♬ 6

Background color
Font
Font size
Line height

Six

It's not enough

A/N: Please play the video and imagine that it's Fermatta who's playing it! It's a wonderful rendition in anyhow and anyways. Hahaha. Video credits to the owner: Jason Piano in youtube. (I do not owned the video, okay?)

"Aren't you coming with me? Pupunta ako sa canteen" ani ko kay Chriselle. Nakataklob lang ng kumot ang kanyang buong katawan at ni hindi man lang kumibo sa akin.

"I'll just bring you lunch" mahina kong sabi at lumabas na sa kwarto namin.

Napabuntong-hininga nalang ako sa kalagayan niya. She's been acting like that since yesterday. She didn't pass the audition she have been waiting for so long. Too bad dahil nasprain pa ang ankle niya and it takes two weeks bago ulit siya makakapagballet. Gusto ko siyang icomfort pero alam ko naman sa sarili kong hindi ako magaling sa ganuong bagay. Should I say 'Okay lang 'yan' kahit hindi naman talaga okay o kaya naman ay should I tell her that 'You must have expected na pwede ka ding hindi makapasa sa audition' . Either of the two alam kong pointless iyon so I just decided to shut my mouth. Less talk less mistake.

Ibibili ko nalang siya ng pagkain dahil wala naman atang balak maglunch ang isang iyon, ni hindi pa nga siya nakakapagbreakfast at paniguradong tulad ko ay kumukulo na ang tyan niya. Nang makarating ako sa canteen ay agad akong pumili para makabili ng pagkain. Chicken curry will always be my favorite kaya iyon ang binili ko, bumili din ako ng grilled liempo para kay Chriselle. She's always eating fat foods pero hindi naman nagbabago ang katawan niya. Siguro ay may ganon lang talagang tao.

Nang makarating ako sa canteen ay dumiretso ako sa mga estudyanteng nakapila para bumili ng pagkain. Nang makakuha na ako ng pagkain ay agad akong nagbayad sa counter. Nginitian pa ako nuong aleng simula ata pumasok ako dito nagseserve na sa akin, ni hindi ko man lang alam ang pangalan niya.

Binuhat ko agad ang tray ko ng pagkain at nagsimula ng maglakad papunta sa upuan ko sa tabi ng bintana. I thought this day will be a smooth day for me pero nagulat ako ng may bumangga sa akin na dahilan ng pagtapon ng mga pagkain ko sa kanya.

"Shit" mura niya habang pinapagpagan niya ang damit niyang punong-puno ng mumo ng kanin at chicken curry.

Sure thing wala akong ginawang masama dahil siya ang bumangga sa akin. He should have just avoided me dahil alam niyang may hawak akong tray. Pagangat ko ng paningin ay nakita ko duon si Blaire na simangot na simangot habang mahinang nagmumura.

Tinignan niya ako ng magkasalubong ang kanyang kilay, "Watch out!" pagalit niyang sabi sa akin.

Gusto kong itapon sa kanya ang natitirang pagain ko duon sa tray na kanina ko pa hawak para lalo siyang mairita sa akin. Hindi ko naman kasi sinasadya iyon at siya naman talaga ang bumangga sa akin, sana ay hindi siya ganyang kagalit sa akin because it irritates the hell out of me.

Tumingin siya sa akin na parang hindi siya makapaniwala, "Now what? Hindi ka man lang mgsosorry sa 'kin?"

I snorted at him and said without any sincerity, "Sorry" nanlalaki ang mga mata niya at lumalaki na rin ang butas ng ilong niya. Everyone was looking at us, syempre ang top notcher ng dance department ay natapunan ng pagkain ng isang tagamusic department na may level C. What's new? He can always get attention from everyone just like Creole, just like Mr. Bracelli and Searcy.

Walang kaimik-imik akong bumalik sa counter para isauli ang tray ko ng pagkain. Kinuha ko nalang ang nakabalot na pagkain para kay Chriselle, nawalan na rin ako ng gana dahil duon sa mayabang na Blaire na 'yun.

Everyone was looking at me at nagsinghapan ang lahat ng lagpasan ko lang si Blaire. I don't care dahil nagsorry na ako, pasalamat pa nga siya at nagsorry ako, my concsience will just kil kung sakaling hindi ako nagsorry, I have fault too I know but he shouldn't acted that way because it's mainly his fault.

Nang malapit na ako sa pinto palabas sa canteen ay narinig ko ang sigaw ni Blaire, "Fermatta Gonzales Rivera!" napahinto ako dahil buong pangalan ko ang tinawag niya. Eh ni hindi ko alam ang middle initial ng isang 'to, paano niya nalaman ang akin? Tsaka sa pagkakatanda ko ay ito ang unang beses na magkausap kami. Too bad dahil ganitong eksena pa kami unang nagkita.

I looked at him with my brows furrowed. Para kaming gumagawa ng pelikula sa harap ng schoolmates namin, I just hated talking to someone who's popular. He was going to say something pero biglang natigil ang sasabihin niya nuong maramdaman kong may umakbay sa akin. Napatingala ako to see Lance smiling to Blaire.

"Stop it Blaire" aniya with those creepy smile, "Off limit dude" aniya.

Nakita kong nagpailing-iling si Blaire at siya pa ang unang umalis ng canteen sa amin, ni hindi ko maintindihan kung bakit bigla siyang umalis ng sinabi ni Lance ang salitang 'Off Limit'. Is it a boys code again, should I study how guy's brain work para maintindihan ko sila? Nah, I will just waste my time.

"Anong nangyari dito?" narinig kong tanong nuong nasa likod namin.

There I saw Hilton with his band. Palinga-linga pa si Hilton sa paligid dahil lahat ng tao duon ay nakatingin sa amin, of course mas lalo kaming pagtitinginan dahil nasa likod lang namin ang Creole. Napabuntong-hininga nalang ako at hinila si Lance palabas ng canteen. I heard Hilton calling my name at ni hindi ko man lang siya pinansin dahil baka buntutan nanaman niya ako ngayong araw.

Nang tuluyan na kaming makalabas ng canteen ay narinig ko ang halakhak ni Lance. I looked at him na parang isa siyang alien, "What are you laughing for?"

"You don't really get it, do you?"

Kumunot lang ang noo ko sa kanya, "I'm going to tell you a secret" aniya bago niya ilapit ang kanyang labi sa tenga ko, "Blaire likes you, Fermatta and I am the only reason why he stays away from you"

Sa sobrang asar ko eh agad ko siyang naitulak at iniwan sa kinatatayuan niya habang humahalakhak siya. Hawak-hawak niya pa talaga ang tyan niya habang natawa. He's just kidding, I know. How come Blaire Esteben likes me eh ni hindi nga ako nuon kilala but he knows my name but maybe dahil lang iyon kay Lance. Of course, they are brothers. Sigurado akong alam ni Blaire ang pangalan ko dahil sa kuya niyang si Lance na kaibigan ko.

Hindi mo talaga mapapansin sa una na magkapatid sila. Ang alam ko ay two years older itong si Lance kay Blaire, so kung 20 na si Blaire ngayon ay lolo na si Lance at sigurado akong magtatagal pa ang lalaking iyon dito dahil level D palang siya. Parang gusto niya talagang totohanin ang sinabi niyang sasabayan niya ako sa paggraduate ko.

Inalis ko lahat ng nangyari kanina sa isip ko dahil puro lang naman iyon kalokohan. I just decided to go back to dorm para ibigay kay Chriselle ang pagkain niya, pagdating ko duon ay nakatalukbong pa rin siya ng kumot. Hindi ko na siya kinausap at ibinaba ko nalang sa mesa niya ang pagkaing dala ko.

Kinuha ko na rin ang bag ko na puro laman ng pyesa at nagdesisyong magpractice na lamang sa buong hapon. Bukas na kasi ang audition ko, okay naman na ang pyesang gagamitin ko ang kakailanganin ko nalang talaga ay lakas ng loob. Tahimik ang mga hallway dahil busy ang lahat sa pagprapractice para sa audition. Mamayang 4pm ay magsisimula ulit ang audition sa pangalawang araw, kahapon ay natapos iyon ng halos 10pm na sa sobrang dami ba namang gustong sumali duon pero onti lang talaga ang pinalad na makapasa.

Nang makarating ako sa music room ay wala namang tao duon. Inayos ko agad ang mga gamit ko at nilagay ang pyesa sa harapan ko pero nagulat ako ng may makita akong isang plastic bag duon. Kinuha ko iyon at tinignan ko ang laman nuon, dalawang tupper wear na may lamang kanin at chicken curry, huh? Napalingon ako sa paligid dahil baka may tao naman talaga sa loob ng music room pero wala naman.

Naiwan ba 'to ng estudyante o para sa akin talaga 'to? Paano ko nasabing para sa akin? Kasi chicken curry 'ayung ulam. Tinignan ko pang maigi ang paligid baka galing kay Hilton iyon siya lang naman ang pwedeng mangistorbo sa akin sa pagprapractice ko pero wala akong nakitang ni anino niya. Hinayaan ko nalang iyon at itinabi ko ang pagkain. Gutom ako at mamaya ay kakainin ko ang chicken curry, wala naman siguro 'yung lason o gayuma.

Buong hapon ay nasa loob lang ako music room para sa polishing ng tutugtugin ko bukas, onti nalang naman iyon kaya't hindi na ako nagtagal pa. Hindi naman talaga ako nageexpect na makapasa sa audition na 'yun ang tanging gusto ko lang ay makuha na ang notebook ko kay Clef at ang mapatunayan sa kanyang kahit papano ay may ibubuga ako sa pagtugtog ng piano.

Nang magaalas-sais ay umuwi na rin ako sa dormitory, pagdating ko sa kwarto ay wala na duon si Chriselle, tinignan ko ang balot ng pagkain na binili ko para sa kanya pero mukhang hindi naman 'yun nagalaw. Tinignan ko ang kama niya at ayos na ayos iyon. Kinuha ko agad ang cellphone ko para itext kung nasaan siya pero nakita kong may text na siya sa akin duon.

'I'm going home today sa monday na ako babalik. Sorry kung hindi kita mapapanuod sa audition mo, ipapacheck-up ko din kasi ang paa ko. You can do it anyway! Good luck Ferm :)'

So she left without even saying goodbye to me. I know it's really hard for her dahil iyon ang pangarap niya pero sabi ko ang kailangan sa school na ito ay talento.

Ang gabing iyon ata ang pinakatahimik na gabi ko sa kwarto namin sanay kasi akong nanduon sa kabilang kama si Chriselle na kung hindi nagbabasa ng libro ng malakas ay kumakanta ng mga kanta ni Taylor Swift, palaging ako ang umaalis at siya ang nagstastay dito sa kwarto. Dahil sa kabagutan ko ay lumabas nalang ako sa dorm kahit gabi na, hindi naman ganuon kagabi pero wala ng pakalat-kalat na estudyante sa labas pero nagkamali ako dahil paglabas ko ng building ay nakita kong nakatayo sa gilid si Searcy at kaharap niya si Clef. Nasa madilim silang parte at tulad nuong una kaming nagkasalubong ni Clef nakahood siya na halos itago na ang buong mukha niya pero dahil siguro nakita ko na siyang ganuon dati ay nakilala ko agad siya.

Sabay pa silang napatingin sa akin ni Searcy at parehas ko lang silang tinaasan ng kilay. Pasalamat sila at hindi ako katulad ng iba na sobrang daldal dahil kung hindi ay baka nasabi ko na sa iba na may relasyon silang dalawa.

Dahil wala akong mapuntahan ay tinalikuran ko nalang silang parehas para bumalik sa kwarto ko. Akala ko pa naman ay makakalanghap ako ng masarap na hangin pero hindi pala. Naglalakad na ako papunta sa lobby ng dorm nang marinig ko ang boses ni Searcy.

"Good luck tomorrow, Ferm" aniya at hindi ko man lang sila nilingon at pinasalamatan.

Hindi ko naman kasi siya close bakit niya ako kinakausap? Hindi naman por que hindi ko sinasabi sa iba 'yung relasyon nila ni Clef ay tropa na kami. Maglalakad na sana ako nang maramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko. Tinignan ko kung sino ang nagtext pero isa 'yung unknown number.

'Good luck Ferm - Clef'

Huh?

Nang sumunod na araw ay halos alas-dose na ako nagising dahil gabing-gabi na ako nakatulog. Kahit ano atang tulog ang gawin ko ay hindi ko magawa kagabi at hindi ko alam ang dahilan nuon kaya wala akong kagana-ganang bumangon. Paglabas ng kwarto ko ay narinig ko lang ang walang humpay na pagtunog ng cellphone ko, hindi ko alam kung mananakit ba ang ulo ko dahil sa paulit-ulit na tunog o hahayaan ko nalang iyon dahil wala akong ganang sagutin ang tawag.

Tinignan ko kung sino ang tumatawag at nakita ko ang pangalan ni mommy duon. Agad akong ginapangan ng kaba dahil tumatawag lang naman siya kapag may mahalaga siyang sasabihin sa akin. Tinitigan ko muna ang cellphone ko nagiisip kung sasagutin ko ba 'yun o hindi pero sa bandang huli ay pinatay ko rin ang tawag niya. Napabuntong-hininga nalang ako, alam ko namang tinatawagan niya lang ako dahil gayon ang audition ko sa music fest. Ano bang bago duon?

Nagvibrate ang phone ko at nakita ko ang text message niya sa akin.

'I just want to say goodluck anak! Kaya mo 'yan. Always think you're Elizabeth's daughter and you can have whatever you want'

Napaismid nalang ako dahil sa text niya sa akin. Yea right, I can always have whatever I want mother. Whatever.

Pagkatapos kong magayos ay lumabas na ako ng dorm, nadatnan ko si Lance na nasa labas nuon. Ngumiti siya agad sa akin at sumimangot agad ako sa kanya. Masama agad ang bungad ng araw ko.

"Dapat ay ngumingiti ka ngayon para positive ang result ng audition mo mamaya" aniya habang sinasabyan ako sa paglalakad.

Hinampas ko lang ang tyan niya at nakita ko ang paghalakhak niya sa akin. Gusto ko pa rin siyang pagsasapakin dahil sa pantritrip niya kahapon tungkol kay Blaire. Ugh!

Sabay kaming kumain sa canteen at tulad pa rin ng dati ay sobrang kulit niya pa rin sa 'kin, akala ko ay tatahimik na talaga ang mundo ko dahil wala si Chriselle ngayon pero mukhang ayaw akong tantanan nitong si Lance. Nang sumapit ang hapon ay hinatid niya pa ako sa backstage ng Fola Theater, duoan kasi dapat kami magstay bago ang audition

Duon ay nakita ko agad si Mr. Bracelli. He smiled like an idiot when he saw me. Gusto ko nalang tumakbo palayo dahil alam ko ang ibig sabihin ng ngiting 'yon na parang sinasabing 'Sabi na nga ba't pupunta ka rin dito' Imbis na kausapin ko siya ay nakuntento nalang ako sa pagupo sa gilid habang nakapasak sa tenga ko ang earphone ko at pinapakinggan ang kanta ng Creole.

Maya-maya lang ay narinig ko na ang announcer na sinasabi ang pangalan ng unang magpeperform. Nakita kong lumabas mula sa backstage si Searcy. Siya pala ang unang magperperform, inalis ko ang earphone sa tenga ko at pinagmasdan siya habang nasa stage siya.

Maikli ang buhok ni Searcy na hanggang balikat, sobrang puti din ng balat niya na mukha siyang mannequin, maraming nagkakandarapa sa kanya dito sa school dahil matalino at magaling siyang kumanta. Sa pagkakaalam ko ay mabait din siya pero hindi ko naman 'yun mapatunayan dahil hindi naman kami close.

Tumugtog na ang background ng kakantahin niya at maya-maya lang ay narinig ko na ang maganda niyang boses.

"Grew up in the town that is famous as it seems of movie scenes"

From the first line of the song eh alam ko ng makakapasok si Searcy sa music fest. The quality of voice, techniques and stage present nasa kanya na siguro lahat. She's genius I know at alam kong pagkagraduate niya dito ay sisikat agad siya.

Hindi na ako nagaksaya pa ng panahon para panuorin siya sa pagkanta dahil alam ko na ang magiging resulta nuon. Naupo nalang ulit ako sa backstage at gumawa ng sariling mundo kasama ang mga kanta ng Creole.

Halos tatlong oras ata akong nakaupo duon bago ko narinig ang pangalan ko na sabihin ni Mr. Bracelli. Nakapagtataka lang at kahit na anong gawin ko ay hindi ako tinutubuan ng kaba, siguro talagang abnormal lang ako kaya ganon o talagang wala lang akong akong balak seryosohin ang auditiom na ito, siguro ay ganuon na nga. I heard Mr. Bracelli's goodluck nuong nadaanan ko siya I just looked at him and did my famous poker face.

Paglabas ko sa stage ay nakita ko ang mga tingin sa akin ng mga judges, I saw how Mr. Smith furrowed his eyebrow siguro ay hindi niya ineexpect na magaaudition ako sa music fest. Mr. Smith knows me sa 'twing nakakauwi galing sa ibang bansa si mommy ay napunta sa bahay si Mr. Smith para kamustahin si mommy siguro ay talagang close lang sila.

Sila Giovana naman at 'yung Xylus at mataman lang akong tinititigan. Nang dumako ang tingin ko sa Creole, lahat sila ay nakangiting aso sa akin maliban kay Clef.

Napakunot ang noo ko dahil sa ginagawang pagtitig sa akin ni Clef habang naglalakad ako sa gitna ng stage papunta sa piano duon. I remebered what he textedme last night, he said goodluck. Marami namang nag goodluck sa akin simula kahapon hanggang kanina but why do I feel so bothered with his simple message? At isa pa how did he know my number?

Inalis ko ang lahat ng iniisip ko nuong nakaupo na ako sa harap ng piano ko.

This is it Fermatta. I said to myself.

"Fermatta Rivera, third year level C from music department" ani nuong announcer.

Napapikit ako pagkabigkas niya ng pangalan ko and remembered something.

"Daddy bakit ba 'yan nalang lagi ang tinutugtog mo?" ani ko kay daddy habang nakaupo ako sa tabi niya sa harap ng piano. Sa 'twing magpiapiano kasi kami ay hindi niya iyon nakakalimutang tugtugin.

He looked at me at itinagilid ko lang ang ulo ko sa kanya. He messed my hair and just said, "It's because its our theme song. Me and your mom. We actually played this during our wedding siya ang kumakanta at ako ang tumutugtog" aniya habang kumikislap ang kanyang mata na parang naalala niya pa ang araw na iyon.

"So you remember mom whenever you're playing that?" tanong ko.

Tumango lang siya sa akin, "Yea, that's why I always play that song to always remember how I love your mom"

Pagkatapos nuon ay parang may sarili ng buhay ang aking mga daliri. Nanatiling sarado ang mata ko habang tinutugtog ang theme song ni mommy at daddy.

Wonderful Tonight.

I know I should be playing some classical piece right now or some difficult song pero gusto kong maramdaman ng mga nanunuod sa akin ngayon kung gaano kaespesyal ang kantang 'to sa 'kin.

This is my dad's favorite, he always smiles whenever he's playing this at home and I can't stop adoring my father when he's on that state. Just like him I am happy whenever I hear this. It's like a reminder for the both of us that no matter what happened mom's always there, even if she's really away.

Like what I am feeling now, I want others to feel the same way through my music. I want to touch their hearts. I want them to hear my heart.

All the time I was playing the piano ay iyon ang iniisip ko, si daddy si mommy at ako na masaya sama-sama. Parang may nagdadala sa akin sa ibang planeta at pakiramdam ko nuon ay ako at ang piano ko lang ang magkasama. It was so good to hear.

Natapos ang pyesang tinutugtog ko pagkatapos kong pindutin ang huling nota. Kasabay nuon eh ang pagmulat ko ng paningin ko.

Right through it ay nakita ko si Mr . Bracelli, he's just looking at me, ni walang emosyon ang kanyang paningin sa akin hindi katulad ng pagngiti niya sa akin nuong nasa backstage pa kami.

Duon ay nagsimula ng kumalabog ang puso ko. Masyado ba akong nadala ng emosyon ko?

I looked at the front stage to see the judges just looking at me, Hilton, Dwaine and Aldon was smiling pero hindi iyon katulad nuong kanina nung pumasok ako sa stage. May mali ba sa ginawa ko? As far as I know ay natapos ko naman ang kanta at wala akong maling nota na natugtog. Why they are giving me that looks?

Tumayo ako sa harap ng piano para intayin ang sasabihin nila sa akin pero hindi ko maikakailang ngayon ay kinakabahan na ako. I remained my poker face to them para hindi nila makita na ako ay kabado rin. So this is the feeling of beig judge by the others. Hindi ako mapakali.

I heard Mr. Smith coughs kaya napatingin ako sa kanya, "Why did you choose that song?" diretso niyang sabi sa akin.

I didn't expect na itatanong niya iyon sa akin, bahagyang nanlaki ang mata ko at kumunot ang noo ko.

"Because the song is special to me" mahina kong sabi. Ayokong ielaborate na iyon ang theme song ng mga magulang ko dahil tingin ko ay hindi naman iyon

You are reading the story above: TeenFic.Net