♬ 18

Background color
Font
Font size
Line height

Eighteen

Blaire Esteban

I need to clear up my mind. I know something's going on with me or maybe I should say with my heart and I quitely don't like the discomfort it brings me. Binilisan ko pa ang pagtakbo ko paikot sa soccer field ng Cecilian dahil naalala ko nanaman iyong nangyari nuong linggo.

I can't breathe. Hindi naman talaga ako makahinga ng panahon na 'yon dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Pakiramdam ko ay nasusuffocate ako habang nilalanghap ang amoy mint at strawberry niyang hininga. Ilang beses ko ring pinagalitan ang sarili ko nuon dahil hinayaan ko siyang makalapit pagkatapos ko kasing sabihin na hindi ako makahinga ay nakita kong nakatayo sa likuran ni Clef si Searcy at alam kong masama ang tingin na pinupukol niya sa akin as if I am doing something that I should really feel guilty. I immediately pushed Clef away at simula nuon ay hindi ko na siya tinignan o nilapitan pa.

I ran another lap sa palibot ng soccer field at alam kong tagaktakan na ang pawis ko. Nakuntento lang ako sa pagjojogging ng marinig ko ang Angelus na palaging dinasal tuwing sasapit ang alas sais ng umaga.

Agad akong bumalik sa dorm para magpalit ng damit. Paglabas ko ng cr ay siya namang pagpasok ni Chriselle na namumugto pa ang maya sa pagtulog.

"You didn't woke me up" nakalabi niyang sabi sa akin bago pumasok ng tuluyan sa cr.

Hindi niya naman kasi sinabing magpapagising siya.

Inabala ko nalang ang sarili ko sa pagaayos ng sarili ko. May rehearsal ako ngayon kasama ang nasa dance department dahil ngayon namin prapractisin 'yung contemporary dance na iprepresent para sa annual music fest. At kamalas-malasan ay si Blaire pala ang isa sa mga sasayaw duon. Gusto ko sanang practisin ngayon 'yung kantang iduduet ni Hilton at Pia pero kapag hindi ako umattend sa practice kasama ang dance department siguradong magagalit nanaman sa 'kin si Giovanna.

Habang inaayos ko ang gamit ko sa loob ng bag ay lumabas si Chriselle sa banyo nang nakatapis lang ng towel ang katawan, "Sasabay kaba sa 'ming maglunch?"

I just shook my head.

"Come on. Three days ka ng hindi sumasabay sa paglulunch sa 'min ni Lance. Lance's getting worried"

"May gagawin ako mamaya" ani ko sabay zipper sa bag ko.

I looked back at her and saw his face getting so confuse, "Are you avoiding creole?"

Pakiramdam ko ay tumibok ng malakas ang dibdib ko dahil sa pagkakabanggit niya sa Creole.

Sumimangot agad ako at imbis na sagutin siya ay tumayo na ako at agad na nilagay ang bag ko sa aking balikat at nagsimulang maglakad palabas ng kwarto namin.

"May utang kapang kwento sa 'kin tungkol kay Clef! Isa pa palagi ka niyang hinahanap sa 'min!" agad ko ng isinara ang pintuan ng kwarto ng marinig ko iyon.

It's been three days na hindi ako sumasabay sa lunch nila. It's not because I am busy but because simula nuong monday ay kasabay nilang kumain sila Dwaine at ang buong creole. I don't know how did it happened pero pagpasok ko sa cafeteria nuong monday ay nakita kong magkakasama sila sa upuan kung saan lagi kaming kumakain kaya imbis na dumiretso ako duon ay bumalik nalang ako sa dorm para duon kumain.

Maybe Chriselle was right. I might be avoiding creole not because they are annoying like I always thought about but because of Clef. His mere presence is making me feel so uncomfortable. Ayokong dumidikit siya sa akin dito sa Cecilian lalo pa't nandito lang si Searcy sa school at siguradong nagmamatyag. Ayokong may isiping iba ang mga nakapalibot sa amin. That's the most stupid idea if ever.

Imbis na sa building nang music department ako magpunta ay duon ako dumiretso sa building ng dance department. Umakyat ako hanggang sa matagpuan ko ang zigzag theater kung saan kami magprapractice nila Blaire. Pagdating ko duon ay nakita ko ang mga dancers na nagstre-stretching. Agad akong tinitigan ni Blaire at hindi ako nakaligtas sa mala-lion niyang mata. Simula nuong nangyari sa amin sa cafeteria ay palagi ko na siyang nahuhuling nakatitig sa akin, minsan masama minsan naman eh parang tinitignan lang talaga ako. I don't know what's on his mind and I don't have intentions to know it.

Imbis na siya ang pukulan ko ng tingin ay ang babaeng katabi niya ang tinignan ko. The girl with short black hair shyly smiled at me and I just nodded at her. She looks fragile and well.. weak. I wonder kung kaya niya ba talagang sumayaw. Siya lang ang babae sa lahat ng mga dancers na nandito.

Lumapit ako sa kanila at isa-isa silang nagpakilala sa akin maliban kay Blaire na patuloy pa rin sa pagstrestretching. Ivory ang pangalan nuong babae at siya 'yung magiging lead sa contemporary dance na ito kasama si Blaire.

Nang napagdesisyunan na naming magsimula ay pumwesto na ako sa harap ng piano na nasa stage at inilabas ang music score galing sa bag ko. I started to pushed my fingers on the piano key and I heard those beautiful note flying over the zigzag theater. I played the song just the way they like it and all I can do is be amaze on how they can dance well. It's true, they are all talented hindi naman ako bulag para hindi iyon mapansin at hindi ako tanga para hindi iyon aminin.

Every movements of their body is pointed, everything is flowing like a river, everything is graceful.

But everyone isn't perfect. Napatigil ako sa pagtugtog ng marinig ko ang isang lagabog. My eyes instantly scanned all of them para mahanap kung sino ang nahulog and I found Blaire and Ivory.

"How many times do I have to tell you to jump before I lift you! Can't you make it look so naturally!?" asik ni Blaire sa nakaupong si Ivory.

Pinagmasdan ko ang paa ni Ivory at duon ko lang napansin na namamaga iyon. Hindi ko alam kung ngayon lang iyon namaga ng ganun o matagal na 'yong namamaga but I think it's the latter dahil sa bendang nakapulupot duon na natanggal siguro dahil sa pagbagsak nila.

Tumayo si Blaire habang nasa bewang niya ang dalawa niyang kamay at tsaka ako binalingan habang nakasimangot, "Can we repeat it all over again?"

Itinaas ko lang ang balikat ko at tumango.

Binalingan niya 'yung mga kasamahan niya sa pagsasayaw at sumigaw ito sa kanila, "Again!"

Para silang natauhan duon sigaw niya kaya't nagsitayuan ang mga ito at bumalik sa una nilang posisyon. Pinagmasdan ko si Ivory na mabilis na tinatali ang benda sa kanyang paa. Imbis na magsimula agad ako sa pagtugtog ay inintay ko muna siyang matapos sa ginagawa niya.

She looked at me apologetically but I just ignored her and begun playing Say Something at tulad kanina ay ginawa nila ang routine nilang alam kong matagal na nilang prinactice pero sa kalagitnaan ng kanta ay palaging may nagkakamali sa kanila. It was not all because of Ivory, may iba din kasing nagkakamali pero si Ivory ang palaging napapagalitan ni Blaire dahil siya ang lead ng sayaw at siya ang pinakaimportanteng gaganap sa performance nito. I felt bad for her dahil palagi siyang sinisigawan ni Blaire pero hindi ko magawang mangialam dahil ang papel ko lang naman dito ay tugtugan sila.

Napapagod na rin ang mga kamay ko dahil sa paulit-ulit na pagtugtog. I was watching them as Ivory ran through Blaire, hinawakan agad ni Blaire ang bewang nito and Ivory jump which made Blaire stepped back and lose all his balance. I heard groans and sighed all over the places.

I stopped playing the piano at tinignan ko lamang sila duon. Pinalibutan sila ng mga kasama nila sa pagsasayaw pero ako'y nanatili lang nakaupo sa harap ng piano. I saw how everyone helped Blaire and ignored Ivory na parang nasaktan sa pagkakahulog nila.

Umalingawngaw ang boses ni Blaire kasabay ang paghagis niya ng towel sa mukha ni Ivory, "Break!" aniya at nagwalk-out siya sa aming lahat.

Umiling-iling ang mga kasamahan ni Ivory at umalis din sila katulad ng ginawa ni Blaire. Tumaas ang kilay ko dahil sa eksenang ginawa nila. Naiwan si Ivory sa gitna ng stage habang hawak-hawak ang nasaktan niyang paa. She reminds me of Chriselle when Chriselle failed to pass the audition. I know she felt so hurt that time emotionally and physically at alam ko ring ganuon ang nararamdaman ni Ivory ngayon.

Those bastards. What they think they are doing? Ivory's the only girl in their group. I know I'm rude and prank to the point that I always hurt people pero hindi ako katulad nilang parang walang puso na hindi tutulong kapag nakita nilang may nasaktan physically. At least they should know the word being gentle.

Kinuha ko sa aking bag ang tumbler kong may laman ng tubig na malamig at tumayo papalapit kay Ivory. I handed her my water, she just looked up on me and I saw those teary eyed of her. Gusto kong sumimangot dahil ayokong nakakakita ng ganuong expression pero alam kong hindi iyon makakatulong sa nararamdaman niya kaya inilapat ko sa pisngi niya 'yung tumbler ko.

"Don't listen to that fuck-ass"

Bahagyang nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ko, "He's Blaire Esteban" aniya na parang hindi siya makapaniwala.

"So? That doesn't mean he has the right to shout on your face. He's just Blaire Esteban" I said emphasizing his surname.

He's just an Esteban and every Esteban I know doesn't have those beast attitude. They are all kind tulad ni Lanie, Lance at ang mga magulang nila. Si Blaire lang ang naiba dahil mas magaspang pa ata ang ugali niya sa akin. Kung anong ikinabait ni Lance ay siya namang kinabastos ng ugali ni Blaire. Siguro kaya rin siya naging popular sa buong Cecilian ay dahil sa ugaling iyon pero hindi ibig sabihin nuon ay may karapatan na siyang magmataas. We're still studying ni wala pa siyang naabot at napapatunayan.

Ivory gave me a small smile at tsaka kinuha ang tubig na inabot ko sa kanya. Narinig ko ang mahina niyang tawa pagkatapos niyang uminom ng tubig, "Ikaw nga pala si Fermatta Rivera" aniya na nakapagpataas ng kilay ko, "Ikaw 'yung babaeng may lakas ng loob ng talikuran si Blaire. Nagulat talaga ako nung iniwanan mo siya sa cafeteria nuong natapon 'yung pagkain mo. Marami talagang humanga sa 'yo nun"

Napangiwi nalang ako dahil sa sinabi niya, "I don't want attention kaya iniwan ko nalang siya duon"

"But because of that you got all our attention" she said as if it's one heroic move.

Huminga nalang ako ng malalim at tinulungan siya sa pagtayo, "Is your foot okay?"

"Medyo masakit lang. Palagi kasi kaming nagprapractice nitong nakaraang araw. Siguro kailangan lang ng pahinga para mawala 'yung pamamaga"

I nodded at her. We waited all of them to come back pero walang traces na babalik pa ang ibang kasamahan ni Ivory sa zigzag theater kaya minabuti nalang naming umalis nalang duon. I bet they are all pissed and I am also pissed towards them.

Sinamahan ko nalang si Ivory sa clinic para magamot ang paa niya. Ivory is quite talkative kaya kahit na hindi ako umiimik ay nagkwekwento siya.

"Ganuon talaga sa dance department the popular will get all the attention and the weaklings are the target of discrimination and bullying" aniya sa malungkot na tono.

Tulad ko ay first timer niya ring nagaudition para sa annual music fest at tulad ko ay swinerte rin siyang makapasok sa annual fest pero hindi ibig sabihin nuon ay mawawala na siya sa mga hot list ng mga nabubully sa department nila.

"Hanggang nanduon si Blaire hindi mawawala ang caste system sa department namin. He made it and he's the only one who can break it"

I didn't know that this caste system is existing in dance department. Palibhasa ay wala akong pakialam sa paligid ko kaya pati ang impormasyong iyon ay ngayon ko lang nalaman. She also told me na uso sa department nila ang dayaan. During practical test or exhibition examination kung saan kailangan nilang sumayaw ng solo. The higher rank always sabotage the lower rank like destroying their costumes or tapes and cds they'll be using. Dumating pa sa point na binalian ng kamay ng isang nasa higher rank and nasa lower rank para hindi ito makapagperform.

"Dance department is like a jungle. Full of wild animals who can eat you alive and you don't have any option but to fight and survive" aniya nang naglalakad na kami papunta sa cafeteria para kumain nilagyan lang kasi ni Ms. Marie ng panibagong benda ang paa niya at binigyan lang siya ng gamot sa pamamaga. 

"Do the teachers know all of these?"

Her lips twitch and she gave me an unsure smile, "I don't know. Maybe they noticed pero hindi naman sila gumagawa ng action dahil wala naman talagang nahuhuli sa akto"

I felt worried over Lance and Chriselle. Is this the reason kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa grumagraduate si Lance? Is it because others are also bullying him in his department? Pero matataas ang grades niya lalo kapag actual examination na ibig sabihin ay walang sumasabotahe sa kanya.

I bit my lips, "Do you know Lance?" bigla kong tanong nakalagpas na kami sa music building at malapit na kami sa cafeteria. Nakikita ko ring pinagmamasdan na kami ng mga estudyanteng nadadaanan namin.

Agad siyang tumingin sa akin, "Who wouldn't know him? Si Lance lang ang nakakasuway kay Blaire kapag sumusobra na 'to sa ginagawa niya pero minsan lang naman mangyari 'yun"

"Nabubully din ba siya tulad ng iba?"

"Of course not!" aniya habang umiiling, "He's Blaire's brother kaya walang nakakagalaw sa kanya pati duon sa kaibigan ni Lance na si Chriselle. They are both lucky because they are both connected to Blaire. Kahit na hindi sabihin ni Blaire na huwag galawin ang dalawang 'yun eh understood na agad iyon ng mga alipores niya"

Nakahinga ako ng maluwag nang sabihin iyon ni Ivory. Siguro kaya hindi rin nila nababanggit sa akin ang ganitong sistema sa dance department ay never naman nilang naencounter ang mga iyon. They have this so called protection of being connected to Blaire. Mabuti't walang ganito sa music department, may mga sikat sa department namin like Searcy and the others pero hindi sila iyong tipong gagawa ng bagay na ikakababa ng ibang tao. They are fair unlike Blaire and the rest of the gang. Why they are all tolerating these?

Hindi ko alam kung matutuwa ako kay Blaire o hindi dahil sa mga narinig ko kay Ivory. He's a complete fucktard and he's such a baby for doing that. Sino bang nasa matinong pagiisip ang papasimunan iyon? Ano bang tingin niya? Siya na ang pinakamagaling sa lahat? Kung alam ko lang ang lahat ng ito nuon palang na natapon ang pagkain ko sa cafeteria ay baka sinadya ko pang itapon sa mukha niya ang pagkain.

Nang makarating kami sa cafeteria ay marami ng tao duon. Pumila agad kami para makakuha ng pagkain. We both searched for our seat ng matamaan ko ang pwesto namin dating okupado na nila Lance at Chriselle kasama ang buong Creole. Napasimangot agad ako dahil nakalimutan kong nandito nga rin pala sila. Tatalikod na sana ako nang inangat ni Hilton ang ulo niya. Bahagyang nanlaki ang mata niya at lumawak ang ngiti sa labi niya.

"Fermatta!" sigaw niya na halos magtinginan ang lahat ng tao sa akin.

Napangiwi ako dahil sa lakas ng boses niya. Kinalabit ako ni Ivory na mukhang hindi siya makapaniwalang si Hilton ang tumatawag sa akin.

"Ferm tinatawag ka nung vocalist ng creole" bulong ni Ivory sa 'kin pero ang mga mata niya'y nakaglue pa rin kay Hilton.

"He's not calling me" I said coldly habang naghahanap ng ibang upuang pwedeng maupuan. 'Yung malayo sa kanila. Nang makakita ako ng upuan ay agad ko siyang hinila ruon at hindi na lumingon pa sa lamesa kung nasaan sila Hilton. Agad kong sinimulan ang pagkain ko nang makaupo kami. I know Ivory is looking at me pero hindi ko nalang siya pinansin. Wala naman kasi akong obligasyon magpaliwanag kung bakit dineadma ko kanina sila Hilton.

Matatapos na sana kami sa pagkain ng biglang may humampas sa lamesa namin. Halos masaboy sa mukha ko ang pagkaing isusubo ko dapat dahil sa sobrang pagkagulat. Pakiramdam ko ay kumulo ang lahat ng dugong nasa katawan ko. I heard a lot of gasped from every student inside the cafeteria and darn it. My lunch just ruined! Tumingala agad ako para makita kung sinong pangahas iyong nangistorbo sa pagkain namin and there we saw Blaire with his lion eyes. His nose is flaring and his jaws are clenching.

Pakiramdam ko ay mas lalong kumulo ang dugo ko dahil nasa harapan ko ang isang 'to.

"We are waiting for the both of you for two hours! Ngayon makikita ko lang kayo ditong kumakain sa cafeteria?" he shouted loud and clear at alam kong narinig iyon ng buong estudyante sa loob ng cafeteria.

Narinig ko ang bulungan ng mga nasa paligid dahil sa sigaw ni Blaire sa amin. Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Who fucking leave us in the first place? I was about to slap his face with my words ng biglang tumayo si Ivory sa kanyang inuupuan. Nanginginig ang kanyang kamay ng hawakan niya ang dibdib ni Blaire para ilayo siya sa akin, maging ang labi niya ay nanginginig din dahil sa nerbiyos.

"U-uh ano Blaire. S-sorry ako kasi 'yung nagyaya kay Ferm dito. A-akala kasi namin h-hindi.. " Ivory didn't had the chance to finished what she's about to say because Blaire shoved her hands hardly and that made her fall to the floor. 

Tumama ang paa ni Ivory sa paa ng isang lamesa sa tabi namin and I heard her groaned in pain. Nanlaki ang mga mata ko at napatayo na ako dahil sa nakita kong pagkahulog ni Ivory sa sahig. I heard everyone talking na parang kahit sila ay natataranta dahil sa eksenang binibigay namin but I do not really care about it. What's on my mind right now is Blaire and his rudeness! 

Binalingan ko si Blaire ng tingin at nakataas lang ang kanyang kilay sa akin na parang wala siyang ginawang masama kay Ivory. Complete asshole! A heartless one, "Say sorry!" I hissed at him pero imbis na pakinggan niya ako ay mas lalong tumaas ang kilay niya sa akin. Those expression like he's innocent with all of these.

"Why should I say sorry?" he said mocking before taking his steps towards me. Nang makalapit siya sa akin ay nakipagsukatan siya sa 'kin ng tingin, "Is it my fault that she's too weak? Did I told her to touch me? Isa pa diba kayo ang may kasalanan sa 'min? You ditched our practice! If you wanted to messed up during annual fest huwag niyo kaming idamay" he said accusingly.

"We're not ditching your little practice asshole. You're the one who left us first!" I said with gritted teeth.

Mas lalong nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ko, "Don't asshole me brat! Hindi por que anak ka ni Elizabeth may karapatan ka ng kausapin ako ng ganyan!"

"And you don't have the right to brag my mother in here!" I said as I lifted my arms and punch his face with my bare fist. Parang natahimik ang buong paligid ng ginawa ko 'yun. I felt those loud thumping inside my heart not because I am nervous but because I am raging. I am mad. No! This is beyond being mad! I hate this fucking asshole in front of me and I really hate that he pushed all the buttons left for me.

I saw him held his cheeks and he glared at me but I just give him those fiery eyes, "I hate your guts!" he said looking at me with spite.

"The feeling's mutual Esteban" I said before shoving him aside at tulungan si Ivory na nanlalaki pa rin ang mata sa ginawa ko. Inakay ko siya papatayo habang nakasimangot ako. Kung hindi pa ako aalis dito ay baka kung ano lang magawa ko kay Blaire. His caste system is just nothing just like his mere existence in Cecilian. He's a childish brainless guy na palaging gustong isampal sa iba ang pagkakaiba niya sa kanila. He's pathetic. 

Halos lahat ng estudyante duon ay nakatingin sa amin ni Ivory habang naglalakad kami palabas ng cafeteria. Yea, tignan niyo lang kami hanggang kailan niyo gusto. Malapit na

You are reading the story above: TeenFic.Net