♬ 5

Background color
Font
Font size
Line height

♬ Five

Next

I tried practicing in the music room. I was busy looking at the piece that I am going to perform on friday, it's quite difficult pero alam ko namang kakayanin kong mapagaralan iyon ng apat na araw kaso kanina pa ngawa ng ngawa si Lance at Chriselle dito sa tabi ko kaya hindi ako makapagconcentrate sa pagprapractice.

"I think you should do some cover of Yiruma's piece" ani Chriselle habang nakatingin siya sa list ng mga pwede kong tugtugin sa sabado.

"That's common. Try Ryan Cayabyab songs. Hindi na masyadong sikat iyong classical music sa Pilipinas, isa pa siguradong ihihighlight sa music fest ang mga pop songs" suhestiyon naman ni Lance.

"Eh mas magandang pakinggan ang kanta ni Yiruma" ani Chriselle.

"Mas papaboran nila ang opm" sabat naman ni Lance.

"Ito ang dapat niyang tugtugin para mahighlight ang galing niya sa piano"

"She can also perform this perfectly"

Sa sobrang asar ko eh malakas kong diniin ang kamay ko sa piano key ko na dahilan ng pagngiwi ng dalawa. Parehas ko silang tinignan ng masama dahil sa kakultian nila.

"Can you please get out?" nawawalan ko ng pasensyang sabi sa kanila.

Magsasalita pa sana si Chriselle pero agad na siyang hinila palayo ni Lance. Nang maisara na nila nag pintuan ay saka lang ako nakahinga ng maluwag dahil feeling ko nasuffocate ako sa kanilang pinaggagagawa. I don't like Yiruma neither Ryan Cayabyab's song. I don't want to play classical songs, too like what instrumentalists auditioned before. Gusto kong tugtugin ay 'yung kantang importante sa akin. It must have lyrics that can touch my heart, a melody that can see my soul.

One thing I've learned from playing piano is it's not always about how fast you can press the key with your fingertips. It's about how you play it. It's the emotion you can convey to the listeners, I can still remember Mr. Bracelli told me before.

'Singing and playing instruments are partly the same. Audience will listen to you dearly once they felt the emotion you wanted them to feel'

Gusto kong iapply ang mga tinuro sa akin ni Mr. Bracelli pero 'yun lang talaga ang tumatak sa isip ko dahil hindi naman ako palakinig kapag nagklaklase siya. It's either lumilipad ang utak ko o nagpapanggap akong nakikinig sa kanya.

It's not really my goal to pass that audition, ang mahalaga sa akin ay ang makatugtog sa harap nila. Just to prove to Clef that I am not afraid of rejection, just to prove them that I had a chance to enter this school not because of my connection. I wanted to show them that I can also produce good music, maybe not the best but still I can do. It's a win-win situation for me though, kasi makukuha ko na rin ang notebook ko sa ugok na 'yon.

Hindi niya naman kasi sinabing kailangan ipasa ko ang audition, ang sabi niya lang ay sumali ako duon.

I continued practicing with my remaining time bago sumapit ang alas-sais ng gabi, may mga binago ako sa pyesang hawak ko na, may mga tinanggal na nota at may mga dinagdag pa. I just thought that it will sound better kung gagawin ko iyon. Some changes aren't bad, right?

Nang mapagdesisyunan kong magpahinga ay agad kong nilikom ang mga gamit ko. Wala naman kasi akong balak na gayanin si Chriselle na grabeng pagudin ang katawan para lang sa pagprapractice. Well, magkaibang bagay naman ang pagsasayaw at ang pagtugtog pero parehas pa rin namang nakakapagod iyon.

I walked through the corridor, may mga nakasabit ng announcement sa bawat pinto ng classrooms tungkol sa nalalapit na audition para sa annual fest. May nakasabit na rin sa bulletin board na list kung sino at kelan sila magaaudition. Anila eh nakadepende ang list sa kung sino ang unang nagpasa ng application that's why Chriselle will be performing on Wednesday and I'll try my luck on Friday. Quite good though dahil kanina lang talaga ako nakapagdecide kung anong pwede kong tugtugin sa audition.

Nang mapadaan ako sa music studio eh narinig ko ang isang pamilyar na kanta mula duon.

"Six months since I went away
I don't know everything has changed
But tomorrow I'll be coming back to you"

Kahit hindi ko silipin ay alam kong ang Creole ang tumutugtog nuon. Iyon ang pinakaunang kantang napakinggan ko sa lahat ng kantang ginawa nila and I must say that it's my favorite. Hindi na ako nagtagal sa pwestong iyon at nagdesisyon nalang akong bumalik sa dorm para makapagpahinga. Nuong gabi ay tinawagan lang ako ni Dad at nagpapasalamat siya sa akin na sumali ako sa music fest.

"Thank God at you changed your mind honey" aniya sa kabilang linya.

"Cut it out, Dad. I'm still not passing the audition"

"I'm sure she will" sigaw ni Chriselle na naghohoolahoop sa harap ko.

Pinandilatan ko tuloy siya ng mata at humagikhik lang siya sa akin.

"Sige Dad, I'll call you next time. I'm going to sleep. Bye. I love you"

"Bye anak. I love you too" kinindatan lang ako ni Chriselle pagkatapos ng tawag na iyon at inirapan ko lamang siya.

Nang mga sumunod na araw eh wala akong ginawa kundi ang tumambay sa music room. Sa buong taon nang pagaaral ko sa Cecilian ay ngayon lang ata talaga ako naging busy. Ngayon ko lang din naranasan na halos araw-araw kong tipahin ang piano sa music room, nuon naman kasi ay tumutugtog lang ako sa 'twing may klase lang.

Nagmamadali akong maglakad nuon papunta sa classroom dahil malalate na ako sa Calculus ko. Kung bakit ba kasi napakaaga ng klaseng ito, tinanghali kasi ako ng gising dahil sa pagiisip sa pwede pang gawin sa kantang iaaudition ko kagabi.

Halos tatlong pintuan nalang at maabot ko na ang classroom na iyon ng may isang unggoy ang humarang sa akin.

He's smiling from ear to ear. Sabog sabog ang kanyang brown na buhok na akala mo ay hindi siya nagsuklay. I don't know why girls are really attracted to him, ni hindi ko makita kung saang anggulo ng mukha niya ang masasabi kong gwapo.

"Ang aga-aga tinititigan mo na ako ng ganyan" aniya habang nakangiti.

I snorted at him at itinulak ko siya para makadaan ako, mabuti nalang talaga at wala ng tao sa corridor dahil nagsisimula na ang mga klase indikasyon na talagang late na ako sa araw na ito.

"Hindi mo ba talaga ako papansinin?"

I ignored him at nagisip ng pwedeng alibi sa masungit naming professor sa Calculus. Sabihin ko kayang nagkalbm hindi kaya niya ako pagalitan?

"Kahit isang 'hi' lang wala?" pangungulit niya pa sa akin.

"tretreat kita mamayang lunch. Gusto mo ba?" aniya pa.

"I can buy my own lunch" I said coldly. Kapag hindi ako nakapagtimpi ay talagang babayagan ko ang isang 'to.

Sinilip ko siya sa gilid ng aking mga mata at nakita ko siyang nakatungo duon habang nakanguso. If I am just an ordinary girl I would think that he's really adorable but damn. Hindi ako natutuwa kapag may nagpapacute sa harap ko, ni hindi nga ako mahilig sa bata eh kaya ibig sabihin nuon hindi rin ako mahilig sa mga cute na bagay.

Iniwan ko siya duon at natanaw ko na ang pinto ng classroom namin. Nagmadali akong pumasok at hndi ko siya pinansin kahit pa tinatawag niya ako. Pagpasok ko palang ng classroom eh sinigawan agad ako ng professor. Sumimangot nalang ako sa kanya, nagkaroon pa ng quiz kaya lalo akong nabwisit. Ang aga-aga ay ito ang nangyayari sa akin.

Nang matapos ang klase ay nagmadali na akong lumabas dahil magprapractice pa ako sa music room. Hindi ko kasi magagawang magpractice mamayang hapon dahil papanuorin ko ang pagaaudition ni Chriselle. Ngayon kasi ang simula ng audition para sa annual music fest. Pwede namang manuod sa audition sa Fola Theater pero kadalasan ay inaadvise ng mga mentor sa Cecilian sa mga magpeperform na huwag manuod ng audition para hindi sila kabahan kaya ang karaniwang nangyayari ay onti lang palagi ang tao kapag may audition.

They are following professors here as if they are holding their lives.

Kelan ko kaya gagawin ang mga sinasabi ng professors dito? Kay Mr. Bracelli lang naman kasi ako nakikinig, biased pa 'yun dahil uncle ko siya. Minsan pa ay gumagana ang pagiging selective listener ko kaya lalo akong walang natututunan.

Nang pumasok ako sa music room ay nakahinga ako ng maayos dahil walang tao duon. Sa dalawang araw ko kasing pagpunta-punta duon eh palagi akong may nadadatnang estudyanteng nagprapractice din.

Umupo agad ako sa piano at kinuha sa bag ko ang pyesa roon. I opened it and scanned the whole piece. It's well polished, ang mga notang ayaw kong marinig ay inalis ko na, maging ang mga part na hindi naman necessary dahil wala namang voice accompaniment ay tinanggal ko na rin. Medyo pinagarbo ko sa part na magtratranspause dahil tingin ko ay 'yun ang magiging climax ng aking tutugtugin. Medyo nahirapan talaga ako sa pagaarange nito dahil palagi naman naririnig ang kantang 'to.

Naghuhumming ako habang nakalagay sa aking tenga ang lapis ko, piano lang ako ng piano at tinitignan ko kung tama ba ang pagkakanalisa ko sa bawat nota.

"And I say yes, you look wonderful tonight"

Nagulat ako ng biglang may lumagabog sa pintuan. Dammit! Tumingin agad ako duon at nakita kong nakaupo sa sahig si Hilton habang hawak niya ang kanyang pwet. Nang makita niya akong nakatingin sa kanya ay alanganin lang siyang ngumiti sa akin at kumaway.

"Hi Ferm" aniya na napapangiwi.

Imbis na tulungan ko siya sa pagtuyo eh inirapan ko siya, kung nakakamatay lang siguro ang pagirap ay marami na akong pinatay.

"Ano bang ginagawa mo diyan?" iritado kong tanong sa kanya.

He stood up and brushed up his hair using his hand. Napahawak siya sa batok, "Nakikinig? Ang ganda pala ng boses mo"

Nang sabihin niya iyon ay parang naginit nag mga pisngi ko. Hindi ko naman first time marinig ang salitang iyon dahil palagi ko 'yung naririnig kay Daddy sa 'twing nagbobonding kami sa harap ng piano. He plays piano and I sing for him pero matagal ko nang naisip na ang boses ko ay para sa tatay ko lang, ni hindi pa nga naririnig nila Lance at Chriselle na kumanta ako. Sinimangutan ko siya para itago ang siguradong namumula kong pisngi.

Agad akong tumalikod sa kanya para harapin ang piano at pyesang kanina ko pa prinapractice.

"Bakit piano ang pinili mo? Pwede ka namang kumanta?" hindi ko siya pinansin sa tanong niya. Wala rin naman kasi akong obligasyong sagutin siya. He's so nosy, ni hindi nga kami gaanong close.

"Iyan ba 'yung tutugtugin mo sa audition? Gusto mo tulungan kita? I think it's better if you.. "

"I don't need any help Hilton"

I heard complete silence nuong narinig niya iyon sa akin. I know I am rude at hindi ko alam kung paano ko ito mababago pero sa 'twing naasar ako ay kusa nalang iyong lumalabas sa bibig ko. I always make reasons why other people leave me. I felt guilty pero hindi ko rin naman maitatangging naaasar ako sa presensya niya.

Liningon ko siya at nakatingin lang siya sa baba na parang may iniisip siyang kung ano. Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay tinagilid niya lang ang kanyang ulo tulad ng ginawa niya nuong unang beses kaming magkita sa backstage ng Fola Theater and he said those words na lalong nakapagpapula ng pisngi ko.

"I-I just wonder why you chose piano even if it's obvious that you're better at singing" aniya.

*

Buong araw ay hindi ako tinantanan ni Hilton at buong araw ata siyang nakabuntot sa akin. Sa buong araw din iyon ay pinagtitinginan ako ng mga schoolmates kong siguradong asar na asar sa akin dahil kasama ko siya. Kung kaya ko lang ay itinaboy ko na sa kanila si Hilton pero ang unggoy na 'to eh ayaw akong lubayan. Hindi rin ako makapaniwala na ang isang tulad niyang International artist ay bubuntutan lang ako ng ganito, sa pagkakatada ko eh hindi ko naman siya ginayuma pero parang ganuon ang lumalabas na sitwasyon.

Pagkatapos niya kasing sabihin 'yun sa akin eh kanina eh para na siyang tangang paulit-ulit na sinasabi na magpalit na daw ako ng major at huwag na ako sa instrument at lumipat ako sa voice tulad niya nuong nagaaral pa siya dito sa Cecilian.

Gusto ko na nga siyang sabunutan pero pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil baka masampahan pa ako ng kaso na child abuse. Oo, child abuse dahil isip bata pa rin siya kahit ang tanda-tanda na niya.

Nang makapasok kami sa Fola Theater ay saktong 4pm, 'yon kasi ang start ng audition. Malayo palang ay nakita ko ng nasa harapan ng stage ang buong banda ng Creole. Nakapamaywang si Aldon habang nakasimangot siya ng makita niyang kasama ko si Hilton ay biglang nagliwanag ang kanyang mukha. He maybe finding Hilton. Nasa tabi niya si Dwaine na may hawak lamang na drumstick at si Clef na tahimik na nakaupo duon. Sa tabi nila eh naroon si Giovanna, isang sikat na choreographer sa bansa galing din siyang Cecilian nuon, katabi niya iyong fiance niyang si Xylus na isang dancer sa isang bansa, sa pinakadulo ng lamesa ay nakaupo duon si Mr. Smith, matanda na siyang mayroon malaking tyan, halos panot na ang ulo niya at kilalang producer ng mga bagong artist ngayon. Siya ang acting president ng Cecilian.

"Duon lang ako sa unahan, bye Ferm" paalam sa akin ni Hilton.

Hindi ko nalang iyon pinagkaabalahan pang sagutin at naghanap ako ng komportableng silya na maari kong mapanuod si Chriselle ng maayos. I seated on the center of the theater duon kasi ay maari kong makita ng tama ang anggulo ng sayaw ni Chriselle. pagkaupong-pagkaupo ko palang ay naramdaman ko na agad ang pagvibrate ng phone ko. I looked at my phone and saw Lance message.

'Reserve me a sit. I'll be late Ferm :)'

Napatingin ako sa paligid dahil sa text niya. Hindi ko naman na kailangan pang magreserve ng sit dahil mabibilang sa kamay ang manunuod ngayon sa audition. Maya-maya lang ay nagumpisa na ang ,audition, pagkatapos magpresent ng bawat estudyante ay duon din malalaman kung pasado ba sila o hindi.

Unang lumabas sa stage si Blaire, he's wearing those red longsleeved and hiphop pants.

"Blaire Esteban, fourth year level E from dance department" ani nuong announcer.

Narinig ko na ang pagtugtog ng kanta ni Snoop Dog at umpisa palang alam ko ng hiphop ang sasayawin niya. Magaling si Blaire hindi naman siya magiging level E kung hinid siya magaling. Swabe ang lahat ng mga galaw niya, he moves like a pro. Nakita ko pang tumatango-tango si Xylus sa harap. He's owning th music and he got a swag. Nang matapos ang tugtog ay napuno ang buong Fola ng palakpak at ako lang ata ang hindi pumalakpak sa kanila. Sa bandang huli ay narinig din namin ang desisyon ng mga judges sa kanyang ginawa.

"You're in Blaire Esteban" ani Giovanna.

He smiled a bit na parang alam niya ng makakapasa siya sa audition na ito. He's full of confidence and I wonder kung tinutubuan ba siya ng kaba sa dibdib tuwing magperperform siya. Maybe not dahil sa sobrang galing niya.

The audition went like that. May mga pumasa at halos lahat ay bumagsak, so they are only letting excellent student to perform on music fest. Tingin ko kasi ay wala pang 1/4 ng nagaaudition ang nakapasa, nang nasa kalagitnaan ay naramdaman ko ang pagupo ni Lance sa aking tabi saktong paglabas ni Chriselle sa stage.

Nagsinghapan ang tao dahil sa itsura niya. With those white leggings and black ballet custome, her curly long brown hair aren't tied up tulad ng nakikita sa isang ballet performance kaya lutang na lutang ang maputi niyang balat. She's really beautiful.

She's smiling wide habang nakatingin sa mga judges.

"I bet her knees are shaking right now" kumento ni Lance sa tabi ko habang nakangiti kaya siniko ko nalang siya. May gana pa talaga siyang asarin si Chriselle sa ganitong panahon.

"Chriselle Mae Comia, third year level C from dance department"

With her chin up head and ballet post we heard that familiar song. Damn, hindi ko nahulaan na ito ang gagawin niya. He's a black swan for this audition. She started moving her arms like a flowing water, he bended his body like it doesn't have any bone in it. She's graceful and I never saw her like this before. Every jump into the air and flip of her body you can see her passion. She's so beautiful with those spotlight that even highlighted his body shape. She looks angelic and dark, would it really be possible to combine?

I unconciously smiled because of her dancing, the music nearly ends and I am hoping that she will dragged any place for that music fest because she worked hard for it, she's the person I know deserve this thing because she persevere but as she did the last jump in the air with all smile and thought that she can make it we heard a loud sound from the stage.

I heard everyone gasping even Hilton and Dwaine. We stood up from the seat and searched if she's fine because sure thing it hurts a lot.

Chriselle was just there in the middle of the stage, she's sitting while she's holding his feet. She's looking down as if she didn't care about what happened to her. Her brown hair was all over his face and I saw how his shoulder move.

I saw Xylus and Giovana shooking their head in disapproval. The Creole was just there looking at her and Mr. Smith was just staring seriously and said, "Next"

Then it all sinked in. Chriselle didn't made it. She fell on the last second of his ballet piece.

You are reading the story above: TeenFic.Net