♬ 50

Background color
Font
Font size
Line height

Fifty

Path

"The news just broke the other day. Hindi rin namin alam ang totoong istorya. We didn't tell you because we know it will affect you" paliwanag ni Chriselle habang nakaupo siya sa paanan ng aking kama.

"Of course she will know! May TV at radyo dito sa kwarto niya!" bulalas ni Blaire na nakairap dito.

I saw Chriselle bitting her lip. Nakita kong umalis sa pagkakasandal sa pader at pagkakahalukipkip si Lance bago lumapit sa amin.

"Do not fight over this, you two. Dinadagdagan niya lang ang stress ni Fermatta"

"Pero paano na 'tin makakausap si Clef? This might be one of the reason why he is not contacting Ferm" ani Chriselle.

"How about Dwaine? Is he contacting you?" lingon ni Lance sa kanya.

I saw Chriselle avoiding his stares bago tumingin sa kanyang mga hita at umiling, "Hindi na kami naguusap pagkatapos ng New Year. He said he will be busy that time and I do not want to add more stress on him. Alam ko kasing magulo na sa kumpanya at nahihirapan na rin kaming magkausap dahil sa schedules at time difference ng Pilipinas at Los Angeles" mahaba niyang paliwanag na nakapagpabuntong-hininga lang kay Lance.

"Ah! I know! We can ask Searcy, kapatid niya si Inesia!" sigaw ni Blaire habang nanlalaki ang mata.

"That's Creole's manager, right? Bakit naman siya tutulong?"

Ngumiwi si Blaire dahil sa tanong ni Chriselle.

"She will help" anas kong nagpabaling ng tingin nila sa akin.

"How sure are you, Ferm? 'Di ba't mainit ang dugo nun sa 'yo?" tanong ni Lance.

"She was with us when we were in Naples. She helped us conceal from the company where we were staying back then. I know she will help us"

Agad kong nakita ang ngiti sa labi ni Chriselle. Si Blaire ay agad na kinuha ang cellphone para siguro kontakin na si Searcy samantalang si Lance ay umupo sa gilid ng kama kung nasaan ang maliit na upuan.

"Are you really sure you wanted to do this? There are many possible reasons why he is still not contacting you up until now" anas niya habang malamlam ang kanyang mata. Halata ang pagod sa mga ito. His eyebags are also showing, na tingin ko'y kasalanan ko dahil gabi-gabi ay siya ang nagbabantay sa akin.

I felt him hold my hand while his eyes are gazing at me. Huminga ako ng malalim bago marahang tumango sa kanya.

"I wanted to know the truth"

"What if it will break your heart, Ferm?"

Pakiramdam ko'y sumakit ang aking dibdib dahil sa kanyang tanong. Blaire and Chriselle's eyes are now staring at me too. Pinilit kong ngumiti kahit pakiramdam ko'y unti-unting pinupunit ang aking puso.

"Then I will accept it... " anas ko habang pinipilit na bigyan sila ng ngiti.

"Kahit masakit tatanggapin ko. Mas gugustuhin kong malaman ang totoo at masaktan kaysa sa hindi malaman ang totoo at umasa sa wala"

They all looked at me like they are symphatizing at me. I ignored it just like how I ignored things before. Pakiramdam ko kasi ay iyon lang ang aking sandata ngayong kitang-kita nila kung sino talaga ako, kung ano ang aking iniisip at nararamdaman.

They know I am hurt because of the love I am waiting without assurance. Alam nila ang lahat ng sakit na aking pinagdaanan. As much as I want to hide everything, alam kong hindi ko kayang itago ang isang 'to.

Simula ng magising ako wala akong hiniling kundi ang makausap si Clef. I just wanted to see him and ask him things. I miss him so much to the point that I beg to Blaire to help me na makausap siya.

Pagkatapos naming magusap na apat ay nagpaalam na si Blaire at Chriselle na babalik na sila sa Cecilian. Blaire is a graduating student at nagpreprepare na sila para sa graduation at final show nila kaya hindi siya madalas na pumunta sa ospital at kailangan agad na umuwi. Samantalang si Chriselle naman ay nagrereview para sa final exams.

Only Lance stayed at the hospital that night dahil may inaasikaso daw sila Mommy at Daddy. Buong gabi ay wala kaming ginawa kundi manuod ng movie sa malaking flatscreened TV kahit na pinagsabihan kami ng nurse na hindi ako pwedeng magbabad duon.

I slept while Lance's fingers are playing with my palm. Nagising ako'y madaling araw. The room is quite dark dahil ilang ilaw lang ang bukas habang habol-habol ko ang aking hininga.

I dreamt about the accident again pero ipinagsawalang bahala ko lang iyon. Akala ko'y mawawala rin iyon sa mga sumunod na araw pero habang tumatagal ay padalas ng padalas ang mga panaginip ko tungkol duon.

The stares of that girl. The driver's agony while the car is crashing habang kumakalat ang usok sa paligid.

"Ferm... wake up!"

Iminulat ko ang aking mata at nakita ang nagaalalang mukha ni Lance sa akin. Madilim pa sa paligid, patay ang ilang ilaw sa paligid siguro dahil hindi pa sumisikat ang araw.

"Are you dreaming about the accident again?"

Hindi ako nakaimik. Umawang ang aking labi para makalanghap ng hangin at mawala ang sakit sa aking dibdib patungo sa aking tiyan.

"Saglit. Kukuha ako ng tubig" he said bago tumayo sa kanyang kinauupuan pero bago pa siya tuluyang makalayo sa akin ay agad ko ng nahigit ang gilid ng kanyang tshirt.

He looked at me with questioning eyes. Kinagat ko ang aking labi bago pa iyon manginig, "S-stay... " anas ko.

Humarap siya sa akin habang nakakunot ang kanyang noo.

"D-Dito ka lang. Natatakot ako... " ani ko habang namumungay na ang aking mata. Tears are already threatening to fall pero pinigilan ko iyon kasabay ng pilit na pagpapakalma sa malakas na tibok ng aking dibdib.

I saw him heaved a deep sigh before nodding. Bumalik siya pero imbis na sa upuan na kanina niyang inuupuan ay duon siya umupo sa gilid ng aking kama. Umusod ako para tuluyan siyang magkaroon ng pwesto duon.

I felt his arms around my shoulder hanggang sa tuluyan siyang makahiga sa aking tabi. I did not hesitated when I put my head on his chest and gripped on his shirt tightly while we are both laying on the hospital bed.

"I'm just here... I won't leave" he murmured.

My heart throbbed so much hearing those words from Lance. Siguro dahil may tao akong naalala sa mga salitang iyon. That once in my life, someone promised me that he will always stay beside me then made me realized that promises are just really meant to be broken.

"Post-traumatic stress disorder. This is very common with patience who have undergone terrifying events in their life like car accident. Symptoms are nightmares and severe anxiety so I suggest that you avoid things that might trigger her anxiety. Palagi niyo rin siyang pasasayahin para hindi siya magisip ng kung anu-ano" I heard my doctor said while I am pretending to be sleeping.

Ilang buntong-hininga ang narinig ko sa paligid dahil duon pero wala akong ginawa kundi ang magtulug-tulugan. Takot na baka mas lalo silang magalala kung malalaman nilang alam ko ang mga sinabi ng doktor.

Sa mga sumunod na araw ay pinilit kong ipakita sa kanilang hindi ako nalulungkot.

"I passed the exam! Akala ko talaga sobrang hirap, hindi naman pala masyado! Practical exam na lang at makakaraos na ako!" anunsiyo ni Chriselle habang nakangiti siyang nakaupo sa paanan ng puno sa garden habang ako'y nakatulala lang sa mga batang naglalaro hindi kalayuan sa amin.

"Gusto mo ba ng chicken curry? 'Di ba paborito mo 'yon? Pwede akong magpuslit kahit bawal sa 'yo" she giggled that made me look at her.

Ngumiti ako't tumango kaya ng sumunod na araw, nuong wala na ang ilan kong bantay at si Lance ay natutulog sa sofa ay pumunta siya sa aking kwarto para pakainin ako ng chicken curry.

She looked at me with wide smile habang sunod-sunod ang pagsubo ko ng kanin at ulam. I miss this food! Akala ko ay mawawalan ako ng gana pero ng maamoy ko ito kanina ay tuluyang kumulo ang aking tiyan kahit na wala pang isang oras nuong huli akong kumain.

"Blaire will visit you with Searcy tomorrow. Nasabi nila sa akin kanina"

Napaangat ang tingin ko sa kanya ng marinig iyon. Nagkibit-balikat lang siya habang nakaimprenta pa rin ang ngiti sa kanyang labi, "I don't know... siguro ay nakakuha na sila ng impormasyon para makausap na 'tin si Clef. You know I tried contacting Dwaine through skype and cellphone pero tingin ko ay nagbago siya ng number"

"I'm sorry... "

Agad siyang umiling dahil sa sinabi ko. She's smiling pero wala ang kintab sa kanyang mga mata, "When you flew to Los Angeles for the West Tour that's the time our relationship became rough. Madalas na kasi kami talagang hindi nagkakausap nuon" kwento niya habang nakatingin sa aking plato, "He still wanted to continue courting me pero ako iyong may ayaw. Siguro dahil duwag ako sa long distance relationship. Ayoko rin magselos at mawalan ng tiwala sa kanya dahil lang sa hindi kami madalas magkasama kaya bago pa mangyari 'yon pinutol ko na ang lahat ng mayroon kami"

"Have you tried asking him if he can go back to the Philippines just for you?"

Agad siyang umiling sa tanong ko, "Nope. Takot ako, Ferm" malungkot niyang sabi, "I am not like you who is brave to fight for what you wanted. Maybe it's my fate to remain as his fan"

Natahimik ako dahil sa sinabi niya. She might think that I am brave, that I do things that would make me happy pero sa kabila ng lahat ng ginawa ko hindi ko pa rin naasam iyong kasiyahang gusto kong makamit.

Maybe that's the consequence of being so selfish. Happiness for happiness. Is that the karma for me this time?

"Oo nga pala! Teka may ipapanuod ako sa 'yo" aniya bago tumayo at tumungo sa malaking flat screen TV.

Taka ko siyang tinignan habang binubuhay niya iyon. Agad niyang inilipat ang channel hanggang sa makita ko sa TV ang mukha nila Hilton at Dwaine kasama si Clef at Aldon.

Nagsimulang maghuramentado ang puso ko. Nanlalaki pa ang aking mata habang pinagmamasdan si Clef na nakaupo lang sa mahabang table katabi si Aldon at kaharap ang maraming reporters.

He still has those serious aura. Hindi ngumingiti at hindi rin nagpapakita ng ibang ekspresyon. His haircut also changed. He looked more mature now with his clean-cut styled hair. Mas umaliwalas ang mukha but still... he has those enigmatic stares.

"How about you Clef? How are you feeling now that you're back in the group?"

Suminghap ako't tuluyang nawalan ng paki sa aking pagkain. I felt my stomach aching maybe because my breath are starting to hitch.

Tumingin muna siya sa paligid. I saw the flashing of the cameras who are probably in front of them. Is this some kind of a presscon?

Tumikhim siya bago tumango, "It's good. We've prepared an album for my return. Most of the songs are written by me"

"But what can you say about the world tour? How are you feeling that the first stop of the tour would be in Manila?"

"I'm excited" tipid niyang sabi bago itutok sa ibang members ang camera.

He's coming back in Manila?

Nang sumunod na araw ay dumalaw nga sa akin si Blaire kasama si Searcy. Mom was also there but immediately left us when Chriselle and Lance came to my room at sinabing bibili lang ng makakain para sa mga bisita ko.

"Have you talked to Inesia?" agarang tanong ni Chriselle pagkasarang-pagkasara ng pintuan ng aking kwarto.

Tumango si Searcy, "Yes. Nakausap ko siya kagabi ang sabi niya ay tutulong daw siya. Babalik sila rito sa Pilipinas sa susunod na linggo para sa concert ng Creole"

"That's a good news!" ani Lance.

"Pero paano?" nakakunot noong tanong ni Chriselle habang nakahalukipkip.

"Nagusap na kami ni Searcy tungkol rito. Inesia is willing to cover for us, they need to attend a small meeting with Cecilian's shareholders once na nakabalik na sila rito sa Pilipinas" sabi ni Blaire.

"He's right. Sabi ni Ate pwede niyang sabihan si Clef na magusap muna kayo bago magsimula ang meeting tutal ay pare-parehas nilang rest time iyon mula sa mahabang byahe pabalik rito" dugtong naman ni Searcy.

"Saan ba ang meeting nila?" tanong ni Chriselle.

"Sa Cecilian" Searcy answered.

Nanlaki ang mga mata nito, "Are you serious? Ibig sabihin dadalhin na 'tin si Fermatta sa school? Paano kung may ibang estudyanteng makakita sa kanya duon? Paano na'tin siya dadalhin sa school kung palaging may oxygen mask na nakadikit sa kanya?" Histerikal nitong tanong.

"Hindi pwedeng si Clef ang pumunta rito. Baka may paparazzi ng nakabantay sa kanila. If he will come here it will create a worst issue!" Searcy hissed at her.

"Then what are we going to do now?" seryosong tanong ni Lance na nasa aking tabi.

Ngumiwi si Searcy dahil duon bago tumingin sa akin. Chriselle is now frowning at them too samantalang si Blaire ay seryoso lang rin ang titig sa amin.

Narinig ko ang tikhim ni Blaire bago ito nagsalita, "Then we will bring Fermatta at Cecilian by hooks or by crooks. It's the only way... wala naman na kayong ibang paraan 'di ba?" he asked while cocking his head.

***

Nagising ako dahil sa mahihinang tapik sa aking pisngi. Nang iminulat ko ang aking mata ay nakita ko agad ang mukha ni Lance.

"Let's go?"

Tumango ako at kahit na masakit ang aking ulo ay pinilit kong makatayo sa kama. I scanned the room and it's already clear. Wala na si Daddy o si Mommy na kanina ay nagbabantay sa akin.

Maybe Lance already made something up para makaalis sila rito sa ospital.

Dahan-dahan niya akong inilagay sa wheelchair hanggang sa tuluyan akong makaupo duon ng maayos. He kneeled in front of me habang nakatitig siya sa akin.

"Are you sure with this? We can still back down, Ferm. There are no assurance with this one. I can still save you... " anas niya habang titig na titig siya sa akin na parang nakikiusap siya.

I have thought about this many times too. The consequences if we will ditch the hospital. The madness of my parents. The possible outcome of this to my health. Pero kahit anong gawin kong isip ay bumabagsak pa rin iyon sa iisang desisyon and it's to meet Clef.

Marahan kong kinagat ang aking labi bago pumipikit.

"Y-you know that I do not want to be saved, Lance... " mahina kong anas.

He closed his eyes tightly like he is in total pain when he heard that bago tumango-tango sa akin at ngumiti.

"Right... then let's get this done" aniya at tumayo na para maitulak ang wheelchair na aking kinauupuan.

Halos lahat ng nurse na aming nakakasalubong ay binabati kami at wala kaming ginawa ni Lance kundi ang bumati pabalik. Kabado ako dahil baka mabuking kami sa pagtakas pero tiwala ako sa plano nila Lance.

Nang makarating kami sa garden ay agad kaming lumingon sa paligid kung may nakakita ba sa amin. When we feel that no one is around ay 'tsaka lang kami tumuloy-tuloy sa maliit na daan diretso sa parking lot ng ospital.

Agad kong nakita si Chriselle na nagaabang sa dulo ng maliit na pathway na dinaanan namin. She hurriedly waved her hands bago ituro ang Innova na nakapark sa hindi kalayuan.

Mabilis na tinulak ni Lance ang wheelchair. Nang makatapat kami sa kotse ay agad bumukas ang pintuan at bumungad ang natatarantang mukha ni Searcy.

Agad akong binuhat ni Lance papunta sa tabi ni Searcy bago niya itiklop ang wheelchair at ilagay sa likuran ng kotse.

"Bilis Lance! Baka may dumating ng guard" sabi ni Chriselle na nasa front seat na habang si Blaire ay nakatingin lang sa amin gamit ang rear view mirror na parang handang pasibatin ang kotse kapag nakapasok na si Lance duon.

Binilisan ni Lance ang pagaayos ng aking wheelchair hanggang sa tuluyan na itong makapasok sa loob ng kotse at makatabi sa akin. Blaire immediately manuevered the car until run fastly. Buong byahe ay walang ginawa si Chriselle kundi ang tignan ako gamit iyong nagaalalang mata niya.

"Please tell us if you are not feeling okay, Ferm" aniya pa bago balingan si Blaire para tapikin ang braso nito, "Bilisan mo na diyan!"

Blaire groaned at her pero hindi naman iyon pinansin ni Chriselle. Napailing na lang si Lance dahil hindi na ata namin nakitang nagkasundo ang dalawa.

Habang nasa byahe ay panay ang tunog ng cellphone ni Lance. Nang makasilip ako duon ay nakita ko ang pangalan ni Daddy.

"Lance, patayin mo na lang ang phone mo" ani Searcy sa aking tabi.

Lance looked at his cellphone again. Narinig ko ang buntong-hininga niya at bago niya pa iyon patayin ay agad kong itinapat ang aking kamay sa kanya.

He looked at me with his one eyebrow arching up.

"I'll answer the call"

Umawang ang kanyang labi, "Hindi Ferm. Baka galit si Tito"

"I'll tell him I'm just okay. Ayoko ring magalala sila ng sobra sa akin"

Uncertainty is written all over his face. Chriselle looked at us again na parang inaantay ang desisyon ni Lance. In the end, he just sighed and gave the phone to me.

"Hello?" I answered softly habang sinasandal ang aking likuran sa upuan ng kotse.

"Oh God! Fermatta! Nasaan kayo ni Lance? Inikot na namin ang buong ospital pero wala kayo! Saan kayo nagpunta?" halos hindi magkandaugagang tanong ni Daddy sa akin.

Guilt suddenly washed over me. Ngumuso ako't pinagmasdan ang isa ko pang kamay na nakahimlay sa aking hita.

"We went out, Dad"

"What? Sa labas ng ospital!? Alam mo ba kung gaano kadelikado 'yang ginagawa niyo? Nasaan kayo? Pupuntahan ko kayo, Ferm!"

"D-Dad... please calm down"

"How can I calm down if you're out there without your oxygen and your inju— "

"I'll be fine, Dad" I said to stop him from talking.

Huminga ako ng malalim bago tumingin sa bintana ng kotse, "I-I just need to do s-something, Dad. Don't worry about me. Pagkatapos nito babalik rin ako sa ospital. Lance and my other friends will take care of me. P-Please Dad.. just one last time"

"Is this about Clef again, Ferm?" tanong niya na parang hindi niya gustong banggitin man lang ang pangalan nito.

My heart breaks because of it. Ang sakit na pilit kong tinatago ay unti-unti ko nanamang nararamdaman. It feels like someone is squeezing my heart tightly na napapikit na lang ako dahil duon.

Hindi ko sila masisisi kung tuluyan na silang nawalan ng amor kay Clef. I was fighting for him before the accident happened, I even defended him to my mother that he is not like the other artist she knew in the showbusiness that he will choose me over his career but after all the news I hav heard...

"Y-Yes, Dad. Just give me this one last shot" I pleaded.

Narinig ko ang buntong-hininga niya sa kabilang linya. Ilang segundo pa ay narinig kong muli ang pagsinghap ni Daddy, "Okay. Huli na 'to Fermatta. Please be back safe... " he said before I hung up the phone.

Halos lahat sila ay nakatingin sa akin pagkababang pagkababa ko ng cellphone ni Lance. Worried and pity are mixed on their expression. Nginitian ko sila para ipakitang okay lang ako kahit sa loob-loob ko pakiramdam ko'y kinakain na ako ng sakit.

Buong byahe ay wala akong ginawa kundi ang pagmasdan lang ang mga nadadaanan naming building at establisyimento.

Ani Chriselle ay makakapasok kami ng maayos sa Cecilian na hindi na kinakailangan pang icheck kung sino-sino kami sa kotse sa tulong ni Cael. I was surprised at first that he would help us but soon realized that Cael is a good person afterall. Na kahit sakit ang ibinigay ko sa kanya ay hindi niya ako gagawan ng kahit na anong makakasakit rin sa akin.

If everyone are just like him, maybe this world would be a better place to live in. Maybe we are not in this situation, maybe all of us are happy.

Halos isang oras lang ang aming byahe papunta ng Cecilian dahil hindi naman kalayuan ang ospital duon.

When I saw the gate

You are reading the story above: TeenFic.Net