naman na siyang dapat graduate. Sa pagkakaalam ko ay magaling si Lance sa hiphop tulad nalang ng ginagawa niya ngayon.

Napansin niya atang may nanunuod sa kanya kaya napatigil siya sa pagsayaw. He immediately look at my position, his eyes are wide at agad niyang pinatay 'yung karaokeng tumutunog sa gilid.

"Ferm?" aniya habang papalapit sa 'kin.

He's sweating like a pig, nakatshirt lang siyang puti at bakat na bakat ang biceps niyang hindi ko alam kung hinubog nang mga barbel o dahil sa pagsasayaw. Ang kanyang buhok ay basa din ng pawis na parang galing lang siyang shower.

Nakita kong tumaas ang kilay niya sa akin, "Anong ginagawa mo dito? Inutusan kaba ni Mr. Bracelli?" nagtataka niyang tanong sa 'kin.

"'Yung tungkol kahapon" pasimula ko. Nakita kong ngumiwi siya pagkasabi ko nuon at bigla siyang tumalikod sa 'kin.

"Okay lang 'yon Ferm" aniya habang nakatalikod na sa akin pero kita ko pa rin ang repleksyon niya sa malaking salamin. His jaw is clenched and his brows are furrowed. He's mad. Really mad.

"We're not even kissing that time. Mali 'yung nakita mo, he just... " napataas ang kilay niya nuong huminto ako sa pagsasalita at pakiramdam ko ay umiinit ang pisngi ko dahil sa ginagawa niyang pagtingin sa akin, "He just put his head beside my neck so that the reporters will think that we're kissing, then once they saw us they wouldn't bother disturb us"

Napakagat ako ng labi ko pagkatapos kong sabihin 'yon sa kanya. Goodness! Bakit parang mas kinakabahan pa akong magexplain sa kanya kesa kay daddy tuwing may kasalanan ako? Ugh!

Sinukat niya ako ng tingin niya at wala akong magawa kundi ang tumitig rin sa kanya.

"I'm sorry Lance. I know you're just worried"

"Damn worried, Fermatta" aniya bago lumamlam ang kanyang mata. His face softened, "I'm worried dahil si Clef ang kasama mo, I'm worried na baka may makakita sa inyo na ganun ang itsura. What if mamukhaan ng reporters si Clef? What would you do kapag nakuhanan nila kayo ng camera?"

Napapikit ako nang sinabi iyon ni Lance sa akin. He's right, paano kung nangyari nga iyon? Is my reason still valid? Of course the answer wouldn't benefit the both us. Maheheadline sa news. Madudungisan ang pangalan niya, my mother and my family will be involved at alam kong hindi iyon maganda! Dang!

Tinignan ako ni Lance at napangiwi lang ako dahil sa ginagawa niyang paninitig sa akin sa salamin.

"I'm sorry. I'm guilty, hindi ako nagiisip"

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya, he turned to face me at naglakad siya papalapit sa akin. I looked up on him nuong nasa tapat ko na siya dahil mas matangkad siya sa akin then I felt his arms embraced my body.

"I'm just damn worried Ferm. Dont do that again please" wala akong nagawa kundi ang tumango sa sinabi niya sa akin. I felt so comfortable with his arms around me, gumaan 'yung pakiramdam ko dahil alam kong okay na kami. He's like a brother at kapag nawala siya para na rin akong nawalan ng isang tunay na kapatid.

Napatunghay nalang ako ng inilayo niya 'yung katawan niya sa 'kin, "Pero ano bang namamagitan sa inyo ni Clef? Bakit kayo magkasama duon? May gusto ba siya sa 'yo?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, "May girlfriend si Clef!" bulyaw ko sa kanya.

Bahagyang nanlaki 'yung mata niya sa akin at duon ko lang narealized kung gaano ako kadaldal. He gave me a questioning look na parang inaantay 'yung mga susunod kong sasabihin.

I heaved a deep sighed, "Walang namamagitan sa 'min ni Clef. Nagulat nalang ako nuong paglabas ko sa arena kahapon madaming reporters 'yung nasa labas, bigla niya akong hinila palayo duon sa reporters dahil nagsisimula na silang palibutan ako. Then hinabol kami at napunta kami sa isang kanto, then you saw us"

"And?"

"Searcy was also there"

"So?" napairap ako dahil sa kakulitan niya.

"Tingin ko kaya nanduon si Clef sa labas ng arena kasi hinahabol niya si Searcy. Searcy's Clef girlfriend" I said boredly. Ayoko sanang sabihin sa kanya ang sikreto ni Clef pero wala naman akong magagawa dahil kukulitin lang niya ako. Alam ko rin namang hindi ipagsasabi ni Lance sa iba 'yon.

Tumango-tango siya sa akin at maya-maya lang ay ngumiti na siya sa akin, his goofy smile.

"Now I understand" aniya pa na parang tuwang-tuwa siya. Napailing nalang ako sa pagkaweird nya. Nuong hapon na 'yon eh tumambay lang ako kasama ni Lance sa loob ng studio. I'm just watching him habang sumasayaw siya. Nilabas ko lang ang cellphone ko at kinuhanan siya ng video. Nakangiti pa siya habang nasayaw. Pagkatapos ay inupload ko agad sa facebook ko.

'He's a dancer. The world should prepare for his moves :)'

Kinagabihan ay sinamahan niya lang akong tumambay sa labas ng dorm kung saan ako palaging tumatambay para magsulat ng tula. Kumakanta lang siya sa tabi ko habang suot-suot niya 'yung isang earphone habang nasa tenga ko ang isa. Nang gumabi ay bumalik na rin siya sa dorm ng mga lalaki at ako naman ay bumalik sa kwarto.

Nanduon si Chriselle pero tulog na tulog na siya. Humiga ako sa kama at pinikit ko ang mga mata ko para matulog kaso biglang nagflash sa mukha ko ang mukha ni Clef na papalapit sa mukha ko. Bigla akong napamulat. Shit! Hindi pa naman ako binabangungot diba? Ni hindi 'yun isang panaginip! Eh bakit naaalala ko 'yung mukha niya? Ugh! Dapat na ba akong matakot?

Bigla akong napabalikwas ng bangon ng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko 'yung kinuha at tinignan kung sino ang tumatawag ng ganitong oras. Napasinghap ako ng makita ang pangalan ni Clef duon. Iyon 'yung number na pinangtext niya sa akin nung minsang naggoodluck siya sa 'kin para sa audition. Tinignan kong maiigi 'yung screen ng cellphone ko, pinagiisipan kung sasagutin ko ba o hindi.

Bakit naman kaya tatawag ang isang 'to ng ganitong oras?

Sa bandang huli ay pinatay ko rin ang tawag niya. Sino ba siya at tumatawag siya ng ganitong oras?

Humiga nalang ulit ako at pinilit na makatulog pero wala pang isang minuto eh nagring ulit ang cellphone ko. Ugh! Hindi ako kumibo at tinakpan ko lang ng unan ang tenga ko.

"Ferm, can you please answer that call?" narinig kong anas ni Chriselle. Sinilip ko siya mula sa unan at nakita kong tulog na ulit siya.

Muli kong kinuha ang cellphone ko at pinagmasdan iyon. Ano nanaman bang kailangan nito? Tumigil ang pagriring nuon pero maya-maya ay tumunog ulit 'yon. I cursed him on my mind. Nakakaasar ka Clef!

I slid my screen to answer his call, inilagay ko ang cellphone ko sa tenga ko at hindi ako umimik. What for? Eh siya naman itong tumawag, siguradong siya ang may sadya.

Halos isang minuto ata bago ako makarinig ng boses duon, "Ferm" napakunot ang noo ko dahil sa boses na iyon, "This is Hilton, I'm just trying kung ikaw nga 'yung nasa contacts ni Clef" aniya sa malungkot na tono.

So hindi talaga si Clef ang tumatawag sa'kin kundi si Hilton?

"May kailangan kaba sa 'kin?" walang kaemo-emosyon kong sabi sa kanya. Gusto ko pa nga sana ay sabihin sa kanyang gusto ko ng matulog para maisip niyang nakakaistorbo siya pero baka naman mahalaga ang sasabihin niya.

"I'm just going to apologize for Inesia's attittude. Nalaman ko kasi sa staff nang concert 'yung mga sinabi niya sa 'yo and I heard Clef na pinagkaguluhan ka ng mga media sa labas"

Then his image appeared on my vision. Napapikit ako dahil sa katangahan nanamang naiisip ko. Bakit ba bigla ko nalang naalala 'yung mukha niyang papalapit sa akin?

Umiling ako at pinilit kong maging normal ang boses ko, "You don't have to say sorry. You're not Inesia afterall, and as far as I know siya ang naging masama ang trato sa 'kin"

"Pero ako ang nagdala sa 'yo sa backstage kaya pakiramdam ko responsibilidad kita" aniya sa malungkot na tono. Somehow I appreciate Hiltons sorry. Kasalanan naman kasi talaga niya ang nangyari. Kung hindi niya ako hinila palayo sa mga kaibigan ko ay hindi mangyayari 'yon at walang Clef... Dammit! Bakit ba lagi siyang nasasali sa usapan?

"Ferm? You still there?" hindi ako nakaimik duon sa tanong ni Hilton sa akin, rinig na rinig ko ang paghinga niya ng malalim, "Can I see you tonight. I'm outside your dorm kasama ko si Clef" aniya na nakapagpalaglag ng panga ko.

"Ferm? Nandiyan ka pa ba? Gusto mo ba kami nalang umakyat diyan sa kwarto niyo?" nanlaki ang mga mata ko.

"No way!"

"Then can you come here?" aniya.

"How about you go away?" anas ko. Gusto kong magtimpi pero hindi ko makayanan. Ano bang kakulitan meron ang isang 'to?

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya, "I just really wanted to see you tonight. Kahit saglit lang"

Napapikit ako. Ano bang kailangan niya sa 'kin? He's so clingy at ayoko ng ganun. As far as I know ay wala naman kaming relasyon. Ni hindi ko nga siya pinapansin but he looks so desperate and annoying. Maybe I should tell him the real score, I know he's crushing on me o baka trip niya lang ako. I don't know but I don't really like him around me. I should tell him that para tuluyan na niya akong tantanan dahil kapag nandiyan siya palagi nalang akong napapahamak.

"Fine. Give me five minutes" anas ko bago ibaba ang tawag niya sa akin.

Tumayo agad ako sa kama at nagpunta sa closet ko, kinuha ko lang ang isang jacket ko dahil nakasando lang ako at sweatpants. Tinignan ko ang kama ni Chriselle at humihilik na siya duon. She's always tired.

Agad akong lumabas ng kwarto. Tahimik na ang buong corridors. Malalim na rin kasi ang gabi. Paglabas ko sa dorm ay nakita ko agad si Hilton. Kumikislap ang light brown niyang buhok sa ilaw na nagmumula sa buwan. He's wearing those big black shirt na may design na mga stars sa gilid at may stripped sa gitna habang nakajeans siya.

His face lightened when he saw me walking through him. Napakagat ako sa labi ko hanggang sa nakita ko ang lalaking nasa likuran niya. Clef was standing there wearing his typical black jacket na nakasabit sa ulo niya ang kanyang hood.

Parang awtomatiko kong naalala 'yung mukha niyang slowmo'ng lumalapit sa akin. Napakunot agad ako ng noo.

Okay, Fermatta. Why you're so damn affected? Of course! That's the first time na may gumawa sa akin nuon. Fuckers.

"Ferm, I'm really sorry" nuon lang nabalik ang focus ko kay Hilton na nasa harapan ko na pala. He has this apologetic look, his stares can melt anyone pero exception ata ang isang tulad ko. What I feel for him right now is pure platonic. Just like what I feel for Lance.

"I said you don't have to say sorry, Hilton"

"Pero... "

I cutted him, "Hilton" I heaved a sighed.

I looked at him at gumagalaw nanaman 'yung ulo niya na parang naguguluhan siya, "Stop this. I am not your damn responsibility and I am not your freaking obligation. Stop all of this kasi hindi ko gusto 'yon. I know I'm being hard on you simula pa ng nakilala kita pero hindi ko gustong palaging may sumusunod at nangungulit sa akin"

Narinig ko ang pagsipol ni Clef sa likod ni Hilton pagkasabi ko nuon. I want to fucking punch his face because I felt guilty nuong nakita kong biglang lumungkot ang mukha ni Hilton dahil sa mga sinabi ko. Agad na lumalam ang mga mata niya at hindi ko alam kung lungkot lang ba 'yon o talagang nasasaktan siya.

"I'm sorry Hilton pero please lang tigilan mo na ako. I don't want to be involve with creole, with you and all of your band members. Ayoko ng gulo at wala akong planong magkagusto... " I stopped and sighed before continuing what I have to say, "Sayo. So please just stop what you're doing"

Hindi ko na siya pinagsalita, tumalikod na agad ako sa kanya pagkasabi ko ng mga salitang iyon. I think it wouldn't help me kung makikita ko ang mukha niyang malungkot. I know I'm such a bad person for doing that pero naniniwala akong mas masasaktan ko pa siya kung hindi ko siya bibigyan ng ultimatum ngayon palang.

Alam ko sobrang assumera ako pero hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na kahit katiting ay gusto niya ako. Para tuloy nambasted lang ako. Pero at least ngayon alam niya na kung saan siya lulugar.

Oo na, ako na ang sobrang makapal ang mukha.

Pagpasok ko sa kwarto ay nakita kong tulog na tulog pa rin si Chriselle sa kama niya. Napailing nalang ako dahil natanggalan na siya ng kumot. Inayos ko nalang ang kumot niya at nilagay hanggang sa dibdib niya.

Pagakatapos ay pinatay ko na ang mga ilaw at himiga na sa kama ko. Hindi pa ako nakakapikit ay narinig ko ang agad ang ring tone ko.

Tinignan ko kung sino ang tumatawag at nakita kong number nanaman 'yon ni Clef o ni Hilton. Ewan ko. Napairap ako. Talaga bang hindi ako tatantanan ni Hilton? Kakasabi ko lang na wala akong planong magkagusto sa kanya ah?

Tinitigan ko lang 'yung cellphone kong tumutunog dahil sumasakit na ang ulo ko sa kakulitan niya.

"F-ferm, I told answer your calls" untag ni Chriselle kahit nakapikit siya.

Ugh!

Dali-dali kong sinagot ang tawag na 'yon at dapat magbubunganga na ako kung hindi ko lang narinig ang isang malalim na boses.

"Why so rude?"

Biglang kumalabog ang puso ko ng marinig ko ang boses na 'yon. It's not Hilton's voice, sa tagal ko ng pinapakinggan ang mga kanta ng creole nakabisado ko na ang boses ni Hilton. I am sure it's Clef.

"What are you saying, Clef?" diniinan ko ang pagkakasabi ko ng pangalan niya.

"Hilton likes you and you broke that man's heart just like that" aniya na medyo irita na ang boses. Gusto kong magwala dahil sa sinabi niya. Anong gusto niyang sabihin? Kailangan magkagusto din ako sa kaibigan niya para hindi ko siya masaktan?

"Kung 'yan lang ang sasabihin mo. Ibaba ko na 'to. Matutulog na ako" I said boredly. Kung hindi ko siya papansinin siguradong titigilan niya rin ako. I believe in that principle.

Inayos ko ang higa ko sa kama at ipinikit na ang mga mata ko dahil nakaramdam na ako ng antok. Bahala na kung matulugan ko si Clef, wala rin naman kasing sense yung sinasabi niya. Makakain ko ba 'yon? Hindi naman diba.

Narinig ko nalang ang malalalim na paghinga sa kabilang linya. I didn't bother to say anything hanggang sa marinig ko ulit ang malalim at malamig niyang boses.

"You said you don't want to be involved with creole or to any member of our band, Fermatta. But let me tell you this, you're already involve and there's no escape from us"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko 'yon. Bigla akong napamulat at ang sunod kong narinig ay ang naputol niya sa linya.

You are reading the story above: TeenFic.Net