♬ 39

Background color
Font
Font size
Line height

Thirty-nine

Song used: Falling in Love by Us The Duo

All set

Mahimbing ang tulog ko ng gabing iyon kahit na madaming problema ang dapat isipin. It just feels like I don't need to think about anything else kapag kasama ko si Clef.

Bago kami parehas makatulog kagabi ay sinabi niyang aayusin namin ang tungkol kay Mommy pagkatapos ng west tour. Pabor ako duon dahil may mga bagay na mas dapat unahin. He insisted to come with me in the Philippines after the tour, syempre hindi ako pumayag dahil nandito sa America ang kanyang career pero ayaw niyang magpapigil that's why I made a deal. If Inesia permits him to go with me then there's no problem pero kung hindi ay magtitiis muna siya dito.

I don't want to be selfish kahit na gusto ko ang ideyang babalik siya kasama ko sa Pilipinas. Hindi ko maatim na iiwan niya ang kanyang pinaghirapan dito sa America ng dahil lang sa akin.

Nagising ako ng makarinig ako ng gitarang tumutugtog mula sa living room ng suite. Nang makalabas ako sa bedroom ay nadatnan ko si Clef na hawak ang kanyang gitara habang may ballpen sa kanyang labi. Ang papel ay nakalagay sa wooden table sa kanyang harapan.

"You're supposed to be resting, Clef. Kanina ka pa gising?" nakakunot-noo kong tanong sa kanya bago siya lapitan at hawakan ang noo. Tinanggal ko ang ballpen sa kanyang labi. His cheeks are still red at mainit pa siya ng kaonti. Sinat nalang.

"I'll call the service para magpaakyat ng gamot" ani ko bago siya talikuran pero hindi ko na natuloy ang pagpunta sa small kitchen ng hagilapin niya ang aking kamay at pinaupo ako sa wooden table sa harap niya.

Mapupungay ang mata niya habang kagat-kagat ang iyong labi. I touched his hot cheeks and looked at his black orbs concernly, "Dapat nagpapahinga ka pa. Bakit ba nandito ka? Maaga pa naman ah"

"You're treating me like a child. I should be the one to take care of you" aniya habang nakanguso.

"Hindi ngayon na inaapoy ka ng lagnat. Let's go, rest more. mamaya darating na dito ang Creole mas hindi ka makakapagpahinga"

Yeah. Tumawag rin sila Aldon kagabi dahil nagaalala sila. Clef told them where we are at sabi nila ay pupuntahan nila kami ngayon. I just don't know what time.

"But this song can't just leave my head. Can you help me?" aniya habang nakakunot ang noo.

Naguluhan pa ako sa sinabi niya pero narinig ko ang muli niyang pagtipa sa gitara. It's a unique melody, it's beat is unusual from a pop song. Malambing iyon at masarap pakinggan. It reminds me of something that's romantic.

I stared at his frowned face, "You're composing a song?"

Tumango siya sa akin at kinagat ang kanyang labi, "Yeah. It always like this. When I'm sad or extremely happy parang may naririnig akong tono sa aking tenga. It just a random notes pero duon ako nakakagawa ng mga kanta. Mostly 'yung napapasikat ng creole"

Oh. I didn't know that that's how a head of a music genius works.

Muli niyang tinipa ang gitara at bumulong ng mga lyrics. Kumunot ang noo ko't mas pinakinggan pa ang tunog na 'yon. I hummed it's melody. Nang muling tipahin ni Clef ang tono ng simula ng kanta ay binigkas ko ang mga naisip kong pwedeng gawing lyrics duon.

"You fill my heart with joy everyday... you make me smile more than words could ever say"

Agad siyang napatingin sa akin ng sabihin ko iyon.

"That sounds great, Ferm" aniya habang nanlalaki ang mata. Hindi ko alam kung anong irereact ko sa kanyang sinabi. I just thought it would fit the melody. Sakto lang rin naman ang rhyme nuon sa beat kaya...

"Gawan mo pa ng lyrics, Ferm"

Umiling-iling ako sa kanya, "It's hard Clef. Tsaka diba kaya mo namang gumawa-"

"It's just easy for you. Diba sabi ko sa 'yo you're good at doing this things. I will do the melody and you will do the lyrics. You promised me, right?"

"Pero- "

"This is a love song, Fermatta. Just think of someone you love. Make him or her your inspiration" pangeengganyo niya sa akin.

It's easy for him to say pero hindi naman iyon ganuon kadaling gawin.

Muli niyang tinipa ang kanyang gitara at kinanta ang ginawa kong lyrics kanina. He stopped from strumming and looked at me after that. Mapungay ang kanyang tingin sa akin at parang ineengganyo niya talaga. It looks like he really trust me with this thing. It somehow gave me spirit.

Naalala ko nuong araw na pinakanta niya ako sa harap ng mga kaibigan niya nuong birthday ng kanyang Stylist na si Ingrid. I was so scared that time pero ng kumanta na ako ay hindi ko man lang naramdaman ang kaba. All I ever thought that time is that Clef's trusting me and he knew that I can sing in front of other people kaya ko iyon nagawa.

He's always like that to me.

Kinagat ko ang labi ko at pinagmasdan ang papel na may chords, "Hmm.. plucking the strings that connects to my heart" tigil ko bago pinagmasdan ang mukha niyang nakangiti na sa akin ngayon.

It's his music that first catches my attention. Whenever he played his guitar, it's like my world is shaking with different vibration of emotions. It can make me calm but it also makes my heart palpitate. Kahit nuong hindi pa kami close. Kahit nuong unang beses niyang ibigay sa akin ang kanyang cellphone at mapakinggan ang kanyang mga tugtog. It's his music.

"Take my hand and let the music play"

The whole morning was spent like that. Tinapos namin ang kanta bago ko pa siya napilit na kumain at magpahinga. I tucked him to bed at agad rin siyang nakatulog, siguro napagod sa kakagitara. Ang tigas kasi ng ulo.

Nang makatulog siya ay inabala ko ang sarili ko sa pagtetext kay Felicity na kunin ang mga damit na gagamitin ko para sa west tour bukas. Maximo kept on texting me para daw maibigay niya ang damit sa akin pero hindi ko pwedeng iwan si Clef ngayon.

Felicity:

Okay. Extend my regards to your boyfriend ;)

Halos umikot ang aking mata sa kanyang reply. Minsan talaga ay may sapi ang babaeng ito. I didn't told her na kasama ko si Clef, of course but knowing her siguro ay inassume niya lang iyon at magaling siyang manghula. I don't trust her at all, pero wala naman akong choice. Alangang si Blaire o si Cael ang pakiusapan ko. Hell no!

Nang sumapit ang tanghali ay sunod-sunod na katok ang narinig ko sa pinto. I lazily got up from the couch where I am sitting at sinilip ko ang peephole. Halos mapatalon ako ng makita ang mata ni Dwaine duon.

What the fuck is he doing! Bakit sumisilip rin siya sa peephole? Tingin niya may makikita siya mula sa labas?

Kumatok ulit sila kaya binuksan ko na iyon. I frowned at them. Ngumisi sa akin si Dwaine bago ginulo ang buhok ko at pumasok sa suite ng walang sabi-sabi.

Ngumiti rin sa akin si Aldon samantalang si Hilton naman ay titig na titig lang sa akin.

Oh shoot. Hindi ko pa nga pala naeexplain sa kanila ang lahat. They just let me go yesterday pero alam kong hindi pa iyon natatapos duon. Should I get afraid now? I know it has a lot of explainings to do.

"Where is he?" tanong ni Aldon nang maisara ni Hilton ang pinto.

"He's in the room. Resting"

I saw Dwaine going to the bed room, "C-can you give him some time to rest?" halos hindi ko makilala ang boses ko duon. Lahat sila ay napatingin sa akin, "He's sick. Kahapon pa kaya nagtatago rito. Kakatulog niya lang ngayon"

Ngumisi sa akin si Dwaine at imbis na dumiretso siya sa kwarto ay umupo siya sa couch. Sinundan sya ng dalawa at tinignan nila ang mga nakalagay sa ilalim ng center table.

"Damn! PS4! Ito 'yung upgraded version!" ani Dwaine na parang ngayon lang siya nakakita nuon.

Sinet-up nila iyon at maingay na naglaro sa living room ng suite. Napailing nalang ako habang tumatawag sa customer service ng hotel para magpaakyat ng pagkain para sa kanila. I watched them while they are playing NBA.

I want to ask what's them what's going on outside right now. Gusto kong malaman kung mayroon ba silanng mga reporters na nakausap pero takot akong baka kapag binuksan ko ang topic na iyon ay ako ang paulanan nila ng tanong.

Nang dumating ang pagkain ay tinulungan ako ni Aldon para ayusin iyon sa living room dahil ayaw nila umalis sa harapan ng TV.

"Shit! Ang daya mo!" bulalas ni Dwaine kay Hilton at tumawa lang ang huli. Napailing nalang kami parehas ni Aldon dahil sa kaingayan nila. If they keep on shouting ay magigising si Clef. Mga pasaway talaga!

Tumigil lang sila sa paglalaro ng binuksan ni Aldon ang pizza sa center table. Basta nalang nila hinagis ang controller at agad na dumalo sa center table para kumuha ng pizza. Natahimik sila habang kumakain duon. Maging ang pagaaway ni Aldon at ni Dwaine sa flavor ng pizza na kukuhanin nila ay tahimik lang at parang nagbubulungan lang.

I forgot to order some drinks!

Tatayo na sana ako duon sa couch para tumawag muli sa customer service nang tawagin ako ni Hilton, "Saan ka pupunta?" tanong niya.

"I'll order some drinks. Anong gusto niyo?"

Tumunghay si Dwaine sa akin at ngumisi, "Lemon tea"

"Add some beer" singit ni Aldon.

Tinaasan ko siya ng kilay pero nagkibit-balikat lang siya. Sa bandang huli ay tumango lamang ako't sinunod ang gusto nila. Nang tumawag ako'y nagpadala na rin ako ng pagkain at gamot kay Clef para paggising niya ay may makain siya.

Mabilis lang ang service sa hotel kaya siguro nagustuhan dito ni Clef magcheck-in. Nang dumating ang mga order naming inumin ay agad silang umikot sa center table ng sitting room at isa-isang binuksan ang beer na pinaorder ni Aldon.

Kumunot ang noo ko ng makitang nagbubukas rin ng beer si Hilton. Tumingin siya sa akin at tumaas ang kanyang kilay.

"You're not supposed to drink that" sabi ko.

Parang nuon lang rin napansin ni Aldon at Dwaine na iinom nga si Hilton ng beer kaya't mabilis na inagaw iyon ni Dwaine sa kanya.

"Dwaine! Fuck"

"Umiinom ka lang kapag may problema ka. Ganyan mo na ba prinoproblema si Inesia?" tanong ni Dwaine habang nakangisi. Halatang nangaasar! Ilang beses siyang minura ni Hilton bago tuluyang sumuko at kumuha nalang ng lemon tea at pagmasdan ako ng masama. Tumaas ang kilay ko pero hindi ko mapigilang hindi mapangisi.

I don't know what's with him and Inesia pero nuon ko pa naririnig si Dwaine na pinagkakanulo ang manager niya dito.

"Look. Hindi pa ba halata? May gusto sa 'yo si Inesia, Hilton. Kung ako sa 'yo pormahan mo 'yon para hindi na palaging nagagalit sa 'tin" anas ni Dwaine bago inumin ang beer niya.

"I won't like someone like her" irap ni Hilton dito.

"Come on! Maganda si Inesia. May gusto sa'yo. She's 3 years older pero okay lang iyon. Kung ako sa 'yo papatusin ko na" halakhak ni Dwaine na nakapagpailing sa akin.

Boys and their thinkings! Knowing na ganito siya magisip ay nagaalinlangan na tuloy akong ipagkatiwala sa kanya si Chriselle.

"He's right Hilton. It's an advantage for Clef and Dwaine para hindi na madamay si Ferm at Chriselle sa wrath nuon" susog ni Aldon.

Hilton just snorted at them, "Ano? Iintayin mo pang si Musika ang tarayan nuon- "

Hindi na natapos ni Dwaine ang sasabihin niya ng parehas takluban ni Aldon at Hilton ang bibig nito.

"What about Musika?" someone roared at my back.

Lahat kami ay napatingin duon sa nagsalita sa aking likod. There I saw Clef, magkasalubong ang kanyang kilay at mataman na nakatingin sa tatlo. Ang kanyang buhok ay gulo-gulo at mukhang kakagising lang. Tumingin siya sa akin at mas lalong kumunot ang noo niya ng makita ang hawak kong beer.

"And who told you to let Fermatta drink?" halos hindi na maipinta ang kanyang mukha. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at tinawid ko ang distansya naming dalawa. I held the hem of his shirt and made him look at me.

"It's my decision. Ang sungit mo" i said while grinning to him to make him calm.

Tumagal ang titig niya sa akin pero sa bandang huli ay bumuntong-hininga rin siya at inikot ang kamay sa aking bewang, "This is the reason why I don't want them to know.. " malambinig niyang bulong bago ako yakapin ng mahigpit. I closed my eyes when I felt his warm body against mine. Gumaan agad ang pakiramdaman ko.

I heard multiple coughs kaya't napatingin kami sa aming likod. Nakita ko ang tatlo duong nakangisi sa amin. Agad na hinagilap ni Clef ang unan sa couch at binagbabato niya ang mga ito.

"Why are you all here?" naiiritang tanong ni Clef habang umuupo sa couch duon. Inalis niya ang mga unan sa tabi ng inupuan niya at hinila ako ruon. He didn't let me sit sa inuupuan ko kanina sa lapag, malapit sa center table.

"We've been kicked out by Inesia. Inutusan kaming ibalik ka sa RnE Records" anas ni Aldon.

"Pero syempre hindi ka namin duon ibabalik. RnE is in chaos right now. You wouldn't like to see it, Clef" kibit-balikat ni Dwaine sa kanya.

Tumikhim si Clef sa aking tabi at tinitigan ko siya. Bahagya siyang nakasimangot, siguro ay namromroblema na sa ginawa naming gulo. Kinagat ko ang labi bago ko naramdaman ang kanyang kamay na humawak sa aking kamay. Gusto kong sisihin ang sarili ko sa lahat ng nangyayari but I know Clef wouldn't like to hear it.

"How bad is it?" tanong ni Clef.

"Shareholders are thinking of pulling out their stocks from our company. Our album is flopping at the charts. Pati ang digital sales ay bumaba rin ang bilang and you must not dare look at the social media" banta ni Hilton.

"I will fix this. I'm sorry" sinserong sabi ni Clef sa kanila. Hindi ko alam pero pakiramdam ko'y bumigat ang dibdib ko dahil sa paghingi niya ng paumanhin sa tatlo.

"I should be the one to say sorry. I am the root cause of this problem, hindi ko intensyon na mangyari iyon. If I could just do something" sabi ko sa kanila.

They all looked concerned when I said those things. From the very start ay ganuon na sila sa akin. They always worry about me. They always save me pero ni minsan ay hindi ko iyon ginawa pabalik sa kanila.

Naramdaman ko ang higpit ng hawak ni Clef sa akin. He's frowning his brows but I already decided that we're together in this battle. Hindi dapat na siya lang ang gumagawa ng paraan.

Narinig ko ang singhap ni Dwaine at ang pagkalampag ng mga lata ng beer ni Aldon, "What's with the drama? Okay lang sa 'min 'yon, Ferm. You don't need to say sorry" anas ni Hilton.

"Pero- "

"We're actually happy that you're finally with him" sabi ni Dwaine bago ituro si Clef habang hawak iyong can ng kanyang beer, "This is a celebration. Don't worry about our fans. Ngayon lang iyon kapag tumagal ay mawawala rin ang issue at makakalimutan nila ito. You also don't have to worry about the company"

Tumango si Hilton sa kanya, "Yeah. Kung alisin man kami sa RnE ay okay lang. We can move to other recording company or maybe we can make our own company. Damn! Hindi lang naman pagkanta ang alam namin. We're also businessmen"

"So don't you dare put all the blame to yourself. You don't need to do something. Just trust us. If you need soldiers we're ready to pull all the triggr we have. That's what friends are for, right?" tanong ni Dwaine habang nakataas ang kilay.

Huminga ako ng malalim bago sunod-sunod na tumango sa kanya. They all cheered for that and I don't even know what exactly to feel. They are truly my friends. I don't even know if I deserve them or not. Sa lahat ng kabutihang ginawa nila sa akin ay ni wala akong mailistang ginawa para sa kanila.

These are all their dreams pero ng dahil sa akin ay handa silang masira at igive-up iyon. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa duon o hindi pero ang makita silang nakangiti ngayon na parang walang problema. It makes me feel like I don't really have to worry about everything else.

I felt Clef's fingers playing mine. His black orbs are staring at me. Para nanaman iyong nanghihipnotismo at I can't help but to adore him more.

They are fighting for me. Clef is fighting for me and I should fight also. Not because it's the only option I have but because I know that there are some people who will stand beside me no matter what.

Nang gumabi ay mas lumalim ang kwentuhan nila. Nakuntento ako sa pakikinig sa kanilang apat habang nagaasaran at nagdidiskusyonan. Aldon keep instructing us what to do. Aniya ay kailangan naming maglaylo muna hangga't mainit pa ang balita kung ayaw naming mas magalit ang mga fans.

I am in favor with that and also Clef. Gusto ni Clef ay maging okay muna kami kay Mommy at Daddy bago iannounce sa madla kung anong namamagitan sa amin.

Napagusapan rin na bukas nalang sila babalik sa RnE Records para magreport kasama si Clef. They will drop me first in Fur Elise para sa preparation para sa west tour bago sila bumalik sa kumpanya. Hanggang ngayon ay pakiramdam ko'y hindi pa rin ako handa sa mga performance para bukas. Tingin ko kasi'y lumulutang pa rin ako ngayon sa lahat ng nangyayari.

Nang maramdaman ko ang gutom ay umorder na ako ng makakain para sa dinner namin. I chose beef steak, cordon bleu and vegetable salad.

"Dito nalang kami tutulog" ungot ni Dwaine kay Clef.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Aldon ng sumimangot agad si Clef, "Dont you have money to rent a room?" singhal ni Clef sa kanila.

Humagalpak ng tawa ang tatlo at napailing nalang ako. Nagasaran pa sila habang kumakain samantalang ako'y ilang beses na tumaas ang kilay dahil kung magusap sila ay parang wala ako duon.

Nang matapos kami sa pagkain ay bumalik sila sa living room para muling maglaro ng PS4. Ako nama'y inabala ang sarili ko sa pagaayos sa kusina. Masyado iyong magulo dahil sa mga kalat na iniwan ng mga damuhong iyon. Mayroon namang umiikot na mga tagalinis ng mga kwarto pero hindi ko ata kayang iwan iyong mga plato ng nakakalat lang duon.

Tinapon ko ang mga balat ng chichirya sa trashcan. Pati ang mga baso ay nilinis ko na rin at hinugasan. Onti lang iyon kaya't hindi hussle. Nagbabanlaw na ako ng mga baso ng maramdaman kong may presensiya sa aking likuran. Nang lumingon ako'y nakita ko duon si Hilton na nakahalukipkip at nakamasid sa akin.

"I'll help you" aniya bago itaas ang mahabang manggas ng kanyang polo. Sumulyap ako sa sitting room para tignan ang ibang Creole na nanduon at agad na nagtama ang mga mata namin ni Clef.

Clef looked so annoyed. Salubong ang kilay niya at kilalang-kilala ko ang mga titig niyang iyon. I gave him a reassuring smile. He's just helping me Clef. Sa bandang huli ay bumuntong-hininga siya at ngumuso bago tumutok sa TV ang paningin.

Nawala siya sa paningin ko ng humarang sa paningin ko ang bulto ni Hilton.

"You're smitten" tikhim niya bago agawin ang baso sa aking kamay.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko'y naginit ang aking pisngi sa kanyang sinabi. Admitting to myself that I'm inlove with Clef is really hard. It took me time to even realized it samantalang si Hilton ay kaya niya agad sabihin kung gusto ko ang kaibigan niya o hindi. It's him who made me realized how inlove I am with his best friend nuong nasa music festival kami.

"Kailan pa? You did not told me. That jerk didn't told me too"

"Don't call him jerk" anas ko sa kanya.

Mahina siyang tumawa ng sabihin ko iyon pero agad rin iyong nawala. Umiwas ako ng tingin sa kanya at muling inayos ang mga baso sa aking harapan, "You didn't told me about Inesia too" pangwawala ko sa topic na binuksan niya.

"It's because there's nothing to tell about us"

"Pero sabi nila Dwaine may gusto sa 'yo si Inesia"

"But I don't like her... or maybe I like her but.." tigil niya, "I'm confused, Ferm"

Ipinatong ko sa gilid ang lahat ng nahugasan kong baso at kinuha ang towel na nasa taas ng cabinet.

You are reading the story above: TeenFic.Net