♬ 3

Background color
Font
Font size
Line height

Three

Enjoyment

Hindi ko na inantay pang matapos ang tugtog ng Creole at nagmadali n akong lumabas ng Fola Theater. Siguro ay hindi naman magagalit sa 'kin sila Lance at Chriselle kung sakaling hindi ako magpaalam sa kanila. Tinext ko nalang silang dalawa na hindi na ako bumalik pa dahil napanuod ko na ang Creole at bumalik na ako ng dorm.

Pagdating ko sa dorm ay agad kong binuksan ang laptop ko at tinaup ang banda ng damuhong lalaking iyo. Lumabas agad ang prodile nila at ang malalaki nilang pictures sa google. Dammit. Sikat na sikat nga sila.

Creole of Note

Hilton Reyes as vocalist
Clef Viray as bass guitar
Aldon Jesalve as lead guitarist
Dwaine Tolentino as drummer

Clef Viray. 'Yun pala ang pangalan ng lalaking iyon. Kunganu-ano pang mga blogs at news ang nabasa ko tungkol sa kanila. Siguro kug may makakakita sa akin ay siguradong sasabihin nilang stalker ako. Stalking and curiosity are different, right? I am just curious about them.

At isa pa maganda naman talaga ang music nila. This is the first time I actually liked a band. Sana pala ay hindi nalang ako umalis duon sa Fola Theater. Dapat kinuha ko nalang ang notebook ko sa kanya o kaya blinackmail ko siya at sasabihin kong nasa forbidden garden silang dalawa ni Searcy kahapon. Pero kahit naman sabihin kong ipagkakalat ko iyon eh alam ko ring hindi ko iyon sasabihin sa iba, ayokong maihelera sa mga kilalang chismosa sa school. Not even be involved in any matters related to Searcy. She's just too popular at ayokong maidugsong ang pangalan ko duon.

Siguro ay gagawa nalang ako ng ibang paraan para makuha ko iyon.

Humiga nalang ako sa kama at pinatugtog sa Iphone ko ang kanta ng Creole. There's something about their songs that I really like. 'Yun ang iniisip ko bago ako tuluyang makatulog sa malambot kong kama.

Kinabukasan eh balitang-balita pa rin kung gaano kagaling ang Creole dahil sa pagtugtog nila kagabi. Gusto kong sapakin si Chriselle dahil simula paggising ko 'yon na ang kwinekwento niya.

"Bakit kasi umuwi kana kagabi hindi mo tuloy sila napakiggang tumugtog" masayang sabi ni Chriselle habang naglalakad kami papunta sa Math Building.

"Napakinggan ko sila" ani ko sa kanya habang nagpipidot ako sa cellphone ko.

"Oh? Talaga? Nasaan ka nung tumutugtog sila?"

"Backstage" mahina kong sabi. Napatigil siya sa paglalakad niya dahil para tumigil din ako at lingunin siya. Nanlalaki ang mata niya sa akin at nakataas ang isa kong kilay sa kanya, "Bakit?"

"Nasa backstage ka kagabi? Ibig sabihin nakita mo sila ng malapitan?"

I just rolled my eyes. Malamang. Iniwan ko nalang siya duong gulat na gulat. Maganda ang musika nila pero tingin ko ay hindi naman dapat kabaliwan. At sino 'yung binabanggit ni Chriselle na gwapo? 'Yung Hilton? Siya 'yung humarang duon sa Clef nuong tinitignan ko 'yung damuho.

Hindi naman siya gwapo ah? Oh baka ito nanaman ako sa mga piling bagay na naappreciate ko.

Napabungtong-hininga nalang ako dahil hindi ko akalaing pati iyon ay iisipin ko pa. Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Chriselle at liningon ko lang siya, humabol siya sa akin hanggang sa makarating kami sa classrooom namin. Ngayon kasi ay klase namin sa Calculus. Kahit na arts school ito ay hinid parin kami makaligtas sa mga math subject. Okay mas magaling ako sa science kesa sa math. Dito ay masasabi kong average na talaga ang utak ko.

Umupo ako duon sa dati kong inuupuan sa likod. Wala pa naman ang professor namin kaya't kinuha ko muna ang librong tatlong araw ko na atang binabasa.

"Ang bilis mo Ferm" ani Christelle sa tabi ko pero hindi ko na siya pinansin dahil sa pagbabasa ko ng libro.

Tutok na utok ako sa pagbabasa nuong marinig kong magiritan ang mga kaklase ko. Automatic atang napakunot ang noo ko. Dang! Ano nanaman bang problema nila?

Nakita kong may nakatayo sa harap ko lalo akong napakunot ng noo.

Onti-onti kong itinaas ang paningin ko at nakita ko duon ang isang taong hindi ko ineexpect na tatayo sa harapan ko.

Nakangiti siya sa akin na parang tanga. Oo, tanga talaga dahil hindi ko alam kung bakit nagngingiti siyang aso habang nakatingin sa akin.

Rinig na rinig ko ang iritan ng mga kaklase ko lalo na nuong pinasadahan niya ng kamay ang kanyang buhok na mahaba. What's with this guy?

Imbis na pansinin ko siya ay ibinaba ko uli ang tingin ko sa libro at nagpatuloy sa pagbabasa.

Isang bagay na natutunan ko. Kapag hindi mo pinansin ang isang bagay ay titigil din iyon pero mukhang nagkamali ata ako ngayon. Bigla niyang hinanggit ang librong hawak ko. Nagsinghapan ang mga kaklase ko at maging si Christelle eh naririnig ko na ang pag'O-Omg'

"Hindi mo man lang ba ako papansinin?" nakangiti niyang sabi sa akin.

Imbis na salubungin ko din ng ngiti ay sinimangutan ko lang siya at hinanggit 'yung librong hawak niya pero too bad at naiiiwas niya uli iyon sa akin. This time eh talagang gusto kong balatan siya ng buhay. May sa lahi ba ang Creole na magnanakaw? Nuong una ay kinuha nung Clef na 'yon 'yung notebook ko ngayon eh nasa harapan ko 'tong Hilton na 'to at inaagaw ang libro ni Nicholas Sparks. Mahilig din ba siya sa romance kaya't gusto niya 'yung kunin sa 'kin?

"I'm Hilton Reyes" aniya habang nakangiti pa rin sa akin.

"Alam ko. Give me back my book" masungit kong sabi sa kanya.

Nakita kong lalo siyang napangiti dahil sa pagsasalita ko. Nagpailing-iling siya sa akin, "Nah. Not until you give what's mine?"

Kung may iiirap pa ako ay gagawin ko sa lalaking iyon. Anong sinasabi niyang what's mine? Sa pagkakatanda ko ay wala akong kinukuha sa kanya.

Sa sobrang asar ko eh tumayo na ako duon sa kinauupuan ko. He's taller than me I think 5'11 ang isang 'to dahil 5'6 lang naman ako so basically nakatingala ako sa kanya ngayon. I know that everyone's looking at us pero wala na rin siguro akong pakialam dahil iniiistorbo niya ako.

"Akin na 'yan!" banta ko sa kanya at inagaw ko ulit ang Safe Haven kong libro pero iniwas niya ulit 'yon sa 'kin at itinago sa likod niya. Halos lahat ay nagsisinghapan.

Playful smile is written all over his face and I just anted to punch him so hardly.

"Akina sabi 'yan!" anas ko sa kanya ng muli kong tangkaing kunin 'yung libro ko pero umiwas lang siya sa akin.

"Pinuntahan pa kita dito tapos 'yan lang ang sasabihin mo sa akin?" aniya bago ko naramdaman ang kamay niya sa braso kong dapat ikukuha ko sa notebook ko. Nanlaki ang mata ko ng iikot niya ako dahilan para makulong ako at mapalapit sa kanya. In just one swift move eh napaggdikit niya ang katawan namin na parang nagsayaw lang kami. Hinawakan niya ako sa likod ng bewang ko at tinitigian niya ako. Those brown eyes.

"Gusto ko lang naman kunin ang ninakaw mong puso ko kahapon" aniya na nakapagpatahimik sa buong classroom.

Ninakaw kong puso niya? Ano daw? Parang naginit 'yung pisngi ko dahil sa sinabi niya kaya agad ko siyang itinulak palayo bago ko pa siya masapak. Wala pa ring gumagalaw sa mga classmates ko, nakita kong laglag ang panga ni Chriselle duon sa upuan niya hanggang sa may marinig kaming halakhak sa pintuan ng classroom namin. Pare-parehas kaming tumingin duon at gusto ko nalang sumakit ang ulo dhail nakita ko ag tatlong kamember nitong lalaking pangahas na 'to sa harap ko.

What they are doing here?

"Hahahaha. That was epic Hilton!" halakhak nuong lalaking maraming studs sa kanyang tenga. He's the drummer I know.

"Bakit ba kayo nandito? Sabi ko manliligaw ako eh" maktol nung Hilton kahit alam niyang maraming nakatingin sa kanya. Lalong napahalakhak 'yung maraming studs sa kanya samantalang 'yung isang naggitara naman kahapon ay nakangiti lang at napapailing dahil sa pagiging childish ng vocalist nila.

I know he's childish.

They walked through us. Napako ang tingin ko duon sa lalaking nasa likuran nilang dalawa. Clef Viray. Sa kanilang tatlo ay siya lang ang hindi ako tinititigan, he's looking around the room na parang nagoobserve siya.

Nang makalapit na sila sa amin ay inakbayan agad nung maraming studs si Hilton, "So hows the courtship?" natatawa niyang sabi kay Hilton sabay tingin sa akin kaya inirapan ko lang siya. Napa'aww' naman siya dahil sa pagirap ko sa kanila.

Tama talaga ako. I should just be addicted to their song not them. Ngayon talagang lumalakas na ang hinala kong baliw ang mga babaeng nahuhumaling sa Creole.

"Mukhang busted ka kay Ms.. "

"Fermatta Rivera Re.. " hindi na natuloy nung Hilton 'yung sasabihin niya dahil nasiko na siya nung isang gitarista nila na tingin ko ay pinakamatino sa kanila.

"Pasensya kana miss sa mga kamember ko. I'm Aldon Jesalve. He's Dwaine Tolentino" pagpapakilala niya duon sa lalaking puro nakastuds, "This is Hilton Reyes" nanggiting aso nanaman uli 'yung Hilton Reyes at ang huli niyang tinignan eh 'yung lalaking bored na bored sa likod niya, "And he's Clef Viray. Sorry kung inistorbo ka nitong si Hilton sa klase niyo" agad niyang kinuha 'yung librong hawak ni Hilton, magrereklamo pa sana si Hilton pero sinamaan na siya ng tingin nitong si Aldon.

I think he's the leader?

Ibinigay niya sa akin 'yung librong kaninang kanina ko pa gustong makuha kay Hilton. He smiled at me but I remained in my poker face. They are not even my friends, why would I bother smile at them.

"I think we owe something to you dahil sa pangiistorbo nitong si Hilton sa 'yo kanina. If you like nasa music room lang kami mamaya you're free to listen basta huwag ka ng magsama ng iba" aniya.

Narinig ko ang pagdaing ng mga classmate ko. Is that a privilage? I didn't had a chance to listen to them last night dahil gusto ko nalang umalis sa Fola Theater nuong titigan ako ni Clef at iparamdam ang katangahan ko dahil sa hindi ko pagkakakilala sa kanila. I also wanted to hera their music. I'm not a hipocrite na sasabihing hindi sila magaling tumugtog dahil they really are.

I bit my lips dahil sa pagiisip. I looked at them. They all look very friendly maliban nalang kay Clef na wala atang pakialam sa mundo. I didn't even know why they are talking to me right now. I thought they are popular why are they talking to me who's only average? They should be talking to someone like Searcy and Blaire.

Nasa pagiisip ako ng ganuon ng nakita kong inangat ni Clef ang tingin niya sa akin.

He's not smiling nor frowning pero alam kong hindi niya gusto ang pumunta ako sa practice nila and the idea came up to my mind.

I smiled at them for the first time in my life. Hindi ko nga lang alam kung halata bang fake 'yun o pwede na akong sumali sa drama club dahil sa acting ko. I just wanted to pissed him because he pisses me alot nitong mga nakaraang araw.

"Sure. I'll be there!"

"Yes!" sigaw ni Hilton sabay apir kay Dwaine. Napailing nalang si Aldon sa kanila.

"Okay then. See you later, Fermatta" ani Aldon na hinihila paalis sa harapan ko si Hilton.

"Bye Ferm!" nakangiting ani ni Hilton habang kumakaway siya sa akin. Huling umalis sa harapan ko ay si Clef na seryoso lang na nakatingin sa akin. I also looked at him with intense gazed. Huh, akala mo ay hindi kita papatulan. Hangga't hinid niya ibinabalik sa akin ang notebook ko ay hindi ako titigil na asarin siya.

Sa bandang huli ay sumuko rin siya at sumunod sa kanyang mga kabanda. nang makaalis sila sa classroom nagulat ako't nagsilapitan sa akin 'yung mga classmate ko. They circled on me at tinanaong ako ng kung anu-ano.

"Paano mo sila naging kaclose?"

"Omg. Isama mo ako sa practice nila mamaya"

"Ferm, friend na kita"

'Yan 'yung mga naririnig ko sa kanila at sa sobrang asar ko eh sinabi ko ang mga salitang makakapagpatigil sa kanila.

"Sino ba kayo? Do I know you all?"

At tama ang hinala ko. Nagsimangutan silang lahat sa akin, ang iba ay nagbubulong pa. Lahat sila ay nagsibalikan sa kanilang mga upuan at ako ay umupo na rin sa aking upuan at binuksan muli ang aking libro. Totoo naman hindi ko naman talaga sila kilalang lahat bakit ngayon ay kung kausapin nila ako akala mo close kami.

Akala ko ay matatahimik na ang mundo ko pero narinig ko pa rin ang pagsigaw ni Chriselle sa tenga ko, "Omg! May gusto sa 'yo si Hilton"

Sinimangutan ko lang siya, "Yung mukhang unggoy"

"Ano ba huwag mo siyang tawaging unggoy. Ang gwapo niya namang unggoy" aniya na parang napopossess siya roon, "Tapos inivite ka nila sa practice nila! Ang swerte mo! Sana ay palagi silang pumunta dito sa classroom sa one month nilang pagstastay dito sa Cecilian"

"One month?"

Tumango-tango naman siya sa akin, "One month silang magstastay dito. Itratrain nila 'yung mga makakapasa sa music fest audition pero syempre sa music departmnt lang. Sinabi 'yan kagabi ah? Hindi kaba nakikinig? Kaya ang dami mong hindi alam dito sa school... " hindi ko na pinakinggan pa si Chriselle sa kakatalak niya sa akin duon dahil wala naman akong balak na intindihin ang mga sinasabi niya. Sesermonan lang kasi niya ako na para akong isang bata.

Mabilis kumalat 'yung balita ng nangyari kanina sa classroom. Halos pandilatan ako nuong mga babaeng nadadaanan ko sa corridor. Surely they are Creole's fan ano pa nga bang ineexpect ko. Sabi na't ito ang magiging resulta ng agaw pansin nilang scene kanina sa classroom. Kasalanan ito nung Hilton na iyon. May panakaw-nakaw pa siya ng puso na sinasabi, I know those lines at alam kong gusto niya lang kuhanin ang loob ko. Pero nagkamali siya at ako pa ang napagdiskitahan niya.

Hindi ko nalang pinansin ang mga babaeng irap ng irap sa akin. Dumiretso ako sa mga klaseng dapat kong attendan ng araw ng 'yon. Kinahapunan eh nagpunta ako sa music room para panuoring magpractice ang Creole.

Sumalubong sa akin ang tunog ng gitara. Nagaayos na sila ng instrument. Tumunghay sa akin si Aldon at ngumiti sa akin. Hindi ko siya nginitian pero hindi pa rin nagbago ang facial expresson niya. Si Dwaine naman ay kumaway lang sa akin.

Kahit na hindi nila ako sinabihang umupo eh umupo ako duon sa harap ng malaking organ na naroon. 'Yun lang kasi ang pwede kong upuan dahil studio type itong music room at hindi naman mukhang isang classroom.

Hinanap ng paningin ko ang mga nawawala nilang myembro pero wala talaga sila sa loob. Maybe they are busy? Hilton busy pissing others like he did to me earlier and Clef busy with.. Searcy? I don't know really.

Habang nagiintay ay kinuha ko nalang ang cellphone sa aking bulsa. I scan my inbox and saw few messages from mom and dad. May message din duon si Chriselle na sinasabing ivideo ko daw ang practice. She knew I would never do that thing. May message din sa akin si Lance.

'I heard the news. Looks like you'll become a star starting today'

Ang galing niya talagang mangaasar. I never wanted fame pero heto ako ngayon at dinedeal ang kalokohan ng Creole. Kung hindi ko lang gustong asarin si Clef ay siguradong hindi ako pupunta dito at makukuntento nalang akong magbasa ng mga libro ko.

Maya-maya lang ay bumukas na ang pinto ng music room at iniluwa nuon ang nakangiting si Hilton kasama si Clef at si Mr. Bracelli sa likod. Nanlaki ang mata ko dahil kasama nila si Mr. Bracelli, akala ko ba ay hindi pwedeng manuod ang iba sa practice nila? Eh bakit mukhang hindi naman ata 'yun totoo.

"Fermatta ko!" sigaw ni Hilton nuong nakita niya ako. Tumakbo siya papalapit sa akin, hinawakan ko agad ang libro ko at handa ko 'yung ipangsapak sa pisngi niya kung hindi lang siya hinila ni Clef sa damit niya, "Ano ba Clef. Ang kj-kj mo!" aniya pero hindi naman siya pinansin ng huli.

Nakita kong bumulong si Clef sa kanya at maya-maya lang eh nangngiting aso na si Hilton at hindi na nagtangka pang lumapit sa akin.

Ano bang problema ng mga lalaking ito at mukha silang may mga sayad?

Si Mr. Bracelli naman ay lumapit sa akin. Tinapik niya lang ang balikat ko.

"Ikaw pala 'yung sinasabi ni Hilton" aniya na ngiting-ngiti, "Did you finally thought about joining annual music fest?" tanong niya sa akin.

I heard Dwaine's drum roll. Nakita ko na ring inaayos na ni Clef ang gitara niya at pumunta na sa gitna si Hilton habang hawak niya ang microphone.

"It's not what it looks like Mr. Bracelli"

"Yeah right Ms. Rivera" pagiimitate niya sa sinabi ko kaya nakatikim nanaman siya sa akin ng irap.

Unang tumunog ang bass guitar kaya't napako ang tingin ko kay Clef na seryosong tumutugtog duon. His face is just the usual face he have. Nothing's really special about him. Narinig ko ang pagtugtog ng drum hanggang sa sumabay na si Aldon sa rhythmn ng tugtog. They all synchronize and damn it's just so good to hear. Nang magsimula ng kumanta si Hilton eh duon na ako tuluyang nahypnotize.

I was just there sitting and watching them. It's obvious that they really like what they are doing and there's a sudden pang I felt inside me. There's a question that I kept on asking myself simula ng pumasok ako sa Cecilian.

When will I enjoy the music like what they are doing? Will I be able to enjoy it?

You are reading the story above: TeenFic.Net