♬ 21

Background color
Font
Font size
Line height

Twenty-one

We better go

"You're done! You can rest now Rivera!" hiyaw sa akin nuong prof ko sa p.e. Halos hindi ako makahinga dahil sa sobrang pagod. Ngayon kasi ang pre-exam namin sa subject na ito at pinagawa niya sa amin ang obstacle course na karaniwang ginagawa lang ng mga soccer player. He's a beast! Ni hindi niya pinaligtas ang mga babae sa exercise na ito.

Halos humiga ako sa field dahil pakiramdam ko ay bibigay na ang aking tuhod sa sobrang pagod. Nakita kong tumatakbo palapit sa akin si Chriselle. Hindi tulad ko ay mukha pa siyang maayos dahil hindi pa siya tinatawag para gawin ang obstacle course.

Nang makalapit siya sa akin ay ngumiwi agad siya at inabot sa akin ang tubig, "Is it that hard?"

Agad kong tinanggap ang tubig niya at tumango bago uminom duon.

"But you did well! Sana hindi ako mahirapan! Wala talagang patawad 'yang si Mr. Romulo" maktol niya sa akin.

I know she can do it, banat palagi ang katawan niya dahil sa pagsasayaw.

"Anyway, may detention si Lance mamaya"

Napaangat ang kilay ko dahil sa sinabi niyang iyon, "He's thirty minutes late sa klase namin. May exam kaya nagalit iyong instructor namin. When she asked him kung bakit siya late he just shrugged his shoulder kaya mas lalo siyang nagalit kay Lance. He looked like a mess, Fermatta. If you could only see him you would notice him changed"

Kinagat ko ang labi ko dahil sa sinabi ni Chriselle sa akin. I know this is all my freaking fault.

Tumingin ako kay Chriselle at ngumuso siya sa akin, "When will you talk to him?"

I already said everything to Chriselle nuong umagang umuwi ako sa dorm galing sa birthday party ni Ingrid. She was surprised dahil umaga na ako umuwi nuon pero hindi ko sa kanya sinabi kung saan ako galing. I know her too well and I know she'll bomb me with questions I wouldn't know the answers so better shut my mouth, pero sinabi ko sa kanya kung anong totoong nangyari sa amin ni Lance. Tulad ko ay nagulat rin siya, nahahalata na rin niya nuon pa na may ibang pakitungo sa akin si Lance but she didn't put some malice on his actions kaya pati siya ay nagulat sa balita. Nagpatulong rin ako sa kanya kung paano ko makakausap si Lance since alam niya ang halos lahat ng schedule ni Lance dahil parehas sila ng department. She even told me things that I should tell Lance once we confronted each other that's why I feel a bit of relax.

"Mamaya" I said plainly.

"How? Pagkatapos ng p.e may practice kapa para sa annual music fest pagkatapos ay may klase kapa sa major subjects mo."

"I'll find ways to skip class"

Nanlaki ang mata niya at hinampas ang braso ko, "May exam ka ngayon sa major subject mo! You can't skip class, isa pa hindi ka papayagan ng mga teacher kahit pa practice sa music fest ang dahilan mo!"

Nakita ko ang paggulong ng soccer ball sa paa ko. I furrowed my brows and twitch my lips bago ko kunin ang bolang iyon, "I won't let a day pass without talking to him, Chriselle"

"Then how can you talk to him?"

May naglarong ngisi sa labi ko pagkarinig ko ng tanong na iyon. Pinaglaruan ko sa kamay ko ang soccer ball at tinignan ang mga kaklase kong ginagawa ang obstacle course na kanina'y ginagawa ko rin. Dumako ang tingin ko kay Mr. Romulo na nakahawak sa kanyang bewang habang pinagmamasdan ang kaklase kong tumatakbo.

Binalik ko ang tingin ko kay Chriselle na mukhang nagtataka sa ginagawa ko. I smiled at her mischievously bago itaas ang bolang hawak ko, "It's simple Chriselle. No one can escape detention" pagkasabi ko nuon ay agad kong binato ang bola sa kay Mr. Romulo and dang! I felt like I am Kathniss Everdeen and my arrow is the soccer ball. I just hit his head! Halos lumuwa ang mata ni Chriselle nang ginawa ko iyon samantalang ako ay nakaismid lamang. I counted one to ten in my head at wala pang sampu ay narinig ko na ang galit sigaw ni Mr. Romulo sa 'kin.

"Rivera! In my office after class!"

I just shrugged my shoulder and boredly laid my back on the field, completely ignoring what Mr. Romulo said. Oh fuck, I just wanted to talk to Lance.

Pagkatapos ng klase ay nagpunta ako sa office ni Mr. Romulo at inabot sa akin ang detention slip ko. Masama ang tingin niya sa akin habang inaabot iyong papel, I wanted to roll my eyes on him. I think he deserve the ball I shot through him dahil sa pagpapahirap niya sa amin tuwing p.e pero pinigilan ko nalang ang sarili kong magsalita. May mga sinabi pa siya sa akin bago ako tuluyang makaalis pero wala naman akong naintindihan duon dahil nakatingin lang ako sa bintana ng office niya.

Paglabas ko sa kanyang office ay agad akong sinalubong ni Chriselle, "How was it?" agad niyang tanong sa akin.

I just showed her my detention slip at ngumiwi siya dahil duon. Pagkatapos ko kasing batuhin si Mr. Romulo ay pinagalitan niya ako, bakit kailangan ko pa daw sadyaing pumunta sa detention, isa pa baka paginitan na ako palagi ni Mr. Romulo sa klase dahil sa ginawa ko. I don't really care. Nitong mga nakaraang araw ay nasasanay na rin ako na napagiinitan ng kahit na sinong nakakasalamuha ko, wala namang bago duon. Ang mahalaga lang ay ang makausap ko si Lance ngayong araw na 'to.

Mabilis ang naging araw na 'yon para sa 'kin. Nagsimula na rin kaming magpractice nila Hilton at Pia ng kantang kakantahin para sa music fest. May mga part na nahihirapan si Pia dahil siya ang magsesecond voice at sanay siyang maging lead ng mga kinakanta niya kaya puspusan sa pagtuturo si Hilton sa kanya. Halos tatlong oras rin kaming nakaupo duon bago opisyal na tinapos ni Hilton ang practice. Agad kong nilikom ang mga gamit ko nang sinabi niyang tapos na kami.

Pagkatapos kong maayos ang mga gamit ko ay tumayo agad ako at lumabas ng practice room. Narinig ko ang mga yabag ni Hilton hanggang sa maramdaman kong nasa tabi ko na siya. I glanced at him and he showed me those playful smile he have.

"Bakit ka nagmamadali? May pupuntahan ka ba?" nakangiti niyang tanong sa akin.

Ngumiti rin ako sa kanya, "Detention"

Parang nagulat siya sa sinabi ko dahil sa panlalaki ng mata niya, "Bakit mukha ka pang masaya?" aniya habang tinatagilid ang kanyang ulo.

Umiling lang ako sa kanya. Because finally, I can talk to Lance again and I miss him so much pero hindi ko rin iyon isinaboses. Hilton smiled at me nang napagtanto niyang hindi ko rin naman sasabihin ang dahilan kung bakit gusto kong pumunta sa detention room ngayon. Nagsabi nalang siya na ihahatid niya ako duon at pumayag nalang ako kahit na maraming estudyante nanaman ang habol tingin sa amin. I think this is the first time na makikita ulit ako ng mga schoolmate ko na kasama ang isang member ng creole pagkatapos ng nangyari sa cafeteria. Mukha namang walang pakialam duon si Hilton kaya pinabayaan ko nalang rin.

Nang makarating kami sa tapat ng detention room ay nagpaalam na ako kay Hilton. Papasok na sana ako sa loob ng maramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko. I looked back at him and arched my eyebrows.

He looked so serious, hindi katulad kanina na masaya siya, "Bakit?" nagtataka kong tanong sa kanya.

He stared at me as if he's weighing if he should tell me something or not, pero mamaya lang rin ay nakita ko ang pagiling niya at pagngiti, "Wala. Sabi ko pumasok ka na sa loob naghihintay na mga tropa mo" aniya habang nakangisi.

Agad ko siyang hinampas sa braso kaya narinig ko ang halakhak niya. I scowled at him kaya't mas lalo niya akong pinagtawanan. He waved at me before I could finally enter the detention room. Tropa! This is my first time in detention! Paano kong magiging tropa ang mga nasa loob ng classroom na 'to? Ugh. Ang isang 'yun talaga!

Pagharap ko sa mga taong nasa loob ng detention room, halos lahat ng mata nila ay nakatingin sa akin. Inikot ko ang paningin ko, nagbabakasakaling makikita ko siya duon pero wala akong nakitang bakas ni Lance.

Hinayaan ko silang pagmasdan ako at tuluyan akong umupo sa pinakalikod na upuan kung saan walang nakaupo. Tamad akong nagpangalumbaba habang iniintay na muling bumukas ang pintuan ng detention room.

Narinig ko ang malakas na bell na hudyat na tapos na ang mga klase. Sinandal ko ang likod ko sa upuan at kinagat ang labi ko hanggang sa bumukas ang pintuan ng detention room.

Mas lalo kong kinagat ang labi ko ng makita ko ang pamilyar na mukhang iyon. Mahaba na ang buhok niya pero hindi mo maikakailang malakas pa rin ang dating niya, malalim ang kanyang eyebugs at mukhang matagal na simula ng magshave siya. He looked stress.

Sandaling nanlaki ang mata niya ng makita niya ako duon sa loob ng detention room, siguro hindi niya inaasahang magkikita kami rito. Gusto kong tumakbo palapit sa kanya at yakapin siya dahil miss na miss ko na siya pero hindi ko iyon magawa.

Pagkatapos ng ilang segundong pagtitig ay siya na ang unang nagiwas ng tingin sa akin. Halos mapasimangot ako dahil sa ginawa niyang pangdedeadma. Parang nuong nakaraan lang ay halos magmukha siyang stalker dahil sa pagsunod sa 'kin. Kung siguro ibang tao siya ay ni hindi ko siya pagaaksayahan ng panahon na tignan but he's not. He's my freaking bestfriend and I know no one can alter his part on my heart.

Duon siya sa dulong upuan ng row ko umupo. Malayo sa akin, parang sinasabing wala akong karapatan ng lapitan siya. Pakiramdam ko'y may tumusok sa puso ko dahil sa naisip ko. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at tumitig sa sapatos ko.

Maya-maya lang ay muling bumukas ang pintuan ng detention room at pumasok si Ms. Tan, ang guidance councilor ng cecilian. The whole time na nagsasalita siya sa harapan namin ay lumilipad ang utak ko sa kung saan. Iniisip kung anong dapat kong sabihin mamaya kay Lance, kung anong magigig reaksyon niya, kung gusto niya pa rin bang maging bestfriend ko pagkatapos ng lahat.

I just can't lose him like that.

Halos antukin lahat ng nasa detention room dahil sa mga pinagsasabi ni Ms. Tan sa amin. Narinig ko ang malakas na 'yes' ng ilan nang tuluyan niyang inannounce na pwede na kaming bumalik sa dorm namin.

Nakita ko ang pagtayo ni Lance sa upuan niya. Mabilis ang naging kilos ko, halos tumakbo ako palabas ng classroom ng mabilis siyang nakaalis duon. Shit! Bakit ba kasi mahaba ang legs ng isang 'yon.

I saw him walking fastly. I called his name pero hindi siya lumingon. Tumingin sa akin ang ibang mga estudyanteng nadadaanan ko but who cares about their stares. Mas lalo kong binilisan ang paglalakad hanggang sa lumiko si Lance palabas ng building. Halos hingalin ako dahil sa pagpapahabol na ginagawa niya sa akin.

I called him again but still he's not responding. Nakita kong pumasok siya sa loob ng dance department building at kahit na ayaw ko sa building na iyon ay wala akong nagawa kundi pumasok duon. Madilim sa lobby ng building na iyon at napahinto ako ng makita ko ang repleksiyon ko sa mga salamin na nanduon. Punong-puno ng salamin ang lobby ng building, and this is exactly the reason why I hate this building.

Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Magulo ang buhok ko, ni hindi ko napansin na basa na pala ang damit ko dahil sa pawis. Paulit-ulit na gumagalaw pataas at pababa ang dibdib ko dahil sa hingal ko.

Habang nakatitig ako sa salamin ay nakita ko ang lalaking kanina ko pa hinahabol. He's standing at my back pero sobrang layo niya sa akin. His deep eyes boared into mine.

"Lance" I murmured.

His face changed as soon as I called his name. He looked so damaged, he looked so hurt at wala akong magawa kundi ang masaktan rin dahil ako ang may kagagawan kung bakit niya iyon nararamdaman.

Lumakad siya papalapit sa akin hanggang sa makarating siya sa mismong likuran ko. Halos mawalan ako ng hininga ng yakapin niya ako mula sa likod. His face burried in my neck, and all I did is stood there watching him breaking apart.

I heard a muffled sound until it completely turned into a sob. Hindi ko mapigilan ang sarili ko at agad akong humarap sa kanya para bigyan siya ng mahigpit na yakap.

Damn! He's crying!

I just can't stand looking at him like this. I don't want to see him hurting, this is one of the reason why I avoided him these pasf few days because I don't want to see him hurting.

"I-I'm sorry Ferm. I-It's all my fault, I'm sorry for hurting you. For lying for so long, for hiding everything about you. Hate me, magalit ka sa akin. I-I deserve it" he said in agony habang umiiyak siya sa mga balikat ko.

Pakiramdam ko ay dinudurog ang puso ko dahil sa mga hikbi niya. Ipinikit ko ang mata ko at hinaplos ko ang likod niya. Just like what he's doing whenever I have a problem, whenever I need some comfort from a friend. For the past years ay ngayon ko lang narealize na all this time ay siya ang nagcocomfort sa akin, ni hindi ko matandaan na yinakap ko siya ng ganito, na binigyan ko siya ng words of encouragement. For all those years it's always me. I know how self-centered I am pero parang ngayon ay isinasampal iyon sa mukha ko.

"Sshh. It's alright Lance" alo ko sa kanya.

Naramdaman ko ang pagiling niya sa akin hanggang sa iangat niya ang ulo niya. He looked so wreck, dahan-dahan kong pinahid ang mga luha sa mata niya. I never see him vulnerable like this before. Even when he discovered Lanie's disease, I've never saw him cry like this and I don't know what should I feel because he's crying in front of me, he's crying because of me. I don't even know if I am worth his tears. Lance is such a good person and I know I am not that good enough for him.

"Stop crying, you're freaking me out"

Tumitig siya sa akin bago punasan ang mga natirang luha sa mata niya, pinagmasdan ko siya habang ginagawa niya iyon hanggang sa marinig ko ang mahina niyang tawa.

"You're really good at destroying everything. Even this moment"

Napangiti na rin ako dahil sa sinabi niya bago muling ilapit ang katawan ko sa kanya. I hugged him tightly, I smelled his cologne, unlike Clef who smelled like strawberry and mint. Lance smelled like a sunflower, a sunshine. I burried my head in his chest and I heard those palpipating sound of his heart.

"Ferm"

"I miss you, Lance" I felt him stiffened when I said those words. I closed my eyes and inhaled deeply, "Can you be my bestfriend again? Let's not fight again, I miss my brother so much"

Pakiramdam ko ay tumahimik ang buong paligid ng sinabi ko iyon. Parang huminto ang oras habang kinakabahan ang dibdib ko at nagaantay sa sagot niya. Kung sakaling hindi siya sumagot ay hindi ko na alam ang gagawin ko, siguro talagang ayaw na akong maging kaibigan kung saka-sakali.

Tinignan ko siya at pinagmasdan ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Kinagat ko ang labi ko hanggang sa makita ko ang ngiting sumilay sa mukha niya.

"You'll always be my bestfriend" he whispered, "I miss you more, Ferm"

Halos mapunit ang labi ko dahil sa pagngiti ng marinig ko iyon. Muli akong yumakap sa kanya ng mahigpit at ganuon rin siya sa akin. No more explanation needed, I know that he accepted me as a friend. No more than that and no less than that. Being with him like this is enough for me, basta alam ko'y nasa tabi ko siya ay wala na akong dapat pang isipin.

Simula palang naman una ay ako na talaga ang umiwas sa kanya. Maybe, Clef was right. He knew Lance would respect my decision because he's a true friend of mine. He won't force me to love him back. I should stop making it a big deal. I should stop over-reacting.

Nang parehas kaming nahimasmasan ay napagdesisyunan naming puntahan si Chriselle sa ballet room dahil siguradong wala pa siya sa dorm ng mga oras na iyon. Tahimik sa buong building dahil onting estudyante lang naman ang naliligaw dito pagkatapos ng klase. Pinagmamasdan ko lahat ng kwartong madaanan namin dahil ibang-iba talaga ang music building sa dance building.

"Sorry"

Napatingin ako kay Lance ng marinig ko iyon. Umangat ang kilay ko, "I should be the one who supposed to say that. I should be sorry for avoiding you these past few days, hindi ko kasi alam kung anong dapat kong sabihin sa 'yo" ani ko sabay iwas ng tingin sa kanya, "You know how hard it is for me to do things like this. I never experienced it before" paliwanag ko sa kanya.

"I know that, that's why I felt so sorry dahil ako ang may kasalanan kung bakit mo 'yan nararamdaman"

"I hurt you too" I said in a low voice, "And I felt so guilty over Lanie"

"Lanie?" naguguluhang tanong niya sa akin bago siya tumigil sa paglalakad. Tumigil rin ako sa paglalakad at pinagmasdan siya habang nakakunot ang noo niyang nakatingin sa akin.

I groaned dahil mukhang hindi niya pa nakuha ang sinabi ko, "Sorry. Ako pa ata ang dahilan kung bakit hindi mo matupad ang hiling ni Lanie na sumikat at makagraduate dito sa Cecilian"

Lalo siyang sumimangot dahil sa sinabi ko.

"Where did you get that?"

"Blaire told me that when I went to your room that night and you saw us.. " I didn't finished the words I'm supposed to say when I remembered what Blaire did that night to me.

Tumikhim si Lance sa harap ko at napahilamos siya sa mukha niya na parang may nagawa siyang pagkakamali sa akin. I bit my lips and erased those memories came flooding in my mind pero hindi ko pa rin iyon magawa dahil patuloy pa rin ang pagkagat ko sa aking labi na kulang nalang ay magdugo.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong braso, "I'm really sorry Ferm for what Blaire did to you. If you only knew how I beat him that night for doing that to you" halos nagmamakaawa niyang sabi sa akin.

Tumitig lang ako sa kanya nuong sinabi niya iyon. Hindi ko alam kung kaya ko bang patawarin si Blaire sa ngayon. Isa pa he should be the one apologizing, not his brother. Maybe I will forgive him but still everything's fresh to me hindi ko pa kaya sa ngayon.

"Isa pa you're not the reason why I still stay here in Cecilian" aniya.

I twitched my lips as I looked at him waiting for some explanation, "The reason why I'm still here is because of him. I can't just leave him here with his caste system. Sinisigurado ko lang na ligtas siya dito sa cecilian habang nandito siya. Iba ang likaw ng kaluluwa ng mga nasa dance department, one day they will be on your side the next day they'll be talking behind your back and worst they are planning something for you"

Halos hindi ko maintindihan ang sinabi niyang iyon, "You mean you delayed graduating because of him and not me?"

Tumango siya sa akin ng sunod-sunod. Oh shit! Blaire has some freaking issues, paano niya naisip na ako ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nandito pa rin sa cecilian si Lance ganuong siya naman pala ang totoong dahilan nuon.

"You should talk to him"

Huminga siya ng malalim at tumango, "I will. We really need to talk and don't feel guilty about Lanie. It's not your fault" anas niya.

Ngumiti lang ako sa kanya pagkatapos niyang sabihin iyon. Mabuti't nawala pa ang isa kong dinadala dahil sa sinabing iyon ni Lance at least ngayon alam ko ng hindi ako ang dahilan kung bakit hindi niya magawa ang hilingni Lanie sa kanya. I know Lance, he's a selfless guy. He would do everything for the one he love kaya nang malaman kong in love siya sa akin ay naniwala akong ako ang rason kung bakit hanggang ngayon ay nasa cecilian pa siya. But I should knew better that Lance is not dumb as that, it's still his family first than me.

Nasira ang pagiisip ko nuon nang may marinig kaming tili mula sa likuran ko and I know that voice.I inwardly groaned as I looked back and saw a brown headed girl running towards us. Her beaming smile is radiating like a sunshine kahit na sobrang gabi na ngayon. The next thing I know she almost jumped just

You are reading the story above: TeenFic.Net