♬ 35

Background color
Font
Font size
Line height

Thirty-five

No us

Magisa akong bumalik sa Fur Elise ng gabing iyon. Iniwan ko si Cael kahit ilang beses niya akong tinawag para ihatid. I am scared to hurt him more just by looking back, kaya't mas pinili kong mapagisa.

I've realized that in this world you can't have what you really want that easily. May mga bagay na hindi para sa 'yo. Tulad ni Cael sa akin, at ako kay Clef. Now, I don't know whats more hurtful. Iyong pagiwan ko ba sa kaibigan ko o iyong makita kong may kasamang iba ang taong mahal ko.

I think both have wounded my heart in a different way. Dahil kung hindi siguro ay hindi ko mararamdaman ang hapdi nuon sa aking dibdib.

Niyakap ko pang mabuti ang sarili ko ng umihip ang hangin. I am meters away from Fur Elise, halos tanaw ko na ang malaking pinto ng hotel at ramdam na ramdam ko na rin ang pagod sa katawan at isip.

Narinig ko ang sagitsit ng isang kotse sa aking tabi. I didn't mind looking at it. Hindi ako masasagasaan dahil nasa sidewalk ako. Kung hindi lang iyon huminto sa malapit sa akin, ay hindi ako titigil sa paglalakad.

I watched the car's door to open hanggang sa may lumabas na lalaki sa driver's seat. His familiar built made my heart jumped into it's place.

Tumatahip ang dibdib ko habang pinagmamasdan siyang naglalakad palapit sa akin sa ilalim ng ilaw ng mga poste. His serious gazed met mine at halos madurog ang puso ko ng maalala ko ang nasaksihan kanina sa bar.

May namumuong luha sa mga mata ko but I don't want to cry in front of him. Ayokong ipakita na pagkatapos ng apat na buwan ay isang iyakin pa rin ako. Isang mahina na palaging lumalapit sa kanya. Now I can't borrow his shoulders anymore because I know it will only stab my own heart hanggang sa mamanhid ako sa sakit.

Nang makalapit siya sa akin ay tumaas ang kanyang kamay. Suminghap ako at napapikit sa gulat pero pakiramdam ko'y lumukso ang puso ko sa tuwa ng maramdaman ang mainit niyang haplos sa pisngi ko.

"Hey, are you okay?" masuyo niyang tanong. I amsy gasped because of the tone of his voice. It sounds real, like he really cares for me. But I have to stop dreaming. This is Clef in front of me. The guy who can leave me without second thoughts.

Iminulat ko ang mata ko at kitang-kita ko ang pagaalala sa kanya.

"Nagaway ba kayo ng boyfriend mo?"

Umigting ang panga niya at nagsalubong ang kilay sa akin. I want to savor this moment, iyong ganito kami kalapit pero alam kong hindi ko pwedeng lunurin ang sarili ko sa mga kathang-bagay.

Huminga ako ng malalim bago tinanggal ang kamay niyang nakalapat pa rin sa pisngi ko. I felt my knees weaken but I still manage to stand straight. Yea, you have to Fermatta dahil kung hindi ay talo ka nanaman.

"I'm okay, Clef. Why are you here?"

"I saw you and Cael sa labas ng Subway. You were shouting, sabihin mo sinaktan ka ba niya?"

Umiling ako, "No. Go home now babalik na ako sa Fur Elise" I said coldly before walking pass through him.

Kung patatagalin ko pang nasa harapan ko siya ngayon ay baka hindi ko kayanin. Baka bigla akong bumigay at sabihin sa kanya lahat ng nararamdaman ko kaya hanggang maaga ay dapat umiwas na ako.

Another wind blew to my skin. Napahinto ako sa paglalakad ng maramdaman ang kamay niya sa aking balikat.

"Ferm, tell me. Sinaktan ka ba niya? You were crying hard" aniya bago tumigil, "I never saw you cried like that before"

I pursed my lips and stopped on my track. Unti-unti akong humarap sa kanya at nakita ko ang nagtatanong niyang mata.

"Why are you asking me that? Kailan ka pa nagkaroon ng paki sa 'kin?"

"Ferm"

"You left me four months ago and now you're asking if I'm okay?" I mocked him.

Umigting ang panga niya at umiwas siya ng tingin sa akin but damn! I won't retreat.

"You're asking me that question like nothing happened months ago? Like you've never left me,?" I said in disgust, "I trusted you Clef but what have you done to me? You left me! Sabagay, lahat naman kasi iniiwan ako" I chuckled pero pakiramdam ko'y may bumabara sa lalamunan ko.

"You are the living proof that everyone will just leave me kaya wala kang karapatan para tanungin kung okay lang ba ako dahil kahit kailan hinding-hindi ako magiging okay na nandito ka sa harapan ko!"

"Ferm, you pushed me away"

"But you never insisted to stay!" bulyaw ko sa kanya kasabay ng pagtulo ng mga traydor kong luha.

"You have a choice to stay, Clef! Pero ano nga bang ginawa mo? Huh! It's because of your perfect girlfriend! Iyong babaeng niloko ka na minamahal mo pa. You chose her dahil ako hindi mo kayang paniwalaan! Sino nga ba ako para piliin mo? Pabigat lang ako sa 'yo! Sa lahat! I don't even know the direction of my life. Hindi nga dapat ako umiiyak sa harap mo ngayon pero hindi ko mapigilan" I said while sobbing, "Ang sakit na nilalapitan mo ako ngayon kasi wala na kayo ni Searcy" 

"Hindi kita kinakausap muli dahil lang sa naghiwalay na kami ni Searcy!"

"Then what is your motive! Sasaktan mo nanaman ako? Iiwan mo ulit!"

Kahit nanlalabo ang mata ko at kitang-kita ko ang paglakad niya papalapit sa akin. Nanginig ang mga binti ko. Ang mukha niya ngayon ay hindi na maipinta. It's hard but he looks in pained.

"Don't go near me!" banta ko sa kanya pero wala akong nagawa ng hawakan niya ang mga braso ko.

Tumigas ang kanyang panga, kitang-kita ko ang pagpikit ng kanyang mata, parang pinipigilan ang emosyon niya. Humikbi ako habang hawak-hawak niya ako. Pakiramdam ko'y gumuguho ang mundo ko kahit nasa harapan ko lang ang taong mahal ko.

"What is your motive now, C-clef?" hagulhol ko, "Why are you pretending that you care for me? Can you p-please just stop what you are doing?"

"No" matigas niyang sagot.

Mas lalong bumuhos ang luha ko. Pinigilan kong kumawala sa kanya. I punched his chest but I know I don't have enough strength. Ni hindi ko alam sa sarili ko kung gusto ko bang itulak siyang palayo.

"Let me go Clef!"

"No Ferm!"

"Bakit ba! I said let me go!"

"I wont Fermatta because I can't!" sigaw niya sa akin.

Nanlaglag ang panga ko habang tumitingin sa kanya. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa aking braso. I looked at his expressive black orbs and pain is visible on his eyes. Why? Why he look so hurt? Ako dapat iyong nasasaktan ngayon.

"Iniwan kita nuon dahil alam kong kaya mo kahit wala ako" aniya na nakapagpapigil ng aking hininga.

"You said you treated me as a friend pero pinili mo ring iwan ako! Pinagtulakan mo rin ako palayo sa 'yo tulad ng ginagawa mo ngayon. And you know what hurts, Fermatta?" aniya habang nanginginig ang boses niya.

"Na kahit alam kong kaya mong mabuhay ng wala ako paulit-ulit ka pa ring sumasaksak sa sa isip ko"

"W-what do you mean Clef?" halos mautal ako.

Umatras siya at pinasadahan ng kamay ang kanyang buhok. Ang mapupungay niyang mata'y tumitig sa akin bago suminghap, "I like you Ferm" aniya.

"Gusto kita kahit na may iba ka ng gusto"

I felt my heart tighten with those words. May mga nagwala sa aking tiyan. Pakiramdam ko'y natutunaw ako sa aking kinatatayuan.

"Gustong-gusto kita at ngayong nakikita kitang umiiyak dahil sa lalaking iyon? It makes me mad Fermatta. It makes me want to punch his face. Hindi kita kinausap ng dumating kayo dito sa Los Angeles o nung kahit nasa Pilipinas ka pa dahil ayokong makagulo sa inyo ni Cael"

"S-sinungaling!" I said shaking, "You're only telling me this dahil break na kayo ni Searcy! Because Searcy broke up with you because of Blaire!"

"I broke up with Searcy!"

Nanlaki ang mga mata ko.

"I broke up with her pagkatapos ng Music Festival! I broke up with her because I can't stop thinking about you!"

"I can't stop worrying because you left me in that fucking room crying! Galit ako sa 'yo dahil paulit-ulit mo akong pinagtutulakan palayo sa 'yo at hanggang ngayon hindi pa rin 'yun nagbabago!" sigaw niya.

"You're still breaking this" aniya habang dinuduro ang puso niya, "Pero ng makita kitang umiiyak kanina sa labas ng bar?" tanong niya habang nanginginig ang kanyang mata.

"All I want to do is to hug you tulad ng dati pero alam kong hindi pwede dahil may Cael kana!"

Panibagong luha ang tumulo sa mga pisngi ko. I don't know but every word he said hurts me. Ang lalaking sobrang hinahangaan ng maraming tao ay nandito sa harapan ko. Nagsasabi kung gaano ko sya nasaktan. I should be grateful but I am feeling the other side.

"Ngayon huwag mong sabihin na ikaw lang ang nasaktan dahil makita lang kitang ngumingiti sa iba pakiramdam ko nabibiyak na 'yung puso ko"

Umiling-iling ako, "No. You don't understand, Clef"

"Ano pang hindi ko maintindihan? Kasi gulong gulo na ako, Ferm. Ni hindi ko na alam ang gagawin ko. Ni hindi ko alam kung tama ba 'tong... "

"Walang kami! Hindi ko siya boyfriend!"

Napatigil siya sa sinabi ko, "What?"

"We're not in a relationship, Clef. He's just courting me. The only feelings I have for him is platonic"

"What did you said?" aniya na parang hindi siya naniniwala sa akin, "You were crying with him awhile ago. I saw your pictures with him! I even saw him in skype. He's fucking using your account and now you're telling me that you don't have relationship with him?"

Kinagat ko ang labi ko. Kumuyom ang panga niya at ang tingin niya'y iritable. Damn, Fermatta. You've pushed all the buttons that he have.

"Ferm. Tell me dahil kung hindi ay babalik ako sa bar para sapakin ang lalaking 'yon. Walang may karapatang paiyakin ka ng ... "

"Clef!"

"Then tell me the reason!"

"I dumped him!"

Tumitig siya sa akin at halos hindi ko mabilang kung ilang segundo iyon.

Hinilamos niya ang mukha niya at tumingin siya sa akin. Kitang kita ko ang unti-unting pagpipigil ng ngiti sa kanyang labi. I want to punch him straight to his cheeks dahil may gana pa syang ngumiti gayong ako itong iyak ng iyak dito.

Gusto ko pa siyang sigawan. Gusto ko pa siyang sabihan ng masasakit ng salita pero nawala lahat ng iyon ng hilahin niya ako papalapit sa kanya.

I felt his arms wrapped around me. I felt those familiar tingling feelings inside my heart. Pumikit ako't unti-unti ring niyakap siya. I smelled his addicting strawberry and minty cologne and I've realized how much I miss hugging him like this.

"Can you please repeat that?" bulong niya sa akin.

"Alin?"

"That thing about you and Cael"

Huminga ako ng malalim bago inihilig ang pisngi ko sa kanyang dibdib, "There's no us, Clef" ani ko bago isiksik pang maigi ang sarili ko sa kanya. Damn. This feels like home.

Narinig ko ang mahihina niyang mura, "That's enough, Fermatta" bulong niya sa akin, "That would be enough"

Bumilis ang pintig ng puso ko. Ang mga yelong nakadikit sa puso ko ay tuluyang ng natunaw. Is this real? Dahil kung hindi ay hindi ko na nanaisin pang gumising. I would be forever glad in his arms. Shit. Nababaliw na ata ako!

[Short update I know. This is the continuation of the last chapter. Will try to update another chapter asap! Keep clicking the like button. This chapter is dedicated to my silent readers. C'mon, magingay naman kayo 😊]

You are reading the story above: TeenFic.Net