♬ 28

Background color
Font
Font size
Line height

Twenty-eight

Breath of morning

Dwaine Tolentino is calling...

Kinagat ko ang labi ko habang pinagmamasdan ang laptop ni Chriselle na tumutunog. Dwaine's calling her. Ano bang oras ngayon sa States at nagagawa pang tawagan siya ni Dwaine? Namatay ang tawag ni Dwaine at akala ko'y makakahinga na ako ng maluwag ng tumunog nanaman iyong muli.

It's just Dwaine, Fermatta. Come on.

Ilang segundo ata akong nakatitig sa laptop na iyon ng napagdesisyunan ko ng tanggapin ang tawag. Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Dwaine pero hindi tulad kanina na parang matutulog siya ngayo'y mukha siyang aalis dahil sa suot niyang leather jacket. Ayos na ayos rin ang kanyang buhok at tingin ko'y may show nanaman silang pupuntahan ngayon.

Then why is he calling Chriselle?

Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang mukha ng siguro'y napagtanto niyang hindi si Chriselle ang nasa kanyang harapan. From a smirking face his jaw suddenly dropped. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin siya sa akin and I can't help but to roll my eyes to him.

"Why are you giving me that face?" iritado kong tanong sa kanya.

Kumurap-kurap pa siya hanggang sa unti-unting kumurba ang malaking ngiti sa labi niya. It's bigger than I saw awhile ago. I saw something in his eyes. Excitement? Surprised? Happiness? I don't know pero pakiramdam ko'y gusto ko ring mapangiti dahil duon but I held it. Hindi ko iyon pinakita and instead of smiling, I frown at him.

"You look good, Fermatta! My God! It's been four months!"

"Idiot. Don't kid around"

Narinig ko ang halakhak niya sa kabilang linya at napailing nalang ako. Same old Dwaine. Maloko pa rin sa lahat ng bagay.

"Your Chriselle isn't here. She has class baka mamaya pa iyon dumating. Just call her later kapag nandito na siya" pagbibigay ko sa kanya ng impormasyon.

Bahagya siyang ngumuso, "Sayang. I'll be gone the whole day dahil may pupuntahan kami. Anyway, kamusta ka?" aniya habang nakangisi.

"Fine. I still do the same old thing" ani ko na parang isang natural na bagay lang ang kausapin siya ngayon. Na parang hindi kami nagusap pagkatapos ng apat na buwan. This feels to natural. Dwaine is kind of a friend to me. Alam niya ang alitan namin ng kaibigan niya dahil nahuli niya kaming naguusap nuon sa dressing room ng Fola Theater. Aniya ay wala naman daw siyang gaanong narinig sa paguusap namin but his face when he talked to me that time eh parang alam na alam niya ang nangyari sa akin.

"May problema ka pa rin ba sa puso?"

"Fuck you!" malutong kong mura sa kanya at narinig ko nanaman ang halakhak niya sa kabilang linya. Kapag siya talaga ang kausap ay walang kang matinong bagay na makukuha. Ugh.

"Nagbibiro lang ako, Fermatta. But you didn't change a bit. Sana tinatawagan mo ako minsan, you know. May pinagsamahan din naman tayo nuong nandiyan pa ako sa Cecilian. Nakakapagtampo ka tuloy" aniya habang nakanguso na parang nagbibiro.

I know kahit na mukhang nagbibiro siya ay may bahid na katotohanan ang pagtatampo niya. Nuon kasing nawala sila ay isinara ko ang lahat ng bagay na pwedeng makapagkonekta sa kanila. I changed my number. I blocked Hilton one time he add me to his friendlist in facebook. Alam kong malupit ako. Pero ang gusto ko lang ay mawala ang lahat ng bagay na makakapagpaalala sa'kin sa kanya.

Huminga ako ng malalim at inayos ko ang buhok kong alam kong gulo dahil sa pagkakahiga ko kanina sa kama. Nakita ko ang pagsunod ng mata ni Dwaine sa ginawa ko, "I'll give you my skype name then. You can call me if you have time"

"At last! Magkakaroon na ulit tayo ng communication!"

Tuluyan na akong napangiti at napailing ng sumigaw-sigaw siya sa kabilang linya. Parang bata! Parang si Hilton lang. Magkaibigan nga sila. Magsasalita na sana ako para suwayin siya dahil nakakairita na sa tenga ang kanyang boses ng marinig ko ang malakas na lagabog ng pinto at ingay sa kung nasaan si Dwaine. Pakiramdam ko ay may nagkarera sa puso ko ng makita ko ang mukha ni Hilton na tumatabi sa kanya sa kama.

"Dude, what is this? Omegle?" tatawa-tawang sabi ni Hilton.

I can't believe this!

Narinig ko ang malakas na halakhak sa likod ng laptop na hula ko'y galing kay Aldon. Itinulak ni Dwaine si Hilton na parang naasar pero nakangiti pa rin, "Gago. Ikaw lang naman ang nagoomegle sa 'ting apat! Stop disturbing me diba may mga kwarto nam... "

Nawala ang boses ni Dwaine sa laptop at ang tanging nakita ko lang ay ang mukha ni Hilton na parang nakazoom-in habang nanlalaki ang kanyang mata. Mas rumagasa ang pintig sa puso ko. Shit!

Narinig ko ang sunod-sunod na mura ni Hilton, "Shit Dwaine! You're skyping with Fermatta! Why you didn't told me!"

Narinig ko ang ingay sa kabilang linya at ang pabago-bago ng video sa screen ng laptop na halos hindi na maifocus sa isang bagay. Animo'y nagaagawan sila sa laptop ni Dwaine. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko. My instinct told me to shut out the call but my heart.. it's beating unusually na parang sinasabi nuong matagal ko ng gustong mangyari ito. Ang makausap silang muli.

"Ano ba Hilton! Akin 'tong laptop!"

"I don't care! It's Ferm!"

Pinagmasdan ko silang nagaway duon, ngayon ay nakasentro na sa kanilang dalawa ang camera. Napapangiti ako pero pilit kong itinatago iyon sa pamamagitan ng pagkagat sa labi ko. Nakita ko pang binatukan ni Dwaine si Hilton at gumanti naman ang huli sa kanya.

Sa sobrang tutok ko sa laptop ay hindi ko napansin na nakapasok na pala sa kwarto si Cael. Nalaman ko nalang na nasa tabi ko siya ng maramdaman ko ang kamay niya sa mga balikat ko. I immediately look at him and he immediately leaned to me para halikan ang noo ko.

"Marami akong dalang pagkain" aniya habang nakangiti.

Narinig ko ang pagtahimik ng dalawang kulugo sa linya ng skype. Muli akong tumingin sa harap ng laptop at nakita kong tatlo na sila duon kasama si Aldon. Maging si Cael ay napatingin sa laptop ni Chriselle.

"I think I have to go" anas ko sa kanila.

Nakita ko ang pagtango ni Aldon sa akin. Samantalang si Dwaine naman ay binigyan ako ng nakakalokong ngiti, si Hilton naman ay nakasimangot na sa akin.

"Don't forget to give me your skype username" paalala ni Dwaine sa akin.

Marahan lang akong tumango sa kanya. Naramdaman ko ang pagpisil ni Cael sa mga balikat ko at alam ko ang ibig sabihin nuon. He wants me to end the call pero ayoko pa, pero hindi ko naman makakausap ang tatlong ito kung nandito siya't kasama ko sa kwarto.

"Uh.. bye" anas ko bago ko pindutin ang end call button pero bago ko pa tuluyang mapatay ang tawag na iyon ay narinig ko na ang pagsigaw ni Hilton.

"You're fucking late Clef! Dapat nagpakita ka kanina.. "

Dumagundong ang puso ko kasabay ng panlalaki ng mga mata ko. He was there! Nanduon si Clef pero hindi man lang siya sumilip sa tawag!

Shit!

Ngumuso ako at pakiramdam ko'y may kakaiba nanaman akong naramdaman sa sarili ko. Hindi ba siya sumilip dahil ayaw niya akong makausap? Dahil ba sinabi ko sa kanyang layuan at kalimutan niya na ako? Bakit pakiramdam ko'y may tumutusok pa rin sa dibdib ko hanggang ngayon? I should expect that he will do that. I ask for it. Damn, I should forget this feeling. Ako nga'y nakalimutan na niya!

"Let's eat, Fermatta. Don't think too much" ani Cael pero tuluyan na akong nawalan ng gana.

Pagkatapos ng tawag na iyon ay hindi ko na ulit nagawa pang makausap sila Dwaine o maging ang ibang Creole. I once asked Chriselle.

"May concert tour sila, Ferm. Isang linggo silang walang connection dahil pinagbawal nuong Manager nila para daw walang distraction" aniya.

Nanghinayang lang ako ng malaman ko iyon. I asked for Dwaine's number mabuti nalang at hindi nagtanong si Chriselle kung saan ko iyon gagamitin.

To: Dwaine Tolentino

ferm.rivera that's my skype username

Tinago ko ang cellphone ko ng nakalabas na ako sa gate ng Cecilian. Ngayon ay uuwi ako sa Laguna, it's been awhile simula ng madalaw ko si Daddy. Medyo matagal akong mawawala para sa west tour, hindi malapit ang America sa Pilipinas kaya sigurado akong mamimiss ko siya ng todo.

Pumara ako ng taxi at agad na sumakay dito. Nakasalpak ang earphones ko sa aking tenga ng magvibrate ang phone ko.

'I told you I'll be picking you up. You're a such a stubborn lady'

Sumimangot ako ng mabasa ang text ni Cael. Yes, he said he'll be picking me up but I didn't agree. Instead of replying his text ay inignora ko nalang iyon. Cael is used to my attitude. Kumbaga, immune na rin siya tulad ni Lance at Chriselle. Hindi ko nga alam kung paano niya ako natitiis.

Ibinaba ako ng taxi driver sa terminal ng bus at duo'y sumakay ako papunta sa Laguna. Siguro kapag nalaman ni Daddy na nagcommute nanaman ako ay papagalitan niya ako. Lalo na si Mommy, can you imagine the daughter of Elizabeth Rivera riding a bus? Well, I'm not like the others. Kahit papaano ay gusto kong maging normal at ito ang normal sa akin. Wala pa akong driver's license at ayoko namang may driver ako kaya kailangan ay magtiis ako.

Nang nasa loob ako ng bus ay muling nagvibrate ang phone ko. Akala ko'y si Cael muli iyon pero isang unknown number ang nagregister.

From: Unknown Number

Thanks, Ferm! Akala ko hindi mo na ibibigay. I'm gonna call you tonight ;)

Napailing nalang ako at napangiti ng mabasa ang text na iyon. I'm sure it's Dwaine. Tumipa agad ako ng reply sa kanya at sinabing 'Sige'.

Mabilis lang ang naging byahe ko papunta sa Laguna. Nang makita ako gn guard namin ay agad siyang ngumiti sa akin. Halos takbuhin ko ang pinto papunta sa mansion namin para lang makita agad si Daddy. When I entered the house ay narinig ko ang piano na tumutugtog. That's absolutely Dad! I unconsciously smiled and walked towards the living room kung nasaan ang piano.

Hindi ako pamilyar sa tinutugtog ni Daddy ngayon. It's kind of up-beat song at mapaglaro ang tono nito. I didn't know Dad is capable of playing this kind of song halos lahat kasi ng tinutugtog niya ay old songs.

Nang makarating ako sa living room ay agad hinanap ng mata ko ang lugar kung nasaan ang piano namin. Narinig ko ang paghinto ng pagtugtog nito at kasabay nuon ay ang pagtingin sa akin ng taong nasa harapan ng piano ko.

Tumahip ang puso ko ng makita ko ang kanyang mga mata. Those familiar black orbs, those eyelashes, those nose. Shit! Namamalikmata ba ako?

Ngumiti siya sa akin at bahagyang nawala ang pagkakapareha nila sa itsura, "Hello po. Ikaw po ba si Ate Fermatta?" she said with those cheeky smile.

Nakaawang lang ang labi ko habang nakatitig ako sa kanya.

They fucking look the same! The only difference is this is the girl version! Halos parehas ang mga mata nila, ang ilong, ang labi ay parehas ng kulay. I think she's 10 years old at ang kanyang buhok ay katulad din ng kanya. Itim na itim na medyo kulot ang dulo. Damn!

Halos mapamura ako ng unti-unting magsink-in sa akin kung sino itong nasa harapan ko. What is she doing in here? Nandito rin ba ang kapatid niya? Kumalabog bigla ang dibdib ko.

"B-bakit hindi mo ako kinakausap Ate Fermatta? Kuya told me you are nice that's why I felt to excited to meet you" tuwid niyang ingles sa akin habang pinapakita iyong mapupungay niyang mata na parang naiiyak siya.

Fuck!

Unti-unti kong nakita ang mga luha sa mata niya. I panicked because I don't want her to cry! Goodness, ayokong paiyakan ang kapatid ni Clef. I was just shocked dahil nandito siya sa bahay! Nang marinig ko ang kanyang paghikbi ay duon ko narinig ang mga taong unti-unting lumalabas mula sa dining area namin.

"Musika? Why are you crying?" anas nuong babaeng agad na dumalo sa kanya.

She's also familiar with me. She's the one I saw in our photo album. The one who's always with Clef. Her name is Catalina I'm sure with that. Sa tabi niya ay iyong lalaking kasama rin nila sa picture ni Clef and if I'm not mistaken he's Catalina's husband, Fredd. Sa gilid nila ay nanduon si Daddy na nagtataka rin sa nangyayari.

"A-ate Ferm don't want to talk to me, Mom. I'm scared that she doesn't like me. Kuya told me stories that before, Ate Fermatta doesn't talk to him too. Mom, I want to be close to Ate Ferm" aniya habang humihikbi siya.

Halos mapapikit ako dahil sa mga sinabi niya. Oh Ferm, what did you do?

Tumingin sila sa akin at wala akong nagawa kundi itaas ang dalawa kong kamay sa hangin, "I was shocked. Don't look at me like I did something wrong"

Napangiti sa akin si Catalina at napailing nalang. Si Daddy naman ay napabuntong-hininga, "Your Ate Ferm likes you Musika. She's just shocked because we are here and she doesn't know that we are coming" ani Catalina sa kanyang anak.

Agad na pinahid ni Musika ang kanyang matang punong-puno ng luha at tumitig sa akin. I'd kill to have those eyes!

"Come on. Greet your Ate Ferm" sabi naman ni Fredd habang nakangiti.

Tumango si Musika sa kanila at tumayo mula sa piano ko. May unti pang luha ang kanyang mata pero bahagya na siyang nakangiti ngayon. Nang magkatapat kami ay inayos niya ang gusot sa kanyang damit, "I-I'm Musika Randell Viray. I'm 10 years old and I lived in Florida.. A-ay, dito na nga pala muna kami ngayon sa Pilipinas" hagikhik niya, "My kuya's name is Clef Rashied Viray. He's a Creole of Note member and his closest friend is Kuya Hilton. I hope you like me, Ate Fermatta. Kuya told me kasi you're really good at playing piano and I wanted to be like you" dire-diretso niyang sabi bago buksan ang kanyang kamay.

Tumitig ako dito habang nagiintay siya sa susunod kong gagawin. I looked at my Dad to ask for help, I'm not really good with kids pero tingin ko'y mapipilitan ako ngayon. My Dad nodded at me and all I did was sighed. Umupo ako para maging magkatapatan kami, kahit na hindi ko hilig ang pagngiti sa mga kakakilala ko lang ay hindi ko na iyon pinansin. Musika is an exemption I guess.

Ngumiti ako sa kanya and I did the unexpected thing a Fermatta Rivera could do. I hugged her and from that moment I wrapped my arms around her I smelled those familiar scent.

"Strawberry" hindi ko namalayang naibulong.

Tumingin sa akin si Musika at pinakita ang complete set of teeth niya, "I smelled like kuya diba Ate Ferm?"

Wala akong nagawa kundi ang tumango sa kanya. Because it would be hell if I lie to her.

*

"We thought Elizabeth would be here hindi namin alam na nasa ibang bansa pala siya. But it's okay atleast we finally meet your daughter after so many yearsr" ani Catalina bago tumingin sa akin, "You we're so little before we flew to America, Fermatta. Now you are all grown-up and became a beautiful lady just like your Mom. Sayang at hindi nakasama dito si Clef ngayon"

Halos mabilaukan ako ng sinabi iyon ni Catalina.

We we're now sitting on our dining area para kumain ng lunch. I just can't believe that I am facing Clef's family! Kung alam ko lang na nandito sila ay sana hindi ako ngayon bumisita kay Daddy. I know I sounded so rude pero ayoko lang talaga ng mga bagay na may konektado sa kanya.

Lalo ngayong nasa harapan ko itong si Musika na kanina pa ako tinititigan. She's the exact duplicate of Clef and I can't help but to choke up whenever I remember his face because of his sister.

"Ilang buwan ba kayo dito?" tanong ni Daddy.

"Not month Brismon. We're here for only one week. Bumisita lang talaga kami because it's Musika's vacation from school in Florida. We just drop by here today"

"Just a week? Why don't you stay here overnight kaysa lumuwas pa kayo sa Manila para makapagcatch-up naman tayo. It's been what? Six? Seven years?"

Tumingin si Fredd kay Catalina at marahan lang tumango si Catalina sa kanya bago ngumiti, "Well, the boss agreed. What can I do?"

Tumawa sila dahil sa sinabi ni Fredd samantalang si Musika naman ay tuloy-tuloy na sa pagkain na parang walang pakialam sa desisyon ng kaniyang magulang. Napabuntong-hininga nalang ako. Tingin ko'y hindi ko masosolo ngayon si Daddy.

The whole day ay wala akong ginawa kundi ang samahan sila sa living room na nagkwekwentuhan. Paminsan-minsan ay tinatanong ako ni Catalina sa iilang mga bagay sa 'twing ngumingiti siya ay nakikita ko sa kanya si Clef. She looks really pretty, mukha pa siyang bata at maganda ang kutis niya samantalang si Fredd naman ay may kalakihan, but nevertheless he's good looking too. He has a deep set of eyes at alam kong sa kanya namana ni Clef at Musika ang kanilang mata.

Matagal na pala talaga silang magkakasama, simula palang highschool ay magkakakilala na si Mommy, Catalina at Fredd, si Daddy naman ay nakilala nila ng pumasok na sila sa Cecilian. Habang nagkwekwentuhan ay nararamdaman ko ang pagsulyap sa akin ni Catalina and it makes me uncomfortable pero binalewala ko nalang iyon.

Nang humapon na ay sinamahan ni Daddy si Fredd at Musika para pumunta sa pinakamalapit na mall para bumili ng damit dahil wala silang dala. Ang plano kasi nila'y sasaglit lang sila sa'min.

"Pwede bang pakihalo nito, Ferm" ani Catalina bago ibigay sa akin ang sandok.

Nagkibit-balikat lang ako at kinuha ang sandok mula sa kanya. I really don't know what I am doing here, she asked me if I can help her bake some lasagna and it would be rude if I say no kaya heto ako't kaharap siya sa kusina.

"Ganito kami ng Mommy mo dati, Ferm. We love cooking together. We love singing together and we love shopping together. Naalala ko pa nuon laging galit ang lolo mo dahil ang laki ng utang ni Elizabeth sa credit card niya dahil sa kakabili ng gamit" halakhak niya, "Little did your Lolo know. Ako ang may kasalanan kung bakit malaki ang bill nila sa credit card dahil ako ang laging nagyayaya kay Elizabeth na mamili"

"You were that close, huh" walang gana kong sagot sa kanya.

She gave a weary smile before he cover the caserole, "Yes we really are and I miss my bestfriend. Ilang years din kaming hindi nagkita"

Tumango ako sa kanya at tumigil sa paghahalo ng sauce dahil kumukulo na ito, "How are you and your Mom?" tanong niya sa akin bago lumapit at patayin ang electric stove sa harapan ko.

"We're fine"

Tumitig siya sa akin and I know she doesn't believe me. Now, I can see her resemblance to Musika. Dito niya namana ang matataas niyang cheekbone katulad ng kay Clef pati ang labi nitong maninipis.

"I don't want to intrude your relationship with your Mom but I just wanted you to know that she loves you so much, Fermatta. From the day she discovered that she's pregnant with you to the day you are born, she's very happy. You know, it's rarely to see her smile genuinely ang madalas niya kasing ipakita sa iba ay iyong ngiting narerehearse niya dahil palagi siyang nakangiti sa maraming tao but when you came, that's the time I really saw her smile like there's no tomorrow. She treated you as a gift from God and I'm sure she's going to do everything just for your Ferm"

Hindi ko alam pero pakiramdam ko'y may bumara sa lalamunan ko ng sabihin niya iyon. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. I dont want her to know that I feel affected. That there's something going on with us, or with me.

"Whatever's happening to the both you. I hope everything would be fine. Always remember that she loves you and you are a treasure to her. I know that because Musika and Clef are my treasures and no one can replace them in my heart"

I don't know but I felt bothered about what Catalina told me. I kept repeating what she said to

You are reading the story above: TeenFic.Net