♬ 4

Background color
Font
Font size
Line height

Four

Pride

Pagkatapos nilang tumugtog ay bigla akong napatayo sa kinauupuan ko. They all looked surprised by my sudden action. Nakataas pa ang kilay ni Mr. Bracelli sa akin. I sighed deeply, "Excuse me" ani ko at kinuha ko ang mga gamit ko at lumabas na ako ng music room.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko at bigla nalang akong naasar sa pakikinig sa kanila. Maybe I am just overthinking about it. Sana pala ay hindi ko nalang sila pinanuod na magpractice para hindi ko naramdaman ito.

"Fermatta!" narinig kong sigaw ni Mr. Braceli sa akin nuong palayo na ako sa music room. I looked at him, "Just in case you change your mind. You can email me your application form"

Nang marinig ko iyon ay mas bumilis ang lakad ko pababa ng building na iyon. Tito Bracelli is like a living nightmare for me. Nakakaasar.

Buong hapon hanggang gabi ay nagkulong ako sa dorm. Kulit ng kulit sa akin si Chriselle kung kamusta daw ba ang panunuod ko sa practce ng Creole at ang tanging sinasagot ko lang sa kanya ay 'Fine' habang nakatutok ako sa pagbabasa ng libro. Salamat naman at nasa huling chapter na ako nito.

"You know what Ferm? You're really different" umungol lang ako nuong narinig ko si Chriselle na sabihin iyon. Ngayon ay patay na ang ilaw sa kwarto at ang tanging bukas nalang ay ang lampshade sa gilid niya. Tulad niya ay nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto namin na pinuno niya ng glow in the dark stickers. Puro iyon hugis stars na sa dulo ay may malaking half moon. They are beautiful.

"I envy you" aniya. Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Why?"

"It's because you can do what you really want. People think that you're strong. Everyone knows that you're the daughter of the great Elizabeth Rivera" napatawa siya pagkatapos niyang sabihin iyon, "Pero parang wala ka lang pakialam sa atensyon na binibigay nila sa 'yo" pagpapatuloy niya.

"Because I don't want attention Chriselle. I just wanted to become happy" napatahimik siya nuong sinabi ko iyon sa kanya as if parang may narealize siya, "Ikaw? Do you want attention Chriselle?" tanong ko sa kanya.

I saw her looking straight in the ceiling. Her brown eyes are refelcting through the shade of light the lamp is giving on her. She's really pretty just like this glow in the dark stickers all over our ceiling. They shine just like her.

"I do Ferm. I love attention" aniya.

Duon natapos 'yung paguusap namin nuong gabing iyon. Hindi ko alam kung sino ba sa aming dalawa ang unang nakatulog. Ako ba na nakatingin lang sa ceiling ng kwarto namin o siya na naghuhumming ng isang lullaby.

Chriselle was my friend since I walked through the corridors of Cecilian. First year we're classmates, blockmates to be specific kaya siguro naging close talaga kami. She's also my room mate, nuon eh naasar ako sa kanya dahil sa kakulitan niya wala siyang ginawa kundi ang punahin ako sa mga ginagawa ko but I get used to it and she got used to me. Siya lang ang nakatagal sa ugali ko maging si Lance that's why sa kanila lang ako may pakialam.

May ba din naman nagtangkang maging kaclose ako pero kapag lumalabas na ang katarayan ko ay iniiwan na rin nila ako. Maybe you can only find few real friends in this world.

Nang mga sumunod na araw ay naging normal ang araw ko, hindi katulad nuong nakaraan na kung anu-ano at kung sinu-sino ang nakikilala ko. Maliban sa bago naming subject sa calculus eh ibang libro naman ni Nicholas Sparks ang binasa ko. Dear John.

"Hopeless romantic" siniko ko si Lance dahil bulong siya ng bulong nuon sa akin. Nandito kasi kami sa labas ng girls dormitory kung saan palagi akong tumatambay. Kung itatanong niyo si Chriselle ay paniguradong nanduon nanaman 'yun sa dance studio at nagprapractice ng routine para sa auditon niya next week.

"Huwag mo nga akong istorbohin" iritable kong sabi kay Lance.

Napatawa naman siya sa akin, "May lakad ka bukas?" tanong niya sa akin.

Sinara ko ang libro na hawak ko at tinignan ko siya, "Will visit Dad. Gusto mong sumama?"

Umiling-iling lang siya sa akin, "Bibisitahin ko rin si Lanie bukas" aniya patukoy sa kapatid niyang nasa ospital. Tumango lang din ako, bukas kasi ay sunday at walang klase kaya pinapayagang umuwi ang mga estudyante sa kani-kanilang bahay.

"Okay naba ang kapatid mo?"

"Hm.. nagpapagaling na rin siya ngayon. Oo nga pala kamusta ang pagattend ng practice ng Creole?" pagiiba niya ng topic.

Hindi ako nakaimik nuong tinanong niya sa akin iyon. Kamusta nga ba ako? Hindi okay? O okay lang?

I shrugged at him dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Naramdaman ko lang ang kamay niya sa ulo ko. He lightly messes my hair, hindi ko siya sinuway o pinagsabihan. I just let him do it.

"Ayaw mo ba talaga dito sa Cecilian?" tanong niya.

Tumango lang ako sa kanya. Alam naman kasi niyang hindi ko talaga gustong pumasok dito. Ni hindi ko alam kung bakit nasa school na ito ako.

"Kung hindi mo na kaya. You can just back-out. We will back-out together"

Ngumiti ako sa kanya nuong sinabi niya iyon sa akin, Lance is one of those who really knows what I feel. Chriselle is the one who can entertain me at my worst while Lance is the one who can understand me at times like this. Both different but still the same.

"Thank you" 'yun lang ang nasabi ko sa kanya habang nakangiti ako sa kanya. Gusto kong umalis sa Cecilian pero hindi ko alam kung kakayanin ko bang umalis sa school na 'to. Siguro ay iintayin ko nalang matauhan sila mommy at sabihin na hindi ako karapat-dapat sa mundong ginagalawan niya.

That night eh maaga akong natulog para makapagready sa pagpunta ko sa Laguna. Laguna will always be my safe haven dahil duon ako lumaki. Maaga palang ay inayos ko na ang gamit ko maging ang itsura ko. I wore some skinny jeans and hanging shirt na sobrang laki sa akin. Hinayaan ko lang ang itim na itim at tuwid kong buhok na nakalaylay.

"Pasalubong" narinig kong sigaw ni Chriselle sa akin nuong palabas na ako ng kwarto namin. Hindi kasi siya aalis sa dorm ngayong linggo dahil ngayon niya daw gagawin ang sangkaterbang homeworks na hindi niya nagawa dahil sa pagrerehearse niya.

The dorm seems so busy. Everyone was walking, 'yung iba ay may dalang bag tulad ko siguro ay uuwi din sila sa mga bahay nila. Kahit nuong palabas kami ay pumila pa rin kami dahil kailangan pang magsulat duon sa log sheet sa guard ng school. Medyo mahigpit din kasi ang security ng school dahil maraming nagaaral dito na anak ng politician, lawyer, artista at kung anu-ano pang maiimpluwensyang tao.

Nang makalabas ako ng school ay nagabang na agad ako ng taxi na maghahatid sa akin papunta sa terminal sa Laguna. Hawak-hawak ko ang strap ng bag ko habang natingin sa mga paparating na sasakyan ng may isang pulang vios na tumigil sa harap ko.

Napasimangot ako at tumingin sa gilid ko dahil baka may ibang tinigilan itong mamang may-ari ng vios pero ako lang naman ang nanduon. Nagulat ako ng biglang bumaba ang bintana ng sasakyan at nakita ko ang isang lalaking nakarayban na salamin, nakatukod sa manibela ang isa niyang siko habang nakatingin sa akin na parang bored na bored siya.

"Hop in" aniya.

Kulang nalang magdikit ang dalawa kong kilay sa pagsimangot sa kanya. Ayoko ngang sumakay sa sasakyan niya.

Naglakad ako palayo sa kanya pero nagulat ako dahil sinusundan niya pa rin ako ng sasakyan.

"Sumakay ka na. Ihahatid kita kung saan ka pumunta" aniya.

Tumigil ako para harapin siya. Kung nasa labas lang siya ay siguro nasapak ko na siya.

"I won't. Magtataxi ako" I plainly said to him. Siguro naman ay malinaw na sa kanyang ayaw kong sumabay sa kotse niya. Kung pipilitin niya ako eh wala na akong magagawa kundi ang wasakin ang salamin ng kotse niya.

Akala ko ay susuko na siya sa akin pero nakita kong may binubot isya sa taas ng kotse niya. Nanlaki ang mata ko ng makita ko kung ano iyong hawak niya.

"Notebook ko 'yan! Ibalik mo sa 'kin 'yan!" nawawalan ng pasensya kong sigaw sa kanya.

Nakita ko ang pagismid niya sa akin at ang pagtago niya nung notebook na hindi naman niya pagmamay-ari, "Not until you hop in inside my car"

Kung pwede lang akong tubuan ng sungay ay siguro tinubuan na ako ngayon. Nagtatalo sa isip ko kung sasakay ba ako sa lalaking ito na hindi mapagkakatiwalaan o hahayaan ko nalang ang libro kong mapasakamay ng isang demonyong tulad niya. Sa bandang huli eh binuksan ko rin ang pinto ng kotse niya at pasalampak na umupo sa tabi niya sa driver's seat. Ilang taon ko ring isinulat ang mga naroon, it's like a journal to me at hindi ako makakapayag na hindi ko 'yun makuha sa kanya.

He's so cruel and I want to be rude on him.

Wala pang isang minuto eh pinaandar niya agad ang sasakyan niyang vios. Pinakatitigan ko ang journal na nakaipit sa taas ng kotse niya, pinagiisipan kung pano ko ba 'yun makukuha. Sana ay naging handa ako at dinala ko ang tinatago kong kutsilyo sa kwarto namin ni Chriselle para mas madali kong magawa ang plano ko.

"Hindi mo makukuha 'yan" usal niya habang nakatingin sa daanan.

"Akala ko ba ibabalik mo sa 'kin 'yan kapag sumakay ako?"

"Not that easy Fem" diretso niyang sabi.

Napataas ang kilay ko dahil sa pagkakasabi niya ng pangalan ko, "It's Ferm not Fem"

"Whatever it is"

"Yeah, whatever Clef" panggagaya ko sa kanya. Napatingin siya sa akin dahil sa sinabi ko. Kapag kasama ko ang lalaking ito ay nagiging madaldal ako. Puro irap ang natamo niya habang nagdridrive siya sa kanyang vios. I should be glad dahil ihahatid niya ako hanggang terminal ng bus pero hindi ko 'yun magawa dahil nakakairita 'yung presensya niya.

Tumingin nalang ako sa labas at ninamnam ang view ng Quezon City. Wala ata akong nakita kundi ang mga bus at alikabok duon kaya mas gusto ko sa Laguna. Tahimik.

"What's your department?" narinig kong tanong niya.

Hindi ko siya sinagot sa tanong niya, ano bang pakialam niya sa akin at tinatanong niya iyon.

"Music? Instrumentalist? What instrument?" tuloy-tuloy niyang tanong sa akin.

Nuon ay napatingin na rin ako sa kanya, "How did you know?"

Nagkibit-balikat lang siya sa akin, "I just know"

Kung hula 'yon ang galing niya namang manghula, "Piano" matipid kong sagot sa tanong niya. Kung gusto niyang magkaroon ng makakausap ay sana hindi nalang ako ang niyaya niyang ihatid dahil hindi naman ako katulad ng iba na sobrang daldal. Hangga't gusto ko ay isang word lang ang isasagot ko sa kumakausap sa akin.

"You joined audition for music fest?"

"No" at wala akong balak sumali duon. Why is it a big deal to them? Minsan naririndi na rin ako dahil palaging yun ang naririnig ko. Sabagay magiging judge sila sa audition kaya siguro ay curious siya.

"Why?" tanong niya uli sa akin.

Tinignan ko siya at sinabi 'yung salitang makakapagpatigil sa kanya sa pagsasalita, "Not your business" kung hindi niya ibabalik ang aking notebook ay mabuting huwag nalang siyang madaldal. Baka sakaling mapasalamatan ko pa siya dahil sa paghahatid niya sa akin. I don't even know why bakit ako pumayag na magpahatid sa kanya siguro ay wala ako sa katinuan kanina.

Akala ko ay titigil na siya pero narinig ko ang tawa niya, "Maybe you're scared of rejection kaya't ayaw mong sumali sa audition"

Napatigil ako dahil sa sinabi niya. Gusto ko siyang sapukin dahil sa pagiging judgmental niya. Sino ba siya para sabihan ako ng ganuon eh ni hindi niya nga ako kilala. Ni hindi niya nga mapronounce ng ayos 'yung pangalan ko ngayon ay may gana siyang pagsalitaan ako ng ganon.

"Stop the car!" anunsyo ko sa kanya.

Napatingin lang siya sa akin pero hindi niya itinitigil ang sasakyan.

"Itigil mo sabi! Oh gusto mong basagin ko pa 'tong salamin sa sasakyan mo?"

Mukha siyang naalarma sa sinabi ko kaya agad niya iyong ipinarada sa gilid. Nagtangka akong buksan 'yung pintuan pero nakalock iyon. I looked at him histerically dahil kung hindi niya ako ibababa ay talagang sisirain ko ang sasakyan niya. I don't care if he's a Creole member, may atraso pa siya sa 'kin at sa pagkakatanda ko ay hindi pa siya abswelto sa kasalanan niyang iyon. He still have my effin notebook.

"Pababain mo ba ako o hindi?" naghahamon kong tanong sa kanya.

"You're Elizabeth's child, right?"

Ngayon ay parang gusto ko na talaga siyang sapukin, kilala niya ang nanay ko pero ako ay ni hindi niya alam ang pangalan. Hidi ako umimik sa kanya at pinagpatuloy lang ang pagbukas sa pintuan ng sasakyan niya. I don't care if it will break, I would gladly wanted to break his car.

"Stubborn child" diretso niyang sabi, "If you'll join the audition for annual music fest I'll return your notebook"

Nanlalaki ang mata kong tinignan siya.

"Are you serious?" I blurted out.

"I'm always serious"

"Bakit mo ba ginagawa 'to?" halos hindi ko mahimigan ang boses ko ng itanong ko 'yon sa kanya.

"Because I want to know if you really deserved to be a Cecilian.. " he paused then he looked at me, "And to be Elizabeth's daughter"

Buong byahe pauwi sa Laguna eh nagngigitngit ako sa galit. Halos lahat ata ng tignan ko eh napapaatras dahil sa pagsimangot ko sa kanila. Maging 'yung kunduktor sa bus eh nasigawan ko pa.

Iniisip ko 'yung sinabi kanina ni Clef sa akin.

'I want to know if you deserved to be a Cecilian and to be Elizabeth's daughter'

My ego hurts alot. I know. Kahit naman ayaw kong pumasok sa Cecilian ay ginawa ko ang lahat para maipasa ang audition duon first year palang ako dahil sa mga magulang ko. I studied piano since I was 6 kahit na nuon ay ang gusto ko lang ay manuod ng cartoons at makipaglaro sa mga kapitbahay namin. I think I worked hard kaya hindi ako ganuon kabobo sa pagpia-piano then now sasabihin niyang gusto niyang malaman kung deserved ko ba talagang maging estudyante ng Cecilian.

I know pride is a sin pero iyon lang ang tanging mayroon ako kaya't hanggang ngayon ay tingin ng marami ay malakas ako.

Labas palang ng bahay namin ay narinig ko na ang tugtog ng piano. Alam kong si papa ang tumutugtog nuon. I shove all my thoughts about school just for today. Ayokong dumagdag sa sakit sa ulo ni papa dahil ayokog nadedepress siya. Pinapasok agad ako ng guard ng bahay namin.

I smiled a bit to them at halos takbuhin ko ang malapalasyong bahay na kinalakihan ko.

Duon sa baba ay nakita ko si Daddy habang nakaupo siya sa harap ng piano, tinutugtog niya ang isang pamilyar na kanta sa akin.

He used to play that song nuong maliit pa ako. Aniya eh paborito niya iyon dahil 'yun daw ang theme song nila ni mommy. Korny but I find it sweet.

Pinanuod ko lang si Daddy habanag tumutugtog siya. He's so peaceful.

Nang matapos ang kanta ay agad siyang lumingon sa akin at nakita ko ang malapad na ngiti sa kanyang labi, "Nandiyan ka na pala Fermatta"

Tumayo siya duon sa piano seat at ibinuka ang kamay niya sa akin. I run towards him and hugged him tightly.

"I miss you Dad" anas ko habang nakayakap sa kanya.

"I miss you too, honey" my heart melted from his words.

Buong araw ay nagbonding lang kami sa bahay. This is a usual sunday for us, maghapon kaming nakababad sa tv habang naglalaro ng xbox. Yea, my father is a great opponent. Minsan ko lang siya matalo sa mga laro sa xbox. Siguro ay tuwing wala ako eh ito ang pinagkakalibangan niya kaya't magaling siya.

Nang matapos kaming maglaro, we ate together at pagkatapos ay nagpunta kami sa malapit na parish sa amin at nagsimba. This should be a family day pero sa buong buhay ko ay hindi pa ata ako nakakaranas ng isang kumpletong family day. Sa 'twing llaabas kasi kami kasama si mommy ay may umeextra palaging fans na magapaautograph sa kanya minsan pa nga eh nagkakagulo ang mga tao kaya ang ending ay umuuwi nalang kaming tatlo.

Pagkatapos magsimba ay sinamahan lang ako ni Dad sa mall. Pumunta ako sa bilihan ng cd's para tumingin ng mga bagong kanta mula sa mga favorite kong composers. I scanned all the cd's in there at napahinto ang mata ko duon sa isang section kung saan puro cd ng Creole ang nakadisplay.

Kinuha ko ang cd na may album cover na Color. Tinignan ko ang mga soundtrack na nandun, some are familiar with me siguro ay nanduon 'yun sa Iphone ko at nakalagay sa playlist ni Clef that it happened to be my playlist now.

Nagulat ako ng biglang may magsalita sa gilid ko, "You like them anak?"

Agad kong binalik ang cd na kinuha ko kanina. I immediately shook my head para sabihin kay Daddy na wala akong interes sa Creole pero tinawanan niya lang ako.

"Come on, I know you like them. Sa dami ng cd na nandito ito lang ang hinawakan mo. Gusto mo bang bilhin ko lahat ng cd ng Creole?" pangaasar niya sa akin.

"Daddy!"

Natawa lalo siya dahil sa reaksyon ko. Pinagsisisihan ko na talagang hinawakan ko pa ang cd nila, "Why not? Maganda naman ang mga tugtog nila" pahayag niya habnag hawak iya ang isa pang album ng Creole.

"You listened to their music?"

"Actually yes. Pinapatugtog sa opisina ang kanta nila tuwing break namin. They do good music. They composed well, tingin ko nga ay isa sila sa magandang product ng Cecilian and I want you to be like them. I want you to produce good music that will inspire others just like what they are doing"

Napanganga ako dahil sa sinabi ni Daddy sa akin. He's been very vocal to me kahit dati pa pero hindi lang talaga ako masanay-sanay na halos lahat ay sabihin niya sa akin.

He wanted me to produce music that will inspire other.

Are you scared of rejection?

Biglang naisip ko ang sinabi sa akin kanina ni Clef. I know in myself that I am not scared of rejection but why do I think about it right now. My dad wanted his daughter to produce music that will inspire others but will I able to produce that? Even if I don't like music? Will I be able to grant his wishes to me?

Hinatid ako ni daddy hanggang sa Cecilian that night. Sabi ko ay dadalhin ko nalang ang kotse ko para hindi na siya mapagod pero he insist. Anya eh hindi niya daw makakayanan kung may masamang mangyari sa akin. Gumana nanamna ang sense of fatherhood niya.

Nang makarating kami sa Cecilian ay agad akong lumabas ng sasakyan niya. I waved at him and he waved at me too. It will take 6 days again to see him.

"Take care anak" aniya habang isinasara niya ang tinted window ng kanyang sasakyan. I don't want it close, gusto ko ay makita ko siyang umaalis kaya nuong papasara na iyon ay agad ko iyong kinatok. Dad immediately put it down.

He looked at me with those bothered eyes, "May nakalimutan kaba?"

Hindi ako umimik nuong tinanong niya iyon sa akin. I breathe hard at halos hinid ko siya matignan ng ayos.

"Spill it honey, you're making me nervous" aniya sa malambing na boses.

I sighed, "Will you be proud of me even if I cannot make good music?" tanong ko sa kanya.

I waited for his answer until I saw a genuine smile plastered on his face, "I will always be proud of you, Fermatta. No matter what"

After that he waved his goodbye and drove his car fast back home.

Nang gabing 'yon ay halos hindi ako makatulog sa kakaisip ng mga bagay-bagay. About being Elizabeth's daughter, about her excpectation, about Clef, about this school and about my father. My mind was clouded with thoughts that could torture me forever.

Nang maalimpungatan si Chriselle eh nakita niya akong nakatihaya sa kama ko, I looked at her at mukhang antok na natok na siya.

You are reading the story above: TeenFic.Net